ログインAng hirap mabuhay kapag palagi nalang nag-iisip tungkol sa pera. Mahirap bumangon sa araw-araw kung lagi mong poproblemahin ang pangtustos sa araw-araw. Iyan ang buhay ni Anya, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil nagtrabaho na kaagad siya pagkatapos ng high school para tumulong sa pangtustos nila sa araw-araw. Nabiyayaan siya ng pagkakataon na magtrabaho bilang kasambahay sa mga Villamor, ang pamilya ng crush niyang si Lucas Villamor noong high school. Nanumbalik ang kilig at pananabik niya nang makita ulit ang lalaking pinapangarap niya. Maayos naman ang lahat, ngunit napapadalas ang engkwentro nila ng kanyang boss na si Sir Lucas. Umabot sa punto na, hindi na sapat ang ginagawa niyang 'admiring from afar' lamang. Alam niyang hindi magbubunga ang nararamdaman niya, sa estado palang ng buhay, alam niyang ang buhay na mayroon siya ay hindi kakumpa-kumpara kay Lucas. Mapigilan niya kaya ang nararamdaman niya para sa amo niya? Paano kung may nararamdaman din ito para sa kanya? Ano kaya ang gagawin niya lalo na’t alam niyang bawal na makipag-relasyon sa amo niya?
もっと見る“Anya, aalis ka na ba?”
Nag-aayos ako ng mga gamit ko nang bigla iyong itanong ni Lola. Nakaupo siya sa gilid ng aming papag, hawak ang isang basong tubig at ang huling piraso ng kanyang gamot. Ilang araw na rin siyang nagrereklamo sa sakit ng puso niya kaya naman kahit gustuhin kong mag-inarte sa pagod, pinipilit kong huwag na lang para hindi siya mag-alala. “Opo, Lola. Maghahanap lang ng himala... este, trabaho,” sagot ko habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin. Suot ko ang polo blouse kong puti na medyo naninilaw na, pero plantsadong-plantsado kaya mukhang disente. “May extra ka ba dyan, apo?” marahang tanong ni Lola. Alam kong nahihiya siya, pero kailangan niya ang maintenance niya. “Meron po, Lola. Huwag niyo na po alalahanin,” pagsisinungaling ko. Pagbukas ko ng wallet, muntik na akong himatayin. Limang daang piso na lang ang nasa loob. Paglabas ko ng bahay, tila nakikipag-away ang sikat ng araw sa balat ko. Habang naglalakad sa bayan, bitbit ang envelope ng resume kong mukhang pagod na rin sa buhay, biglang may nakapukaw ng atensyon ko sa isang bulletin board. Isang hiring post. WANTED: STAY-IN HOUSEMAID Location: Villamor Manor Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Villamor? Iisa lang ang kilala kong Villamor na may kakayahang magmay-ari ng mansion. “Lucas?” bulong ko. Biglang bumalik ang alaala ng high school. Ang matangkad, suplado, pero napakagwapong si Lucas Villamor. Crush ko nung high school. Noong hindi pa kasi kami iniiwan ng tatay ko, pinag-aral niya ako sa isang private school ng isang taon. Na-bully ako non kasi kahit tinapay lang sa canteen hindi ko afford, si Lucas lang ang umaawat sa kanila kaya naging crush ko siya. Lord, sign na ba ‘to? Ito ba yung killing two birds with one stone?! Makakatulong na ako kay Lola, makaka-score pa ako ng view sa mukha ng long-time crush ko! Agad kong tiningnan ang address. Malapit lang! Wait for me, baby! Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada, lutang ang isip ko. Iniisip ko na kung anong klaseng outfit ang isusuot ko bilang katulong. Ayoko naman magmukhang nanay sa harap ng crush ko! Siguro yung medyo fit na duster? O baka naman pwedeng bikini? Maganda naman ang katawan ko. Syempre joke lang, baka mapatalsik ako agad. Sa lalim ng pagpapantasya ko, hindi ko napansin na tumatawid na pala ako sa kalsada. Isang matinis na tunog ng preno ang bumasag sa katahimikan. Pakiramdam ko ay huminto ang mundo. Nanigas ako sa gitna ng kalsada nang maaninag ang isang makintab at itim na SUV na muntik nang gawing sapin sa kalsada ang katawan ko. Nanlambot ang mga tuhod ko at napaluhod ako sa sahig. Bumukas ang pinto ng driver’s seat. Lumabas ang isang lalaking matangkad, nakasuot ng mamahaling polo shirt. Nang tumingala ako, tila nag-slow motion ang paligid. Ang panga niyang kayang makahiwa ng papel, ang ilong niyang mas matuwid pa sa landas ko, at ang mga mata niyang tila nag-aapoy sa galit. Si Lucas ito….hindi ako pwedeng magkamali. “Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!” sigaw niya. Ang boses niya ay malalim pero puno ng awtoridad. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko para patayuin ako. Kahit na nakita ko na siya ulit, hindi agad ako nakapag-celebrate dahil muntik na akong mamatay! Kasalanan ko rin dahil hindi ako tumitingin sa daan at baka nakaabala pa sa kanya. Sobrang na-guguilty ako. “P-pasensya na po, Sir… Hindi ko po sinasadya,” panginginig kong sabi. “Nataranta lang po ako… kailangan ko lang pong mabilhan ng gamot ang lola ko, tapos wala pa akong mahanap na trabaho…” Natigilan siya. Binitawan niya ang braso ko at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. May kung anong dumaan sa mata niya na para bang may napagtanto siya. “Sa susunod, huwag kang nag-iisip nang kung ano-ano habang nasa kalsada,” masungit niyang sabi. “Sorry po, desperada na po kasi ako…” “Anong alam mong gawin?” tanong niya nang biglaan. “Po?” “Trabaho. Sabi mo naghahanap ka ng trabaho. Anong alam mong gawin?” “K-kahit ano po! Marunong po akong maglinis, maglaba, magluto…” kahit mag-alaga sa'yo, Sir, kayang-kaya ko! “I’m looking for a stay-in maid for my mansion. My current staff is… incompetent. 12,000 a month, free food, and board. If you’re as desperate as you look, take it.” Nanlaki ang mga mata ko. 12,000? Plus free board and lodging? Plus free view ng face niya araw-araw? Jackpot! “T-totoo po ba?” “I don’t joke. Sumakay ka sa kotse. I’ll bring you to the estate. If you can clean the library to my satisfaction within two hours, the job is yours,” sabi niya sabay talikod. Pagdating sa Villamor Manor, halos malaglag ang panga ko. Mansion kung mansion! Habang naglalakad kami sa hallway, hindi ko mapigilang mapatingin sa likod niya. Ang lapad ng balikat. Sarap yakapin mula sa likod habang nagluluto siya ng…. ah, teka, ako nga pala ang magluluto. “I’m Lucas Villamor,” pakilala niya. I know, baby. I’ve known you for ten years. “Simple lang ang rules ko. Huwag kang makikialam sa mga gamit ko, huwag kang maingay, at huwag kang magdadala ng kung sino rito.” Dinala niya ako sa isang silid na puno ng mga libro. Grabe, ang alikabok! Mukhang dito nag-meeting ang lahat ng mga alikabok sa Pilipinas. “Clean this. I’ll be back in two hours,” utos niya bago ako iniwan. Agad akong kumilos. Kinuha ko ang basahan at nagsimulang makipag-gyera. Isang oras mahigit din akong nagpunas, nag-ayos, at nag-wax ng sahig. Patapos na sana ako nang may makaharap akong problema. Ang itaas na bahagi ng shelf. Pinilit ko itong abutin, tumitingkayad pa ako. “Kaunti na lang... konti pa... ayan!” Pero sa sobrang pilit ko, nabitawan ko ang hawak kong makapal na libro