KEN POV: Pagkatapos nilang magbihis ng Papa at Tito Gregore nya ay aalis na sila. Pupuntahan nila sa ospital si Ava. Gusto nilang kamusta din ang kalagayan nito at kausapin na din ang Papa ni Ava at ipaliwanag ang side nya na hindi cya ang gumawa nun kay Ava. Isang sasakyan lang ang ginamit nila... si Mang Gener ang driver, si Tito Gregore naman ang nasa front seat at sila ng Papa nya sa likod. May nakasunod din sa kanilang mga bodgguard sakaling may gagawing masama ang kampo si Ava sa kanila. Pagdating nila sa ospital ay sinalubong agad sila ng diretor ng ospital. Kaibigan din iyon ng Papa nya at tinawag na nito ang pakay nila doon. "Kumpadre.. kamusta?" wika nitong sumalubong sa kanila. "Eto kumpadre okay naman..." Wika ng Papa nya saka pinakilala sila nito ni Tito Gregore. "Pwede mo ba kaming samahan sa kwarto ni Ava San miguel?" Pakiusap ng Papa nya "Oo naman kumpadre, walang problema. Sumunod kayo sa akin." wika nito. Medyo naiilang pa ang director sa dami ng bodyguards
Pagdating nila sa bahay ay naka-abang na ang mga esposa nila... si Tita Beth, Tita Carl at so Jonie. Lumapit agad sa kanya si Jonie saka yumakap... "Anong nangyari Babe? Kamusta ang lakad nyo?" Nag-aalalang tanong nito. Niyakap cya nito ng mahigpit. "I'll be fine Babe, don't worry. Hindi nila ako mamatakot sa ganun. Ang importante ay naniniwala kayo sa akin... lalo na ikaw. Hinding-hindi kita lolokohin at ipagpapalit." Wika nya saka hinalikan si Jonie sa ulo. "Let's go inside at may tatawagan pa akong mga tao." Pagpasok nila sa kwarto ay tinawagan nya si Clark."Hello bro, whats up?" "Bro can you help me? May taong gustong sumira sa akin...." Pinaliwanag nya ang nangyari sa kanila ni Ava at sa pag tangkang pagpatay kay dito na nili-link sa kanya."That bitch! Wala talagang magandang ginawa ang Ava na yan! Sige bro ako na ang bahala... papuntahan ko ang restaurant kung saan kayo kumain ni Ava para malaman natin kung sino ang kumuha ng mga pictures at kung sino ang nag-utos.... Ka
***********JACK:Madaming tao sa bahay nina Ken, nagkalat ang mga bodyguards doon. Nakaktakot pala maging kalaban ang pamilya ng mga ito... siguradong patay ka kapag babanggain ang pamilya nila. Wika nya sa isip.Pero andito na cya... wala na cyang kawala.. ano mang oras ay baka malaman na ng mga ito na cya ang may gagawan ng krimen kay Ava at nagsend ng mga pictures kay Ken. Kailangan nyang paganahin ng mabilis ang utak nya at mag-isip ng solusyon para malusutan ang mga ito. "Pre... may nakuha ng video ang kaibigan ko doon sa pinangyarihan ng krimen... sinasabi ko naman sa inyo kapitbahay namin yun eh. Hinihintay ko lang na send nya sa akin." narinig nyang sambit ni Allan sa mga kasamahan nila. Bigla cyang natigilan... Shit! baka may makaka-kilala sa kanya kapag napanood na ng mga ito ang CCTV footage! "Talaga pre? patingin ha..." "Oo pre, ipapakita ko din kay Sir Ken... kahit papaano ay baka makatulong man lang ako sa mga amo natin." "Oo nga pre... baka makakatulong pa yun sa
Napaupo cya sa kama dahil parang nawawalan sya ng lakas... nanghihina cya. "Jack! bakit mo ginagawa ito? Kailangan mo ba ng pera? Magkano ang kailangan mo, sabihin mo lang, wag mo akong saktan... buntis ako!" wika nya. Pilit nyang pinakalma ito at baka saktan cya, hindi cya nag-aalala para sa sarili nya kungdi para sa anak nya sa sinapupunan. Nagdilim ang paningin nito sa sinabi nya. "Buntis ka? Talaga