Share

CHAPTER 1144

Author: dyowanabi
last update publish date: 2025-11-14 15:20:18

Kinabukasan nga ay lumipad na agad sila ng kanyang Mommy papunta sa Iloilo. Ang sabi nga niya siya na lang ang babyahe at hindi na kailangang samahan pa, pero hindi ito pumayag. Sisiguraduhin daw nitong doon nga papunta siya. Lihim siyang napasimangot. Sa tingin nila saan naman siya pupunta? Bar at bahay lang naman siya!

Tahimik lang siya habang nasa byahe. Nakatingin siya sa mga ulap sa labas ng bintana. Kung sana ganun lang kapayapa ang buhay niya katulad ng ulap. Simula nang umalis si Aria a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Winny
kalimutan nyo n ang isat isa naraming magagandang babae at matlino mabait sa ilo ilo
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
hanap kana ng jowahin mo dyan Clarkson
goodnovel comment avatar
chuchu
Mag hanap kana ng babae Jan sa iloilo hayaan muna si aria gigil din aq sa ugali ng magulang ni aria
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1860

    “Ano ba talaga ang pag-uusapan natin, Mom, Dad? Gusto ko nang magpahinga.”Hindi na niya napigilan ang magpakita ng pagkainis. Kung pinaupo lang siya roon para pakinggan ang walang katapusang papuri ng mga ito kay Olga at ang pamamaliit sa kanya, mas mabuti pang dumiretso na lang siya sa kanyang kuwarto.Unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi ng kanyang mga magulang.“Vivienne, listen carefully,” panimula ng kanyang daddy Charles habang seryosong nakatingin sa kanya.Bahagya siyang napatuwid ng upo. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba sa tono ng boses nito. Para bang may sasabihin itong hindi niya magugustuhan.“Now that you're here, it's time to fulfill the long-standing agreement between our family and the Mackenzies.”“Mackenzies?”Si Olga ang unang napa-react. Halatang nagulat ito, ngunit may kakaibang kislap sa mga mata nitong hindi niya maipaliwanag.Hindi siya nagsalita. Sa halip ay nanatili lang siyang nakatingin sa kanyang ama habang hinihintay ang ka

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1859

    Gabi na nang tuluyan siyang makauwi sa kanilang bahay. Ang inaakala niyang sandaling pagbisita lang sa opisina ay nauwi sa mas mahabang pananatili roon. Hindi na rin nila namalayan ni Daphne ang oras dahil nauwi pa sa dinner at ilang baso ng alak ang kanilang pagkikita.Matagal-tagal na rin kasi silang hindi nagkakasama nang ganoon. Marami silang napag-usapan, nagkuwentuhan at nagtawanan na para bang walang nagbago sa kanilang pagkakaibigan. Kaya naman kahit papaano ay nakapag-unwind siya at pansamantalang nakalimutan ang mga problemang naghihintay sa kanya sa bahay.Pagdating niya sa kanilang mansiyon, medyo groggy na siya dahil sa nainom. May maliit na ngiti pa sa labi niya habang itinutulak ang main door. Bahagya pa siyang napahagikgik habang inaalis ang sapatos.Ngunit agad na nawala ang ngiti sa kanyang mukha nang mapansing maliwanag pa ang buong kabahayan.Napahinto siya sa may entrance nang makita ang kanyang mga magulang na parehong nakaupo sa sala. Naroon din si Olga na tila

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1858

    Habang nasa loob sila ng elevator, hindi mapigilan ni Daphne ang tumawa habang nakatingin sa kanya.“First day mo pa lang sa kumpanya, may na-fire ka na agad?” natatawang tanong nito.Napasimangot siya. “I don't like bullies, Daph. You know that.”“Hindi rin naman kita masisisi, Viv. But look at you! Hindi ka nga mukhang presidente ng isang kumpanya.”Binigyan niya ito ng masamang tingin bago tuluyang lumabas ng elevator. Walang imik siyang pumasok sa sariling opisina at dumiretso sa swivel chair sa likod ng malaking mesa. Pagkaupo, komportable niyang isinandal ang likod at iniangat ang dalawang paa upang ipatong sa ibabaw ng mesa.“Would you like some coffee, Your Highness?” nakangising biro ni Daphne habang nakasandal sa gilid ng mesa.Muli niya itong tiningnan nang masama.“Highness ka diyan! Hindi ba't ikaw mismo ang nagsabing mukha lang akong janitor dito?”“Hahaha! Hey! Hindi ako ang nagsabi no'n!”“That's why I fired her, right?” walang ganang sagot niya.Hindi naman sa wala si

