MasukParang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ni Tyler. Unti-unting nanghina ang kanyang mga tuhod. Muling bumalik sa kanyang isip ang mga pangyayaring muntik nang ikapahamak ni Jolie noon.Hindi... hindi maaaring mangyari iyon muli! Mariin niyang kinuyom ang kanyang mga kamao."Close all the entrances and exits. I-lock down ninyo ang buong building. Isa-isahin ninyo ang bawat kuwarto.""Sir, kahit occupied po?""I don't care!" sigaw niya, dahilan upang mapatingin sa kanya ang lahat. "Okupado man o hindi, buksan ninyo lahat! Search every single room!" Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "Hanapin ninyo si Jolie. Now!"Muli na namang nagsipaghiwa-hiwalay ang kanyang mga tauhan."Mr. Blacksmith..." Muling lumapit ang host ng programa. Halata na rin ang pag-aalala sa mukha nito. "Wala pa rin po ba si Miss Jolie? Naghihintay na po ang mga bisita. Kanina pa nila hinihintay ang celebrant."Ngunit hindi na siya nakasagot. Paano siya makakasagot kung maging siya ay hind
"Hindi naman siya gano'n kaespesyal! Is she good in bed?" mapait itong natawa. "I can be good in bed too! I'll do everything to make you happy, Tyler. Mahalin mo lang ako... ako na lang!"Halos sabay-sabay napasinghap ang mga taong nakarinig. Maging sina Lola Beth at Lolo Gregore ay hindi makapaniwalang ganoon kababa ang kaya nitong sabihin.Samantala, tuluyang nagdilim ang mukha ni Tyler. Ang kanina'y kalmadong ekspresyon ay napalitan ng matinding galit. Dahan-dahan siyang lumapit kay Raquel hanggang ilang pulgada na lamang ang pagitan nila."You don't get to talk about Jolie like that!" Malamig ang kanyang boses ngunit sapat iyon upang manginig ang buong katawan ni Raquel. "Wala kang karapatang bastusin, maliitin, o insultuhin ang babaeng mahal ko. At sa mga sinabi mo ngayon... lalo mo lang pinatunayan kung gaano kasama ang ugali mo!"Mariin ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Napailing siya habang puno ng pagkadismaya ang kanyang mga mata. "Sinayang mo ang magandang kinabu
TYLER'S POV:Abala si Tyler sa pag-asikaso sa mga natitirang bisita. Ang birthday na dapat sana'y puno ng tawanan, musika, at masasayang alaala para kay Jolie ay nauwi sa isang napakalaking eskandalo.Wala na sina Queenie at ang mga kaibigan nito. Dinala na sa presinto para interogahin sa mga kasalanan ng mga ito. Napag-alaman na hindi lang pala si Jolie ang biktima ng pambu-bully ng apat. May mga babaeng sinaktan at tinakot din kung kaya't hindi nagkapagsampa ng kaso. Pero dahil sa nangyari ay nagkaroon ang mga ito ng lakas ng loob. Samantala, si Raquel ay nanatiling nakaluhod sa harapan nina Lolo Gregore at Lola Beth. Halos hindi na ito makatingin sa dalawa habang patuloy sa pag-iyak at pagsusumamo.Kahit paano ay naaawa ang mga matatanda rito. Matagal na ring nagtatrabaho si Raquel sa Miller Hotel. Sa katunayan, siya mismo ang nagrekomenda rito sa kanyang mga lolo at lola noong naghahanap ito ng disenteng trabaho. Dahil sa sipag at magandang performance nito noon, mabilis nitong
Galit na galit na hinarap siya ni Queenie. "How could you do this to us, Tyler?! Saan mo nakuha ang video na 'yan? Sino ang nag-record niyan?"Hindi pa man nakakasagot si Tyler ay may isang matipunong lalaki ang dahan-dahang lumapit at huminto sa tabi nito.Nang makita iyon ni Queenie ay halos mawalan ito ng kulay. "I-Ikaw?"Nanlaki ang kanyang mga mata. "You were in our house! You leaked that video? You recorded us! Isusumbong kita kay Daddy! Sisiguraduhin kong mananagot kayong dalawa!"Bahagyang ngumiti ang lalaki. Si Yuki-- ang private investigator ni Tyler."I'm afraid... wala nang magagawa ang daddy mo, Queenie. Tapos na ang panahon na natatakasan niya ang batas. Sa oras na ito, may operasyon na ang NBI, at ang daddy mo... ay inaaresto na rin."Parang binagsakan ng langit at lupa si Queenie. "Ano...? Hindi... Impossible!""Queenie!" Sigaw ni Meagan habang galit na itinulak siya. "You dragged us into this! Sabi mo ikaw ang bahala!""Oo nga!" sabat ni Heather. "Ikaw ang nag-organiz