namang napaka swerte naman talaga ng mokong mong asawa ano? Naunahan na naman nya ako!" wika nitong nanlilisik ang mata. Hindi nya maintindihan ang mga pinagsasabi nito. "Kung naging mayaman kaya ako... may posibilidad kayang magustuhan mo din ako katulad ng pagkagusto mo sa Ken na yun, Jonie?" "A-ano ang pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong nya. Ngumisi ito ng nakakaloko... pumunta ito sa pinto at nilock iyon saka bumalik sa kanya.. lalo cyang kinabahayn! Umupo ito sa tabi nya... hindi cya nakagalaw sa kinauupuan.. "Alam mo bang una palang kitang nakita ay nagustuhan na agad k
****************KEN POV:Pagdating nya ng bahay ay wala pa ding kaalam-alam ang mga taong naroon na nagpapatira sila ng kriminal sa bakuran nila. Ang Papa nya at mga magulang ni Jonie ay prengteng naka-upo lang ang mga ito sa hardin. Biglang nag-init ang ulo nya dahil hindi man lang sinasagot ng Papa nya ang tawag kanina."Pa!" sigaw nya pagkababa nya ng kotse. "Oh bakit anak? kamusta ang lakad mo? May balita ka na ba kung sino ang kasabwat ni Ava?" "Nasaan ang asawa at anak ko?" diritsahang tanong nya, wala cyang panahaong sagutin ang tanong nito. Nagtataka man ang mga ito sa kanya ay sinagot pa din ng ang tanong nya. "Si Gray ay nasa sala naglalaro kasama ang mga yaya.. si Jonie naman ay nasa kwarto nyo, hindi pa cya nakababa simula kanina." Bigla cyang nakahinga ng maluwag dahil sinunod ni Jonie ang utos nyang wag lumabas ng kwarto.Pero bakit hindi nito sinama si Gray? Saka bakit parang wala pa din alam ang mga tao doon sa tinawag nya na balita kanina sa asawa?... hindi ba n
"Sweetheart gising!" wika nito sa asawa nya.. parang gusto nyang basagin ang pagmumukha nito sa pagtawag sa asawa nya ng sweetheart.. Sinampal-sampal nito si Jonie sa pisngi at pilit na ginigising. Nagising naman si Jonie saka muling umiyak ng makita si Jack... "Ken.. tulongan mo ako huhuhuh..." umiiyak na sambit ni Jonie ng balingan cya. "Wag kang mag-aalala Jonie.. ako na ang mag-aalaga sayo simula sa araw na ito... isasama kita sa akin at magpakalayo-layo tayo. Meron na akong sampung milyon bilang pabaon ng Papa mo sa atin, kasya na siguro iyon sa pagbabagong buhay natin." Hinimas pa nito ang pisngi ni Jonie.. Si Jonie naman at pilit na nagpapakatatag. "Hindi mo dadalhin ang asawa ko Jack! magkamatayan muna tayo!" "Wala ka nang magagawa Ken... akin na sya ngayon! Kung gusto mo balikan mo nalang si Ava dahil ayaw ko na din sa kanya. hahaha..." Muling tumawa ito ng nakakaloko... para itong demonyo na bumaba sa lupa. Tinulungan nitong tumayo si Jonie habang hawak pa din ang kuts
Dumukwang cya para ilapit ang mukha sa asawa at dinapian ito ng halik. Nagpapasalamat talaga sya dahil kahit ginawan cya ng issue ni Ava ay sa kanya pa din ito naniniwala... "aahmm.." ungol ni Jonie sa halik nya... tinamaan ito. Pakiramdam niya ay hindi lang dahil sa pagnanasa ang ungol na iyon... nararamdaman niya ang pangangailangan ni Jonie ng kanyang paglalambing. Kailangan nito ang haplos niya para mapanatag ang kalooban nito. Inangat nya ang kamay at hinawakan ito sa magkabilang pisngi para ikulong ang mukha nito at laliman ang kanilang paghahalikan. Ang kamay nya ay naglakbay sa leeg at balikat nito saka marahang hinahaplos doon na may puno ng pagmamahal. Lalo nya itong pinapa-init...ipaparamdam niya sa asawa ang kapanatagan na hinihingi nito sa pamamagitan ng mga yakap at halik nya. "Ahmmm.... B-babe..." muling ungol nito ng ang kamay nya ay dumapo na sa dalawang bundok nito saka nilamas iyon ng mariin.. may diin ang pagkakalamas nya na halos hindi na ito makahinga. "Mo