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1857

    “What is going on here?”Malakas na sigaw ni Daphne nang makitang nagkakagulo ang mga tao sa harap niya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa babaeng nakatayo sa tabi ng isang sasakyan at sa sekretarya niyang halatang galit na galit.“Ma’am Daphne, may namamalimos po rito. Nag-park pa siya sa parking space ng president!” Agad na sumbong ng sekretarya. “Paano kung dumating si Madam at magalit? Alam naman nating bawal na bawal na may ibang gumamit ng parking space niya!”Huminga nang malalim si Daphne habang nakatingin dito. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa ikinikilos ng sekretarya. Halatang-halata sa mukha nito ang pagkainis sa babaeng nasa harapan nila.“Look at her, Ma’am Daphne! Ang kapal talaga ng mukha niya. Kanina ko pa siya pinapaalis pero hindi pa rin siya umaalis!”Wika nito habang mariing itinuturo si Vivienne na para bang isa itong malaking istorbo sa kanilang paningin.“Don’t worry, Ma’am Daphne. Ako na ang bahala sa babaeng iyan.” Agad itong humarap sa dal

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1856

    "You bitch! Hindi mo ba ako naririnig? Alisin mo ang kotse mo sa parking ng president! Kung hindi, ipapabasag ko iyan sa mga tauhan ko!"Napakunot ang noo ni Vivienne. Hindi niya inaasahang ganito kabastos ang sasalubong sa kaniya pagdating pa lang sa sarili niyang kompanya.Gusto niyang matawa sa kapal ng mukha ng babae, ngunit mas nanaig ang inis niya."I am the president," mahinahon ngunit may diin niyang sambit.Hindi niya kailangang lakasan ang boses o magpakita ng anumang awtoridad. Hindi rin niya ugaling ipagsigawan ang kaniyang posisyon sa kung sino-sino. Kung tutuusin, sapat nang sabihin niya ang totoo at hintayin itong magpakilala ng respeto.Subalit sa halip na maniwala, biglang nagtawanan ang babae at ang mga bodyguards"You? Ikaw ang president ng kompanya?" Sarkastiko itong napahalakhak. "Hahaha! Are you kidding me? Look at you! Baliw ka ba? Umalis ka rito! Doon ka magbiro sa ibang lugar kung ayaw mong ipadampot kita sa mga pulis!"Napasinghap siya nang bahagya at pinilit

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1855

    Maya-maya ay kinuha niya ang kaniyang cellphone at hinanap ang pangalan ni Daphne sa kaniyang contacts. Tatawagan niya ang kaibigan upang ipaalam na papunta na siya sa opisina.Ilang ring lang ay may sumagot na sa kabilang linya."Hello?"Agad niyang narinig ang bahagyang naiiritang boses ng kaibigan. Napangiti siya. Mukhang hindi maganda ang mood nito."Matagal na tayong hindi nagkikita, tapos iyan agad ang bungad mo sa akin?" natatawang tanong niya."Ano naman kasi! Ilang araw ka nang nasa Scotland, pero ngayon ka lang nagparamdam sa akin? Ni hindi ka man lang nagawang magpakita sa opisina!" reklamo nito.Lalong lumapad ang kaniyang ngiti habang nakatutok ang mga mata sa kalsada."Bakit? Ginagawa ko naman ang trabaho ko, hindi ba? I sent you all the files you needed for our magazines. All the photos and data are there. Ano pa bang gusto mo?"Photography talaga ang isa sa pinakamalaking passion niya. Iyon ang dahilan kung bakit Global Frame Media ang kompanyang pinili niyang itayo. M

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status