Sa kagustuhan ni Aira na makalimutan ang ginawang panloloko ng boyfriend niya, naglasing siya sa bar. Kinabukasan, nagising na lamang siya sa sobrang sakit ng ulo niya, pati na rin ng ibabang bahagi ng kanyang pagkababae. Nagulat siya nang tumambad sa kanyang paningin ang estrangherong lalaking katabi niya sa kama. Dali-dali siyang nagbihis at nilisan ang lugar na ‘yon. Ngunit tila nanunukso ang tadhana. Pagkalipas ng ilang linggo, sa kanyang pagbabalik sa trabaho, doon niya muling nakaharap ang lalaking pilit niyang kinalimutan. Siya pala ang bagong CEO ng kanilang kumpanya—si Kael Ramirez. “Hindi ko nakalimutan ang gabing 'yon," wika nito nang minsang ipatawag siya sa opisina. “ “Sir anuman ang nangyari noon, it was just a mistake.” “But for me, that was the best mistake I've ever had." Bigla siyang kinabahan. "Sir, let's pretend it did not happen,” mabilis niyang wika. "Well, it's not my case,” anito. “I claimed you once kaya akin ka lang at paulit-ulit kitang aangkinin hangga't gusto ko."
View MoreKinabukasan, habang nagfocus ako sa pag-encode ng mga sales report,"Aira, pinapatawag ka sa opisina ni sir Kael," wika ni Mrs. Perez.Biglang nanlaki ang mga mata ko. "Po? A-ako?" "Oo, kailangan raw niyang makausap ang top-performing sales consultant sa kumpanyang ito," ani Mrs. Perez. "Uhm, pakidala mo nalang itong sales report, last quarter. Gusto raw niyang makita."Muli na namang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi naman ako maaring tumanggi dahil nasa trabaho ako, baka mamaya masesante pa ako ng wala sa oras kung di ako sumunod. Wala na talaga akong kawala pa. Diyos ko."Dzai, goodluck." Bulong sa akin ni Carol, sabay ngisi na parang nanunukso na naman. Tumayo ako at binitbit ang folder. Palakas ng palakas ang tibok ng aking puso, habang tinungo ko ang elevator.Makalipas ang ilang minuto nasa third floor na ako at nasa doorstep na ng opisina ng CEO. Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pintuan."Yes, come in."Pagkarinig ko ng malalim na tinig mula sa loob, halos nanghi
Pumasok ako sa opisina ng KR Cyber Corporation nang may baong kaba at bigat sa dibdib. Mahigit tatlong linggo na rin mula nang magdesisyon akong bumangon muli mula sa pagkawasak ng puso ko. Kahit na kasama ko sa trabaho ang walanghiya kong ex-boyfriend at ang traydor kong bestfriend, pero kailangan kong maging matatag dahil umaasa sa akin ang pamilya ko sa probinsya. "Hoy dzai, alam mo bang meron daw tayong bagong CEO na papalit kay Don Ricardo. Balita ko ang apo raw nitong lalaki ang hahalili sa kanya," wika sa akin ni Carol. Bilib din naman ako sa isang ito, at hindi talaga nahuhuli sa balita."Ganu'n ba? Ang lakas talaga ng radar mo noh?" nakangiti kong wika."At ngayon daw darating ang bago nating boss."Tango lang ang itinugon ko saka nagpatuloy sa ginagawa.Makalipas ang ilang oras,"Dzai, nandito na raw ang bagong CEO. Tara at kailangan nating i- welcome sa entrance door," yaya sa akin ni Carol."Naku, tatapusin ko lang muna 'tong ginagawa ko. Tutal naman pormal ding ipapakila
Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, tila ba may mabigat na batong nakapatong dito. Idinagdag pa ang matinding kirot ng ibabang bahagi ng aking katawan. Para itong pinupunit at nanginginig sa bawat paggalaw ko. Napasinghap ako habang pilit na bumangon, ramdam ang hapdi na kumakawala mula sa pagitan ng aking mga hita. Para bang bawat kalamnan at litid doon ay may bakas ng isang gabing hindi ko inaasahan.“Diyos ko! anong nangyari?” bulong ko sa sarili, nanginginig ang boses at halos maiyak. Napuno ng takot ang puso ko, lalo na nang makita ko ang pulang mantsa sa bedsheet at mapansin ko ang mga nagkalat na damit sa sahig.Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang igawi ko ang paningin ko sa kama. Doon ko nakita ang lalaking mahimbing na natutulog, nakatihaya, at walang saplot pang-itaas. Bahagyang natakpan ng kumot ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, ngunit sapat na ang nakita ko para lalo akong manginig sa kaba at hiya.Napatitig ako sa kanya at hindi ko maiwasang humanga
AIRA'S POV“Sa loob ng limang taon, ito lang pala ang gagawin niya sa akin?” Para akong baliw na kinakausap ang sarili habang nilalagok ang alak sa baso. Wala akong pakialam kung anong tingin sa akin ng mga tao sa bar. Kung lasinggera o desperada. Ang gusto ko lang ay makalimutan itong sakit na tumatagos hanggang sa kaibuturan ng aking puso. Itong bar ang una kong naisip na puntahan matapos kong masaksihan ang pagtataksil ng lalaking minahal ko sa loob ng limang taon.“Today was supposed to be our fifth year anniversary,” mahina kong bulong habang nagsasalin ng alak sa baso. Gusto ko sana siyang sorpresahin pero ako pala ang masosorpresa."Walanghiya ka Ramon. Niloko mo ako, kayo ng bestfriend ko!”Muling dumaloy ang luha sa aking mga mata habang tinutungga ang natitirang laman ng tequila. Ang pait at init nito’y parang kaakibat ng pait na iniwan niya sa puso ko.Unti-unti kong naaalala ang bawat salitang binitiwan niya sa harap ko, nang mahuli ko silang nagtatalik ng walanghiya kong
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments