Share

CHAPTER 3

Zyrille's POV

Kakagising ko lang ulit, at una kong ginawa ay buksan ang bintana. Iba talaga ang ihip ng hangin kapag bagong gising, iba ang simoy ng hangin, ang sarap sa pakiramdam, ang gaan sa loob.

Sabado rin ngayon kaya kailangan kong magpunta sa Training Center ng agency namin para mag-train bilang isang detective. Pero okay na rin 'yan, para may magawa rin ako kahit sabado ngayon at dapat ay nagpapahinga lang ako. 

Bumangon na rin ako at niligpit ang pinaghigaan ko, nag-toothbrush na rin at pumunta akong kusina nguniy napansin kong walang pagkain, napa-face palm nalang ako at napahingang malalim, lagi nalang akong inuubusan ng makakain, hmph.

Mag-o-order na nga lang ako.

Ay, 'wag nalang, mamaya nalang ako kakain after training para bongga 'yung gutom ko at makalamon ako ng maraming maraming sobrang dami.

Magbibihis na muna ako, and for my beautiful outfit na kasing beautiful ko, ang susuotin ko ay Tshirt na black and jogging pants na black din, tapos rubber shoes na syempre duh, black din. Tapos nag messy bun sa buhok and pulbo lang ako. Ganu'n lang kasimple, mas simple, mas maayos, mas maganda.

Pagkatapos kong mag-ayos ng mga kailangan kong gamit at maghanda, aalis na ako bago pa ako sikatan ng pagkainit init na araw. 

I'll make sure na naka-lock lahat ng dapat i-lock at walang mga tirang saksakan. 

Habang naglalakad ako, maliit lang ang paa ko kaya maliliit lang ang mga hakbang ko, maya maya napagtanto kong parang may nawawala sa mga gamit ko.

Nadala ko ba ang headset ko? Hala, ma-check nga saglit.

Habang hinahanap ko ang headset ko para sana magpapatugtog, naglalakad din ako sa may daanan. At nagulat nalang ako ng may bigla akong nabangga.

"Anak ka ng ipis na nilapa ng pating! 'Di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo ha?" galit kong sabi sa bumangga sa'kin, sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Nakabangga ako ng tila isang misteryosong lalaki. 

Hmm, quick check.

Tingin sa paa, malaki ang paa niya, around 9 ang size niya.

Tingin sa katawan, hmm macho rin siya, halatang nag-gygym. maputi rin, batak ang itsura. Matikas ang katawan.

Tingin sa mukha, hmm inferness, gwapo siya, may itsura, para siyang koreano, pula ang labi, medyo matangos ang ilong, mapupungay na mata, at clear skin din siya. Medyo masungit nga lang ang awra niya, ang seryoso ng facial expression niya.

Feeling ko anak mayaman din ito. Galante siya kung pumorma. 

Tapos black din halos lahat ng suot niya, gaya ng sa'kin. 

"Ano, tapos ka na bang pagpantasyahan ako?" halos napaatras ako sa biglaang pagsasalita niya sa akin. Kaya napaayos ako agad ng aking sarili at tiningnan siya ng maayos.

Teka, ako? Nagpapatansya sa kanya, ang hangin din ng kumag na ito ha. 

"H-ha?" nagmamaang-maangan kong tanong, na para bang gusto 'kong sabihin na 'nahihibang ka na ba?'

"Halaman. Kanina mo pa 'ko tinitingnan eh, mula ulo hanggang paa, ano pasok ba 'ko sa standards mo?" sabi niya sabay smirk sa akin. Ngumiti rin siya sa akin na parang nang-aasar. 

Shet, nakakalaglag panga pala karisma nito sa simpleng ngiti lang. Totoo ngang gwapo siya at malakas ang dating sa tao.

"K-kapal naman ng mukha mo," mainis-inis kong sabi sa kanya. Medyo namumula rin ang pisngi ko dahil sa pagngiti niya sa akin kanina. Para bang bigla akong nalulunod sa sarili kong isip ng makita ng mga mata ko kung paano niya ako nginitian kanina kahit na sabihin nating sarkastiko iyon. 

Para akong nahulog nang 'di ko namalayan.

"Tss, kunwari ka pa, tabi nga r'yan." At sabay no'n umalis na siya, at ampochi! Binangga pa niya ako sa balikat, tokneneng lalaking 'to. Hindi porket nakabibighani siya kung ngumiti ay mababangga na lang niya ako nang basta basta, kainis! 

Umayos ako ng aking awra at agad agad ko siyang hinabol at sinabayan ang lakad niya, kala niya makakalagpas siya sa'kin bwisit siya.

Hindi niya ako madadaan sa ngiti, ano ako marupok? Ngek ngek niya bulok.

"Hindi ka man lang ba magso-sorry?" tanong ko sa kanya, habang patuloy siyang naglalakad at ako nama'y patuloy siyang hinahabol. Nakatingin din ako sa kanya habang patuloy kaming lumalakad. 

