LOGINEthan Grey Parker is one of the youngest and most successful businessmen of his generation. Wealth, power, and a promising future are already within his grasp. The only thing standing between him and his inheritance is a marriage he never wanted. His father has made it clear: the family fortune, the company, and everything Ethan is destined to inherit depend on one condition-he must marry Shally Marie Villafuerte. But Ethan has no desire to settle down. Marriage was never part of his plans, especially not an arranged one. Yet for the sake of his future, he finds himself trapped in a decision that is no longer his to make. Unfortunately, Shally Marie feels exactly the same. Young, ambitious, and determined to live her life on her own terms, Shally refuses to let marriage dictate her future. She isn't ready to become someone's wife, especially not a stranger's. But no matter how hard she protests, her father's decision is final. With no one willing to stand by her side, Shally begins to lose hope. Because the one person who could fight for her... isn't there. Her older sister. The woman who fears no one. The woman who never backs down from a challenge. The woman who would burn the world before allowing anyone to ruin her sister's future. But what happens when she suddenly returns? Will she succeed in stopping the wedding before it's too late? Will she be able to free Shally from a future she never chose? And if the marriage is called off, what will Ethan do when the very thing he once wanted to escape is no longer within his reach? In a story filled with family expectations, sacrifice, and unexpected emotions, lives are about to change the moment one woman decides to stand against everyone..
View MoreLONDON
"F*ck that marriage!" Galit na galit na napasigaw si Shanaia nang makarating sa kanya ang balitang ipapakasal ng kanyang mga magulang ang nag-iisang kapatid na si Shally. "She's still studying! Are they really going to ruin my sister's life?" gigil niyang dagdag. Tahimik na nakatayo sa harap niya si Arie, ang pinakatapat at pinakapinagkakatiwalaan niyang tauhan. "After graduation pa naman daw po gaganapin ang kasal ni Miss Shally," maingat nitong paliwanag. Hindi iyon nakapagpabawas ng galit ni Shanaia. "I don't care." Mariin niyang ibinagsak ang hawak na folder sa mesa. "Hindi pa rin ako papayag. Buti sana kung mahal ng kapatid ko ang lalaking ipapakasal sa kanya. Pero hindi. It's a fixed marriage." Napailing siya. "They probably don't even love each other. Worse, baka hindi pa nga sila magkakilala." Agad niyang kinuha ang cellphone at nag-dial ng numero. Isang ring pa lamang ay sinagot na ito. "Hey, baby," masayang bungad ng lalaki sa kabilang linya. "Napatawag ka?" "Ready yourself," diretsahang sabi ni Shanaia. "And prepare your private plane." Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan. "I need you." "Saan tayo pupunta?" "Philippines." --- PHILIPPINES Komportable ang pagkakaupo ni Ethan Parker sa kama habang ini-scroll ang I*******m account ni Shally Villafuerte. Muli niyang tiningnan ang larawan ng dalaga. Pretty. Simple. At mukhang wala ring interes sa arranged marriage na ipinipilit sa kanila. Biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid. "Hi, son. Busy ka ba?" Napatingala siya at nakita ang kanyang ina na may dalang paper bag. "What brings you here, Mom?" Lumapit ito at iniabot ang dala. "Nakalimutan mo na ba?" nakangiting tanong nito. "Ngayon ang punta natin sa mansion ng mga Villafuerte para pag-usapan ang kasal ninyo." Tumigil ito sandali bago idinagdag, "That's why I bought you a new