分享

CHAPTER 1576

作者: dyowanabi
last update publish date: 2026-06-27 23:38:09

"Hindi naman siya gano'n kaespesyal! Is she good in bed?" mapait itong natawa. "I can be good in bed too! I'll do everything to make you happy, Tyler. Mahalin mo lang ako... ako na lang!"

Halos sabay-sabay napasinghap ang mga taong nakarinig. Maging sina Lola Beth at Lolo Gregore ay hindi makapaniwalang ganoon kababa ang kaya nitong sabihin.

Samantala, tuluyang nagdilim ang mukha ni Tyler. Ang kanina'y kalmadong ekspresyon ay napalitan ng matinding galit. Dahan-dahan siyang lumapit kay Raquel h
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
已鎖定章節
評論 (1)
goodnovel comment avatar
Dbz Hm
kaloka parang ang hotel miller abandpnadong lugar, sa ballrrom lang may tao. ayusin mo namn author
查看全部評論

最新章節

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1577

    Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ni Tyler. Unti-unting nanghina ang kanyang mga tuhod. Muling bumalik sa kanyang isip ang mga pangyayaring muntik nang ikapahamak ni Jolie noon.Hindi... hindi maaaring mangyari iyon muli! Mariin niyang kinuyom ang kanyang mga kamao."Close all the entrances and exits. I-lock down ninyo ang buong building. Isa-isahin ninyo ang bawat kuwarto.""Sir, kahit occupied po?""I don't care!" sigaw niya, dahilan upang mapatingin sa kanya ang lahat. "Okupado man o hindi, buksan ninyo lahat! Search every single room!" Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "Hanapin ninyo si Jolie. Now!"Muli na namang nagsipaghiwa-hiwalay ang kanyang mga tauhan."Mr. Blacksmith..." Muling lumapit ang host ng programa. Halata na rin ang pag-aalala sa mukha nito. "Wala pa rin po ba si Miss Jolie? Naghihintay na po ang mga bisita. Kanina pa nila hinihintay ang celebrant."Ngunit hindi na siya nakasagot. Paano siya makakasagot kung maging siya ay hind

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1576

    "Hindi naman siya gano'n kaespesyal! Is she good in bed?" mapait itong natawa. "I can be good in bed too! I'll do everything to make you happy, Tyler. Mahalin mo lang ako... ako na lang!"Halos sabay-sabay napasinghap ang mga taong nakarinig. Maging sina Lola Beth at Lolo Gregore ay hindi makapaniwalang ganoon kababa ang kaya nitong sabihin.Samantala, tuluyang nagdilim ang mukha ni Tyler. Ang kanina'y kalmadong ekspresyon ay napalitan ng matinding galit. Dahan-dahan siyang lumapit kay Raquel hanggang ilang pulgada na lamang ang pagitan nila."You don't get to talk about Jolie like that!" Malamig ang kanyang boses ngunit sapat iyon upang manginig ang buong katawan ni Raquel. "Wala kang karapatang bastusin, maliitin, o insultuhin ang babaeng mahal ko. At sa mga sinabi mo ngayon... lalo mo lang pinatunayan kung gaano kasama ang ugali mo!"Mariin ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Napailing siya habang puno ng pagkadismaya ang kanyang mga mata. "Sinayang mo ang magandang kinabu

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1575

    TYLER'S POV:Abala si Tyler sa pag-asikaso sa mga natitirang bisita. Ang birthday na dapat sana'y puno ng tawanan, musika, at masasayang alaala para kay Jolie ay nauwi sa isang napakalaking eskandalo.Wala na sina Queenie at ang mga kaibigan nito. Dinala na sa presinto para interogahin sa mga kasalanan ng mga ito. Napag-alaman na hindi lang pala si Jolie ang biktima ng pambu-bully ng apat. May mga babaeng sinaktan at tinakot din kung kaya't hindi nagkapagsampa ng kaso. Pero dahil sa nangyari ay nagkaroon ang mga ito ng lakas ng loob. Samantala, si Raquel ay nanatiling nakaluhod sa harapan nina Lolo Gregore at Lola Beth. Halos hindi na ito makatingin sa dalawa habang patuloy sa pag-iyak at pagsusumamo.Kahit paano ay naaawa ang mga matatanda rito. Matagal na ring nagtatrabaho si Raquel sa Miller Hotel. Sa katunayan, siya mismo ang nagrekomenda rito sa kanyang mga lolo at lola noong naghahanap ito ng disenteng trabaho. Dahil sa sipag at magandang performance nito noon, mabilis nitong

