Share

CHAPTER 4

Author: Ghorlalu
last update Last Updated: 2021-05-10 21:27:24

Zyrille's POV

Sa rami ng nangyari, nag-training lang ako at nagpapawis pagkatapos kumain at umuwi na rin ako pagkatapos. Masyadong nakakapagod ang araw na ito, nagpapawis lang ako, nagsisipa na lang ako ng punching bag at pinanggigigilan iyon sa sobrang inis ko sa nangyari sa akin kanina. Nagpapagod lang ako at umuwi na rin, wala rin ang trainor ko kaya saktong makakapagpahinga ako sa sobrang daming naganap ngayong araw, literal na gusto kong matulog. Nakatulog din naman ako agad dahil may pasok pa ako. 

- FAST FORWARD -

Kakagising ko lang ngayon at nawiwindang ako sa alarm clock ko. Sinet ko ito ng 4am pero tumunog na ng 3:47am, grabe talaga parang nananadya, gusto ko pang matulog eh.

Napa-face palm na lang ako at agad na bumangon. Isa itong araw na ito sa mga pinaka pinaghahandaan ko.

Mag-aayos na ako para maghanda para sa eskwelahan ko. Mga gamit at mga susuotin ko sa aking bagong eskwelahan. Wala naman ako masyadong kailangang dalhin na gamit at wala rin naman kaming librong dadalhin dahil nasa school naman na lahat. Parang personal things at nga writing materials na lang ang kailangang dalhin. 

Nakakaloka ang mga nangyayari pero kailangan kong mag adjust para rito. Malaking challenge ito sa akin kaya kailangan kong naghanda, ilang araw ko rin itong pinag-isipan nang mabuti. Medyo mabigat ang haharapin ko ngayon bukod sa pag-aaral ko. 

Before ako mag-enroll sa school na ito, nag-research muna ako tungkol sa eskwelahan na ito, kailangan kong maging handa at ready sa mga kakaharapin ko. 

I sigh as I search the meaning of the school's name. Simulan natin sa mismong basic information ng school na ito, ang pangalan ng school ay, Intellidades Academy. 'Yan ang papasukan kong school. Ang weird ng pangalan to be honest.

Pero nag-research ako sa meaning ng school na 'yan. Ang intellidades ay pinaghalong spanish at latin word ng Intelligence at skills.

Intelligence - Intelligentia

           (Latin)

Skills - Habilidades 

      (Spanish)

Intelli + Dades = Intellidades

'Yan ang ibig sabihin ng school name nila na pinapa-iral hindi lang asal at talino ng isang tao, kundi pati ang kakayanan nito upang lumaban at magtanggol, pretty cool. Medyo hindi ito normal kumpara sa ibang mga eskwelahan na puro turo lang at puro school lessons lang ang mayroon. Sana rin may gun training dito kasi madalas busy si Tito Christian kaya minsan lang kami kung mag-training, para kahit nandito ako sa school kahit papa'no matuto rin ako agad. Maangas 'yun mas matututo ako tungkol sa pakikipag-laban.

Dahil unang araw ng klase, hindi required ang mag-uniform kaya nag civilian clothes lang ang suot ko. Ang susuotin ko ay black blouse, black pants, black shoes. Syempre daily routine lang sa mukha at buhok. Simplehan lang dapat para maayos at wala masyadong kakaiba. 

Pagka-alis ko ng bahay, agad akong napa-isip habang naglalakad. Nagresearch ako tungkol sa school pero 'di ako nag-research tungkol sa tunay kong pakay. Kundi ang Mafia Boss ng sinasabing organisasyon na sinabi sa akin ng tatay ko. Napaka-misteryoso kung tutuusin ang tinatahak kong training na ito. Parang iisipin ko palang, mapapa-ihi na agad ako sa kaba pero syempre kailangan ko pa rin itong harapin dahil sabi ko nga para ito sa pag-ta-training ko.

Ito ang pinakadahilan kung bakit ako narito, para mag-imbestiga sa organisasyon na iyon. Kailangan kong magmukhang matalino, kailangan kong maging mukhang misteryoso.