May mangilan-ngilan pa din mga pulis na hindi umalis doon, sinisigurado ng mga ito na ligtas sila at dahil na din iyon sa utos ni General Ledesma na kaibigan ng Papa nya. Napatayo si Gregore ng makita silang papalapit... "Jonie, anak...are you okay now?" nag-aalalang tanong nito. "Yes dad, I'm okay... don't worry about me." "Thank God your okay anak... tapos na ang kaso kaya we have nothing to worry about. Na isa-isa na ng mga pulis ang mga tao dito at napatunayang nag-iisa lang si Jack at walang kasabwat kungdi si Ava." Usal ni Tito Gregore. "Hindi na sila makakatakas sa bilangguan dad... and I will make sure of that!" matigas sa sambit ni Jonie. Habang nag-uusap sila doon ay may dumating na isang ambulansya at hinatid ang isa nilang tauhan na pinagtangkaan din ni Jack na patayin sa pamamagitan ng pagtulak nito banyo. Kasama nito si Mang Karding na sumama sa ospital. May benda pa ito sa ulo pero mukhang okay na din naman ito. Lumapit ito sa kanila. "Magandang araw po Mam, S
Halos dalawang oras din silang tumagal doon sa parlor. Nagpagupit sila ng buhok ni Lilly. Ang boring na mahaba at unat na unat niyang buhok ay pinagupitan at nilagyan ng kulay na ash blond. Si Lilly ang nag-decide ng lahat para sa kanya. Bagay daw 'yun sa morena skin niya.Napapangiti na lang siya minsan sa pagka pala-desisyon ni Lilly sa buhay niya, pero aaminin niyang nagugustuhan nya rin dahil kung siya lang ay wala naman siyang alam sa pagpapaganda.Palihim niyang tinitingnan si Gray mula sa salamin na nakaupo sa waiting area. Ni hindi man lang niya ito nakikitaan ng pagkabagot. Mukhang may nilalaro ito sa cellphone at mukhang aliw na aliw."Ate, ang ganda mo!" Eksaheradong sigaw ni Lilly nang makitang tapos na siyang ayusan.Napayuko siya dahil tumingin din si Gray sa kanya at tila namalikmata."Ano ka ba, Lilly, ang ingay mo, nakakahiya dito sa parlor.""I'm just telling the truth! Di ba, Ate?" tanong ni Lilly sa bakla na nag-ayos sa kanya."Yes ma'am, Lilly, ang ganda niya. Ang
ROSIE'S POV:Bigla siyang natakot nang pagsulpot si Bianca sa restaurant na kinakainan nila. Wala naman siyang ginagawang masama, pero bakit parang guilty siya? Masama ang tingin nito sa kanya na halos kainin siya ng buhay at gusto siyang saktan anumang oras."Pinagtutulungan niyo ba akong magkapatid?" napalakas ang boses ni Bianca kaya natuon ang atensyon ng mga customer sa kanila."You're making a scene, Bianca. Ang mabuti pa ay umalis ka na. Sinasira mo ang pagkain namin dito." pagtaboy ni Gray"You!" sigaw nito sabay turo sa kanya. "Hindi mo alam ang pinapasok mo. Hindi ako pwedeng ipagpalit ni Gray ng ganon-ganon lang!"Nakita niya ang sobrang selos sa mga mata nito. Bakit nga ba sinabi ni Lilly na siya ang bagong nobya ni Gray?!"Wala tayong relasyon, Bianca, kaya pwede akong mag-girlfriend kung sino ang gusto ko." wika ni Gray."You can't do this to me, Gray! Magsisisi ka!" nanlisik ang mata nito saka nagmartsa palabas ng restaurant. Natahimik silang lahat."Lilly, bakit mo nam