"Ba't ako magso-sorry sa sarili mong katangahan, miss?" prankang sagot niya sa akin. Tingnan niya pa ako ng masama sabay lakad niya ulit. 

Aba't, loko 'to ah, 'di kaya ako tanga, siya itong bumangga rin sa'kin, alam niyang babangga siya sa'kin edi siya na sana nag-adjust! Iba rin ang kayabangan nito. 

Binilisan niya ang lakad niya kaya binilisan ko rin, aba hindi ako papayag na ganu'n ganu'n nalang ang mangyari. Mag-sorry muna siya.

Nakakapagod din pala kapag mataas ang pride 'no, hindi mo basta basta mahihingan ng tawad. 

Pero habang hinahabol ko siya, nagulat nalang ako ng may biglang tumutok ng baril sa ulo niya galing sa isang sulok.

Sa gulat ko nabitawan ko ung dala kong tumbler at napatingin sa'kin ng may hawak ng baril. Napatingin din sa akin ang lalaking hinahabol ko.

Bwisit, kung mamalasin ka nga naman oh, hays!

Pero duhz, marunong naman ako makipaglaban kahit papa'no. Kaya 'di ako nag-react nu'ng tumingin siya sa 'kin, kinuha ko nalang ang tumbler ko at itinikom ang bibig. Hays Zyrille, ano ba 'tong pinasok mong gulo. Imbes kasing nananahimik ka na lang at hinayaan nalang 'tong lalaking ito, edi sana okay ka na, at naka-alis ka na pero wala masyadong mataas ang pride mo, nakakaloka ka self. 

"Nandito ka lang pala matatagpuan," sabi ng lalaking may hawak ng baril. May itsura ito, pero halatang hindi mabuting tao. Halatang may balak na masama kaya medyo dumistansya ako sa kanila. Iba rin ang nararamdaman ko sa taong ito parang hindi siya pwedeng pagkatiwalaan o maski samahan.

Hindi rin ako tatakbo o aatake, makikichismis lang ako, hindi ako gagawa ng kahit anong hakbang dahil baka mayari pa ako ng wala sa oras.

"Tigilan mo'ko Leo, wala akong panahon makipaglokohan sa'yo, nagugutom na'ko, kaya tumabi ka d'yan kung ayaw mong ipakain ko sa 'yo 'yang baril mo," inis niyang sabi, ang cool din ng lalaking ito, hindi man lang siya lumilingon, para bang hindi siya takot mabaril. Nakaka-curious tuloy ano bang meron sa dalawang ito?

Tumingin tingin ako sa paligid at wala masyadong tao, kung may tao lang ay sa pinakakanto ito dadaan kaya tanging kami lang ang tao rito at wala ring makakakita. 

Nice, talagang wala akong palag. Paano kaya kung bigla akong pinagtulungan ng dalawang ito? Mabubuhay pa kaya ako? Hay, lead me Lord! 

"P'wede mo namang kainin mga bala ng baril ko kung gusto mo," matigas na banggit sa kanya ng lalaki. 

Shems mukhang hindi maganda ang mangyayari ha, ramdam ko ang mainit na tensyon sa pagitan nilang dalawa. Halatang kahit anong oras maari silang magpatayan.

"Ano ba'ng kailangan mo?" tanong naman nitong lalaking nakabangga ko, halatang naiinis na ito. Halatang pikon na ang kanyang boses at tila nagpipigil na lang ng kanyang sarili na h'wag mapatulan itong lalaking may baril.

Nakakahilo naman ito, palipat-lipat ang ulo ko sa kanina, kung sino magsasalita du'n ako lilingon, ta's palipat-lipat. Jusko, ang mabuti pa umalis na lang ako rito. 

Sa una palang naman ay dapat hindi ko na sinundan pa ang lalaking 'yan, kung ayaw niyang mag-sorry sa akin, edi 'wag. Marami pa akong kailangang gawin at baka mamaya tuluyan kong hindi magawa iyon dahil sa pagiging chismosa ko rito.

"Ang buhay mo.." rinig kong sabi ng lalaki.

Patalikod na'ko at handa nang umalis pero isang hakbang ko palang at narinig ko ulit na nagsalita ang lalaki,

"...at ang buhay ng kasama mong babae," sabi nito.

Agad akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ko iyon, bakit naman ako nadamay? Hays, ano ba itong pinasok kong gulo.

"Hindi ko siya kilala, 'wag mo siyang idamay," seryosong sabi ng lalaking nakabangga ko. Ayan tama, ipagtanggol mo'ko, wala akong kinalaman dito.

Pero bakit nga ba ako matatakot 'di ba? May alam ako sa pakikipaglaban, kaya bakit ako matatakot sa kagaya niya. Ayoko sa lahat ang pinagbabantaan ang buhay ko eh. Imbes na nananahimik ako, lalaban nalang ako. 

Dali dali akong humarap sa kanya ng taas noo, at unti-unting lumapit sa kanya. Agad din niyang inilipat ang baril niya mula sa lalaking bumangga sa akin patungo sa akin. Great, isang putok ng baril niya patay na agad ako, ano ba, Zyrille.