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1574

    Galit na galit na hinarap siya ni Queenie. "How could you do this to us, Tyler?! Saan mo nakuha ang video na 'yan? Sino ang nag-record niyan?"Hindi pa man nakakasagot si Tyler ay may isang matipunong lalaki ang dahan-dahang lumapit at huminto sa tabi nito.Nang makita iyon ni Queenie ay halos mawalan ito ng kulay. "I-Ikaw?"Nanlaki ang kanyang mga mata. "You were in our house! You leaked that video? You recorded us! Isusumbong kita kay Daddy! Sisiguraduhin kong mananagot kayong dalawa!"Bahagyang ngumiti ang lalaki. Si Yuki-- ang private investigator ni Tyler."I'm afraid... wala nang magagawa ang daddy mo, Queenie. Tapos na ang panahon na natatakasan niya ang batas. Sa oras na ito, may operasyon na ang NBI, at ang daddy mo... ay inaaresto na rin."Parang binagsakan ng langit at lupa si Queenie. "Ano...? Hindi... Impossible!""Queenie!" Sigaw ni Meagan habang galit na itinulak siya. "You dragged us into this! Sabi mo ikaw ang bahala!""Oo nga!" sabat ni Heather. "Ikaw ang nag-organiz

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1573

    Napuno ng pagtataka ang mukha ni Jolie. Remote?... Si Tyler ang may hawak ng remote? Paano napunta sa kanya iyon?At kung nasa kanya ang remote... bakit niya hinayaang umabot sa puntong mapanood ng lahat ang video? What the hell is happening?Unti-unting nanlisik ang kanyang mga mata. Saglit siyang humakbang palayo, balak sana niyang komprontahin si Tyler pero mabilis nitong hinawakan ang kanyang pulsuhan."I said relax, love."Mahigpit ngunit mahinahon ang boses nito. Pagkatapos ay dire-diretso itong lumapit sa gitna ng entablado, kinuha nito ang mikropono mula sa host na hanggang ngayon ay tulala pa rin sa nangyari.Humarap si Tyler sa daan-daang bisita at ngumiti."Alright..." Mahinahon nitong inayos ang mikropono. "The video's finished."Huminto ito sandali bago muling ngumisi. "Did you guys enjoy the show?"Tahimik, walang sumagot. Ang ilan ay napayuko, ang iba nama'y unti-unting ibinaba ang kanilang mga cellphone matapos ihinto ang pagre-record. Halos lahat ay naghihintay sa sus

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1572

    Ngunit sa mismong sandaling umilaw ang napakalaking LED screen sa gitna ng ballroom, tila huminto ang pag-ikot ng kanyang mundo.Nanlamig ang buong katawan ni Jolie, para bang may isang timba ng nagyeyelong tubig na biglang ibinuhos sa kanya. Unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa screen."H-Hindi..."Namutla siya. Sa harapan ng daan-daang bisita... sa harapan ng media... ng buong pamilya... Isang video nila ni Tyler ang biglang lumabas.Video iyon ng gabing magkasama sila sa parking lot. At sa sumunod na segundo, kitang-kita sa napakalaking screen ang eksaktong sandaling hinila siya ni Tyler palapit dito bago siya marahang hinalikan.Nawalan siya ng hininga. Parang may kamay na mariing pumisil sa kanyang dibdib. Hindi siya makagalaw, hindi siya makapagsalita. Tila nawala ang lahat ng ingay sa paligid.Biglang nabalot ng nakakabinging katahimikan ang buong ballroom. Halos walang sinuman ang makapaniwala sa kanilang nasasaksihan.Makalipas lamang ang ilang segundo

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1170

    “Hahhaa. We’re just joking, Clarkson, Aria… bakit naman kayo namuti d’yan? I believe you… syempre dahil sa akin lang si Clarkson!” wika ni Vicky na kumapit sa braso ni Clarkson. Hindi naman nagreklamo ang lalaki.“Boyfriend?” ulit ni Doc JM. “Sino ang boyfriend mo, Aria? Kasama mo rin dito? Baka ki

    last update最後更新 : 2026-04-03
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1092

    “W-what are you doing here?” tanong ni Aria na nagsusukat din ng damit nito.“Dito ako tinuro ni Ate Precious. I will try my suit.”Yumuko lang si Aria.“Let me…” sambit niya nang hindi masara ni Aria ang zipper sa likod nito. Pumunta siya sa likod ng dalaga para isara ito. Nagkaroon siya ng pagkak

    last update最後更新 : 2026-04-02
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1106

    “Doon ka na sa opisina mo, Madison. I’m busy. Kapag nakita tayo ni Daddy ay baka isipin na naman kung ano ang ginagawa mo dito.”“Dito muna ako. Masarap ang sofa mo kaysa doon sa sofa ko eh. Inaantok kasi ako. Come here, babe.” Aya ni Madison pero nanatiling nakatayo si Clarkson sa harap nito, napa

    last update最後更新 : 2026-04-02
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1101

    Sandaling natahimik si Ninang Fe. Maging siya ay hindi inaasahan na magtatanong si Ate Lilly ng ganoon.“It’s not like that, iha. Ayaw lang ng Ninong Clark mo ng gulo. Malaki ang tulong ni Madison sa kampanya ng Ninong Clark mo. Mawawala sa focus si Madison at Clarkson kung parati silang nag-aaway.

    last update最後更新 : 2026-04-02
更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status