"I'm done!" nakangiting wika ni Lilly habang papalapit sa kanila na dala-dala ang mga pinamili."Ang dami naman niyan, Lilly!" reklamo niya."Para sa amin ni Ate Rosabel 'to, kuya! Alam ko kasi ayaw niyang magpabili, kaya binilhan ko na siya.""Ano ka ba, Lilly... Ayaw ko niyan, magagalit sa akin si Nanay!" si Rosie naman ang nagsalita."Hindi 'yun magagalit. Sabihin ko binigay ko sa'yo. Ikaw nga may pasalubong sa akin galing Baguio eh. Dapat meron din akong exchange na bigay sa'yo.""500 pesos lang yung bag na 'yun! Grabe naman ang kapalit ng bigay ko. 50k ata ang price ng balik mo?!" reklamo ni Rosie."Wag ka nang magreklamo, Ate. Nakakainis ka naman eh! Ikaw na nga ang binibigyan eh... hmp!"Nagkatinginan sila ni Rosie at nagngitian. Wala talaga silang panalo kapag si Lilly ang nagdedesisyon. 'Yun ang isa sa ayaw niya sa kapatid, matigas ang ulo nito... lahat ng gusto nito ay ginagawa.Pero ngayong dalawa na sila ni Rosie ang umiintindi kay Lilly kaya ini-enjoy na lang niya ang kat
Nagising siya kinaumagahan na masaya. Ang sarap ng tulog niya. Agad siyang naghilamos at nag-toothbrush. Lumabas agad siya ng kwarto para makita ang dahilan kung bakit siya masaya.Paglabas niya ng kwarto ay narinig niyang maingay sa kwarto ni Lilly. Hindi iyon nakasara kaya sumilip siya. Nandoon si Lilly kasama si Rosie. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan. Binigay na ni Rosie ang pasalubong nito sa kapatid niya at tuwang-tuwa ito."Good morning, girls!" bati niya nang tuluyang buksan ang pinto. Nagulat pa ang dalawa sa pagsulpot niya."Kuya, andito ka pala. Ano ang pasalubong mo sa akin from Baguio?"Napakamot siya ng ulo."Pasensya na, Lillyt. Wala akong pasalubong.""Ano ka ba naman, Kuya, bakit wala? Si Ate Rosabel nga merong pasalubong sa akin eh!""Ah eh... 'yan na nga ang pasalubong namin sa’yo. Kami ang bumili niyan na dalawa."Agad na sabat ni Rosie sa pagta-tantrums na naman ni Lilly."Bakit, mag-jowa ba kayo na iisa lang ang pasalubong niyo sa akin?"Napatingin siya kay Ro
GRAY'S POV:Nakangiti siyang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung bakit... dahil siguro sa saya na dala ni Rosie sa kanya.Pabagsak siyang humiga sa kama. Malayo ang dri-nive niya pero hindi siya napagod dahil masaya kasama si Rosie. Aaminin niyang kanina ay masama ang loob niya. Pero naramdaman niyang pilit pinapagaan ni Rosie ang loob niya.Nabaling ang atensyon niya sa pinto nang may kumatok. Ang daddy niya ang pumasok."Hi, Dad... May kailangan ka?"Tumayo lang ito sa harap niya na parang binabasa ang kanyang mga mata."Do you like Rosabel, anak?" diretsahang tanong nito."A-ano ka ba, Dad... parang kapatid ko na siya!" agad na sagot niya. Nahihiya siyang aminin sa daddy niya na may special siyang pagtingin kay Rosabel."Hindi ako tutol kung gusto mo siya, iho. Ang sa akin lang ay magtapos ka muna ng pag-aaral, at ganoon din si Rosie. Patapusin mo siya ng pag-aaral. 'Yun lang hinihingi ng nanay niya.""D-Dad, what are you talking about? Akala mo ba sa akin tirador ng ba
ROSIE'S POV:Wala na naman silang pansinan sa biyahe, hapon na sila umalis sa resort at mukhang gagabihin sila pagdating sa Manila..Lihim siyang napahinga ng maluwag nang nagdesisyon si Gray na uuwi na sila. Hanggang ngayon kasi ay iniisip pa din niya kung paano sila mamayang gabi. Iisa lang ang kama at dalawa lang sila doon. Hindi imposibleng may mangyari sa kanila at ayaw niyang mangyari yun.Oo, may gusto siya kay Gray, pero hindi pa siya handa. Madami pa siyang plano sa buhay."Huuuuy... bakit tahimik ka jan, kuya?" Siya na ang naunang pumansin dito, ayaw niyang magkasamaan sila ng loob hanggang sa pagdating nila sa Manila."Pansinin mo naman ako..." wika niya. "Galit ka ba sakin? Sorry na... gusto ko na kasing umuwi eh.""It's okay... hindi ako galit." tipid nitong sagot"Hindi daw pero hindi naman namamansin!? Pilit niyang pinapagaan ang kanilang conversation. Ayaw niyang maging awkward sila sa isa't isa."Paandarin mo lang ang audio... gusto ko ng sounds!" utos niya. Sinunod n
