Share

CHAPTER 2

Dominic's POV

"Tapos na ang dapat pag-usapan, aalis na'ko, wala namang kwenta ang mga pinag-uusapan niyo, wala ring kakwenta-kwentang 'tong kausap ko," prangkang sabi ko sabay tayo, nagsasayang lamang ako ng oras para rito. 

Pagkatayo ko bigla agad ako hinarang ng mga malalaking taong kasama ni Leo, si Leo ay isang mataas na taong kinatatakutan ng ibang mga mafia dahil sa yaman at kapangyarihan niya bilang leader. Magaling siyang makipag-salisihan ng pakikipag-usap, kaya marami siyang naloloko.

Pero sa lahat ng lolokohin niya, sinisigurado kong hindi ako iyon, mas lamang ako ng talino at galing sa stratehiya kaysa sa kanya, kaya hindi niya ako mauutakan sa kanyang mga salita, mas lalong hindi niya ako mahihigitan sa lakas dahil mas malakas ako kumpara sa kanya. 

Tingnan ako ng masama si Leo, at sabay biglang hugot niya ng baril mula sa kanyang pantalon at itinutok ito sa akin. My eyes darkened, tingnan mo nga naman, siya talaga itong maruming makipag-laban. Hindi niya ako kayang talunin kaya idadaan nalang niya sa baril, pfft classic. 

Lahat ng nandito sa loob ng warehouse, napa-atras. Alam nilang mali ang hakbang na gagawin ni Leo, isang napakamaling hakbang. Dahil sa gagawin niya mas lalong magkakagulo sa pagitan ng dalawang organisasyon at wala lang magandang mangyayari.

"Hanggang tutok ka na lang ba?" mata ko siyang tinignan at nginitian, hindi ako natatakot sa pagtutok lamang ng baril. 

Pagkatingin ko sa kanya ay gigil na gigil ang itsura niya na tipong gustong gusto na'kong patayin, tipong sobrang higpit ng hawak niya sa kanyang baril at gustong gusto na niya itong pinutok. 

He clenched his jaw while looking at me.

Nakakatawa ang itsura niya kung iisipin. Hindi niya ako masaktan saktan dahil kapag ginawa niya iyon, hindi lang buhay niya ang kapalit. Kundi buhay ng lahat ng meron at kampi sa kanya.

Anak ako ng pinaka-pinuno ng buong organisasyon ng isang malakas at makapangyarihang mafia. Hindi niya ako basta basta kayang saktan o sugatan. Dahil buong organisasyon ko ang makakalaban niya. At isa pa, hamak namang mas gwapo ako kaysa sa ugok na ito, kaya hindi niya ako pwedeng patayin, mawawalan ng gwapo sa mundo. 

"Hindi kita titigilan hangg't 'di mo pinapaboran ang gusto ko!" dahan dahan at puno ng galit niyang sabi sa akin.

"Edi don't." Walang gana kong sambit right after niyang sabihin na hindi niya raw ako titigilan. Edi don't, madali naman akong kausap, kala mo naman matatalo niya ako sa ganyan. Kala mo naman kung sino akong loser para matalo niya. Calling me loser doesn't make him a winner.

Manggigil lamang siya, natutuwa akong makita siyang nangigigil sa galit habang walang magawa kundi tumunganga.

At grabe ha, nakakatakot naman! Sa sobrang takot ko, mamamatay na ako sa kakahalakhak. Napayuko nalang tuloy ako at baka makita pa niya akong tumatawa.

Ng masabi niya iyon, agad ulit akong nakarinig ng isa pang kasa ng baril. Dahil du'n, agad kumunot ang noo ko, gano'n ba ako kahirap patayin at kailangan pang dalawa ang babaril sa'kin? Are you guys kidding me? 

Agad kong ini-angat ang ulo ko para makita kung sinong lapastangan ang nagkasa ng baril.