at dahil sa gulat, nawalan ako ng balanse. Napapikit ako, handa nang makipaghalikan ang puwet ko sa sahig. Ngunit sa halip na matigas na tiles, isang matigas na dibdib ang sumalubong sa akin. Isang pares ng malalakas na braso ang sumalo sa akin, habang ang kabilang kamay niya ay mabilis na sinalo ang librong babagsak sana sa ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at inangat ko ang tingin sa likod ko. Nang makita siya, naramdaman ko ang init ng mukha ko. Ang lapit namin! Ramdam ko ang hininga niya sa labi ko. Lord, kung panaginip ‘to, pakisakal na lang ako para ‘wag na akong magising. “You’re so clumsy,” masungit na bulong niya, pero hindi niya agad ako binitawan. Nakatingin siya sa mga mata ko, tila naghahanap ng sagot sa isang tanong na hindi niya mabuo. Ano, Lucas? Naaalala mo na ba yung babaeng niligtas mo sa mga bully noong grade 10? Umatras siya agad at napa-ubo. “Not bad,” sabi niya, tinutukoy ang linis ng kwarto. Kumuha siya ng wallet at naglabas ng limang libong piso. “Advance salary. Start tomorrow, 6 AM. Don't be late.” Nanginginig ang kamay ko habang tinatanggap ang pera. May pambili na ng gamot si Lola! “Salamat po, Sir Lucas! Promise, gagalingan ko po! Kahit pati bubong niyo, didilaan ko para kuminang!” Tiningnan niya lang ako na parang nababaliw na ako, pero may konting kurba sa labi niya bago siya tumalikod. “Don’t thank me yet,” malamig niyang sagot. “Being a maid in this house isn't as easy as it looks. You’ll see.”Matagal bago tuluyang humiwalay ang mga bisig ni Lucas sa aking baywang. Kung ako lang ang tatanungin, handa naman akong manatiling nakadikit sa dibdib niya hanggang sa matapos ang taong ito. Ang bango-bango niya pa rin kahit galing siya sa matinding stress ng pagtakas sa sarili niyang kasal. Amoy mamahaling pabango na may kaunting pahiwatig ng 'sayo lang ako'. Isang kombinasyon na siguradong pamatay para sa isang marupok na tulad ko. Nang sa wakas ay lumuwag ang kaniyang yakap, hinawakan niya ang aking magkabilang balikat at tinitigan ako nang may malambot na ngiti. Ang mga mata niyang kanina lang ay puno ng bigat ay mukhang gumaan na ngayon, salamat sa sagot kong nagpatahimik sa lahat ng kaniyang pag-aalinlangan. "Are you hungry? O gusto mo munang magpahinga?" tanong niya, habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa aking mukha. Ang kaniyang malambing na boses ay may dalang kakaibang kuryente na dumaan diretso sa aking atay. Gusto kitang kainin! Bastos na sagot ng u
Napakurap-kurap ako, tila hindi agad rumeshistro sa utak ko ang mga huling salitang binitawan niya. Ang galit na kanina lang ay nag-aalab sa dibdib ko ay biglang napalitan ng matinding kalituhan. Pakiramdam ko ay nawalan ng hangin ang buong silid habang nakatitig ako sa seryosong mukha ni Lucas. "A-Anong ibig mong sabihin?" nauutal kong tanong, unt-unting ibinababa ang aking mga kamay na kanina lang ay nakahanda nang itulak siya palayo. "Paanong may ibang pakakasalan si Yanna? Lucas, huwag mo nga akong biruin ng ganyan. Kasal ninyong dalawa ang nakaplano ngayong araw. Paanong magkakaroon ng ibang lalaki?" Bumitaw si Lucas sa aking balikat ngunit nanatili siyang nakatayo nang malapit sa akin. Ang kaniyang ekspresyon ay walang bakas ng pagbibiro. Seryoso siya. Masyadong seryoso para sa isang bagay na tunog imposible. "Yanna will marry Theodore," panimula niya, ang kaniyang boses ay patag ngunit may bigat ang bawat pangalan na kaniyang binabanggit. "He is a man of high status. He want
Kinabukasan, nagising ako sa unti-unting pagsilip ng liwanag ng araw sa pagitan ng mga makakapal na kurtina ng hotel room. Ngunit bago ko pa man tuluyang maidilat ang aking mga mata, isang pamilyar at banayad na pakiramdam ang pumukaw sa aking ulirat. May kung anong mainit na humahaplos sa aking mukha. Isang dahan-dahang pagpapadaloy ng mga daliri mula sa aking noo, pababa sa aking pisngi, bago marahang huminto sa may gilid ng aking panga. Ang haplos na iyon ay may dalang pambihirang ingat, tila ba natatakot na sa isang maling galaw ay bigla akong maglaho na parang bula. Nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata, ang sumalubong sa akin ay ang mga matang kay tagal kong kinasabikan na makita. Si Lucas. Nakahilig siya sa gilid ng kama, nakaupo sa sahig kung saan niya inilatag ang kaniyang higaan kagabi. Ang kaniyang buhok ay bahagyang gulo-gulo, at may kaunting itim sa ilalim ng kaniyang mga mata na nagpapahiwatig na hindi rin siya lubos na nakatulog. Sa kabila niyon, ang paraa
"Titingnan ko kung ano ang mangyayari bukas, Lucas," mababa at seryosong saad ko, pilit na pinatatatag ang boses na kanina lang ay basag na basag. "Papanoorin kita. Ngunit huwag mong isipin na dahil pumayag ako ay ibig sabihin noon ay pinagkakatiwalaan na kita nang buo." Sa kabila ng aking malamig na pahayag, nakita ko kung paano biglang nagbago ang anyo ni Lucas. Ang kaniyang mga mata na kanina lang ay puno ng takot at pakiusap ay biglang sumigla. Ang kaniyang mga labi ay dahan-dahang umarko sa isang maliit, ngunit totoong ngiti. Hindi siya nagreklamo na kulang ang ibinigay kong tiwala, sa halip, tila ba sapat na ang munting pagkakataong iyon para bigyan siya ng pag-asa. "Thank you for giving me a chance," bulong niya, ang kaniyang boses ay punong-puno ng labis na pasasalamat. Bakas sa kaniyang mukha na ang malamig kong pagpayag ay sapat na para sa kaniya sa ngayon. "Just watch me tomorrow. I will prove everything to you." Hindi na ako sumagot at ibinalik ko na lang ang aking ting
Hindi ko matagalan ang titig ni Lucas. Bawat segundo na nakatitig siya sa akin habang magkahawak ang aming mga kamay ni Nathan ay tila unti-unting pumupunit sa aking puso. Gusto kong bawiin ang aking kamay, gusto kong sumigaw at sabihing, ‘Lucas, hindi totoo ito! Ikaw lang ang mahal ko!’ Ngunit nan
Ewan ko kung ilang oras akong tuluyang nilamon ng kawalan. Ang huling natatandaan ko lang bago bumigat ang aking mga talukap ay ang bango ng silid ni Nathan at ang malamig na hangin mula sa aircon na tila yumakap sa aking pagod na pagod na katawan. Sa aking panaginip, naroon pa rin si Lucas. Nakata
"You see that?" bulong ni Nathan, ang kaniyang mukha ay nananatiling malapit sa akin habang ang kaniyang mga daliri ay marahang dumampi sa aking pisngi. Ang hawak niya ay banayad, ngunit bawat dampi ng kaniyang balat ay tila ba nag-iiwan ng kuryente na hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa matinding
Kinabukasan, parang gumuho ang langit sa bigat ng aking mga talukap. Halos hindi ako dinalaw ng antok kagabi dahil sa mga salitang iniwan sa akin ni Nathan. Ang kaniyang mungkahi, ang aming kasunduan ay patuloy na umuukit sa aking isipan, na tila ba isang lason na unti-unting kumakalat sa aking buo






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
レビューもっと