Share

CHAPTER 1: What a poor life

"LIBRA, iwasan ang magbigay ng masamang komento upang walang makasagupa at makaaway. Mas higit na dapat pag ukulan ang paligid upang makaiwas sa anumang sakuna ngunit maging maswerte ang araw na ito dahil makakatagpo mo ang lalaking magmamahal sayo ng tunay. Bagay na maging matahimik ngayon dahil kung magsalita may masamang mangyayari maswerteng kulay itim, pula, berde asul, maswerteng numero 12...

Marahas na ibinaba ni Aula ang hawak na dyaryo matapos mabasa ang horoscope niya. Mahilig kasing magbasa ng dyaryo ang tatay niya kaya may kung anong nagtulak na tignan iyon at saktong natapat sa kanya ang Horoscope Daily.

"Grabe naman 'yan ! Kung anu-ano pinagsasabi, hindi ako naniniwala diyan noh! " sabay ikot ng eyeballs niya. Bakit naman siya magpapaniwala sa mga ganyang sabi-sabi nagmumukha lang siyang tanga as if never! Dahil naniniwala siya na ang tao mismo ang gumagawa o kumokontrol ng tadhana nila at hindi sa kung anong sabi-sabi diyan.

"Aula! Mag kilos-kilos ka na diyan at nang maaga kang maka-pwesto sa palengke mamaya niyan masapawan ka, kilala mo naman si Tinay yong palengkerang 'yon akala mo naman sa kanya ang palengke ni hindi nga nagbabayad ng renta 'yon! Pasalamat siya sa anak niya! Akala mo naman sobrang yaman pumapatol lang naman sa bombay kaya nalilibre!" arangkada agad ng inay niya.

Araw ng lunes, iyon ang araw na marami ang benta. Ang palengke na yata ang pangalawa niyang tahanan. Halos araw-araw siyang naglalagi roon dahil iyon ang ikinabubuhay nila.

Ang tatay niya magsasaka samantalang ang kanyang ina ay simpleng maybahay lang. Hindi naman sila kasing hirap ng daga. Wow! Gaano ba kahirap ang daga? Ah basta 'yun na 'yon !

Kumakain naman sila ng tatlong beses sa isang araw at masaya na sila sa ganoon. Pero syempre may pangarap din siya para sa kanyang mga magulang; ang maiahon ang mga ito sa hirap.

Napaka-sipag ng kanyang tatay Lucas, dahil wala itong reklamo kahit araw-araw ito sa bukid kaya ang swerte niya kasi ito ang naging tatay niya.

Samantalang ang kanyang nanay ay ewan basta, napakabungangera niya kahit umagang-umaga napaka-ingay ng bunganga! Wala talaga siyang binatbat sa nanay niya!

"Opo 'nay tatapusin ko lang 'tong kinakain ko" sabay higop ng kape at muling sumubo ng tinapay.

Maliit at masikip lang bahay nila at yari pa sa kawayan at kahoy puwera lang syempre ang bubungan. Siyempre apat lang naman sila sa isang bahay kaya share sila ng kapatid niya sa kwarto.

“Ate nakita mo ba 'yung brief kong bago?" tanong sa kanya ng bunsong kapatid na si Angelo.

"Aba hindi, no! Ba't ako ang tatanungin mo niyan gumagamit ba ako niyan? Hanapin mo baka nandiyan lang!" asar na wika niya.

Huling taon na nito ng hayskul at lumalaking gwapo. Buti na lang nagmana sila sa kanilang itay gwapo at matangos ang ilong kung sa inay naman nila na mukhang eta na pango ang ilong at may kakulutan pa ang buhok pero mestisa ito dahil laking bisaya kaya sa kutis naman nito sila nagmana! O di ba! Bonggang mixture ang nangyari sa kanilang magkapatid.

Ano na lang din kaya ang itsura nila pag nagmana sila sa kanilang ina? Nai-imagine tuloy niya ang itsura nila.