At nakita ko si Luna, nakatutok ang baril niya sa direksyon ko, ngunit hindi sa'kin niya ito nais iputok. Nais niya itong iputok kay Leo upang bantaan ito. Dahan dahan siyang lumakad papalit sa kinaroroonan namin. 

Nakasuot siya ng kanyang black suit habang nakatirintas naman ang buhok, she also have a drop-dead gorgeous looking na lahat ng lalaki ay mapapatingin na lang sa kanyang kagandahan at kaseksihan.

Si Luna rin ay isa sa mga sniper head ng aking grupo. Isa sa pinaka-magagaling na sniper ko. Siya rin ang lagi kong kasama dahil siya ang laging pumoprotekta sa akin kapag nasa ganitong situwasyon ako.

Magaling, hindi niya ulit ako binigo. She's right on time, as always.

"Isang putok ng baril mo, kamatayan agad ang susunod sa 'yo," sabi niya habang papalapit at seryosong nakatingin kay Leo. 

Dahil distracted si Leo sa pagdating ni Luna, agad ko siyang pinuntahan at mabilis na inagaw ang baril niya at siniko siya sa t'yan upang mawalan siya ng balanseng lumaban pa. 

Sinugod din ako ng kanyang mga tauhan ngunit pinaputukan agad sila ni Luna, kasabay din naman nang pag-atake ng aking mga tauhan.

Nagkakagulo ang lahat, lahat ay may kanya kanyang nilalabanan. Kaliwa't kanang putok ng baril at daing ng ibat-ibang tao. 

Ganito ang buhay ko, ganito ka miserable, ganito kagulo.

Tiningnan ko si Leo na pilit inaagaw ang baril sa akin at pigit akong sinusuntok at nilalabanan. Hirap talaga kung sa baril ka lang aasa, mamamatay ka agad. Buti nalang hindi ako gaya ng lalaking ito.

"Kung nanaisin kong mamatay ka, masyadong boring 'pag pinaputok ko lang yung sarili mong baril sa 'yo." Tinadyakan ko siya sa tyan para mabitawan niya ang hawak niyang baril. Napaatras siya at sumunod din sa kanya ang mga tauhan niyang halos lahat ay sugatan. 

Agad akong nagpaputok ng bala sa ere. Senyas ito na tumigil na sila sa away na nangyayari, at upang makuha ang atensyon ng lahat.

Hinabol ko muna ang hininga ko sabay tingin sa kanila. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, bibilang ako ng tatlo at lahat kayo umalis na rito, o lahat kayo aalis na ritong wala nang buhay?" I smirk, sabay nilingon silang lahat.

Nanigas ang lahat sa kanilang kinatatayuan. Alam nilang hindi ako nagbibiro.

"Isa" 

"Dalawa"

"Tat-" napatigil ako sa pagbibilang nang magsalita si Leo.

"AALIS NA KAMI! Pero ito ang tandaan mo, Dominic! Pagbabayaran mo lahat ito, sinisigurado kong matatalo rin kita! TANDAAN MO 'YAN," sambit niya at siya na ang na-unang tumakbo palabas ng warehouse, at sumunod naman ang kanyang mga lampang tauhan.

"Tanga! Wala akong utang sa 'yo, wala akong dapat pagbayaran, hunghang!" Sigaw ko habang pinapanood silang magsitakbuhan at magsibalikan sa kanilang mga kotse. 

Huminga akong malalim at ininaba na rin ang baril ko. Tumingin ako kay Luna at binaba na rin niya ang baril niya sabay lapit sa akin.

"Buti nalang at na-trace kita agad, bwisit ka, hays! Lagi ka nalang sumasabak sa gerahan ng walang alam! ANO KA BA?" Sigaw niya sa akin at sabay inirapan ako. Sanay na akong laging sinisigawan ni Luna. Daig pa ang isang magulang kung makasermon eh.