Iyon ay dahil may iimbestigahan akong isang Mafia Organization, ito ay ang Erebus Mafia. Ang Erebus Mafia ang sinasabing pinaka-makapangyarihang mafia, malakas, ngunit patagong organisasyon. Dito sa Pilipinas sinasabi ng iba na kampi raw sila ng gobyerno, kaya napagtanto kong kaya pala may ganitong organisasyon dito sa Pilipinas ay dahil hinahayaan ng gobyerno ito. At tingin ko pa ay may tunay na dahilan bakit sila narito at bakit sila hinahayaan dito. Hindi ko lang mawari kung anong dahilan iyon, nakakakilabot tuloy, dati ay sa mga storya ko lamang nababasa ang mga ganitong klase ng eksena ngunit mapagdaanan ko na ngayon. Gusto ng tatay ko na imbestigahan ito ng palihim, at ang una kong target kilalanin, si Dominic Kiro De Jesus, ang sinasabing anak ng leader ng buong mafia, na nag-aaral sa papasukan kong eskwelahan. Alam ko na rin kung bakit sa dinadami dami ng eskwelahan ay dito siya nag-aaral, isa itong pribadong paaralan na kaunti lamang ang nag-aaral, halos mga nag-aaral dito ay mga taong may kakayahan, may katungkulan ang magulang at may kakaibang katalinuhan. Malaki ang eskuwelahan na ito at mahigpit sila sa mga pinapapasok na mga estudyante, tila may sinisekreto rin ang paaralang ito, maski ang mismong dean ng eskwelahan ay pansin ding kahina-hinala ang mga kilos, ayon iyan sa tatay ko. 

Well, mabalik ako sa anak ng Mafia Boss na si Dominic De Jesus, 'di ako natatakot sa lalaking 'yan. Marunong akong makipaglaban at matalino ako para ma-utakan ng kagaya niya para saan pa ang mga training ko kung matatalo rin naman ako, pero dapat pa rin akong mag-ingat.

Ayon, nandito na'ko sa school at woah, ang laki ng eskwelahan, ang background color ng school ay black and white. Mukhang misteryosong eskwelahan ito, nakakakilabot. Sa paligid lang ng paaralan ay mga puno at walang ibang estraktura kang makikita. 

May apat na malalaking building ang school na ito. Una ay ang high school, senior high school, college, at training department. Nakaka-excite ang training department, iyon talaga ang pumukaw ng atensyon ko kung titingnan parang tipikal lang itong eskwelahan ngunit may training department sila na tingin kong nagpa-espesyal sa paaralang ito. Agad akong napatingin sa room number ko.

C-2, College Room 2 

Hays, nauhaw tuloy ako sa name ng room ko, C2 kasi eh. Charot! 

Kung titingnan ang paligid, maraming kalat na estyudyante rito. May mga magkakaibigan na naghaharutan, mga mag-jowang 'di na mapaghiwalay, mga lonely ones, mga bestie bestie, mga magtr-tropa na lalaki, meron ding babae. Mga typical na mga estudyante lang kumbaga. 

Mga classic scenes lang sa isang eskwelahan. 

Nawindang ako sa pag-iisip ng bigla akong makarinig ng sigawan, nataranta ako at agad akong tumabi at hinanap kung saan iyon nagmumula.

"AYAN NA SILA OMG!"

"ANG POGI MO DOMINIC!"

"JASPER! MARRY MEEEE KYAAAHHHHH~"

"PRINCEEEEEE~"

Agad akong napatigil sa pagtingin sa mga tao ng marinig ang mga kagigil na mga sigawan na 'yun. Nagmumula iyon sa bandang entrance ng eskwelahan. 

Agad akong napatingin doon at nakitang nagkukumpulan ang parehong babae at lalaki, sa gitna nila may isang grupo ng mga lalaking nagsisi-datingan. Iyon ay binubuo ng tatlong lalaki. Iyon siguro 'yung Jasper, Dominic, at Prince na narinig ko kanina. Kakaiba dahil hindi lang mga babae ang tumitili, pati mga lalaki nagsisigawan, mga bakla at tomboy nagwawala at nagsiistalunan ng makita nila ang mga lalaking tinitilian nila. 

