Malamlam ang ilaw na nagmumula sa corner lights ng master bedroom at makikita ang paglubog ng kama sa ilalim ng dalawang katawan na nagsasalpukan.
“Ohhh… Daniel, please…”
He was drunk, at sa bawat haplos niya ay dama ang parusa.
Pinikit ni Vanessa ang kanyang mga mata, tahimik na tinatanggap ang lahat. Hinayaan si Daniel na gawin ang gusto nito.
“Idilat mo ang mga mata mo, Nessa…” Pagkasabi non ay sabay ang mahigpit na paghawak ni Daniel sa baba ni Vanessa dahilan upang mapangiwi siya sa sakit.
Mababa ang boses ni Daniel, halatang paos at puno ng galit na pilit niyang kinokontrol.
Dahan-dahan namang iminulat ni Vanessa ang kanyang mga mata. Nakita niya ang mukha ni Daniel, at sa sandaling iyon, para siyang natulala.
Isang buwan ang nakakalipas mula nang huli silang magkita sa sementeryo—punong-puno ng galit ang huling alaala nila.
Araw iyon ng pag-alala sa kamatayan ng kanilang kambal. At ang iniwan lang ni Daniel sa kanya ay isang malamig na pangungusap.
“Busy ako. Wala akong oras para panoorin kang mag-breakdown.”
Pagkatapos noon, nawala siya. Isang buong buwan.
Biglang kumirot ang collarbone ni Vanessa dala ng pagkagat ni Daniel doon, dahilan upang muli siyang hatakin pabalik sa kasalukuyan.
Nagtagpo ang mga mata nila.
“Focus,” mahina pero matalim na sabi ni Daniel, mas magaspang na ngayon ang tono at halata ang pagkainis.
Nanginginig ang pilikmata ni Vanessa.
“Daniel…” halos pabulong niyang tawag sa pangalan ng asawa.
Dahan-dahan niyang inabot ang noo nito, hinaplos ang pagitan ng mga kilay na kanina pa nakakunot. Nanginginig ang boses niya.
“Let’s try… for another child.”
Natigilan si Daniel sa sinabi ni Vanessa.
Nanatiling nakapako ang mga mata nito sa kanya—madilim, mabigat, at puno ng pagnanasa.
“Are you serious?”
Hindi sumagot si Vanessa, sa halip ay niyakap niya ang leeg nito at iniangat ang sarili para halikan siya, dahilan upang maningkit ang mga mata ni Daniel.
Pumasok ang mga daliri nito sa buhok niya, mahigpit na hinawakan ang likod ng ulo niya—parang ayaw siyang pakawalan.
Magtatagpo na ang kanilang mga labi nang magsalita si Daniel. Mainit ang kanyang hininga, pero malamig ang boses.
“Vanessa San Andres… kailan ka huling tumingin sa salamin nang maayos?”
Parang biglang tumigil ang mundo, dahan-dahang dumilat si Vanessa.
Sa madilim na mga mata ni Daniel ay bahagya niyang nabanaag ang sariling mukha.
Payat.
Maputla.
Halos wala nang buhay.
Binitawan siya ni Daniel at tumayo, parang wala lang ang lahat.
Isinuot niya ang robe at itinali iyon nang hindi man lang lumilingon.
“Para ka nang multo ngayon,” malamig niyang sabi. “Forget having a child. Hirap ka ng magbuntis.”
Nahigit ni Vanessa ang kanyang paghinga dahil sa narinig. Kalmado ang boses ni Daniel, pero bawat salita—dumidiretso sa puso niya na parang kutsilyo.
At muli, naramdaman niya ang sakit.
Bago pa siya makapagsalita, pumasok na si Daniel sa banyo.
Pagkasara ng pintuan ay naiwan si Vanessa sa kama, nakahiga, parang unti-unting nawawalan ng laman ang kaluluwa niya.
Makalipas ang ilang sandali, tumigil ang tunog ng tubig.
Lumabas si Daniel na nakatapis ng tuwalya, at nang hindi man lang siya tinignan, dumiretso ito sa dressing room.
Ilang saglit lang ang lumipas, lumabas ito ng bihis na at walang salitang iniwan siya nito.
Ilang minuto pagkatapos ay narinig ni Vanessa ang papalayong tunog ng sasakyan.
Tahimik na ulit ang lahat.
Hinila ni Vanessa ang kumot para takpan ang kanyang payat na katawan na halos kita ang bawat buto.
Niyapos niya ang sarili at pumikit.
Naisip niya na tama si Daniel.
Ito ang katawan na hindi kayang magdala ng buhay.
Limang taon ng bangungot ang kumain sa kanya nang paunti-unti.
Naging reliant siya sa gamut, mas kaunti ang kinakain kaysa sa isinusuka.
May panahong 170 cm ang tangkad niya—pero 80 pounds lang ang timbang.
Simula nang mawala ang kambal, pakiramdam niya ay wala nang natira.
Habang natutulog ay nag-aapoy siya sa lagnat kasabay ang [agdalaw ng isang panaginip.
Doon ay nakita niya ulit sila.
Ang mga anak niya.
Ang kambal na hindi man lang naipanganak dahil sa isang trahedya.
Pero sa panaginip, limang taong gulang na sila.
Ang batang lalaki—kamukhang-kamukha ni Daniel.
Ang batang babae—kamukha niya.
Ngumiti sila.
“Mommy… please get better. Hinihintay namin na maging anak mo ulit.”
Nagising si Vanessa sa ospital.
Nalaman niya na ang kasambahay nila na si Nelda ang nagdala sa kanya doon.
Isang linggo siyang nanatili roon at paglabas niya ay sa sementeryo siya dumiretso para magpaalam sa huling beses.
Si Daniel ay hindi niya nakita at isang beses lang siya nito tinatawagan bawat araw.
Ang dahilan?
Busy ito.
Gaya ng dati.
Pero alam niyang umiiwas ito sa kanya.
At sa wakas, tumigil na siya sa paghahabol.
Nagdesisyon siyang itigil ang pag-inom sleeping pills. Kasunod ay sinunod niya ang payo ng kanyang doctor.
Nag-yoga.
Nilinis ang nursery, sinunog ang lahat ng prenatal records at hindi na muling binanggit ang kambal.
Gusto niyang magmove-on.
Gusto niyang palayain ang sarili sa sakit na ilang taon na niyang dala.
Simula ng gawin niya yon ay nagsimula na ring magbalik ang dating siya.
Bumalik ang gana niyang kumain kasunod ang unti-unting pagdagda ng kanyang timbang.
At dahan-dahang bumalik sa ayos ang kanyang buhay.
Katulad ng dati, mahal pa rin niya si Daniel.
Tahimik at walang reklamo.
Bilang kapalit ay tinatrato siya nito nang maayos.
Kagaya noong una.
Akala niya ay magiging maayos na nga lahat.
Wala na ang pait ng nakaraan na kumulong sa kanya at nagpabago ng pagsasama nila ni Daniel bilang mag-asawa.
Hanggang sa tatlong buwan ang lumipas at nadelay ang kanyang buwanang dalaw.
Nasa abroad si Daniel para sa business trip kaya mag-isa siyang pumunta ng hospital para magpacheck-up.
“Congratulations, Mrs. Antonio,” nakangiting sabi ng doktor. “You are seven weeks and four days pregnant. Healthy ang fetus. Confirmed na may heartbeat.”
Lumabas siya ng clinic pagkatapos, mahigpit na hawak ang report.
Hindi siya makapaniwala na muli, ay mabubuntis siya.
Nanginginig ang kamay niya habang binubuksan ang phone para tawagan si Daniel.
At biglang—may ringtone siyang narinig mula sa likod niya.
Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya ay nanigas ang buong katawan niya.
Sabay nag-connect ang tawag kasabay noon, narinig niya ang boses nito mula sa likuran.
“I’m busy. Mag-usap na lang tayo pagbalik ko.”
Naputol ang tawag pero hindi pa rin siya gumalaw.
Sa isang iglap, parang nabasag ang lahat ng pinaghirapan niyang buuin sa loob ng tatlong buwan.
“Liam… tara na, magpa-injection na tayo, okay?”
Muli niyang narinig ang parehong boses.
Pero ngayon ay malumanay at may halong pag-iingat na para bang nag-aalala itong masaktan ang kausap.
Napahigpit ang pagkakahawak ni Vanessa sa report bago dahan-dahan lumingon.
Isa… dalawang hakbang…
Hanggang sa makita niya ang asawang dapat ay nasa abroad na nakaupo sa isang bench habang nasa bisig nito ang isang batang lalaki na may fever patch sa noo.
reviewsMore