登入‘From a beloved actress turned into a disgraced star.’ Abot-kamay na ni Chantal Rivera ang prestihiyosong award bilang pinakamagaling na aktres sa industriya, pero isang gabi bago ang parangal, biglang pumutok ang isang pekeng eskandalo kasama ang dalawang lalaki. Sa loob lang ng ilang oras, nawala sa kanya ang lahat—ang kanyang mga tagahanga, kasikatan, respeto, at dignidad. Binalak niyang wakasan ang sariling buhay para matapos na ang dusa, subalit iniligtas siya ng isang mailap at bilyonaryong haciendero—si Marco Antonio Barcelona. At ang mas nakakagulat pa, inalok siya nito ng isang kasal para makuha nito ang pamanang nakataya sa huling habilin ng lolo nito. With nowhere left to go, pumayag si Chantal kapalit ng proteksyon, pera, at pansamantalang tirahan malayo sa mapanghusgang siyudad. It was supposed to be a business transaction—purely professional. But as the city lights fade into the silence of Marco’s private sanctuary, the lines between acting and reality begin to blur. Can she play the role of a perfect wife without falling for the man behind the contract?
查看更多Tahimik at payapa ang umaga sa Santa Catalina. Malayo sa maingay at magulong sibilisasyon ng siyudad, ang maliit ngunit matandang chapel ng bayan ay tila nagbago ng anyo ngayong araw na ito.Parehong pinili ni Chantal at Marco ang pribadong seremonya at tanging ang mga taong pinakamalapit lamang sa kanilang puso ang naroroon—si Lyka, si Knoxx, si Doña Greta, ang kanyang ama ang ilang malalapit na kaibigan ang inimbitahan nila.Ang buong pinto at mga haligi ng simpleng chapel ay natatakpan ng libu-libong imported na puting rosas, cascading orchids, at mga luntiang dahon na tila nagdala ng isang engrandeng hardin sa gitna ng probinsya.Ang daanan patungo sa altar ay sementadong nilatagan ng malinis na salamin kung saan sumasalamin ang mga nakasabit na kristal na chandelier sa kisame. Ang bawat sulok ay may banayad na amoy ng sariwang bulaklak at pinong pabango, habang ang melodiyang tumutugtog mula sa violin ay banayad na pumupuno sa buong paligid.Sa harap ng altar, nakatayo si Marco.
“Wait, forget about Chantal's comeback for a second—sino ang lalaking katabi niya?! Ang gwapo at ang lakas maka-CEO sa AI drama ang aura! Lalo na noong sinabi niyang walang siyang pakialam kahit mawalan siya ng negosyo basta kasama si Chantal. Lord, baka naman may kapatid pa si Mr. Barcelona?” Sunod namang reaksyon na nabasa niya: “OMG! The way he looked at her during the presscon? My ovaries are crying! Ang swerte mo, Chantal! Kung pakakawalan mo lang ang lalaking 'yan, i-mine ko na sa'yo ha!” “Si Mr. Barcelona na ba ang bagong pambansang asawa? Grabe ang ganda ng ngiti niyan pagkatapos magsalita ni Chantal! Sana all may personal bilyonaryong tagapagtanggol!” "Chantal ready to fight kami para maagaw si Mr.Barcelona mula sayo!" Nanlaki ang mga mata ni Chantal. Para bang biglang uminit ang kanyang tainga habang binabasa ang sunud-sunod na "simping" comments ng mga netizen—pati na ng kanyang sariling mga tagahanga—para kay Marco. "Aba, aba..." mahinang bulong ni Chantal sa sarili h
"May isang tanong pa po kami, Miss Chantal, pwede niyo po bang ilarawan si Mr.Barcelona kung ano siya sa buhay ninyo?" Tanong ng isang babaeng reporter.Napasulyap si Chantal kay Marco at masuyong ngumiti bago ibinalik ang atensyon sa reporter. "Marco Barcelona is my other half. He's my biggest supporter. Kung hindi dahil sa kanya, baka wala ako sa harapan ninyo ngayon. But I didn't love him because of gratitude. I love him because he showed me and made me realized that there is also another side of the world I haven't explored yet. He's a crayon that colored my entire life into a new beginning.""Oh, ang sweet naman. Ngayong naianunsyo na ninyo sa publiko na kasal na kayo, kailan naman po namin makikita ang wedding pictures and videos sa kasal ninyo?" Sabat naman ng isa.Bahgayang natigilan si Chantal. Paano naman niya magpapakita ang larawan at videos gayong isang transactional marriage lang ang pinasok niya? Literal na pirma and then boom, mag-asawa na sila.Naramdaman niya ang pag
Isang malakas na bulung-bulungan ang muling umalingawngaw sa buong silid pagkatapos bitawan ni Chantal ang mga salitang iyon. Ang mga camera ay parang nag-aagawang kunan ang bawat detalye ng kanilang mukha—ang nagniningning na ngiti ni Chantal at ang mapagmataas at protektibong ekspresyon ni Marco sa kanyang tabi.Hindi na nag-aksaya pa ng sandali ang mga reporter. Sabay-sabay silang nagtaas ng mga kamay, halos magtulakan ang ilan sa pag-unahan sa mikropono."Ms. Chantal! Isang malaking sorpresang balita po ito para sa showbiz at business world! Pwede ba naming malaman kung paano kayo nagkakilala ni Mr. Barcelona at kung kailan o saan kayo nagpakasal?" Tanong ng isang kilalang entertainment reporter mula sa unahan, suot ang mukhang hindi makapaniwala sa balitang natanggap nila.Habang naroon sila kanina, inaasahan na nila na itatanggi ni Chantal Rivera ang tungkol sa pagkakalink nito kay Mr.Barcelona dahil gawain naman iyon ng karamihang artista. Isa pa ay pabalik palang sa industriya






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
評論