Hay, typical na eksena sa school.

Kapansin-pansin na puro dark colors ang suot nilang damit. Halatang mamahalin ito, ang gugwapo rin nila, may mga itsura. Paniguradong anak mayaman sila.

At base sa kung paano sila pagtilian ng mga tao rito, sigurado rin akong mga kilalang tao sila rito. 

Agad akong napaatras sa pag tingin ng biglang humugot ng baril ang mga nagbabantay sa likod nila. Parang guardya ba, para silang nga pulis na guardya na men 'n black na mga tao. Nasa gilid sila ng mga lalaki. Agad naman akong napangiwi, ano sila sanggol para kailangan pang bantayan? 

Pero napa-isip ako, kung kilala sila rito sa campus, ibig sabihin. Isa sa kanila ang anak ng mafia.

Nagulat ulit ako ng biglang sumigaw ang may hawak ng baril.

"MANAHIMIK KAYONG LAHAT! PARAANIN NIYO KAMI KUNG AYAW NIYONG MAMATAY!" sigaw nito sabay tutok ng baril sa mga estudyante, lahat ng mga nagtitilian kanina, lahat sila ngayon napa-atras.

Tama nga ako, kasama nila ang kaisa-isang anak ng Mafia. Pero nagulat ako ng biglang batukan ng isa sa kanila ang guardyang sumigaw kanina. Ano ba talagang nangyayari?

Teka? Pamilyar sa akin ang mukha no'n ha? Biglang nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Shems, 'di ako pwedeng magkamali! SIYA SI KUYANG NAKABANGGA KO NOONG ISANG ARAW. Kung mamalasin ka nga naman oh! Hays, sino ba kasi sa kanila ang anak ng Mafia para matigil na ako at makapag-aral na ulit ng payapa. 

Napahinga akong malalim sabay tingin sa malayo para magpakalma ng sarili. Akalain mo nga naman, tropa niya pa ang anak ng Mafia. Hays, mapaglarong tadhana.

Tila pinagalitan niya ito dahil pagkatapos niya batukan ay binaba at tinago agad ng guwardya ang kanyang baril.

Humarap ang lalaki sa mga tao rito at ngumiti ng sobrang tamis. Pero agad din nabawi ang ngiti niya ng magtapat ang mata namin. 

Patay.

Dominic's POV

Tokneneng naman oh!

Agad kong pinagalitan ang kasama kong nagbabantay sa'min nang humugot siya ng baril at pinagbantaan pa ang mga estyudyante rito, loko talaga ito hindi na nadala. Baka isipin pa nila na masama akong tao. Kaya nginitian ko nalang sila ng matamis para mapunta sa'kin ang atensyon nila. Pero nawala din agad iyon, ng sobrang bilis.

Isang pamilyar na mukha ang nakita ko. Ang mga matang matapang na nakabangga ko noon at nakaharap si Leo. Ang babaeng 'mata palang masindak ka na.'

Bakit siya nandito? Well, at least 'di na ako mahihirapan na kilalanin siya at kaibiganin. Don't get me wrong, gusto ko siyang makilala. Sinasabi ng utak at puso ko na kakampi siya, at sana nga kakampi siya. Agad niyang inalis ang tingin niya sa akin at naglakad papalayo.

Gusto ko siyang habulin pero ayokong mapahiya sa mga kasama ko rito.

Kaya ibinalik ko ang ngiti ko at kumaway sa mga babae.

Hahanapin kita mamaya, kung sino ka man, magtutuos tayo, magtutuos tayo ng landas.

Tumingin ako sa mga babaeng hanggang ngayon ay takot pa rin sa nangyari, "Hi girls, muah!" sabi ko sabay flying kiss sa kanila at nagsimula na ulit silang magtilian.

Tingnan mo nga naman, ganyan lang pala mapaamo ang isang babae. 

Agad akong kinalabit ni Jasper at sana ako binulungan ng, "Pre, baka isipin ng iba masama kang tao kahit masama ka naman talaga." Sabay halakhak ng malakas. 

May pagkasira talaga utak nitong hunghang na ito, hindi naman ako masamang tao. Kabwisit!