suit." Tiningnan ni Ethan ang laman ng paper bag. Totoo nga. Suit. "Bakit pa? Ang dami ko nang suit sa closet." "Wala akong pakialam." Tumaas ang kilay ng kanyang ina. "At mas mabuti nang kumilos ka na. Thirty minutes. That's all I'm giving you." Pagkasabi noon ay lumabas na ito ng silid. Napabuntong-hininga si Ethan. "Great." Inihagis niya ang cellphone sa kama bago pumasok sa banyo. --- Eksaktong tatlumpung minuto ang ibinigay ng kanyang ina, kaya mabilis siyang naligo. Alam niyang kapag lumampas siya sa oras, kahit hindi pa siya tapos mag-ayos ay papalabasin siya nito ng kuwarto. Matapos ang labinlimang minutong shower, lumabas siya ng banyo at nagtungo sa walk-in closet. Nagtagal siya sa pagpili ng necktie. Pagkatapos masigurong maayos ang kanyang itsura, saka siya lumabas ng silid. "Sir, hinihintay na po kayo nina Ma'am at Sir sa labas," bati ng kasalubong niyang maid. Tinanguan niya ito. Pagdating niya sa labas, agad siyang sinalubong ng malamig na tingin ng kanyang ina. "Lumagpas ka ng pitong minuto sa binigay kong oras." "Whatever, Mom." Sumakay na lamang siya sa sasakyan. Naupo siya sa passenger seat habang nasa likuran ang kanyang mga magulang. "Behave yourself once we get there," seryosong sabi ng kanyang ama. "Ayokong mapahiya sa mga Villafuerte." Hindi na siya sumagot. Tahimik na lamang siyang tumingin sa bintana habang umaandar ang sasakyan. Bakit ba kasi naimbento ang arranged marriage? Mas gugustuhin pa niyang gumala kasama ang mga kaibigan kaysa dumalo sa meeting na ito. Ngunit wala siyang pagpipilian. Nakasalalay sa kasalang iyon ang malaking bahagi ng mana na iiwan sa kanya ng kanyang mga magulang. --- Halos tatlumpung minuto ang lumipas bago sila makarating sa Villafuerte Mansion. Pagbaba pa lamang niya ng sasakyan ay napamangha na si Ethan. Napakalaki. Napakagara. At halatang nag-uumapaw sa yaman. Isang tauhan ang naghatid sa kanila papasok. Kasabay ng kanilang pagpasok sa malawak na sala ay ang pagbaba sa hagdan nina Mr. at Mrs. Villafuerte kasama si Shally. Bahagyang nakayuko ang dalaga habang naglalakad. "Mr. Parker," masayang bati ni Mr. Villafuerte habang nakikipagkamay sa kanyang ama. "I'm glad nakapunta kayo." "Please, have a seat." Naupo silang lahat sa magkaharap na sofa. Habang abala ang matatanda sa pag-uusap tungkol sa negosyo, si Ethan naman ay lihim na pinagmamasdan si Shally. Tahimik lamang ito. Magkasalikop ang mga kamay. Halatang hindi komportable. Maya-maya ay napasulyap ito sa kanya ngunit mabilis ding umiwas ng tingin. Napangisi si Ethan. Mukhang pareho silang walang gana sa kasalang ito. --- "Dalawang taon pa bago makagraduate si Shally," paliwanag ni Mr. Villafuerte. "Kaya napagdesisyunan naming pagkatapos na lamang ng graduation ang kasal." "Gusto naming makapag-focus muna siya sa pag-aaral." Agad namang sumimangot ang ina ni Ethan. "Two years? Isn't that too long?" Napatingin si Ethan kay Shally bago nagsalita. "Why don't you ask her?" Nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya. "Tutal kami naman ang ikakasal." Ngumiti siya nang bahagya. "What do you think, my soon-to-be wife?" Napatigil si Shally. Parang hindi nito alam kung ano ang isasagot. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan ay mahina itong nagsalita. "Hintayin po muna natin si Ate, Daddy." Napakunot-noo si Ethan. Ate? May kapatid pala ito? Bakit wala siyang nakita kahit isa sa social media nito? "Busy ang ate mo sa London," sagot ni Mr. Villafuerte. "Marami siyang inaasikasong kumpanya." "Pero kailangan ko siya." Pilit na tumingin si Shally sa ama. "I'm sure uuwi siya kapag nalaman niyang kailangan ko siya. Please, Daddy." "Shally—" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Mr. Villafuerte. Biglang bumukas ang napakalaking pinto ng mansion. Sabay-sabay silang napalingon. At agad na nanlaki ang mga mata nina Mr. at Mrs. Villafuerte. Isang babae ang dahan-dahang pumasok. Nakasuot ito ng all-black outfit mula ulo hanggang paa. Black boots. Black clothes. Black aura. At kahit walang sinasabi, ramdam agad ang presensya nito. "Ate!" Agad na tumakbo si Shally papunta rito. Ngumiti ang babae at niyakap ang kapatid. "I miss you, Ate." "I miss you too, Ly." Napanganga si Ethan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero tila biglang nagbago ang atmosphere ng buong silid. "Shanaia." Malamig na tawag ni Mr. Villafuerte. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ng babae. Naging seryoso ang ekspresyon nito. Nagtagpo ang kanilang mga mata. At sa loob lamang ng ilang segundo, ramdam ni Ethan ang tensyon sa pagitan nilang mag-ama. Parang may matagal nang digmaan na hindi pa natatapos. "Shally." Hindi inaalis ni Shanaia ang tingin sa ama habang nagsasalita. "Magpasama ka sa maid. Dalhin mo sa kuwarto ko ang mga gamit ko." "Opo, Ate." Kinuha ni Shally ang maleta. "Pagkatapos mong ihatid ang gamit ng ate mo, bumalik ka rito," utos ni Mr. Villafuerte. "No." Mariing sagot ni Shanaia. "You stay there." Tumigas ang kanyang boses. "Huwag kang babalik hangga't hindi ko sinasabi." "Opo, Ate." At walang pag-aalinlangang sumunod si Shally. Tahimik na pinanood ni Ethan ang pag-akyat nito sa hagdan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasasaksihan. Isang ama na halatang kinakabahan. At isang anak na tila handang kalabanin ang buong mundo para sa kanyang kapatid. Doon lang tuluyang nag-sink in sa kanya ang lahat. Kaya pala ayaw pauwiin ni Mr. Villafuerte ang anak niya mula London. Kasi... pipigilan nito ang kasal. Napasinghap siya. Paano na ang mana ko kapag nagkataon?Sana'y bumuka na lang ang lupa sa kinatatayuan ko at tuluyan akong lamunin.Sa lahat ng klase ng kahihiyan na puwedeng maranasan ng isang tao, ito yata ang pinakamasakit—ang mapagtanto mong sa loob ng limang taon mong paghihintay, maling akala pala ang pinanghawakan mo.At ngayon, nakaupo ako sa harap ng babaeng limang taon kong hinanap, habang pilit na pinapakalma ang sarili ko dahil kanina lang ay halos gumawa ako ng eksena dahil nakita ko siyang kasama ang ibang lalaki.Ang tanga mo, Ethan.“Ba't yukung-yuko ka diyan?” tanong ni Shanaia. Kasunod noon ay marahang niyang inilapag ang tray sa mesa. “Baka mabali na yang leeg mo.”Napilitan akong tumingala. Sandali lamang. Dahil nang magtama ang mga mata namin, agad ko ring ibinaba ang tingin ko sa baso ng juice na nasa harapan ko.Hindi ko kayang titigan siya. Hindi matapos ang ginawa ko.“Salamat... sa juice,” mahina kong sambit.Kinuha ko ang baso at walang-isip na ininom ang laman nito nang diretso. Para bang kapag nalunok ko ang ju
The alcohol burned my throat.One bottle. Two. Three.Hindi ko na mabilang. Pero kahit gaano karami ang maubos ko, parang wala pa ring epekto. Siguro dahil mataas ang tolerance ko sa alak. O baka naman dahil mas matapang ang sakit na nararamdaman ko kaysa sa kahit anong alak sa mundong ito.I closed my eyes and laughed bitterly.Ang tanga mo, Ethan. Sana hindi ka na lang nagsinungaling kay Dad. Sana hindi mo sinabi na ibibigay mo sa kaniya si Nathan. Sana hindi ka natakot. Sana...Napamura na lang ako sa isip. Napakawalang-kuwenta mo."Kuya Eth-Napalingon ako sa pinto. "Shally."Halos mapaatras siya nang makita ang mga bote ng alak na nagkalat sa sala."What's happening to you, Kuya Ethan?""Just..." Tinungga ko ang laman ng bote. "Drinking.""Yeah, I can see that!" napataas ang boses niya. "Ang tinatanong ko, bakit ka naglalasing? Anong nangyari?"Hindi ako sumagot. Wala akong lakas. Wala rin akong alam kung paano ipapaliwanag ang pagkawasak ng buhay ko sa iilang salita.Bigla siyan
Sa paglipas ng araw, kahit papaano ay umaayos ang lagay ni Shanaia ayon sa doctor. Matapos nga ng mahigit isang buwan ay inilipat na siya sa VIP room. Akala ko sa private room lang dahil iyon ang nirequest ko pero yung doctor na nagpakilalang kaibigan ni Shanaia ay nag insist na sa VIP siya ilalagay. Ayos lang naman sakin kaya hinayaan ko na lang.“Kailan kaya siya magigising, doc?” -tanong ko habang hawak-hawak ang kamay ni Shanaia.“Hindi ko alam ang exact date pero sa tingin ko ay hindi na tatagal ng sobra bago siya magising. All we can do now is to wait.” -sagot niya at tumango na lang ako.Maya-maya ay nagpaalam na rin siyang aalis na. Hinatid siya ni Shally sa labas at nang bumalik ito ay hindi ko inaasahan ang taong nakasunod sa kaniya. Anong ginagawa niya dito?Madali akong napatayo at inayos ang sarili. Nagtatanong ang mga matang nilingon ko si Shally pero nagkibit balikat lang siya. “M-magandang araw po...s-sir.” -nauutal kong bati.“Is that how you greet your father-in-law?
Ethan's POVI did everything I could. I fought for her. I stayed. I learned how to love her the way she deserved. And somehow...it became enough.She never filed the annulment. We stopped being husband and wife only on paper. We became a real family. Little by little, she learned to love me back.The affection I used to beg for came naturally now-a good morning kiss, a worried glance whenever I worked too late, her hand finding mine without thinking.Those small things became my greatest victories. Even when the scandal about me and Jhade spread across the company, she never doubted me.Almost everyone believed the photos. She didn't. I'd forgotten that my wife was smarter than anyone gave her credit for. No one could fool Shanaia Villafuerte.Life wasn't perfect. Dad stripped Shanaia of her position as CFO. Then he removed me as CEO.But none of those losses compared to what came next. Because then... Shanaia told me she was pregnant. And for the first time in my life, I understood w
ETHAN GREY Eksaktong alas-sais ng umaga nang magising ako. Gusto ko pang matulog. Mabigat pa ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi. Pero agad kong naalala ang sinabi ni Dad bago ako matulog. Pupunta kami ngayon sa mansiyon ng mga Villafuerte. Napabuntong-hininga ako at tumitig sa kisame. K
ELI CLAYTONWala pang alas-siyete nang makarating ako sa office ko sa loob ng club. Habang hinihintay si Shanaia, inabala ko muna ang sarili ko sa pagbabasa ng mga impormasyong nakuha ko tungkol sa pamilya Parker. Nakapatong sa mesa ang makapal na folder habang isa-isa kong binabalikan ang laman ni
ETHAN GREYKulang na lang ihagis ko ang laptop ko sa pader dahil sa sobrang inis.Halos isang oras nang naka-loading ang hinahanap kong impormasyon, pero wala pa rin akong napapala."Nakakabwisit ka talaga!"Muli kong pinindot ang refresh button.Loading.Loading.Loading.At nang tuluyan itong mat
KYLER EZEKIEL“Pwede ba?! Mamaya ka na mangulit! May ginagawa ako!”Irritado kong pinindot ang end call bago tuluyang pinatay ang cellphone ko. Isinuksok ko iyon sa bulsa ng suot kong jeans at napabuntong-hininga.Buwisit na lalaki.Alam nang tatlong taon na akong tumigil sa pambababae, pilit pa ri

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)










Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.