Napuno ng pagtataka ang mukha ni Jolie. Remote?... Si Tyler ang may hawak ng remote? Paano napunta sa kanya iyon?At kung nasa kanya ang remote... bakit niya hinayaang umabot sa puntong mapanood ng lahat ang video? What the hell is happening?Unti-unting nanlisik ang kanyang mga mata. Saglit siyang humakbang palayo, balak sana niyang komprontahin si Tyler pero mabilis nitong hinawakan ang kanyang pulsuhan."I said relax, love."Mahigpit ngunit mahinahon ang boses nito. Pagkatapos ay dire-diretso itong lumapit sa gitna ng entablado, kinuha nito ang mikropono mula sa host na hanggang ngayon ay tulala pa rin sa nangyari.Humarap si Tyler sa daan-daang bisita at ngumiti."Alright..." Mahinahon nitong inayos ang mikropono. "The video's finished."Huminto ito sandali bago muling ngumisi. "Did you guys enjoy the show?"Tahimik, walang sumagot. Ang ilan ay napayuko, ang iba nama'y unti-unting ibinaba ang kanilang mga cellphone matapos ihinto ang pagre-record. Halos lahat ay naghihintay sa sus
Ngunit sa mismong sandaling umilaw ang napakalaking LED screen sa gitna ng ballroom, tila huminto ang pag-ikot ng kanyang mundo.Nanlamig ang buong katawan ni Jolie, para bang may isang timba ng nagyeyelong tubig na biglang ibinuhos sa kanya. Unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa screen."H-Hindi..."Namutla siya. Sa harapan ng daan-daang bisita... sa harapan ng media... ng buong pamilya... Isang video nila ni Tyler ang biglang lumabas.Video iyon ng gabing magkasama sila sa parking lot. At sa sumunod na segundo, kitang-kita sa napakalaking screen ang eksaktong sandaling hinila siya ni Tyler palapit dito bago siya marahang hinalikan.Nawalan siya ng hininga. Parang may kamay na mariing pumisil sa kanyang dibdib. Hindi siya makagalaw, hindi siya makapagsalita. Tila nawala ang lahat ng ingay sa paligid.Biglang nabalot ng nakakabinging katahimikan ang buong ballroom. Halos walang sinuman ang makapaniwala sa kanilang nasasaksihan.Makalipas lamang ang ilang segundo
FINN'S POV: Maaga siyang nagising. Nakita niyang mahimbing pa ang tulog ni Lilly sa kanyang tabi. Napangiti siya at inayos ang buhok nitong nakakalat sa mukha. Napakaganda talaga ng nobya niya. Ang swerte niya dahil bukod sa mahal niya ito ay maganda din siya. Bonus na lang na birhen ito at siya an
Nagpaalam na siya sa iba pang natirang bisita na mauna na at may jetlag pa siya. Dahilan niya lang iyon para makatakas siya doon. Pagewang-gewang siyang umakyat sa kwarto niya. Mabigat ang ulo niya sa pagkalasing.Pagdating ng kwarto ay agad siyang umupo sa kama. Nilibot niya ang tingin sa paligid.
Pagdating nila sa police station, agad niyang tinungo ang records section. Si Bert naman ay dumiretso sa intel room para i-check kung may nakalap nang bagong impormasyon tungkol sa black Montero.“Boss, eto,” tawag ni Bert matapos ang ilang minuto, hawak ang folder na makapal na puno ng mga dokumen
Nang tuluyan nang naka-stop ang kotse ay bumaba ang kuya niya saka umikot sa banda niya at pinagbuksan siya ng pinto. Ang kaninang excitement nya ay biglang napalitan ng kaba. Kung nandoon ang mga magulang ni Finn ay di malayong nandoon din si Finn.Shit, ready na ba siyang makita ang binata? Kapag