Zyrille's POV 

Agad kong inalis ang tingin ko sa kanya bago pa niya ako makilala, at baka mamaya habulin pa niya ako at ipahiya. Jusko, kinilabutan ako ro'n

Hindi ko alam kung sino ang binabangga kong iyan. Baka mapahamak lang ako r'yan. At malay ko ba kung siya pala ang hinahanap ko. Sana 'di siya magiging sagabal sa'kin.

Agad ko ring narinig ang bell na hudyat na magsisimula na ang klase.

Agad muna akong nagtungo sa banyo para ayusin ang saril ko. Dapat maging handa ako at dapat kayanin ko ang mga pagsubok na kakaharapin ko. Buti nalang at sa 3rd floor ang una kong klase

Trigonometry.

May anim na palapag ang building na ito, malawak din at malaki. Naglalakad na ako at wala nang tao sa paligid, siguro ay nasa kanya kanya na silang mga klase.

Okay lang 'yun dahil bago lang ako rito.

Nang makita ko ang Room 2 na hinahanap ko, kumatok ako at pumasok. Nandito na rin ang guro ko kaya okay na 'yun para hindi na ako makapag-isip ng kung ano ano.

"Magandang umaga po," bati ko sa aking guro, ngiting ngiti ako dahil unang klase ko ito, dapat magpa-impress ako. 

Pero agad din iyong napawi nang batiin ko ang mga kaklase ko, pumukaw agad sa mga mata ko ang pinaka-ayaw kong makasalamuha.

"Ikaw nanaman?" inis kong sabi sabay nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin.

"Ikaw nanaman?!" inis din niyang tanong sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

Anak ka ng pating na nilamon ng shark, pati ba naman dito? hays!

NAPAKAGANDANG ARAW PARA SA'KIN SOBRA, GRABE NA. KAKASIMULA PALANG NG ARAW EH!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 22

    Dominic's POVHabang nandito ako at busy, sinusubukan kong i-hack ang tracker para malaman ko kung nasaan ba talaga si Zyrille, then I receive someone's message. Pansin mong gaya sa ibang mga nagtext sa aking mga unknown numbers, iba rin ang isang ito. Hindi ko ba alam kung iba't ibang tao ba talaga ang nagte-text sa akin or still the same person pero iniiba lang ‘yung number just to trick me. Pero may kutob din akong trip lang akong paglaruan ng kung sinong may pakana nito, akala niya o nila siguro na madali lang akong mauto at hindi ako nag-iisip.Zyrille's father got an email yesterday at nalaman din naming pati din pala ang Detective Organization ay pinadalhan din ng message na nawawala si Zyrille.I couldn't believe na aabot sa lahat ang nangyayari ngayon, pero hindi ako nagsisisi. Hindi ko pinagsisisihan na pinili ko si Zyrille, na mahalin ko siya, no matter what happen, I will still love her until death. I will still love her until my last breath. "Do you miss your precious Z

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 21

    Darius' POVAfter a while, I decided to check Zyrille.Dito na magsisimula ang plano ko.Ang planong matagal ko ng pinaghandaan, matagal ko ng isinantabi para gamitin para sa takdang panahon, at ngayon na ang panahon na iyon.Hindi ko mawaring isipin na hahantong ako sa ganito, isa lang naman akong normal na tao, but anger made me to do this.Pagkatapos kong mag-drive, nandito na ako sa isang abandonadong building, kung nasaan ang isang babae lubos na makakatulong sa akin para mapabagsak si Dominic.Pagkapasok ko sa loob, as usual na sasalubungin ako ng mga tauhan ko.Pagkapunta ko kay Zyrille, nakita ko siyang nanghihina ng sobra at natutulog.Pansin sa mukha niyang sobrang namamaga at halos namumula pa rin.Alam ko na kung sino ang may gawa niyan. Napangisi na lang ako habang pinagmamasdan ang itsura niya. She's so damn hopeless. Well, hindi ko rin naman masisisi si Amaryllis, masyadong maraming kasalanan si Zyrille sa kan'ya.At kung balak niyang patayin si Zyrille, then go. Hindi

