FAZER LOGINMatapos ang nakapapagod na take na iyon, muling nagtawag si Direk ng break. Bakas ang frustration sa mukha ng direktor at tila sasabog na ang ulo nito dahil sa paulit-ulit na pag-ulit ng eksena. Alam ng lahat na ang dahilan ay ang panggugulo nina Queenie at ng barkada nito.Dahil oras na rin ng hapunan, nagpasya si Direk na ituloy na lamang ang shooting pagkatapos kumain."Jolie, mauna ka na sa tent, ha? Mag-si-CR lang ako sandali. Doon na lang tayo magkita," paalam ni Dolor sa kanya."Sige," maikling sagot niya bago nagsimulang maglakad patungo sa kanilang tent. Medyo may kalayuan pa ito mula sa mismong set.Habang naglalakad sa madilim-dilim na bahagi ng lokasyon, muli siyang nakaramdam ng kaba. Parang may nakamasid at sumusunod sa kanya. Hindi nga siya nagkamali, nang lumingon nakita niya ang apat na babaeng kanina pa siya pinahihirapan.“Ang galing mo ring umarte, ’no?” boses iyon ni Queenie, puno ng sarkasmo. “Acting innocent habang pinagmumukha mo akong tanga sa harap ni Direk.
Nang makaalis ang mga ito ay agad napabuntong-hininga si Jolie.“Dapat hindi mo na lang sila pinansin, Dolor,” mahina niyang sabi. “Lalo lang silang nanggigigil sa akin.”“Hayaan mo silang magalit,” walang pakialam na sagot nito habang umuupo muli. “Akala mo kung sino eh. Mga kabago-bago lang din naman sa industriya.”Mas matagal nang artista si Dolor kaysa sa kanila kaya hindi ito basta-basta natitinag.“Bakit kasi hindi mo sabihin kay Direk?” seryosong tanong nito habang nakatingin sa kanya. “Hinahayaan mo silang i-bully ka. Dapat sa pelikula lang ’yun. Pati ba naman sa totoong buhay?”Napayuko siya. “Hayaan mo na sila,” mahinang sabi niya. “Narinig mo naman sinabi nila, ’di ba? Kilala ng mga magulang nila ang director at producers.”Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. “Nakakahiya kina Daniel at Mama Jess kung unang project ko pa lang ay magiging palpak na agad. Pinaghirapan nila kung nasaan man ako ngayon.”Napabuntong-hininga si Dolor. “Hmp. Pero hindi ibig sabihin no
Pagpasok niya sa lobby ay napansin niyang nakangiti ang ilang tao habang nakatingin sa kanya. Para bang nahihiya lamang ang mga itong lumapit, ngunit halatang namumukhaan siya. Marahil ay napanood siya ng mga ito sa telebisyon kanina.Nakayuko siyang naglakad patungo sa elevator. Hindi pa rin siya sanay sa atensyon at bahagya pa rin siyang nahihiya sa mga titig na ipinupukol sa kanya.Pagpasok niya sa elevator ay bahagya siyang nakahinga nang maluwag nang makitang mag-isa lamang siya roon. Pinindot niya ang button ng tenth floor. Dahil medyo matagal pa bago makarating, sumandal siya sa dingding ng elevator at pumikit sandali.Ramdam niya ang pagod mula sa party kanina. Malamang na pagdating niya sa kwarto ay matutulog na lang siya. Tutal ay busog na rin naman siya sa dami ng nakain.Nang marinig niya ang mahinang click ng elevator, saka lamang siya nagmulat ng mata. Hinintay niyang tuluyang bumukas ang pinto bago lumabas.Ngunit pagkalabas pa lamang niya ay sandali siyang natigilan. P
Sandali silang nagkatitigan. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Dahil sa paraan ng pagtitig ni Daniel sa kanya, kahit siya ay muntik nang maniwala na totoo ang lahat ng ito.“Okay guys, that’s it for today,” dagdag pa ni Daniel habang nakaakbay pa rin sa kanya. “Magpapahinga na si Jolie. Salamat sa oras n’yo.”Pagkatapos noon ay dahan-dahan na siyang iginiya ng lalaki palayo sa mga media. Pakiramdam niya ay lutang siyang naglalakad.Akmang aalisin sana niya ang kamay nito sa kanyang balikat ngunit mabilis siyang pinigilan ni Daniel.“Stop it, Jolie...” mahinang sabi nito habang nakangiti pa rin sa mga camera. “Nakatingin pa sila sa atin. Malalaman nilang pinepeke lang natin ito.”Napatingin siya rito. Hindi niya maintindihan kung bakit may kakaiba siyang naramdaman sa narinig. Na pinepeke lang.Oo nga naman, parte lang ito ng trabaho, parte lang ng showbiz. Kaya tahimik na lamang siyang sumunod at nagpaubaya.Pagdating nila sa parking area ay nadatnan nila si Mama Jess na naghi
Mariin siyang napapikit. Pakiramdam niya ay biglang bumigat ang hangin sa paligid. Hindi niya inaasahan na ganoon pala kabilis magiging magulo ang mundo ng showbiz.Kanina lang ay punong-puno pa siya ng saya at excitement. Habang nakatayo siya sa stage kanina, habang naririnig ang palakpakan at pagbati ng mga tao, pakiramdam niya ay unti-unti nang natutupad ang matagal niyang pangarap.Akala niya, pagkatapos ng workshop ay magiging maayos na ang lahat. Akala niya, matatapos na rin ang pangungulit at pambu-bully ng apat na kasamahan niya.Ngunit mukhang mali siya. Mas lalo pa yatang nanggigil ang mga ito sa kanya. Parang bawat ngiti niya ay kinaiinisan nila. Bawat papuri na natatanggap niya ay tila dagdag galit sa mga mata ng apat.Huminga siya nang malalim at pilit inayos ang sarili. Mabilis niyang pinunasan ang gilid ng kanyang mga mata. Kailangan niyang maging matatag. Hindi puwedeng unang araw pa lang sa industriyang pinapangarap niya ay magpapatalo na siya. Hindi siya puwedeng iiy
Bago tuluyang bumaba ng stage si Daniel, muli pa itong lumingon sa kanya, at kinindatan siya. Tuluyan na siyang namula sa hiya.Lagot ka talaga sa akin mamaya!... inis na sambit niya sa isip.Pagkatapos noon ay ipinagpatuloy ng interviewer ang pagtatanong sa iba pa niyang kasama. Ngunit kapansin-pansin, hindi na ganoon kainit ang reaksyon ng audience. Hindi na ganoon ka-interesado ang mga tao, dahil malinaw na may isang pangalan lang na tumatak ngayong gabi... at iyon ay siya at si Daniel.Pagkatapos ng launching ay halos hindi na siya makaalis sa dami ng gustong magpapicture sa kanya.Sunod-sunod ang paglapit ng mga tao, media, staff, ilang executives, at maging mga fans ni Daniel na tila agad siyang tinanggap dahil sa naging eksena nila kanina sa stage.“Miss Jolie, one picture please!”“Ma’am, dito naman po!”“Jolie! Smile!”Pilit siyang ngumiti kahit nahihiya. Sa gilid ay nakita niyang nagpapapicture rin ang mga boys na kasama nila sa launch. Masaya ang mga ito at mukhang nae-enjoy
Nasaktan siya sa sinabi ni Finn. Umupo na lang siya sa sofa na naroon. Hindi na lang siya nagsalita dahil mukhang wala din naman gana si Finn na kausapin siya ni. Tila bagot na bagot ito na silang dalawa lang ang naroon.Akala niya kanina ay buo na ang loob niyang siya ang manliligaw kay Finn. Hind
LILLY'S POV:It’s been a week. Pitong araw na wala pa ring balita mula kay Daddy na gising na si Finn. Araw-araw siyang nananalangin, umaasa na sa susunod na tawag ay sasabihin nitong gising na si Finn. Pero wala. Nanatili siyang nasa coma state.Hindi niya na alam kung gaano pa kahaba ang kaya nya
"Wag! Bitawan mo ako, Dylan! Bitawan mo ako!!!"Hawak siya ni Dylan sa kamay at nanlilisik ang mga mata nito na parang demonyo. Sa sobrang pagpupumiglas niya na makawala sa pagkakahawak ni Dylan ay nahulog siya mula sa kung saan.Napamulat siya ng mata at palinga-linga sa paligid. Nasa kwarto siya
Maaga siya kinabukasan nagising. Palinga-linga siya sa paligid. Naalala niyang doon pala siya natulog sa condo ni Precious. Malungkot na naman niyang naalala ang nangyari sa kanila kagabi ni Finn. Iyon na ba ang katapusan ng relasyon nila? Ang lahat ng pinagpaguran at ilang taong pinaglaban nila ay