Naku buti na lang po panginoon malakas ang dugo ni tatay at sa kanya kami nagmana! Naidalangin tuloy niya.

Pogi kasi ang tatay Lucas nila at kayumanggi ang kulay, hindi niya alam kung iyon na ang kulay ng balat nito dahil bilad na bilad kasi ang katawan nito sa araw at hindi lang yon habulin pa din ito ng chicks na laging ikinaseselos ng nanay nila.

Natatawa tuloy siya noon pag nagseselos ang nanay nila na halos umusok ang ilong nito sa selos na agad naman itong lalambingin ng tatay nila!

O, diba ang OA lang nanay nila! Dahil pinagseselosan lang naman nito si aling Tinay na madalas magpakyut sa tatay nila kapag pumupunta ito sa palengke.

Tumayo na siya at tinungo ang salamin, naka tarintas ang mahaba niyang buhok at naka maong na pantalon siya at T-shirt na itim.

Dahil araw ng mga puso hindi siya sumunod sa uso na kesyo araw ng mga puso ay dapat naka pula siya? No, never!

"Magmadali ka na diyang bata ka! Hindi ka mayaman para mag kilos prinsesa!" ayan na naman ang paboritong linyahan ng nanay niya.

Napabuntong hininga nalang siya at lumabas na siya sa kanilang bahay. Kinuha na ang kariton na naglalaman ng mga gulay na ititinda niya sa palengke.

Nag paalam na siya sa kanyang inay at gaya pa rin ng dati maaga na namang umalis ang kanyang itay dahil hindi pa tapos ang palay na inaani nila sa kumpari nito.

Malapit lang naman din sila sa bukid fresh na fresh ang ambiance ng lugar nila.

Nagsimula na siyang lumakad na tulak-tulak ang kariton hanggang sa mapadaan siya sa mga kabataan sa may basketball court na malayo na sa bahay nila.

Hanggang sa magsalita ang isa roon si Christopher, na madalas mang alaska sa kanya tuwing napapadaan siya dun. As usual may ibabanat na naman ito sa kanya nang makita siya.

"Saan pupunta ang palengkerang si Aula...Uy may tinda ka ba diyan na balot pabili nga ako!" Umikot tuloy ang eye balls niya sa sinabi nito as if nakikita naman nito na gulay ang binebenta niya tapos magtatanong ito ng ganun?! Well hindi siya magpapatalo sa pang alaska nito.

Napahinto siya ang tinignan ito.

"Malamang sa palengke! Tanga neto! Bakit kulang ba yang itlog mo para bumili pa?" nakapamewang na sabi niya dito sabay tingin sa pagitan ng mga hita nito at nag tawanan ang mga kasama nito sa sinabi niya at inasar nila ito.

Tinitigan niya si Christopher eye to eye, napangisi siya nang hindi na ito magsalita sa puntong 'yon nanalo siya nagmartsa na siya palayo doon.

Ke, aga-aga kasi bini-bwisit siya nito! Nakasimangot tuloy siya. Hanggang sa makarating siya sa palengke na nakabusangot ang mukha niya.

Pumuwesto siya sa puwesto nila at nagsimulang i-display ang mga gulay sa inilapag niyang karton at nasa likod lang niya ang kariton.

"O, ba't nakabusangot ang mukha mo?" nakakatawang tanong ni Nikki ang bestfriend niya sa palengke na kasing edad din niya ito na tulad niya kadarating lang din. Saktong alas-sais ng umaga sila pumu-pwesto doon.

"Naiinis kasi ako sa Christopher na 'yon ke aga-aga binu-bwisit ako!" paghihimutok niya.

Tuwawa ito sa sinabi niya, "Type ka lang 'nun kaya madalas kang alaskahin.'' sabi nito at tsaka nilagay na rin ang mga tinda nito.