"Una sa lahat, hindi kita kilala, hindi mo rin ako kilala, at wala akong balak na kilalanin ka. Pangalawa, ang pinaka-ayoko sa lahat ang pinagbabantaan ang buhay ko pero ang pinaka kinaayawan ko talaga ay ang mustard sa burger ko but anyways, wala kang karapatang pagbataan ako kahit wala naman akong ginagawang kahit ano," seryosong sabi ko sa kanya habang nanlalaki ang mata at seryosong nakatingin sa kanya. Hindi ako takot sa baril, liban nalang kung i-putok niya iyan.

Nagulat naman ako ng bigla niyang sipain 'yung lalaking nakabangga ko, kaya bigla nalang itong napatumba Tss, siya pala 'tong mahina, bwisit

Kung sino pa itong lalaki siya pa itong duwag. Tiningnan ko saglit ang lalaking nakabangga ko at sinusubukan siyang kausapin gamit ang mata na parang nais kong sabihin na 'hoy bumangon ka r'yan at tulungan mo ako rito piste ka' dahil may armas siya at ako wala. 

"Ang tapang mo rin eh 'no," matawa-tawang sabi ng lalaki sa akin. Oo matapang ako, bakit papalag ka? Makatawa rin ito akala mo kung sino siyang matapang, siguro dahil alam niyang kapag ipapaputok ko ang baril niya may makaririnig nito at maari siyang mahuli nang mga pulis.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, pero 'di ko inalis ang tingin ko sa mata niya. Tila napatitig na rin siya sa akin at hindi na makagalaw sa sobrang seryoso ko kung tumitig sa kanya. Dahil du'n nabitawan niya ang baril niya, agad naman akong napangiti, lumapit ako sa tapat niya at hinawakan ang kamay niya upang hindi siya makakilos at siniguradong maririnig niya ang sasabihin ko.

"Magbabanta ka na nga lang ng buhay ng tao, 'yung 'di mo pa kayang tapatan," malamig kong bulong sa kanya. Lumayo ako nang kaunti upang tingnan siya sa mata at kinindatan ko siya.

"Nice try, but try harder," sabay tapik ng balikat niya.

At dali dali na'kong umalis du'n, bago pa niya maisipang pulutin ang baril niya at paulanan ako ng bala. 

Well, gumagana pa rin ang style ko, kaya agad kong nalihis ang atensyon niya.

Kakaiba ang mga mata ko. Masyadong maganda ang mata ko, at kulay itim ito na mag halong ibang kulay. Pero ang nagpa-unique rito ay may halo itong gray. Hindi ito basta basta contact lens pero isa itonh natural born eye. Nakuha ko raw ito sa mata ng aking lolo na gray at ang nanay ko naman ay gray at tatay ko ay black. Kaya kung titingnan mo ang mata ko nakaka-adik ito kung titigan na para bang hindi mo na lang gustuhin gumawa nang kahit na ano kundi ang titigan ang mga mata ko.

At noong bata ako, nag-training ako kung paano kumausap ng mata sa mata, at kung paano luminlang at baliin ang atensyon ng isang tao, gamit lamang ang pagtitig.

Dahil masyadong seryoso ang mata ko kanina, natakot siya. Nabaling ang atensyon niya at masyadong nabighani sa aking mga mata at nabitawan niya ang baril niya dahil sa nararamdaman niyang tensyon at pagka-adik.

Ang saya naman ng simula ng araw ko, nanalo nanaman ako. Feeling ko tuloy may super powers ako at parang may espesiyal sa akin na ako lang ang meron sa buong mundo.

Dominic's POV

Sino ang babaeng 'yun? Ako ang nakabangga niya kanina. Kakaiba ang babaeng iyon, parang hindi siya basta normal na teenager lang. Parang hindi nga siya normal na tao eh.

Isa 'yan sa dahilan kung bakit noong sinipa ako ni Leo, hindi agad ako pumalag at nagpanggap akong lampa, kahit isang suntok ko lang, tulog na agad iyon. Pero nagulat ako ng kaharapin niya ng salita at titig si Leo at nabitawan niya agad ang baril niya.

Nang tiningnan ko ang mata niya, black and gray ang mata niya.

Aaminin ko na ang ganda ng mga mata niya. May kakaibang nakaka-bighaning kung ano man du'n, talagang mapapatitig ka na lang sa ganda ng kanyang mata.

Bago pa bumalik sa realidad si Leo. Kinuha ko ang baril niya at sinipa iyon saka itinulak siya sa pader. Umalis na rin ako dahil may pupuntahan pa 'ko. Itinago ko sa pantalon ko ang baril ni Leo upang wala na rin siyang masaktang iba. Sagabal at sayang lang sa oras kung papatulan ko pa siya, he's not worth my time.

Hahanapin ko rin ang babaeng 'yun. Kung sino man siya, magtutuos ulit kami ng landas, nararamdaman ko iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status