Share

CHAPTER 510

Author: dyowanabi
last update publish date: 2025-02-06 21:36:53

"Huhuhu… Hayop ka, Bryan! What did you do to me!" sigaw niya habang pinaghahampas ito sa dibdib. Nasa kama pa silang dalawa at kapwa hubot-hubad. Nagdo-droga na naman ito habang nakatulog siya at kakagising niya lang.

Naka-ilang round din sila bago siya nakatulog sa sobrang pagod. Para siyang sinaniban ng demonyo kanina. At eto siya ngayon, nagising na masakit na masakit ang katawan. Para siyang binugbog ni Bryan, lamog-lamog ang katawan niya. Masakit din ang maselang bahagi ng kanyang katawan.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (42)
goodnovel comment avatar
Jhen Jhen
hindi po ba tapos ito.?
goodnovel comment avatar
Yonita Vicentillo
mirisi, bakit mo kasi ponilit Ang sarili Kay clark
goodnovel comment avatar
Annamarie Jaramillo
what Cindy want, Cindy gets.........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1530

    Pagpasok niya sa loob ng silid ay agad niyang hinubad ang kanyang damit at basta na lang itinapon iyon sa sahig. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, hindi lang sa katawan kundi maging sa isip.Dumeretso siya sa banyo at binuksan ang shower.Agad na bumuhos ang malamig na tubig sa kanyang balat, at kasabay nito ay ang bahagyang paggaan ng kanyang pakiramdam. Ipinihit niya ang mukha pataas habang hinahayaang dumaloy ang tubig sa kanyang buhok at katawan.Ngunit kahit gaano pa kasarap ang pakiramdam ng naliligo, hindi niya mapigilang mag-isip. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang eksena nina Tyler at Tiffany sa labas.Ano kaya ang pinag-usapan ng dalawa? Hindi kaya muling manggulo si Tiffany sa buhay nila?Napabuntong-hininga siya. May tiwala siya kay Tyler, hindi iyon ang problema. Ang problema ay si Tiffany. Alam niyang malaki ang utang na loob ni Tyler rito, kaya hindi niya maiwasang mag-alala dahil baka kung ano na namang pangmamanipula ang gagawin ng babae kay Tyler. An

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1529

    JOLIE'S POV:Masama ang loob ni Jolie habang pinagmamasdan sina Tyler at Tiffany na magkausap sa di kalayuan. Wala naman siyang magawa kundi panoorin ang mga ito.May tiwala siya kay Tyler ng buong-buo. Pero kay Tiffany?... Wala.Kahit ilang buwan pa ang lumipas, hindi pa rin nawawala ang kakaibang kutob niya sa babae. May mga taong kahit wala namang ginagawang masama sa harapan mo ay hindi mo pa rin lubusang mapagkatiwalaan. At si Tiffany ang isa sa mga iyon.Tahimik siyang bumuntong-hininga bago tuluyang pumasok sa loob ng mansion. Pagkapasok pa lamang niya ay agad na siyang sinalubong ni Margie."Ate..." tawag nito.Napakunot ang noo niya nang makita ang kakaibang ekspresyon sa mukha nito."Anong nangyari sa'yo? May problema ka ba?" nagtatakang tanong niya.Bahagyang lumungkot ang mukha ni Margie. "Aalis na siya...""Sino?""Si D-Daniel."Napairap siya. "Eh ano naman kung aalis na siya? Hindi naman siya dito nakatira!"Pilosopong sagot niya iyon, ngunit lalo lamang sumimangot si Ma

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1528

    Bahagyang nanigas ang kanyang mukha. Hindi niya maintindihan. Ano bang nangyayari sa mundo? Bakit ang mga gwapong lalaking tulad nina Tyler at Daniel ay nahuhumaling sa mga babaeng tulad nina Jolie at Margie?Si Tyler, isang international model, nahulog sa isang ordinaryong babae. At ngayon naman si Daniel... nahuhumaling sa isang kasambahay?Nakaramdam siya ng matinding pagkainis. Pakiramdam niya ay may mali. Dahil sa kanyang isip, ang mga lalaking katulad nila ay dapat mapunta sa mga babaeng katulad niya... Maganda, sikat at mataas ang estado sa buhay... Hindi sa mga babaeng tulad nina Jolie at Margie!Ngunit habang pinagmamasdan niya ang paraan ng pagtitig ni Daniel kay Margie sa di kalayuan, unti-unting may mas mabigat na damdaming sumiksik sa kanyang dibdib.Kung si Daniel ay hindi niya kayang impluwensyahan... Paano pa niya mapaghihiwalay sina Tyler at Jolie?At sa unang pagkakataon, naramdaman niyang maaaring mas mahirap ang kanyang plano kaysa sa kanyang inaakala.Wala na siy

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1527

    TIFFANY'S POV:Matalim ang tingin ni Tiffany sa papalayong likod ni Tyler habang unti-unti itong nawawala sa kanyang paningin.Mabuti na lang at wala nang gaanong tao sa paligid. Wala ring nakarinig sa naging usapan nila. Kung nagkataon, tiyak na malaking kahihiyan iyon para sa kanya.Marami pa naman ang naniniwalang nobyo niya si Tyler, na silang dalawa ang may relasyon. Ngunit ang totoo, isa lamang iyong kasunduan. Isang maingat na kasunduan para sa kanyang kapakanan..Tinulungan siya ni Tyler na makapasok sa mas malalaking proyekto sa ibang bansa. At hindi naman sila nabigo. Mula sa pagiging ordinaryong modelo, mabilis siyang sumikat at nakilala sa industriya.Noong una, maayos naman ang lahat, magkasama silang nagtatrabaho sa Singapore bago lumipat sa Australia para sa sunod nilang proyekto. Palagi silang magkasama noon... sa shoots, interviews, events, at maging sa mga biyahe.Kaya nang biglang bumalik si Tyler sa Pilipinas at maiwan siyang mag-isa sa Australia, para bang may mal

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1526

    Lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay. Kung ganoon... mas lalong nakapagtataka ang biglaang pagdating nito.Hindi naman nagtagal ay isa-isang nagpaalam ang mga crew, staff, at maging ang direktor matapos ang matagumpay na photo shoot.Unti-unting lumuwag ang paligid. Nawala ang ingay, tawanan, at kaluskos ng mga kagamitan. Ang kaninang abalang lugar ay biglang naging tahimik.Doon niya napansin sina Daniel at Margie sa isang sulok ng bakuran. Masinsinan ang pag-uusap ng dalawa. Tahimik lang si Daniel habang tila may maingat itong ipinapaliwanag. Nakikinig naman si Margie nang nakayuko.Kahit malayo, napansin niyang kakaiba ang ekspresyon ng dalaga. Paminsan-minsan ay tumatango si Margie, ngunit halatang pilit lamang iyon. At kahit nakangiti ito nang bahagya, hindi maitago ng mga mata nito ang lungkot.Napabuntong-hininga na lamang siya. Hindi na niya ugaling makialam sa mga bagay na hindi naman siya kasali. Nagkibit-balikat siya at tuluyang tumalikod.Ngunit bago siya makapasok sa

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1525

    At hindi naman niya masisisi ang direktor. Hanggang ngayon, sa paningin ng publiko, si Tiffany pa rin ang nobya ni Tyler. Sa halos lahat ng interview ni Tiffany sa abroad, palagi nitong binabanggit ang pangalan ni Tyler. Kahit walang connect, binabanggit nito ang binata na para bang ginagamit ang pangalan ni Tyler para mapansin ito. Marami tuloy ang naniwalang sila pa rin. Marami pa rin ang umaasang ang dalwa ang magpapakasal sa huli... at iyon ang bagay na hindi niya maiwasang ikabahala. “Matagal na ’yon, Direk,” maikling sagot ni Tyler. Magaan ang tono nito ngunit halatang ayaw na nitong palawigin pa ang usapan. Napakamot sa batok ang direktor. “Pero sayang talaga. Alam mo, kung ako ang tatanungin, bagay na bagay kayong dalawa sa screen. It would be nice kung makatrabaho ko ulit kayo ni Tiffany. Tapos kasama sina Jolie at Daniel. Sigurado akong blockbuster ’yon!” Napilitan siyang ngumiti kahit tila may kung anong bumara sa kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung bakit, pero pa

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1255

    Kinabukasan, tanghali na siya nagising. Minasahe niya ang kanyang sentido, wala na ang init na kanyang nararamdaman pero parang mabibiyak pa din ang ulo niya.Napatingin siya sa wall clock, alas-diyes na ng umaga. Sa pagkaalala niya ay magkasama sila ni Jolisa doon kagabi. Hindi siya nito iniwan ha

    last updateLast Updated : 2026-04-04
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1266

    Habang nakikipag-usap si Clarkson sa kanyang tito, naramdaman niyang unti-unting lumiliyab ang galit at guilt sa kanyang dibdib. Parang may mabigat na batong nakaipit sa lalamunan niya, at hindi niya alam kung paano bibitawan.Pagkababa niya ng tawag, mabilis siyang bumalik kina Aria, nakatingin sa

    last updateLast Updated : 2026-04-04
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1265

    Nagpupumiglas pa din siya pero sadyang malakas ang mga guards kaya naipasok siya muli sa kanyang kotse. Hindi pwedeng ganito… hindi pwedeng umalis lang siya doon ng gano’n-gano’n lang. Paano na siya? Paano na ang lisensya niya? Paano niya matatakbuhan si JM!?Gulong-gulo na siya, ano ang gagawin ni

    last updateLast Updated : 2026-04-04
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1231

    ARIA POV:Napatingin siya sa kanyang cellphone. It was past 6 in the evening. Ayaw pa sana niyang umuwi kahit pa wala naman siyang ginagawa doon sa opisina kundi tumambay. Ayaw niyang magpakita kay Clarkson. Ipaparamdam niya na nagtatampo siya. Pero baka mapagalitan naman siya ng kanyang Mommy at

    last updateLast Updated : 2026-04-04
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status