Hindi na bago 'yon sa kanya marami din kasi ang nagpapalipad hangin sa kanya. O diba! Bongga lang beauty ng lola niyo ang haba tuloy ng hair niya! Pero wala siyang pakialam sa mga iyon.

Oh, back again sa sinabi ng kaibigan niya aminado siya na may hitsura si Christopher pero hindi ito ang tipo niya. Ewan ba niya madalas kasi tumambay ang mga ito sa court kahit alas singko pa lang ng umaga at kapag nakikita siya madalas siya nitong pagtripan.

"Kamusta naman ang benta mo kahapon?" tanong niya rito na hindi pinansin ang sinabi nito. Maaga kasi itong umuwi kahapon dahil pinagbantay ang nanay nito sa nakababatang kapatid dahil may pinuntahan ang nanay nito kahapon.

"Ayon, mahina ewan ko lang ngayon," sabay tawa nito, nangunot tuloy ang noo niya ano naman ang nakakatawa sa sinabi nito.

Ito ang nagustuhan niya dito e, kahit may problema ito hindi naging daan iyon para hindi na maging possible ang buhay nito sa araw-araw ganun kasi silang magkaibigan they always think positive!

"Alam mo dapat hindi plain na gulay ang benta natin ngayon ei" kapagkuwan sabi niya.

“Huh? Ano ang ibig mong sabihin?" nagtataka na tanong nito.

"Haler, hindi mo ba alam araw ng mga puso ngayon! Dapat ang binebenta natin ngayon yong mabulaklak!"

Natawa ito sabay tingin sa suot niya pati na rin sa suot nito, "Wow, Aula! Pareho pala tayo na nakaitim, ngayon ko lang napansin, araw pala ng mga bitter ngayon pano 'yan ei gulay ang tinda natin"

"Ayon na nga ei dapat bulaklak ng kalabasa at puso ng saging ang meron tayo ngayon! Kundi puro naman ampalaya!" natawa ito sa sinabi niya umiling-iling na inayos nito ang mga paninda.

Maya't maya dumarami na nang mga taong mamimili. Kaya alam na nila ang mga galawang diskarte tuwing ganung karami ang tao.

"Oy, kuya bili ka na dito masarap ang gulay namin kapipitas lang kaya sariwang-sariwa!" tawag niya sa lalaking patingin-tingin sa mga paninda ng iba nakuha na nga niya ang pansin nito.

Habang may isang ale na abala sa kapipili sa tinda niya. Dapat talaga ganun multi-tasking at hindi lang nakatuon sa iisang tao lang.

Lumapit nga si kuya sa kanya at na convince niya ito na sariwa nga ang mga gulay na tinda niya hindi tulad ng iba na kailangan pang basbasan ng tubig para lang magmukhang sariwa ang gulay.

Samantalang iyong sa kanila araw-araw silang namimitas ng gulay sa kanilang bakuran kaya naman kumikintab sa kinang ang mga gulay nila.

Kaya lumapit nga ito at nagkainteres sa kanya este sa paninda niya!

Nakita niya si Budang na nagngingitngit sa inis dahil inagawan niya ito ng customer papunta na sana si kuya doon kaya lang napunta sa kanya si kuya.

Aba, malay ba niya na sa kanya nagka-interes si kuya diskarte lang kasi yan at gamitin syempre ang charm wala kasi ‘nun si Budang! Anak ni aling Tinay ito kung hindi si aling Tinay ang nagtitinda ay ang anak naman nitong si Budang ang taga tinda.

Pinandilatan niya ito na agad itong sumimangot mas nagmukha tuloy itong matanda sa pagka simangot nito natatawa tuloy siya sa itsura nito.

Abala na rin ang kaibigan niyang si Nikki dahil marami na ding namamakyaw sa paninda nito. Hanggang sa naubos na ang paninda nila sa pang umaga kaya bumalik na sila sa kanilang bahay para sa pananghalian at babalik na lang ulit nang ala una sa palengke ‘hay buhay!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status