“Ano ka ba, Dencio!” napalakas ang boses ni Nanay Ising sa pagsaway kay Tatay Dencio. “Hindi mo ba alam na ikakasal na si Liam?” Biglang napatitig si Tatay Dencio sa kanya na parang naguguluhan. “Iho, pagpasensyahan mo na ang Tatay Dencio mo. Wala siyang cellphone kaya hindi niya alam ang mga nangyayari. Hindi niya alam na ikakasal ka na. Pero ‘wag kang mag-alala, kahit ikasal ka na sa iba ay pwede ka pa ding bumalik dito, ha. Anak ka pa din namin kaya ‘wag mong isipin na dahil lang sa hindi kayo nagkatuluyan ni Almira ay mag-iiba na ang turing namin sa’yo.” “P-pasensya ka na, iho… hindi ko alam.” “Wala po ‘yun, Tay…” “Bakit ka nga ba ikakasal sa iba?” Hindi na napigilang magtanong ng Tatay ni Almira. “Nabuntis ko po siya, Tay,” mahinang sabi niya. Ayaw sana niyang pag-usapan si Celeste pero he thinks na deserve ng mga magulang ni Almira na malaman ang totoo. Itinuturing siya ng mga itong anak at tinuturing niya din ang mga itong mga magulang. “Ganun ba… hindi na pala kita ma
"Hindi pwedeng si Thomas yun, Karryll! Wala na sya at hindi na siya babalik!" Pero siya mismo ay hindi kumbinsido sa sinasabi niya. Alam niyang malaking gulo sakaling si Thomas ang nanggugulo sa kanya. Malalaman ni Liam ang kasinungalingan niya at hindi pwede iyon! "Celeste... are you still there?" "O-oo, andito pa ako." Natigil ang pag-uusap nila nang muling pumasok si Liam sa kanyang kwarto. Nagulat siya dahil hindi man lang ito kumatok. "M-may kailangan ka?" tanong nito. "Sino ang kausap mo sa telepono?" "Ah, si Karrylle lang, nangangamusta." Tumango si Liam. "Kelan nga pala ang schedule ng check-up mo sa doctor para masamahan kita?" "Ah eh, wag na. Ako na lang, kasama ko naman si Karrylle." "Kailangan ko malaman ang kalagayan ng bata at kung... at kung..." "At kung ano, Liam? Kung sayo nga ba ang bata? Hindi ka ba naaawa sa anak mo? Hindi pa man siya nakalabas ay pinagdududahan mo na?" galit na sabi nya Tumahimik si Liam pero mukhang hindi ito padadaig sa kanya. "Ma
CELESTE POV:Kasalukuyan siyang nasa guest room sa bahay ni Liam. Bababa sana siya pero agad siyang pinabalik ni Liam dahil dumating si Elijah. Mukhang ayaw nitong makita ng iba na doon na siya nakatira.Lihim siyang napangisi. Wala nang magagawa si Elijah dahil andoon na siya. Alam niyang hindi boto si Elijah sa kanya para kay Liam.Pero wala siyang pakialam kay Elijah. Ang focus niya ay kay Liam. As long as okay si Liam sa kanya ay wala siyang dapat problemahin.Dapat ay magsaya siya dahil pinalipat siya ng bahay ni Liam doon, pero hindi maiwawala sa isip niya kung sino ang nambato sa bahay niya. Alam niya sa sarili na hindi iyon trip lang. Wala naman siyang ibang kaaway kundi si Karryle.Pero hindi niya lubos maisip na kayang gawin iyon ni Karryle sa kanya. Kahit pa hindi sila nagkakaunawaan ay hindi niya nakikitang gagawan siya nito ng masama.Pero habang napapaisip siya ay unti-unti siyang napangisi… ano pa ang nirereklamo niya, nang dahil sa aksidenteng iyon ay dinala siya ni Li
Habang nag-uusap sila ay nagulat na lang siya nang isang malaking bato ang dumapo sa glass window ni Celeste at nabasag iyon.“Fuck! Ano yun?” sigaw niya saka hinawakan si Celeste para ikubli sa lamesa. “Wag kang umalis d’yan. Titingnan ko kung sino ang nambato.”Agad-agad siyang lumabas pero hindi na niya naabutan dahil mabilis na umalis ang motor at naka-helmet kaya hindi niya nakilala ang lalaki. Bumalik siya sa loob ng bahay para tingnan si Celeste.“Hey, are you okay?” Inalalayan niya itong makatayo. Mabuti na lang at walang tinamaan sa kanilang dalawa.“Ano yun, Liam? Bakit may nambabato? Huhuhu…” Natakot si Celeste sa nangyari.“I don’t know… may kalaban ka ba o kaaway na babatuhin ang bahay mo?”“W-wala naman. Wala ako maisip… baka napagtripan lang nilang batuhin ang bahay ko.”“Pero hindi pwede ‘yang mababato ka na lang ng walang dahilan. Ang mabuti pa ay sa akin ka na muna titira. Delikado ‘yang mag-isa ka lang dito tapos may ganitong mga nangyayari.”“S-sigurado ka?”“Anak
LIAM'S POV:Kasalukuyan siyang nasa kanyang opisina ngayon. Pero hindi siya makapagtrabaho ng maayos dahil magulo pa din ang isip niya. Kailangan niyang matapos na ang lahat ng ito. Kakausapin niya si Celeste at makikipag-compromise. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya ito makakausap.Sasabihin niyang hindi nila kailangan magpakasal dahil lang sa ipinagbubuntis nito. Hindi niya mahal ang dalaga. Aakuin at susuportahan niya ang bata pero hanggang doon lang.Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang dating kasintahan.“Hello, Liam? Napatawag ka?” Napakunot ang kanyang noo dahil mabait si Celeste ngayon. Hindi ito nang-uuyam sa kanya.“We need to talk.”“Sige. Andito lang ako sa bahay. Dito ka na din mag-lunch. Ipaghahanda kita ng paborito mo.”Hindi niya iyon pinansin dahil ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang sinabi nito. Pinatay niya ang telepono at tumayo na sa kanyang office chair. Pupunta siya kay Celeste.Pagdating sa bahay ng dalaga ay nagulat siya dahil maayos ang bahay n
CELESTE POV:Napangisi siya habang nasa kanyang garden at nakatingin sa lahat ng mga kalat mula sa birthday party niya na ginanap kagabi lang. Dito niya in-announce ang kanyang ipinagbubuntis at ang nalalapit nilang kasal ni Liam. Napakasaya niya, dahil paniwalang-paniwala ang lahat sa kanyang drama."Nabilog ko ang ulo ni Liam. Sinabi ko na ide-delete ko ang mga pictures kung a-attend siya ng birthday ko. Ano ako hunghang? Hahaha! Bakit ko ide-delete eh iyon nga ang alas na hawak ko sa kanya? Hahaha!" Parang siyang baliw na tumatawa mag-isa doon.Muli siyang humigop ng kanyang kape. Walang makakapigil sa kanya. Hindi siya pwedeng mapahiya. Kailangan matuloy ang kanilang kasal ni Liam bago pa nito malaman na hindi talaga ito ang ama ng ipinagbubuntis niya.Maya-maya ay nakita niyang lumabas mula sa kanilang bahay ang kanyang bestfriend na si Karryle. Doon ito natulog kagabi dahil hindi na nito kayang mag-drive pauwi. May dala din itong mug ng kape.“Sis… I should say, bilib ako sa gin