Mag-log in“Sign the divorce papers and leave,” Denzel Bowles said coldly, unaware that the woman standing before him was carrying his child. Durog na durog ang pusong naglaho si Eve Castro nang gabing iyon, dala ang lihim na tagapagmana ng bilyonaryong hindi man lang nalaman ang katotohanan. Pagkalipas ng limang taon, bumalik si Eve bilang isang makapangyarihang CEO kasama ang kanyang anak na may matalim na mga mata ni Denzel. “Mommy, bakit po kamukha ko siya?” inosenteng tanong ng bata, dahilan upang gumuho ang mundo ni Denzel sa isang iglap. Desperado niyang mabawi ang asawang minahal at ang anak na hindi niya alam na mayroon siya. Ngunit sa gitna ng mapanganib na ex-fiancée at malupit na ina na gustong sirain silang muli, tumanggi si Eve na pagkatiwalaan ang lalaking minsang dumurog sa kanyang puso. “Minsan mo na kaming hinayaang mawala, Denzel...at sa pagkakataong ito, hindi ko na hahayaang sirain mo kami ulit.." malamig na wika ni Eve.
view moreEVE CASTRO
"Nasaan na kaya siya?" bulong ko sa sarili. Mag-aalas dose na ng gabi ngunit gising pa rin ako sa loob ng napakalaking mansion ng mga Bowles. Sa sobrang katahimikan ay halos marinig ko na ang sarili kong paghinga habang nakaupo sa mahabang dining table na para bang isa lamang akong bisita sa sarili kong tahanan. Nakasindi pa rin ang chandelier sa itaas, nagbibigay ng mainit na liwanag sa mga pagkaing ilang oras ko nang inihanda, ngunit kahit gaano pa kaganda ang mesa, hindi nito natatakpan ang katotohanang lumalamig na ang lahat. Ang steak na maingat kong niluto ayon sa gusto ni Denzel ay ilang beses ko nang pinainit. Ang soup na dapat ay mainit niyang hihigupin habang tahimik kaming magkausap ay unti-unti nang nawawalan ng usok. Maging ang wine na inilabas ko ay nanatiling hindi nagagalaw. Kanina pa ako sumisilip sa wall clock, pilit kinukumbinsi ang sarili ko na baka traffic lang siya, baka may emergency meeting, baka ngayong gabi ay uuwi siya nang hindi sobrang pagod at baka sa pagkakataong ito ay sabayan niya akong kumain tulad ng normal na mag-asawa. "Hanggang kailan ba ako magiging ganito sa iyo, Denzel?" Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang ginawa ito sa loob ng tatlong taon naming pagsasama. Kahit alam kong madalas ay hindi naman siya sumasabay sa akin, patuloy pa rin akong naghahanda ng hapunan para sa aming dalawa. Kahit alam kong madalas ay diretso lang siya sa kwarto o sa study room nang hindi man lang ako tinitingnan, patuloy pa rin akong naghihintay sa dining table na parang may pag-asang may magbabago. Minsan naiisip ko kung tanga ba ako o sadyang masyado lang akong marunong umasa. Pero sa tuwing maiisip ko iyon, agad ko ring kinukumbinsi ang sarili ko na baka kailangan ko lang maging mas patient. Baka kailangan ko lang mas intindihin siya. Baka balang araw, kahit konti, makita niya rin ako bilang asawa. At hindi lang isang pangalan sa marriage contract na pinirmahan niya para sa kapakanan ng pamilya niya. Napahawak ako sa baso ng tubig sa harap ko nang marinig ko sa wakas ang tunog ng sasakyang huminto sa labas. Mabilis akong napatingin sa malaking glass window at naramdaman ko ang kusang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dumating na siya. Hindi ko mapigilang mapangiti kahit alam kong napaka-late na niya. Hindi ko na inisip ang pagod sa katawan ko habang tumatayo ako at inayos ang buhok ko gamit ang nanginginig kong mga daliri. Nakakahiya mang aminin, pero sa simpleng pagdating pa lang niya ay sumasaya na agad ako na para bang isang batang matagal naghintay sa paborito niyang tao. Pagkabukas ng pinto, agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa labas kasabay ng amoy ng alak na nakadikit sa katawan ni Denzel. Nakatayo siya roon, matangkad at gwapo pa rin kahit halatang pagod at bahagyang lasing. Nakaluwag ang necktie niya at bahagyang gusot ang buhok na para bang ilang beses niya na iyong nahawakan sa magdamag. Kahit ganoon ay hindi pa rin nawawala ang natural niyang presence, iyong tipong kahit tahimik lang siya ay agad mong mararamdaman na siya ang pinakamakapangyarihang tao sa silid. Napangiti ako habang lumalapit sa kanya. “You’re home,” sabi ko ng mahinaat pilit pinapasaya ang tono ng boses ko. “Hinihintay kita. Hindi pa ako kumakain. Sabayan mo sana ako.” Hindi ko alam kung bakit sa simpleng mga salitang iyon ay parang biglang nag-iba ang ekspresyon niya. Huminto siya sa mismong tapat ko at tumingin sa akin na para bang may