Hindi siya napansin ng babae. Patuloy lang ito sa paglangoy paroo’t parito sa pool, at mukhang nag-e-enjoy.Hindi niya maalis ang mga mata sa dalaga. Lalong nag-init ang katawan niya, para siyang manyak na naninilip kay Rosie na walang kaalam-alam na andoon na siya. Naramdaman niyang gusto nang kumawala ang junior niya.“Fuck! Ano ang gagawin ko?” Hindi siya pwedeng magpakita kay Rosie nang nasa ganoong sitwasyon. Hindi rin pwedeng hindi niya ito mailabas dahil sasakit ang kanyang puson! Pwede din siyang lumabas, hanapin si Samantha at yayain ito dahil mukhang game naman ang dalaga... pero ayaw niya.Pumasok siya sa CR. Hindi pa rin siya nakita ni Rosie dahil may glass door na nakapagitan sa kuwarto at sa swimming pool area.Pagpasok niya sa banyo ay dali-dali siyang naghubad ng damit at binuksan ang shower. Kahit doon man lang ay maibsan ang init ng katawan niya. Pero parang hindi sapat ang pagligo lang...Wala sa sariling kinapa niya ang kanyang alaga. Matigas na ito sa galit... gan
GRAY'S POV:Hindi siya papayag na umuwi sila ng Manila na hindi matikman ang labi ni Rosabel. Ang akala niya kagabi ay 'yun na 'yun... pero napurnada pa.Kung magiging first kiss siya ni Rosie, ay ganoon din naman siya. He never kissed a girl on the lips before... ayaw niya. Ang gusto niya, kapag gustong-gusto na niya ang babae, ay 'yun ang magiging first kiss niya. Si Rosabel na ba 'yon? tanong niya sa sarili.Alam niyang bad move 'yong desisyon niyang mag stop-over sila roon dahil sarili lang din niya ang pahihirapan niya. Ilang libong pagtitimpi ang inipon niya na walang gagawin kay Rosie. Ginagalang niya ang babae at ayaw niyang pagsamantalahan ito.Pero kung ibang babae lang iyon, ay baka naikama na niya ito. He's in heat, malibog siyang lalaki, at hindi uso sa kanya ang nagtitimpi.Inaamin niyang inaakit niya si Rosie sa pamamagitan ng paghuhubad sa harap ng dalaga, sa pasimpleng pagdadantay ng katawan niya sa katawan nito. Lalaki pa rin siya at hindi santo. Umaasa siyang bibig
Nag-drive na ito pabalik sa Manila... Wala na naman silang pansinan. Hindi man lang nito pinaandar ang audio para sana may konting ingay sa loob ng kotse. Pumikit na lang sya para kunyaring natutulog. Ayaw naman niyang mag-open ng conversation, hindi niya alam kung gusto din ni Gray na kausapin niya. Hihintayin na lang niyang kausapin siya nito. Ang pagtulog-tulogan niya ay natuluyan. Dahil na din siguro sa antok at sa sarap ng aircon kaya mahimbing siyang nakatulog sa passenger's seat.Nang maalimpungatan ay napansin niyang nakatigil ang kotse. Pagmulat niya ng mata ay nakita niyang nasa isang beach resort sila. "Where are we?" "Mag-stop over muna tayo dito... Pagod na akong mag-drive eh." Napatingin siya ng diretso dito. Ngayon pa ito nagreklamong pagod mag-drive samantalang nakapagpahinga naman ito sa bahay nila!?Hindi na siya nakapagreklamo ng nauna na itong bumaba ng kotse. Bumaba na din siya at sumunod sa likod nito, pumunta ito sa front desk."1 room, please." "Overnight