登入Kinabukasan maagang nagreport sa trabaho si Arah. Ngayong araw niya tatangkain pumasok sa Lim Royale upang makalakap ng ebidensya. Makikipagtulungan si Nico sa kanila kapalit na mas mapapagaan ang kaso nito.Agad nilang tinungo ang Lim Royale pero hindi sila sa entrance dumaan, sa halip ay doon sa likod ng building.“Si Maris, pinsan ko.” sabi ni Nico habang nakatayo sila sa harap ni Madam Celia, ang manager ng Lim Royale. “Kailangan niya ng trabaho. Malaki ang utang ng pamilya niya.” patuloy ni Nico.Pinasadahan ng manager ang kabuuan ni Arah. Humalukipkip ito habang sinuri siya nito mula ulo hanggang paa.“Maganda.” anito at bahagyang ngumiti. “Maraming magkakainteres sa pinsan mo.”Tumawa si Nico.“Sabi ko naman sayo madam eh.”anito.Isang mabilis na tango ang isinagot ni Madam Celia. Inabutan nito ng pera si Nico bago ito pinaalis. Sa labas ay may mga pulis nang lihim na nakaabang kay Nico para ibalik ito sa piitan.Nang makaalis ang lalaki ay dinala na si Arah ng manager sa
Parang nakuryenteng napatayo si Arah at nagmamadaling kumawala kay Renz dahil sa gulat.Habang si Tatay Albert naman ay nakatayo ngunit nakapikit na ito at nakatakip pa ang isang kamay sa mga mata na parang batang nakapanood ng hindi dapat makita.“Babalik na lang ako.” wika nito habang parang bulag na pakapa-kapang naglalakad papunta sa pinto ng bahay.Napapailing na lang si Renz dahil sa inaakto ng amain.“Tay, pwede na kayong magmulat. Alangan namang ituloy pa namin yun.” natatawang sabi ng binata sabay pigil sa braso ng amain nang lalagpasan na sana siya nito. Samantala, hiyang hiya naman si Arah. Pulang pula ang kanyang mukha hanggang teynga.“Tay, si–”“Arah?” wika ni Tatay Albert. Hindi yun tanong, sa halip ay tila kompirmasyon.“Opo.” tugon ni Renz. Tapos ay nilingon naman niya si Arah.“Babe, si Tatay Albert. Siya ang kumupkop sakin nung maglayas ako. Siya na ang tumayong ama ko simula noon.”Nahihiya man at tumingin si Arah at magalang na bumati.“Nice meeting you po. Ak
Iba’t ibang emosyon ang naramdaman ni Arah ng araw na yun. Overwhelm pero masaya ang puso niya. Sa wakas, nakilala niya na rin niya ang real-life hero at matalik na kaibigan ng kanyang ina. Pakiramdam niya tuloy ay nagkaroon siyang bigla ng pangalawang ina. At higit sa lahat mas nakilala pa niya ng husto si Renz. At mas lalo pa niya itong minahal dahil sa kanyang mga natuklasan. Kaya naman yung matinding iyak niya kanina, napalitan na ngayon ng umaapaw na saya. At habang nasa biyahe sila para ihatid sa mansyon si Manang Lourdes ay magkahawak ang kamay nila na animoy mag-aabroad ito at matagal na ulit bago sila muling magkita. “Babe, wag kang mag-alala. Hindi naman ito ang huli nyong pagkikita.” natatawang sabi ni Renz dahil narinig niya ang malungkot na pamamalaam ni Arah nang pumarada sila sa tapat ng mansion ni Leon. “Pwede mo naman siyang dalawin dito n or ako yung magdadrive kung lalabas kayo.” Napangiti si Arah at tumingin kay Manang. “Nay, promise po. Palagi kong kayong d
“Pasensya na ulit kung ngayon lang ako nakadalaw. Ngayon ko lang nalaman.” mahinang wika ni Manang habang panay ang patak ng luha. Narito sila ngayon sa harap ng puntod kung saan nakahimlay si Amelia. Dito agad sila nagtungo pagkagaling nila sa restaurant. “Nakakatawa diba, anak pa ni Renato ang nagdala sa akin dito, pabalik sa yo.” mapait siyang napangiti. “Kung hindi pa ako ipinakilala sa kanya ni Renz hindi ko malalaman na tuluyan mo na nga kaming iniwan.” Samantala, nasa likod naman si Arah. Bahagya siyang lumayo para bigyan si Manang Lourdes ng espasyo. Maya maya pa ay marahan itong pumihit at humarap sa kanya. Ngumiti ito habang pinupunasan ang mga mata. Humakbang si Manang palapit kay Arah at nagsimula na silang naglakad pabalik sa sasakyan. Hindi na mabilang kung ilang beses na nagpasalamat si Arah kay Manang dahil sa kabutihang ginawa nito sa kanyang ina. Napakagaan din ng loob niya dito. Magkahawak kamay sila na animoy matagal nang magkakilala at pakiramdam ni Ara
Masayang binati ni Lourdes ang tatlo nang makalapit siya bago naupo. May pagkain na doon para sa kanila ni Subas. Matik na yun. Kung sinong mas nauna sa canteen ay isasabay nang ikuha ng pagkain ang wala pa dun. Isang ugali na nakasanayan na nila sa bahay ampunan at nadala hanggang sa kanilang paglabas. Hindi na nagulat si Lourdes nang biglang lagyan ni Carlos ng pakpak ng manok ang bowl ng tinola niya. Lagi nito yung ginagawa dahil alam nitong paborito niya yun. Dati ay tumututol pa siya pero hindi na ngayon, hindi naman kasi ito nakikinig. “Salamat.” sabi ni Lourdes. Pero nagulat si Lourdes nang bigla yung tusukin ni Subas ng tinidor sabay kagat. “Bakit ka ba nang-aagaw?’ inis na sabi ni Lourdes. Masamang tingin naman ang ipinukol ni Carlos kay Subas. Pero ang huli ay parang balewala lang na nagpatuloy sa pagkain. Araw araw, ganung senaryo ang nagaganap. Ibat ibang ugali, nagtatawanan, nag-aaway pero lagi pa ring magkakasama. At tila hindi pa tuluyang nakakawala sa buhay na m
Balik tanaw….Mahigpit ang hawak ni Maria sa mga librong ibabalik niya mamaya sa library. Nakasakbit naman sa isang balikat niya ang kanyang lumang backpack.Lakad takbo siya dahil tanaw na niya mula sa malayo ang inip na mukha ng mga amo niya na kasalukuyang nakatayo sa gilid ng sasakyan. May service naman ang mga kasambahay na maghahatid sa kanila sa school mamaya. At doon sana niya gustong sumabay. Pero kahit ilang beses niyang sabihin kay Subas ay patuloy pa rin siya nitong hinihintay. Ayos sana yun, kaso ang problema ay early bird si Renato. Gusto nitong pumapasok lagi ng maaga.“Haaayst.., nakakahiya naman sa mahal na prinsesa. Baka po gusto mong medyo tanghaliin pa.” sarkastikong sabi ni Subas paglapit niya sa mga ito. Samantala ang nakakatanda naman nitong kapatid na si Renato ay tahimik lang na nakatayo sa gilid ng kotse at gaya ng dati ay hindi mo mababasa ang tumatakbo sa utak nito. Hindi gaya nitong si Subas na malayo pa lang ay nakangisi na at alam mong may kalokohan







