Share

CHAPTER 654

Penulis: dyowanabi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-22 23:51:32

“Sige po, Mr. Li.. darating po kami ni Nova. I have to go. Baka nakakaistorbo na po ako.”

Tumalikod na siya at bumalik sa pinto saka lumabas. Laglag ang balikat niyang lalabas sa penthouse ni Paulette. Pero nagulat siya nang paglabas niya ay andoon si Atty. Chan at mukhang inaabangan talaga ang paglabas niya.

“What are you up to, Mayor Elijah?” Diretsahang tanong nito sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kilay. “What do you mean?”

“Akala mo ba mapapaniwala mo akong chine-check mo lang si Paulette kaya ka pumunta dito? Aminin mo.. you’re hitting on her?”

Hindi pa man siya nakasagot ay muli itong nagsalita. “Oo nga naman... kahit nobya mo na si Nova ay ano nga naman ang panama ni Nova kay Paulette di ba? Kapag si Paulette ang nobya mo ay tiba-tiba ka.. isa ka din ba sa mga gold digger na gustong makuha si Paulette?”

Kumunot ang kanyang noo. “Hindi ako gold digger at kung liligawan ko man siya, ano naman sa’yo? Wala naman kayong relasyon di ba?” diretsahan ding sabi niya.

Nakita niyang tumigas
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (11)
goodnovel comment avatar
HYJ
update po ms a
goodnovel comment avatar
Anna Liza
ayoko naaaaa.........
goodnovel comment avatar
Rena Reyes
ang iksi nang update
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 702

    Ilang sandali pa’y napatingin siya sa relo. Mag-aalas-dos na. Unti-unti nang nagpaalam sina Liam, Hunter, at Caleb dahil may kanya-kanya rin silang aasikasuhin. Naiwan siyang mag-isa sa opisina, at doon mas lalong bumigat ang kanyang dibdib.Umupo siya sa swivel chair at napasandal, nakatitig sa kisame. Pilit niyang inaayos sa isip ang mga dapat gawin ang mga papel na kailangang pirmahan, ang mga meeting na dapat paghandaan. Pero paulit-ulit na bumabalik sa isip niya si Lilac.Hindi niya alam kung awa ba o konsensya ang nagtutulak sa kanya para mag-alala. Maliwanag naman sa kanya na tapos na sila... Matagal na. May Paulette na sa buhay niya, ang babaeng nagkokompleto ngayon sa buhay nya... Isang babaeng pinili niyang mahalin.Pero bakit naapektuhan pa din siya ni Lilac?Muling nag-vibrate ang cellphone niya. Napapitlag siya, mabilis itong kinuha, pero hindi na message ang bumungad... missed call, mula kay Lilac.Napapikit siya sandali, nag-iisip kung sasagutin o babalewalain ang tawag

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 701

    "It’s not about money… it’s about security. Paulit-ulit kong pinapaalala sa inyo ang karanasan ni Elijah kung bakit ko siya pinaprotektahan. Ayaw kong makita ang anak ko na muling malugmok dahil sa pagmamahal sa maling babae. Alam n’yo kung paano siya magpakabaliw... halos ibigay niya ang kanyang buhay sa babae. At nakita ko na naman kung paano niya kabaliwan si Paulette. I thought isa na naman si Paulette sa mga maling desisyon na ginagawa niya sa kanyang buhay, but I was wrong… and I admit it. Ngayong nakikita kong mahal din siya ni Paulette ay okay na ako... ’yan lang naman ang hinihiling ko, na mahalin si Elijah ng napili niyang mamahalin, at hindi kung ano lang ang puwedeng makuha niya sa anak ko."“Tama, Tito. Tama ka diyan.” tumango si Liam, Hunter at Caleb bilang pag sang-ayon. Namasa naman ang kanyang mga mata habang nakikinig sa ama. Ramdam niya ang pagmamahal nito. Ang akala niya’y naging matapobre ito kay Paulette, at nagkamali siya. Pinoprotektahan lang pala siya ng ama.

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 700

    Agad niyang binawi ang kamay at tumingin sa malayo. “Umalis ka na, Lilac. Pumunta ka na sa Manila, sa condo ko. Doon ka magtago. May mga pagkain na doon, magpapadala na lang ako ng grocery kung kailangan mo. Huwag kang lalabas para hindi ka makita. Siguro namang hindi maiisip ng dati mong asawa na hanapin ka doon.”“Salamat, Elijah. Napakabuti mo. Nagsisisi ako na ipinagpalit kita kay William. Masyado akong nag-asam ng sobra. Siguro dahil pinanganak akong mahirap, ang nasa isip ko noon ay opportunity. Kapag magpapakasal ako kay William ay magiging green card holder ako at makakatulong pa nang mas malaki sa aking pamilya dito sa Pilipinas. Hindi ko inisip ang damdamin mo... na ikaw ang nagdala sa akin doon sa America para pag-aralin ako.... Sarili ko lang ang iniisip ko.”“Stop it, Lilac!” putol niya sa iba pang sasabihin ni Lilac. “Nakaraan na ’yon. Katulad ng sinabi ko kanina, iba na ang buhay ko ngayon. Huwag mo nang ibalik ang nakalipas.”“M-mayroon ka na bang ibang mahal?”“Wala k

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 699

    Pagkatapos nilang mag-usap ay bumalik siya sa mga kaibigan. “O ayan ha, pasok na kayong lahat.”“Salamat talaga, bro… salamat din kay Paulette.”“O ngayon, halos lumuhod kayo kay Paulette? Dati ayaw n’yo sa kanya!” pangongonsensya nya sa mga ito“Of course not! Hindi naman namin sinabi na ayaw namin sa kanya.”“Huuu. Tama ka na, Caleb, magsisinungaling ka pa!” supalpal ni LiamTawanan nang tawanan lang silang magkakaibigan. Na-miss niya ang mga pagkakataong tulad nito, na parang mga bata lang sila ulit... puro asaran.Hindi nagtagal ay nag-ring na naman ang cellphone niya.“Si Paulette na naman ba ’yan, bro? Mukhang miss na miss nyo agad ang isa't isa… bakit hindi ka na lang bumalik doon kaya?" turan ni Hunter"Baka naman nag-iwan si Elijah ng bakas na hinahanap-hanap ngayon ni Paulette kaya panay ang tawag?" kantiyaw ni Caleb. Muli na namang nagtawanan ang lahat. Alam nya kung ano ang ibig nitong sabihin. Namula ang kanyang mukha dahil guilty sya.Pangiti-ngiti nyang kunuha ang cellp

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 698

    “YES!” sigaw ni Liam nang mapatay na ang telepono.Agad itong lumapit sa kanya at niyakap siya. “Thank you, ’cuz. Sobrang saya ko dahil nakapasok ako sa kumpanya ni Mr. Li. Alam mo bang inggit na inggit ako sa’yo? Inisip ko sana ako rin, kasi malaki ang sweldo at isa iyon sa pinakamalalaking kumpanya sa buong mundo. Pwede nating ipagsama ang pag-serve sa ating ciudad at pagtatrabaho sa Elise Corporation dahil iisa lang ang layunin... ang pagtulong sa mga Pilipino.”“Tama ka diyan, pinsan. Kaya sobrang saya ko din noon ng ipasok ako ni Nova sa Elise Corporation, at ito pa ang naging tulay na muli kaming magkita ni Paulette.“Yeah, right! The love of your life,” kantiyaw ni Liam sa kanya.“Shut up, ’cuz! baka gusto mong babawiin ko ang sinabi ko kay Mr. Li na magaling ka?” birong panakot niya“Hahaha, wala nang bawian. Na-interview na ako ni Mr. Li over the phone!”Natatawa na lang siya sa pinsan. He is happy for his cousin too.“Anong kaguluhan ’to?” Napatingin sila sa pinto nang pumas

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 697

    Kinabukasan ay nag-report na siya sa munisipyo. Agad siyang sinalubong ng kanyang mga staff at sabay-sabay na humingi ng pasalubong. Hindi naman siya nakakalimot magdala para sa mga ito. Kahit maliliit na bagay ay na-a-appreciate nila, basta galing sa kanya.“Good morning, Sir. Kumusta po ang pagpunta ninyo sa China?” tanong ng kanyang sekretarya na si Hanna nang salubungin siya nito.“Great, Hanna,” nakangiting sagot niya. May nakahanda na ring kape sa kanyang mesa.Napatingin siya sa kanyang desk. Tambak na naman ang mga papeles. Iyon talaga ang ayaw niya tuwing matagal siyang nawawala... naiipon ang trabaho. Mabuti na lang at pirma na lang nya ang kailangan sa mga yun dahil inayos na iyon ni Liam.Sandali muna siyang umupo at nagpahinga. Habang inuubos ang kape ay kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Paulette. Bumalik na naman sila sa long-distance relationship, parang noong nagsisimula pa lang ang relasyon nila. Nasa Manila si Paulette habang siya naman ay nasa Quezon

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status