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 20

    Amaryllis' POVLike I've said, its payback time.Pagkapasok ko sa loob sinalubong ako ng mga tauhan ni Darius, I make sure na may distances kami between me and the so called 'tauhan' ko. Masyadong precious ang katawan ko at masyadong mataas para dumikit sa mga hampas lupang utusan, para bayaran. Pagkapasok ko, unang hinanap ng mata ko ang pagmumukha ni Zyrille and yeah, I found the bitch who destroyed my life. Natutulog siya at nakagapos, nasa sahig at nanghihina. Deserve mo 'yan. Pinag-gloves ko ang mga tauhan ko para hawakan ang shades at bag ko. Ayokong madumihan ang mga 'yun, dahil mas mahal pa'yon kaysa sa buhay nila.Natutulog ang munting prinsesa kaya gigisingin din natin siya the way she deserves.Nagpakuha ako ng mainit at bagong kulong tubig mula sa mga tauhan ko.And when it's done. Kumuha ako ng isang baso, ng umuusok at mainit na kumukulong tubig.Time to wake the bitch.Lumapit ako sa pagmumukha niya at umupo, pinagmasdan ko muna ang pagmumukha ng taong sumira sa buhay

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 19

    Darius's POVCalling Amaryllis..."Hey sweetie? Did you forget to check your email? Sinend ko ang informations na kailangan mo to hack the mafia's hacker, including the codes you needed," Isang ngisi ang lumapat sa aking mga labi. Once na mapasaakin ang codes na kailangan para ma-hack ang hacker, mahihirapan na sila na makita at ma-locate ang isa't isa. Mas mapapadali ang magpapatumba ko sa dalawang istorbo sa aking buhay. "Yes sweetie, I already did that at 'di na nila kayo ma-tatrack," sagot ko. "So, wanna see the snake here? Natutulog nga lang siya," sunod kong sabi. "Oh sure, gustong gusto ko makita, at panggigilan," seryosong sagot ni Amaryllis. Amaryllis is on her way here to check the if everything is fine. Hindi pa rin niya naaalis sa sarili niya ang pagka-bitter ng dahil sa nangyari sa kanila ni Dominic, making her hate Zyrille even more.Ayaw na niya kay Zyrille una pa lang.Amaryllis is one of the detective trainee's. Si Amaryllis ang laging pinupuri noon dahil sa ga

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 18

    DOMINIC'S POVMatapos ng malayo layo kong pagtakbo sa tumigil muna ako para ayusin ang sarili ko. Hinahabol ko pa rin ang hininga ko dahil tinakbo lang ang pagpunta sa lugar na ito.Nandito ako ngayon sa isang abandonadong lugar kung saan 'yung sinend na address sa akin ni Luna.May mga bakal na nakaharang sa mismong dalawang malaking pintuan nito. Tila pinaghandaan nilang darating talaga ako kaya hindi nila hahayaang basta na lang akong makapasok dito. Ang talino rin naman pala ng kalaban ko.Pero sana hindi tanga ang tingin niya sa akin dahil gagawin ko ang lahat para warakin ito. Kinuha ko ang baril ko at kutsilyo at agad na pinaputukan ang bawat sulok ng bakal para mabali at mawasak ito. Ginawa ko lahat, kumuha rin ako ng mga bakal dito at pinaghahampas ang kadena.May silencer din naman ang baril ko kaya hindi rinig ang pagputok ng bala. Ngunit alam kong ma

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 17

    Darius' POVA long time ago, there was this boy and his brother, playing together, eating together, laughing together, having fun together.Not until their mother died. Which is soon to be the successor of the Mafia. Then, an organization starts to think that they need someone to take the position of leader. So then, their father decided to choose between the two siblings. The other sibling said, "I nominate my kuya! Because he's strong, he can do that," and the older brother thought that because he's the older one, he's going to be the leader. And as the older brother assumed that he was going to be the successor of the organization, the opposite happened.The younger one won the position. The father said that "I choose the younger one because he's more capable and responsible than the older one."The older brother feels broken and starts to cry every night. He is very envious and jealous of his bro

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status