MasukPagkatapos niyang magkaroon ng basbas kay Lola Beth na pwede niyang puntahan si Aria sa Scotland ay hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Agad siyang nag-book ng ticket at nag-ayos ng kanyang mga dadalhin. Ngayon nasa airport na siya at naghihintay ng kanyang flight.Napagdesisyunan nila ni Lola Beth na huwag munang sabihin sa kanilang pamilya na sa Scotland siya pupunta. Ang sinabi lang niya ay babalik na siya ng Iloilo dahil aasikasuhin niya ang resort.“Hayaan mo na ang resort, iho. Mag-bonding muna tayo dito. Gusto ng Lola Beth mo na kumpleto tayo dito. Umuwi na nga si Aria, pati ba naman ikaw aalis din?” sabi ng Mommy Fe niya nang isang araw na kumakain sila at nagpaalam siya sa lahat na aalis na.“Hayaan mo na si Clarkson, Fe. Pinayagan ko na siyang umuwi. Bibisitahin niya naman ako kapag hindi na siya busy doon.”Lihim silang nagngitian ni Lola Beth nang walang nakatingin. Sila lang ang may alam sa sikreto nilang dalawa.At ito nga, naghihintay na lang siya ng kanyang flight. Ex
Ilang araw pa ang lumipas at tuluyan na ang paggaling niya. Umuwi na din si Vicky sa Iloilo dahil may trabaho ito. Wala din siyang balita kay Aria. Nahiya naman siyang magtanong kahit kanino doon sa rancho. Ayaw niyang mag-isip ang mga ito ng kung ano sa kanya.Kasalukuyang naliligo sa swimming pool sina Ate Lilly at ang mga anak nito, kasama ang mga anak ni Kuya Gray. Siya lang ang tanging nakaupo doon at nagmamasid lang.“Why don’t you join us here, Clarskon,” aya ni Kuya Finn sa kanya.“I'm fine, Kuya. Wala akong gana maligo ngayon.”Ang mga magulang nila ay abala din sa pagma-mahjong. Kapag magkakasama ang mga ito ay parang wala nang iniisip na bukas. Ang mommy niya ay nandoon din, ang daddy niya ay bumalik ng Manila dahil may trabaho pero bumabalik naman sa Pampanga kapag weekends.Bored na bored na siya doon, wala naman si Aria. Si Aria lang naman ang nagpapasaya sa kanya. Dapat siguro bumalik na lang din siya sa Iloilo.Tumayo siya at naglakad-lakad. Nakita niya ang kanyang Lol
"Damn Aria…" ungol niya habang pilit na nilalaliman ang kanilang paghahalikan. Hindi naman umiwas si Aria, pero hindi din ito tumutugon. Hinayaan lang siya nitong gawin ang gusto niya.Aaminin niyang kahit parang tuod ito ay tinamaan pa din siya ng init. Matagal na niyang pangarap si Aria, simula pa noong mga bata pa sila. Nabaling lang kay Lovely ang atensyon niya dahil nakukuha niya ang gusto sa isa. But that doesn’t mean na wala na siyang interest sa nobya.Natigil lang ang paghahalikan nila… rather ang paghalik niya kay Aria -- (hindi naman kasi ito tumutugon sa kanya)-- nang may kumatok sa pinto.Tinulak siya nang bahagya ni Aria.Si Phern ang pumasok. Naging seryoso ang mukha niya. Naging uneasy naman ito nang makita siya doon.“What is it, Phern?”“Ahm… Madam, ibibigay ko lang itong files na hinihingi mo.”“Okay, thanks. Kamusta na pala ang kotse mo, naayos na ba?” tanong ni Aria. Tumingin muna ito sa kanya bago sumagot.“Hindi pa, Madam. I will take a cab later.”“Ang mabuti p
Pagkatapos makipag-usap ni Aria kay Phern ay dinala na niya ang nobya sa restaurant na doon lang din mismo sa loob ng hotel.Pasimpleng nanlilisik ang mga mata ni Lovely nang dumaan sila sa front desk ni Aria na magkahawak-kamay. Alam niyang selos na selos na naman ito kay Aria.Napabuntong-hininga na lang siya. Ilang beses na niyang ipinaliwanag kay Lovely na huwag magpahalata pero hindi pa din ito kayang gawin.Nang makapasok na sila sa restaurant ay umupo sila sa bakanteng table. Agad naman silang inasikaso ng waiter.“Caesar salad and lemonade for your Madam Aria, then T-bone steak for me. Make it fast!” utos niya sa waiter.“Bakit ikaw na ang nag-o-order sa akin? Ikaw na ang nagde-decide ng kakainin ko? And do not treat my staff like that?” naiiritang sita ni Aria sa kanya.“’Di ba diet ka? Iyan naman ang palagi mong kinakain, ’di ba? Caesar salad?”Nagbabangayan sila sa harap ng waiter. Hindi pa ito umaalis sa harap nila.“No, this time I want to eat decent food.”“Pero kailanga
Pagpasok nito sa kotse ay agad niya itong sinunggaban.“Love, ano ba, nakikiliti ako...” wika nito nang dakmahin niya ang dalawa nitong suso.“I miss you, Love. Matagal na kitang hindi naikama simula nang dumating si Aria. Baka kasi magduda siya sa atin.”“Bakit kasi hindi mo na lang ako ibahay para gabi-gabi kitang papaligayahin.”“Hindi pa pwede. Napag-usapan na natin ’to, diba? Oras na maikasal ako kay Aria ay saka natin gagawin ang mga plano natin. Bibilhan kita ng bahay at kotse basta papaligayahin mo ako gabi-gabi.”“Hehehe, pangako iyan, Love ha?”“Oo naman,” sambit niya saka ito siniil ng halik. Nakipaglaplapan din si Lovely sa kanya. Hindi nagtagal ay marahan siya nitong tinulak.“Babalik na ako sa front desk. Baka bisitahin kami ni Ma'am Aria doon at hanapin ako.”“Okay, pero mamaya magkita tayo ha. Miss na kasi kita.”Muli niyang hinalikan si Lovely bago ito lumabas. Sakto naman na paglabas nito sa kotse niya ay dumaan din si Phern. Nabigla ito nang makitang lumabas si Love
“Kamusta na pala yung dad mo? Yung negosyo niyo?”“Bakit mo natanong?” nagtatakang tanong Ben“Hindi ba nga nauna kang umuwi dito sa Scotland dahil sabi mo may problema ang negosyo at kailangan ka ng daddy mo?”“Ah ayon, okay na. Nagawa na namin ng paraan. The business is doing fine. In fact, plano naming mag-expand.”“That's good to hear.”Huli niyang tinutok ang sarili sa papeles na kakabigay lang ni Phern.“Babe, maiiwan muna kita dito ha? Doon lang ako tatambay sa lobby, total busy ka naman.”“Wala ka ba ibang trabaho? Bakit hindi ka tumambay doon sa opisina niyo? Matutulungan mo pa ang daddy mo.”“Aalis din ako agad. Dinaanan lang talaga kita dito.”Tumango siya. Ang akala niya ay buong araw na naman tatambay si Ben doon. Nanghihinayang siya sa oras na ginugugol nito sa pagtatambay sa hotel niya samantalang pwede naman itong magtrabaho sa sariling negosyo.Hindi pa nakaalis si Ben ay dumating na si Prern na may dala nang kape na hinihingi niya.“Pwede mo din ba ako gawa ng kape,