"Tao," walang atubiling sabi ko. Tiningnan niya lamang ako nang masama dahil sa sinabi ko.

"Tss, umuwi na nga tayo," sabi ko sabay ayos ng mga papeles na ginamit ko kanina. Nagsiayos na rin ang ibang mga tauhan at nauna na silang lumabas dahil ang iba ay kailangang gamutin at kailangang maayos agad ang gulong naganap dito bago pa may makakitang iba.

"Aray! Aba't-" Agad akong binatukan ni Luna bago pa siya tuluyang lumabas ng warehouse. 

Hays, babaeng 'to talaga, napakasakit kaya kapag binabatukan ako, tila mawawarak ang buong ulo ko sa ginagawa niya. 

Ako nga pala si Dominic Kiro De Jesus. Isang College student, hindi pangkaraniwan ang buhay ko gaya ng iba. Hindi ko rin naman ginusto ito sa unang pagkakataon, pero napagtanto kong ito ang kapalaran ko.

Ang nanay ko ay isang housewife lang noon at ang tatay ko ang leader ng Buong Mafia Organization. 

Ang Erebus Mafia. Ang ibig sabihin ng Erebus ay pangalan ng isang Greek God of Darkness. Kaya pansin din na halos lahat kami puro mga dark colors ang gamit sa kahit anong bagay. Maski sa kasuotan. Maski sa awra naming lahat, and darkness means death and fear. 

Marami akong ginagawa lagi at nag-a- attend na mga meetings at meet-up.

Nakikipagkasundo at minsa'y nakikipag laban para sa mga masama.

Ibahin niyo ako. Hindi akong masamang tao. Hindi kami masamang tao. Ginawa namin ang mga organization na ito para matumba ang mga masasamang organization na lumalaganap sa mundo, ginagamit namin ang aming kapangyarihan at kayamanan upang mapatumba lahat nang mapang-api.

At upang matigil ang mga daya na nangyayari rito. 

I hate bad peoples. Ayoko sa lahat ang gumagawa ng masama. Pangarap kong maging isang pulis sa totoo lang. Pero mas gusto ko na 'yung ganito. Mas may thrill 'yung ganito, mas marami akong nagagawa at natututunan.

Habang nag kukwento ako nasa kotse na'ko, pa-uwi na rin kami nila Luna. Gusto ko nang magpahinga dahil napagod akong tawanan ang isang walang utak na kagaya ni Leo, sayang lang siya sa oras at dapat ay marami pa akong ibang bagay na inaasikaso kaysa sa pakikipaglokohan sa kagaya niya.

May isa pa 'kong bahay, 'yung mansion kung saan buong Mafia at pamilya ko nandu'n. Pero bindi ako pumupunta du'n masyado, seryoso mga tao du'n. Gusto ko lang naman maging simpleng tao kaso wala eh. Ganu'n talaga ang buhay, kailangan mong magpatuloy dahil ito ang kapalarang ibinigay sa iyo at wala ka nang magagawa kundi tanggapin ito.

Napatingin ako bigla sa may kalsada, nakakita ako ng mga batang naglalaro at biglang nadapa ang isang bata kaya pinagtawanan siya ng mga kasama niya.

Nakakainggit, napakasimple lang ng buhay nila, puro tawanan, puro ligaya. Napakanormal lang ng kanilang buhay.

Hindi ko iyan naranasan sa buong buhay ko. Lumaki akong puro patalim ang kalaro ko. Kapag ganyang nasusugatan ako, puro sermon ang inaabot ko. At hindi 'yun masaya sa akin. Sobrang hirap, lagi akong sinusugod sa ospital sa sobrang dami kong sugat at dugong nawawala sa akin, at marami pang iba. 

Nandito na rin kami sa bahay, bumaba na kami at lahat nagsisi-ayos na ng kani-kanilang mga gamit at magpapahinga na rin kami, at ako'y magpapahinga na rin. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status