LOVE UNTIL DEATH

LOVE UNTIL DEATH

last update최신 업데이트 : 2023-06-15
에:  Ghorlalu연재 중
언어: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
평가가 충분하지 않습니다.
23챕터
1.7K조회수
읽기
서재에 추가

공유:  

보고서
개요
목록
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.

줄거리

Zyrille Trixie Louis, isang estudyanteng normal lamang ang buhay, mahal ang paglingkuran ang kanyang magulang at bayan bilang isang trainee sa pagiging isang mahusay na detective. Walang kaalam-alam sa pwedeng mangyari at landas na kayang tatahakin. Siya rin ay ang klase ng tao na walang panahon sa pag-ibig at pagkilala ng ibang tao. Dominic Kiro De Jesus, isang anak ng mayaman at kinatatakutang mafia. Walang ibang ginawa sa kanyang buhay kundi ang maglingkod sa kanyang buong organisasyon at siguraduhing na-aayon at walang problema sa nga transaksyong kanyang tinatrabaho. Wala rin siyang kinatatakutan, maging ang kamatayan. Ang landas nila'y magkakatagpo, parehong walang malay na sila'y unti-unting mahuhulog sa isa't-isa, walang malay sa mundong kanilang tatahakin, ay hindi pala gaya ng inaasahan nila. Paano kaya kung ang pag-ibig kaya na kanilang bubuuin para sa kanilang kagustuhan, ay ang mismong landas na siyang magdadala sa kanila sa kanilang kamatayan? LOVE UNTIL DEATH, LOVE SOMEONE UNTIL THEIR LAST BREATH.

더 보기

1화

PROLOGUE

"Mga paki-elamero! Gusto niyo ba talaga akong kalabanin 'no?" Galit na sigaw ng isang lalaki na kanina pa nakatayo sa harapan ng dalawang taong nakagapos, nanghihina sa sahig.

Out of nowhere bigla na lamang inihagis at itinulak ng lalaki ang isang mesa na nag dulot ng matinding ingay at lalo pang nagkagulo ang lahat. Mas tumindi rin ang kaba ng dalawang taong nakagapos, gusto nilang tumayo, lumaban ngunit sa sobrang panghihina hanggang tingin nalang ang kaya nilang magawa.

Lalo pang nagalit ang lalaki dahil patuloy sila sa paglaban at pagsagot sa kanya. 

"Wala kaming pakielam kung mamatay kami, at lalong hindi kita titigilan hanggang sa huling hininga ko! TANDAAN MO 'YAN!" sigaw ng isang lalaki habang nanggagalaiti sa galit. Siya ang isa sa mga nakagapos.

"Hindi namin papalagpasin ang lahat ng mga ginawa mong kasamaan at pagpatay sa mga tao rito, magbabayad ka!" sigaw naman ng isang babaeng nanghihina na ngunit pansin pa rin ang tindi ng pagkagalit niya at determinasyong makalaban ang taong pilit silang inaabuso. Siya ang kasama ng lalaking nakagapos.

"Ang tapang niyo naman, ngayon dito kayo masindak," nang-aasar na tono ng lalaking nagpapahirap sa kanila. 

Matang tinginan niya ang dalawang nakagapos, at humugot ng baril mula sa kanyang bulsa. Itinutok niya iyon sa dalawang, at ngumiti ng nakakatakot, ngiting hindi kaylan ma'y gustong makita. 

Tingingnan niya sa mata ang dalawa, at dahan dahang inilagay ang darili niya sa trigger ng baril. 

"Matitikman niyo kung ga'no kasarap ang mamatay, pero walang thrill eh, gusto ko makita niyo kung pa'no kayo mamatay, gusto ko kayong pahirapan. Masyadong mabilis kapag binaril ko lamang kayo," at muli itong ngumiti sa kanila. Ngiting alam niya sa sariling mapapatay niya ang dalawa ng walang kahirap hirap dahil sila'y wala nang laban. 

"Kahit anong mangyari, hindi madadaig ng kasamaan ang kabutihan," mariin na sabi ng lalaking nakagapos, sa lalaking may hawak ng baril. 

At dahil sa inis, kinasa nito ang baril sabay tutok muli sa kanilang dalawa. 

Napapikit ang dalawa dahil sa takot na maari na silang mamatay sa oras na paputukan sila ng bala ng baril ng taong may galit sa kanila. 

*BANG*

펼치기
다음 화 보기
다운로드

최신 챕터

더보기

댓글

댓글 없음
23 챕터
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status