Mag-log in“Sometimes, the wrong path leads you to the right person.” Nabuntis si Arah Cervantes ng kanyang nobyong si Adrian—ngunit iniwan siya nito at tumangging panagutan ang dinadala niya. Upang maiwasan ang eskandalo, napilitan siyang magpakasal. Ngunit hindi sa lalaking minahal niya. Kundi sa nakakatandang kapatid nito—si Edison Avelino, isang cold billionaire CEO. Isang kontratang kasal na walang pagmamahal. Isang pagsasamang puno ng distansya. Sa iisang bubong, natutunan nilang tiisin ang isa’t isa… hanggang sa unti-unting may nagbabago. Ang distansya ay naging dahan-dahang paglapit. Hanggang sa isang araw—bumalik si Adrian. Handa na siyang panagutan si Arah. Handa niyang bawiin ang lahat ng iniwan niya. Ngunit huli na nga ba ang lahat? Paano kung sa maling simula, natagpuan ni Arah ang tamang pagmamahal? At paano kung ang lalaking pinilit niyang pakasalan… ang ayaw na siyang pakawalan?
view moreMalakas ang ulan.
Hindi na ito basta patak lang—parang galit na galit ang langit, sabay-sabay bumabagsak ang tubig sa bubong ng sasakyan. Malalakas na hampas, parang bawat patak ay may dalang bigat na hindi maipaliwanag. Dumudulas ang tubig sa windshield, tinatakpan ang malinaw na daan—parang eksaktong katulad ng nararamdaman ni Arah sa sandaling iyon. Magulo. Mabigat. Nakakatakot. Tahimik ang loob ng kotse. Hindi ‘yung komportableng katahimikan—kundi ‘yung katahimikang masakit sa tenga. Yung parang may sumisigaw, pero walang lumalabas na boses. Nakahawak si Arah sa gilid ng upuan. Mahigpit. Halos mamuti ang knuckles niya sa lakas ng kapit. Pinipigilan niyang manginig, pero hindi niya mapigilan ang kaba na unti-unting gumagapang sa buong katawan niya. Hindi niya alam kung bakit— pero pakiramdam niya, may mali. May mangyayaring hindi niya kayang tanggapin. Dahan-dahan siyang napalingon kay Adrian. Nasa driver’s seat ito, nakatingin lang sa unahan. Mahigpit ang hawak sa manibela. Kita sa tensyon ng panga nito na may pinipigilan. May iniisip. May hindi masabi. At iyon ang mas lalong kinakatakot ni Arah. “Love…” mahina niyang tawag, halos lamunin ng ingay ng ulan ang boses niya. “Bakit parang may inililihim ka?” Walang sagot. Ni hindi man lang siya tinignan. Mas lalong sumikip ang dibdib ni Arah. “Please…” halos pakiusap na ang tono niya. “Sabihin mo na kung ano ‘yon. Natatakot ako…” Dahan-dahang pumikit si Adrian. At sa ilang segundong iyon— parang doon nagdesisyon ang lahat. Nang dumilat siya, iba na ang mga mata niya. Mas malamig. Mas malayo. “Aalis na muna ako, Love.” Parang may humila sa puso ni Arah pababa. Parang biglang nawala ang hangin sa paligid. “Ano…?” halos wala siyang marinig na sarili niyang boses. “Pinapunta ako ni Dad sa America,” dagdag ni Adrian, diretso pero walang emosyon. “Mag-aaral ako doon.” Hindi agad nakapagsalita si Arah. Hindi dahil hindi niya maintindihan— kundi dahil ayaw niyang tanggapin. “Kailan?” halos pabulong na tanong niya. “This week.” Parang may sumabog sa loob niya. “This week?!” napalingon siya sa kanya, hindi makapaniwala. “Adrian… ang bilis naman—” “Biglaan talaga,” putol nito. “Pero malaking bagay ‘to. Para sa future ko.” Para sa future ko. Hindi para sa’tin. Hindi para sa kanila. Unti-unting napangiti si Arah—pero walang saya doon. Pilit. Masakit. Yung ngiti na