mali akong nagawa. Unti-unting nawala ang ngiti ko nang makita ko ang tigas ng mga mata niya. “Why are you still doing this?” malamig niyang tanong. Napakurap ako. “What?” “Bakit hindi ka pa rin nagbabago, Eve?” sabi niya, mas matalim na ngayon ang boses. “Ilang beses ko na bang sinabi sa’yo na stop acting like this?” Parang may humigpit agad sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung anong mali sa sinabi ko. Gusto ko lang naman siyang sabayan kumain. Gusto ko lang naman siyang hintayin tulad ng ginagawa ng isang asawa. “Denzel, I was just waiting for you.” “Exactly,” putol niya, sabay tawa ng mapakla. “That’s the problem. Bakit hindi mo pa rin maintindihan?” Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng dress ko habang nakatitig sa kanya. Ramdam ko na agad ang kirot na dahan-dahang umaakyat sa dibdib ko kahit hindi pa man niya sinasabi ang mga susunod niyang salita. “I told you from the beginning why we got married,” malamig niyang sabi habang tinatanggal ang coat niya. “Nagpakasal tayo dahil iyon ang gusto ng lolo ko. He wanted to see me married before he died. That’s the only reason.” Parang unti-unting namanhid ang buong katawan ko. Alam ko iyon. Hindi ko naman nakalimutan. Simula pa lang ay malinaw na sa akin ang lahat. Pero masakit pa rin palang marinig iyon mula sa bibig niya, lalo na sa mga gabing tulad nito na pilit kong niloloko ang sarili ko na baka may nabago na kahit kaunti. “Denzel, gusto ko lang naman—” “Stop pretending, Eve,” putol niya agad. “Stop acting like this is a real marriage.” Parang may mabigat na bagay na bumagsak sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang lahat ng salitang nasa isip ko. Napatitig lang ako sa kanya habang ang puso ko ay unti-unting nadudurog. “I don’t love you,” direkta niyang sabi habang nakatingin sa akin na para bang gusto niyang ipako sa isip ko ang bawat salita. “I never did. Ilang beses ko bang sasabihin iyon bago mo tanggapin?” Ramdam ko ang hapdi sa mata ko ngunit pinigilan ko. Ayaw kong umiyak sa harap niya. Ayaw kong magmukhang kawawa. Pero kahit gaano ko pigilan, pakiramdam ko ay may humihiwa sa loob ng dibdib ko. Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko. Dumiretso siya paakyat ng hagdan, iniwan akong nakatayo sa gitna ng napakalaking foyer habang ang bawat yabag niya ay parang may kasamang sakit na tuluyang sumasaksak sa puso ko. Hindi ko namalayang nanginginig na pala ang mga kamay ko. Mabagal akong bumalik sa dining table at naupo sa harap ng pagkaing inihanda ko. Sa unang pagkakataon ay mas ramdam ko ang lungkot kaysa sa katahimikan. Pilit kong isinubo ang pagkain kahit halos hindi ko na malasahan ang kahit ano dahil sa pagbabara ng luha sa lalamunan ko. Habang ngumunguya ako, kusa na lang tumulo ang mga luha ko sa plato. Napakababa na siguro ng tingin ko sa sarili ko para manatili pa rin ako sa ganitong klase ng pagsasama. Pero mahal ko siya. At iyon ang pinakamasakit. Dahil mahal ko ang isang lalaking hindi ako kayang mahalin pabalik. PAGKATAPOS kong piliting ubusin ang ilang subo, mabagal akong umakyat sa kwarto. Madilim na ang silid maliban sa bedside lamp na mahina ang ilaw. Nandoon na si Denzel, nakahiga sa kama at nakapikit na tila wala man lang nangyari kanina. Para bang wala siyang nasaktan. Para bang wala siyang babaeng iniwang umiiyak mag-isa sa ibaba. Maingat akong nagpunas ng mukha bago humiga sa kabilang side ng kama. Nakatalikod ako sa kanya, pilit kinokontrol ang paghinga ko para hindi niya marinig na umiiyak pa rin ako. Gusto kong kalimutan ang sakit. Gusto kong hindi na maramdaman ang bigat sa dibdib ko. Pero ilang minuto pa lang ang lumilipas ay naramdaman ko ang paggalaw ng kutson. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko ang init ng katawan ni Denzel sa likuran ko. Hindi ako gumalaw at hindi ako lumingon. Hanggang sa naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa leeg ko kaya napapikit ako. Masama pa rin ang loob ko at galit ako sa kanya.. Pero ang katawan ko ay traydor.. Sa bawat marahang halik na iyon, ramdam ko ang init na unti-unting gumagapang sa balat ko kahit pilit kong nilalabanan. Parang gusto kong itulak siya palayo. Parang gusto kong sabihin na nasaktan niya ako. Na hindi puwedeng ganito na lang palagi. Na hindi puwedeng pagkatapos niya akong durugin, gagamitin niya ako para makaraos siya. Pero hindi ko magawa. Dahil kahit gaano kasakit ang mga sinabi niya kanina, sa simpleng paghalik niya ngayon…muli na namang bumibigay ang puso kong matagal ng dapat natutong tumigas. At iyon ang pinakamasakit sa lahat. Dahil habang nakapikit ako sa dilim, alam kong kahit anong pilit kong itanggi, mahal na mahal ko pa rin ang lalaking unti-unting sumisira sa akin.DENZELHindi ako nakatulog nang maayos ng gabing iyon. Matapos ang pag-uusap namin ni Celeste ay halos magdamag akong nakatitig lamang sa kisame. Kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko ay paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang mukha niya habang nagtatanong kung mahal ko pa ba siya.Kinabukasan ay maaga akong bumaba sa kusina. Akala ko ay makakapag-almusal ako ng tahimik ngunit pagpasok ko pa lamang, agad ko nang nakita si Celeste na nakaupo sa mesa. Mukhang kanina pa siya gising. May tasa ng kape sa harapan niya ngunit halatang hindi naman niya iyon iniinom. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na sana gustong makipag-usap. Ngunit mukhang wala akong pagpipilian. Agad akong naupo sa kabilang dulo ng mesa at nagsimulang kumain.Ilang minuto kaming walang imik. Hanggang sa siya rin ang unang nagsalita."Denzel."Hindi ako agad tumingin sa kanya."Ano?""May itatanong ako."Napahinto ako sa pagkain. Hindi ko nagustuhan ang tono ng boses niya. Parang may kung anong desperasyon do
DENZELBuong biyahe pauwi ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa park. Paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang mukha ni Eve nang maglapat ang mga labi namin. Kahit na simpleng halik lang iyon, hindi ko maikukubling kinilig talaga ako. Lalo pa't anak namin ang may pakana. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung aksidente lang ba talaga iyon o sadyang may bahagi sa akin na ayaw umurong noong mga sandaling iyon. Ilang beses akong napailing habang nakahawak sa manibela dahil pakiramdam ko, unti-unti nang nawawala ang kontrol ko sa mga bagay na dati ay kaya kong kontrolin.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, isang bagay lamang ang malinaw sa isip ko.Masaya ako.Pakiramdam ko ay may direksyon ulit ang buhay ko. Ngayon ko lamang naramdaman ang saya ng simpleng paghawak sa kamay ng anak ko. Ngayon ko lamang naramdaman ang pakiramdam na may batang tumatawag sa akin ng "daddy" na hindi dahil sa obligasyon kun'di dahil gusto niya.At habang naiisip ko iyon ay lalo lamang sumisikip an
EVEPagkauwi ko sa mansion ng gabing iyon ay agad kong naramdaman ang pagod sa buong katawan ko. Mula pa kaninang umaga ay sunod-sunod na ang meetings ko sa opisina at halos hindi ako nakapagpahinga ng maayos. Ang tanging nasa isip ko habang bumababa ng sasakyan ay ang maligo, magpalit ng damit at magpalipas ng oras kasama si Andrew bago matulog. Ngunit pagpasok ko pa lamang sa loob ng bahay ay agad akong napahinto nang marinig ko ang malakas na tawanan mula sa sala.Napakunot agad ang noo ko dahil kilalang-kilala ko ang isa sa mga boses na iyon. Nang lumapit ako ay bumungad sa akin ang eksenang hindi ko inaasahang makikita.Naupo si Denzel sa carpet habang katabi si Andrew. Nakakalat sa paligid nila ang iba't ibang piraso ng dinosaur puzzle at pareho silang mukhang abalang-abala sa ginagawa. Kung hindi ko sila kilala ay iisipin kong matagal ng magkasama ang dalawang iyon dahil sa sobrang komportable nilang tingnan."Mommy!"Agad na tumayo si Andrew nang makita ako at mabilis na tumak
CELESTEHindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang tiningnan ang oras sa cellphone ko.. Mula alas onse ng gabi hanggang madaling-araw ay paulit-ulit kong sinusubukang tawagan si Denzel ngunit ni isang tawag ay hindi niya sinagot. Ilang beses ko ring binasa ang mga mensaheng ipinadala ko sa kanya ngunit nanatili lamang iyong naka-seen at walang kahit anong reply. “Nasaan ba ang lalaking iyon?! Bakit hindi siya sumasagot sa mga tawag ko at reply?!” inis kong sabi bago hinawakan ang ulo ko.Habang lumilipas ang bawat oras ay lalo lamang akong naiirita at kinakabahan dahil hindi naman siya dating ganoon. Kahit gaano siya kaabala sa trabaho noon ay palagi siyang nagbibigay ng update kung nasaan siya o kung anong oras siya makakauwi. Ngunit nitong mga nakaraang linggo ay pakiramdam ko ay unti-unti siyang nagiging ibang tao.Nakahiga ako sa kama ngunit ni hindi ako dinadalaw ng antok. Sa bawat paglingon ko sa kabilang bahagi ng higaan, lalo lamang akong naiirita dahil nananatiling bakante












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu