LOGINHey.... pukaw ni Tyler sa pananahimik niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay at dinala sa labi nito saka hinalikan.Napatingin siya kay Tyler. Kawawa naman ito kapag mapunta kay Pretzel. Siguradong hindi titigil si Pretzel kapag hindi makuha si Tyler. At siguradong nasa panganib din ang buhay nito. Baliw si Pretzel kaya lahat ay kaya nitong gawin na walang kinatatakutan.Napagdesisyunan niyang poprotektahan si Tyler. Walang ibang poprotekta dito kundi siya lang. Siya lang ang nakakalam ng tunay na ugali ni Pretzel.“Love... bakit ang tahimik mo? Galit ka pa rin ba sa akin?” malumanay na tanong ni Tyler.“Hindi na...” tipid na sagot niya. Hindi siya galit. Sa katunayan ay naaawa siya kay Tyler.These past few days ay nakikita niya ang vulnerability ni Tyler. Kapag silang dalawa lang ay sobrang lambing nito kahit pa galit siya. Sinusuyo siya nito palagi. Ang pagiging seloso nito ay natural lang naman siguro dahil sa pagiging possessive nito. Wala din itong palya sa pagtawag sa kanya ng
Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata habang yakap siya ni Tyler. Ngunit sa halip na guminhawa ang pakiramdam niya, mas lalo lamang bumigat ang dibdib niya. Parang may mabigat na batong unti-unting dumidiin sa kanyang puso.Hindi dahil sa nangyari kay Mayor… kundi dahil sa katotohanang siya lang ang nakakaalam kung gaano kapanganib ang babaeng nakatayo sa harapan nila.“Let’s eat first,” masiglang sabi ni Tyler habang inaabot ang mga pagkaing binili nito. “Kailangan niyo ng lakas.”Tumango si Pretzel at agad na umupo, parang walang nangyari. Kinuha nito ang pagkain at nagsimulang kumain, tila ba normal lang ang lahat, parang wala itong tinatagong madilim na lihim.Siya naman… nanginginig pa rin ang kamay habang hawak ang pagkain. Hindi niya alam kung gutom ba siya o takot ang nangingibabaw sa kanya.“Jolisa?” muling tawag ni Tyler, bahagyang nag-aalala ang tono. “Sure ka bang okay ka lang?”Napatingin siya rito. Gusto niyang magsalita. Gusto niyang isigaw ang lahat, ang pagbabanta,
Nagpatuloy ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Tanging tunog ng makina at mahinang paghinga ni Jolisa ang maririnig.Hindi niya alam kung alin ang mas matimbang, ang takot na nararamdaman niya o ang guilt na bumabalot sa kanya dahil sa sinabi niya kanina.Napasilip siya kay Tyler. Mahigpit ang hawak nito sa manibela, seryoso ang mukha, at halatang nag-aalala.Pagdating nila sa ospital, agad silang bumaba ng sasakyan. Halos tumakbo si Tyler papasok habang siya naman ay napilitang sumunod, kahit mabigat ang bawat hakbang niya.Pagpasok nila sa loob, agad nilang nakita si Pretzel na nakaupo sa labas ng emergency room. Namumugto ang mga mata nito at nanginginig ang mga kamay.“Pretzel!” tawag ni Tyler habang lumalapit dito.Agad itong tumayo at walang pag-aalinlangang yumakap kay Tyler.“Tyler…” umiiyak nitong sabi. “I-I don’t know what to do…”Para bang may kung anong matalim na tumusok sa dibdib niya habang pinapanood ang dalawa. Hindi dahil sa selos, kundi dahil sa kakaibang pakiramda
"Agh!..."Napatingin siya sa kusina nang marinig ang sigaw ni Tyler.“Tyler!” Mabilis siyang pumunta sa lalaki. “What happened?”“It’s nothing. Nahiwa ko lang ang kamay ko ng kutsilyo.”“Shit!” Mabilis na sabi niya, saka hinawakan ang kamay nito at itinuon sa running water. Pakiramdam niya ay napaparanoid na siya kapag may makitang dugo at kutsilyo. Ayaw niya ng mga ganung bagay. Kung saan-saan pumupunta ang utak niya.“Hey… I’m okay, love, hahaha… over ka naman kung mag-alala… small cut lang ’to.”“Kahit na… sugat pa rin ’yan!” malakas na sabi niya. Maging siya ay hindi rin maintindihan ang kanyang sarili. May kung anong kaba na nabuo sa kanya pa.“Ano ka ba… malayo ’to sa bituka.”Tumigil na ang pagdugo pero hindi pa rin nawala ang kanyang takot. Maya-maya ay niyakap siya ni Tyler.“Ahmmm, grabe naman kung mag-alala ang nobya ko… parang gusto ko tuloy masugatan palagi para maramdaman ko ang pag-aalala mo sa akin.”“Wag ka nga magbiro ng ganyan!” asik niya. Naluluha na ang kanyang mg
Napakunot ang noo ni Tyler. “Why? Baka gusto mo lang ako masolo?” biro nito.Ngunit hindi siya tumawa. Hindi niya magawang tumawa. Nakalimutan na ba nito ang nangyari kanina? Ang tensyon? Ang presensya ni Pretzel? Ang bigat na dinadala niya?“Are you sure, love?” muling tanong nito, mas mahinahon na ngayon.“Gusto ko nang umuwi…” ulit niya, mas malamig ang tono. Tumitig siya sa bintana.“Sige, if that’s what you want. Ipagluluto na lang kita ng food.”“Huwag na… baka pagod ka na. Ako na lang.”“Hey… I want to do it. Kahit pagod ako, gusto kitang pagsilbihan kaya huwag mo akong pigilan,” may halong inis na sabi ni Tyler. Parang napapansin na nito na kanina pa siya nagta-tantrums. Hindi lang naman basta tantrums iyon. Walang nakakaalam ng nararamdaman niyang takot sa loob at hindi niya iyon pwedeng sabihin.Pinanood niya ang mga ilaw na dumaraan, malinaw ngunit parang malayo. Katulad ng pakiramdam niya ngayon. Gusto niyang magsalita.Gusto niyang sabihin kay Tyler ang lahat, ang mga sin
Nanatili siyang nakatulala sa kawalan, ang boses ni Pretzel ay tila sirang plakang paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang pandinig. Ang pagbabanta nito na hindi niya mawari kung totoo o pananakot lamang.Pinilit niyang tumayo kahit nanginginig ang kanyang mga tuhod. Para bang anumang sandali ay bibigay ang kanyang katawan. Pinagpag niya ang kanyang damit at mabilis na pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. Hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan. Kailangan niyang magpanggap… kahit unti-unti na siyang nadudurog sa loob.Hindi niya alam kung paano siya nakabalik sa tent nang hindi natutumba. Parang awtomatikong gumagalaw ang kanyang mga paa.Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang panghihina ng kanyang mga tuhod, ang panlalamig ng kanyang mga palad, at ang mabilis na tibok ng kanyang puso.Kung dati, matapang siya sa Iloilo. Siya pa nga ang sumugod kay Doc Vicky noon para ipagtanggol si Kuya Clarkson. Naranasan na rin niyang mabangga ng kotse at muntik nang mamatay, pero hindi s
Maya-maya'y biglang bumukas ang pinto at pumasok muli si Hazel, sakto lang, nakapag-ayos na silang dalawa. Pero napatingin ito sa sahig."Ay, bakit ang kalat ng mga papeles na dala ko, Mayor?"Namula silang bigla ni Clark. Sa sobrang intense ng kanilang damdamin kanina ay hindi nila napansin na nai
"Anak!" Narinig niyang sigaw ng nanay niyang nakaupo sa isang sulok. Sa dami ng naiisip niya ay hindi niya napansin na andoon na siya sa fastfood. Dali-dali niyang pinuntahan ang ina at niyakap ito. "Nay! I missed you!" wika niya saka hinalikan ito sa pisngi. 60 na ang nanay niya… late na cya n
Si Hazel ang nag-order ng kape nila. Hinintay niya na lang ito sa pangdalawahang upuan doon. Ang mga empleyado na napapadaan sa kanila ay pinapansin naman siya pero may kakaibang tingin na hindi niya mawari.“Ma’am Fe, eto na ang kape natin.” Umupo ito sa tabi niya saka nilapag ang kape. May dalawa
ROSABEL’S POV: Hmmp! Bad trip. Sinama-sama pa ako dito, hindi naman pala ako tutulungan. Akala ko ba ifa-familiarize ko daw ang lugar. ’Yun pala, ako lang mag-isa! Kanina lang, ang taas ng tingin niya kay Sir Gray. Nagpabago pa ang tingin niya dito dahil mabait ito sa kanya kahapon. Pero ngayon a