ginagawa mo para hindi ka tuluyang mabasag. “Okay…” mahina niyang sabi. “Para sa future mo lang…Paano yung para sa future natin, Adrian. ” “Pagbalik ko, saka na tayo magpapakasal.” Doon tuluyang gumuho ang lahat. Parang may salaming nabasag sa loob niya—malinaw, matalim, at hindi na mabubuo ulit. “Magpapakasal…?” halos hindi siya makahinga. Tumango si Adrian, parang normal lang ang lahat. “Mas magiging maayos pag ganun. Stable na ako. Kaya na kitang buhayin.” Napatahimik si Arah. Hindi niya alam kung matatawa siya o iiyak. Hindi niya alam kung magagalit siya o iintindihan niya si Adrian. Pero isa lang ang sigurado— hindi siya kasama sa desisyon. “Adrian…” nanginginig ang boses niya. “Hindi mo ba naiisip kung ano mangyayari habang wala ka?” Saglit na tumingin si Adrian sa kanya. Pero agad din itong umiwas. “Maghintay ka lang,” sabi niya. “Kaya mo naman ‘yon.” At doon— doon siya tuluyang nasaktan. Hindi dahil aalis ito. Kundi dahil parang… napakadali lang para dito na iwan siya. Na parang wala lang. Na parang kaya niyang mabuhay kahit wala siya. “Adrian…” dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito. Mainit pa. Pero bakit pakiramdam niya, ang lamig na? “May sasabihin ako.” Napalingon si Adrian sa kanya, may bahagyang pag-aalala sa mata. “Ano ‘yon?” Hindi agad siya nakapagsalita. Parang may bumara sa lalamunan niya. Parang bawat salita ay mabigat. Parang bawat letra ay may kasamang takot. Pero kailangan niyang sabihin. Kailangan nitong malaman. “Kahit anong mangyari… hindi ka pwedeng umalis nang hindi mo ‘to alam.Baka sakaling magbago pa ang isip mo……baka sakaling hindi ka na umalis.” Unti-unting bumilis ang tibok ng puso niya. Pakiramdam niya, maririnig na iyon ni Adrian. “Buntis ako.” Tumigil ang mundo. Hindi lang sa paligid— kundi pati sa loob niya. Nakatitig lang si Adrian sa kanya. Parang hindi niya narinig. Parang ayaw niyang marinig. “Ano…?” halos pabulong. “Buntis ako,” ulit ni Arah, mas malinaw na ngayon kahit nanginginig. “Ikaw ang ama.” Tahimik. Napakatahimik. Mas masakit pa sa sigaw. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makahinga. At si Adrian— nakatitig lang. Parang may iniisip. Parang may kinukwenta. Parang may pinipiling desisyon. “Sigurado ka?” tanong nito. At doon— doon tuluyang nabasag si Arah. “Adrian…” napailing siya, tuloy-tuloy na ang luha. “Ikaw lang ang—” “Hindi ko inaasahan ‘to,” putol nito. “Hindi ko rin inaasahan!” napasigaw siya, nanginginig ang buong katawan. “Pero nandito na ‘to! Buntis ako! Anak natin ‘to!” Napahawak si Adrian sa ulo niya, halatang naguguluhan. “This is complicated…” Complicated. Iyon ang tawag niya. Sa anak nila. Sa pagmamahalan nila. Sa lahat ng pinagsamahan nila. “Complicated…?” mahina niyang ulit, pero punong-puno ng sakit. “Arah, hindi pa ako ready,” sabi ni Adrian. “Mag-aaral pa ako. May plano si Dad—” “Paano ako?” naputol niya ito. “Paano ‘yung anak natin?” Tahimik ulit. At doon niya nakita ang sagot. Hindi sa salita— kundi sa katahimikan. “‘Wag ka na umalis…” pakiusap niya, halos pabulong na lang. “Please, Adrian…” Napapikit si Adrian. At doon pa lang— alam na niya ang sagot. “Hindi pwede.” Dalawang salita. Pero sapat para sirain ang lahat. Parang may sumakal sa dibdib niya. Parang may pumutol sa hininga niya. “Hindi pwede…” ulit niya, parang wala nang natitirang lakas. “Maghihintay ka lang,” sabi ni Adrian. “Pagbalik ko—” “Paano mo aayusin habang ako nandito, buntis?” umiiyak na siya ngayon. “Paano mo aayusin kung pinili mong umalis?” Walang sagot. Walang paliwanag. Walang laban. At iyon ang pinaka masakit. Hindi siya ang pinili. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya mula sa kamay ni Adrian. Parang doon pa lang— tinapos na niya ang lahat. “Ang dali lang pala para sa’yo,” bulong niya. “Iwan ako.” “Love—” “Huwag mo na kong tawagin nang ganyan,” putol niya, nanginginig ang boses. “Wala ka nang karapatan.” Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kotse. Agad siyang sinalubong ng malamig na ulan. Basa agad ang buhok niya. Ang damit niya. Ang buong katawan niya. Pero wala na siyang pakialam. “Arah, please—” tawag ni Adrian. Hindi siya lumingon. Hindi siya pwedeng lumingon. Kasi kapag lumingon siya— baka bumalik siya. At hindi na niya kakayanin ‘yon. “Goodbye, Adrian.” Mahina. Pero tapos na. Naglakad siya sa gitna ng ulan. Walang payong. Walang kasama. Walang kasiguraduhan. Pero may dala siyang isang bagay— isang buhay na hindi niya kayang iwan. Mahigpit niyang hinawakan ang tiyan niya. “Hindi kita iiwan,” bulong niya, umiiyak. “Hindi ako tulad niya…”Ang bawat segundong lumilipas sa loob ng mansyon ay tila isang malaking martilyo na humahampas sa dibdib ni Arah. Pagkaalis ng sasakyan na nagdala kay Kate sa ospital, ang mansyon ay bumalik sa nakakabinging katahimikan. Ngunit ang katahimikang iyon ay hindi payapa; ito ay puno ng mga tanong, bintang, at isang mabigat na atmospera na sumasakal sa bawat paghinga ni Arah.Nakatayo pa rin si Arah sa paanan ng hagdanan, ang kaniyang mga kamay ay nanginginig pa rin. Tiningnan niya ang mga patak ng dugo sa sahig—mga patak na magiging ebidensya ng isang krimen na hindi naman niya ginawa. Sa kaniyang isipan, paulit-ulit na nag-re-replay ang eksena: ang ngisi ni Kate, ang malakas na sampal nito sa sariling pisngi, at ang sadyang paghulog nito sa sarili."Bakit siya nagawang saktan ang sarili niya para lang mapatalsik ako?" bulong ni Arah sa kaniyang sarili. Ang kaniyang boses ay halos pabulong, isang pagtataka na wala namang makakasagot.Maya-maya pa, bumukas ang pinto. Pumasok si Edison,
Sa isang tahimik na hapon, habang abala ang lahat ng katulong sa kani-kanilang gawain , naghanap ng pagkakataon si Arah na makapag-isa. Tumayo siya sa taas na malapit sa hagdanan, bitbit ang kaniyang telepono. Kailangan niyang marinig ang boses ng kaniyang mga magulang upang kahit papaano ay gumaan ang kaniyang loob."Ma, Pa, pasensya na kung medyo matagal bago ako nakatawag," panimula ni Arah, ang boses ay puno ng pagod at pangungulila. "Nandito na kami ni Leo sa mansyon ni Edison. Kailangan ko munang magtiis para kay Leo; kailangang maging maayos ang kalusugan niya rito."Habang nakikipag-usap sa kaniyang mga magulang, hindi napansin ni Arah ang paglapit ni Kate sa kanya. Ang bawat hakbang ni Kate ay mabagal at maingat, parang naghihintay ng tamang pagkakataon. Nang maramdaman ni Arah ang presensya ng may tumabi sa kanya, lumingon siya at nakita si Kate na nakatayo na sa tabi niya. Ang mga mata ng babae ay nanlilisik sa galit, puno ng pagkamuhi na hindi na nito kailangan pang itag
Ang loob ng sasakyan ni Julian ay amoy bagong kotse na may halong pabango ng kape—isang malaking kaibahan sa tensyong iniwan ni Arah sa mansyon. Habang humaharurot ang sasakyan sa highway, ang katahimikan ay tila mas mabigat pa sa daloy ng trapiko. Nakatingin si Arah sa bintana, pinagmamasdan ang mga gusaling mabilis na naglalagpasan."So, Arah," basag ni Julian sa katahimikan habang nakatingin sa daan. "Next time na mahihimatay ka, please siguraduhin mong sa harap ng isang sikat na restaurant ka babagsak, para at least may libre tayong dinner habang naghihintay ng ambulansya. Sayang ang effort ko na buhatin ka, ang bigat mo pa naman! Parang nagbubuhat ako ng sako ng bigas!"Napatawa nang bahagya si Arah, isang tunog na matagal na niyang hindi naririnig mula sa kaniyang sarili. "Grabe ka naman! Sa dami ng pwedeng mangyari, nahimatay na nga ako, restaurant pa ang iniisip mo? At excuse me, hindi ako mabigat. Ikaw lang ang mahina!""Malakas kaya ako, mabigat ka lang talaga" sagot ni
Pagsapit ng gabi, naghihintay si Arah sa sala, nakaupo sa dulo ng sofa, habang ang orasan sa dingding ay walang humpay sa pag-tik-tak—isang tunog na tila nagbibilang sa mga sandali. Ang bawat paglipas ng minuto ay tila isang taon na paghihintay. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto, mabilis siyang tumayo.Pagod si Edison, ngunit sa likod nito ay nakasunod si Kate, masaya at tila walang pagod sa pagkuwento ng kanilang araw. Hindi man lang sila tumingin sa direksyon ni Arah. Hindi na nagpatumpik-tumpik si Arah. "Edison, kailangan nating mag-usap. Tayong dalawa lang."Tumingin si Edison kay Kate, na agad namang nagkunwaring naiintindihan ang sitwasyon. "Oh, sige, maiwan ko muna kayo," wika ni Kate, ngunit bago siya tumalikod, nagbigay siya ng isang makahulugang tingin kay Arah—isang tingin na nagsasabing, “Kahit anong gawin mo, ako pa rin ang panalo.”Nang masiguradong wala na ang babae, hinarap ni Arah si Edison. "Ano ba tayo, Edison? Akala ko ba, gusto mong maging buo ang pami
Ang katahimikan sa loob ng lumang bodega ay tila isang telon na handang bumagsak. Si Edison, na nakatayo nang tuwid sa harap ng isang talunang si Mateo, ay nakaramdam ng pag-asa nang lumabas ang mga tauhan ni Mateo. Hawak-hawak nila si Arah, na mahigpit ang pagkakahawak kay Leo."Edison!" sigaw n
Ang ulan ay tila nagiging mapaglaro. Habang binabaybay ni Edison ang madulas at baku-bakong kalsada patungo sa lumang bodega sa labas ng bayan, ang kaniyang dashboard ay naglalabas ng mga pulang ilaw—mga alert na nagpapaalala sa kaniya na ang oras ay nauubos na. Ang kaniyang sasakyan ay parang isa
Ang ulan sa Daet ay hindi tumitigil, tila nakikisimpatya sa kaguluhang nagaganap sa buhay ni Edison. Habang pilit niyang pinapatakbo ang kaniyang sasakyan sa kabila ng pagkahilo at sugat sa ulo, biglang umalingawngaw ang isang pamilyar na ringtone sa loob ng tahimik na sasakyan.Kinuha ni Edison
Ang bodega ay balot ng amoy ng kalawang at nabubulok na kahoy, ngunit ang pinakamabigat na dala nito ay ang katotohanang unti-unting lumalabas mula sa mga labi ni Mateo. Ang bawat hakbang niya pababa ng hagdan ay tila isang rito ng paghuhukom. Tumawa siya nang mahina, isang tunog na walang bakas n












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu