Nagising siyang puro puti ang nasa paligid niya...Nasa langit na ba ako? tanong niya sa sarili. Nilibot niya ang mga mata at nakita doon ang nanay at kapatid.Hindi pa pala ako patay... wika niya. Naalala niyang naaksidente pala siyang pauwi ng Manila. Ang aso kasi tumawid at hindi niya napansin."N-nay..." tawag niya sa ina.'Anak, gising ka na pala... Salamat sa Diyos at nagising ka na!" maluha-luhang sabi nito. Ramdam niyang ang pag-aalala nito sa kanya."Ano ang nangyari?""Naaksidente ka, anak..."Tama nga ang hinala niya. Iyon ang huling tagpo bago siya nawalan ng malay. Galing siya sa rancho nina Jonie at naaksidente ng pabalik ng Manila."Ate, nagugutom ka na ba? Ipaghanda kita ng pagkain. Kakahatid lang nitong pagkain mo..." sabi ng kapatid niya. Napatingin siya dito, dalaga na si Lerie. Ito ang sumunod sa kanya. Ito ang tumutulong sa nanay nila habang nasa Manila siya at nagtatrabaho. Siya rin ang nagpapa-aral dito sa kursong Education.Siya ang breadwinner ng pamilya nila.
All the while, akala niya ay magiging magkaibigan na sila ni Cindy noong parehas na nasa panganib ang buhay nilang dalawa sa kamay ni Bryan... Tinulungan pa nga siya nito na hindi matuloy ang pag-rape ni Bryan sa kanya.Hindi niya alam kung ipagpapasalamat niya ito sa dalaga dahil iyon ang sinusumbat nito ngayon sa kanya... na kung hindi siya tinulungan nito, sira na rin sana ang buhay niya.Oo nga at utang na loob niya iyon kay Cindy, pero ang kapalit naman noon ay ang pag-agaw nito sa pinakamamahal niyang lalaki.Bigla siyang nalungkot... Sana hindi na lang siya binisita ni Clark. Naalala niya lang ulit ang sakit. Parang pinamukha nito na hindi siya ang pinili."Anak..." pukaw ng nanay niya sa pananahimik niya. "May relasyon ba kayo ni Mayor Clark, anak?""Ahm, wala po, Nay... magkaibigan lang kami.""Hindi 'yan ang nakikita ko, anak. Hindi ka makakapagsinungaling sa akin. Nakikita at nararamdaman ko kung nagsasabi ka ng totoo o hindi."Tumahimik siya at yumuko... "Pero ikakasal na
"Thank you, guys... kahit paano ay sinusuportahan n'yo ako sa lahat ng desisyon ko kahit palpak paminsan-minsan...""Hindi ka palpak, bestie... you are the most efficient employee I have. Palpak ka lang sa larangan ng pag-ibig... hindi talaga ibibigay ni Lord sa'yo lahat. Matalino ka sa trabaho pero bobo ka sa pag-ibig...""Ouch! That hurts, bestie!...""Haha... joke lang, bestie... experience is the best lesson in life. Magiging matalino ka din sa larangan ng pag-ibig... tulad ko!" wika nito saka nangunyapit sa kamay ni Ken."Hahaha... salamat sa advice, bestie.""Basta kung ano man ang kailangan mo, sabihin mo sa akin ha. Bawal na ang sikreto ngayon... tingnan mo ang nangyari sa'yo!" galit na wika nito."Opo, master!" biro din niya. Kahit paano ay gumaan ang kalooban niya, knowing na may mga kaibigan siyang laging tutulong sa kanya.Pagkalabas niya ng ospital ay umuwi na silang mag-ina sa Iloilo. Hindi pumayag si Jonie na ibenta niya ang mga properties niya doon sa Manila. Hayaan la
CLARK'S POV:"Damn!" sigaw niya nang pumasok sa opisina. Kakagaling lang niya sa ospital kung saan si Fe na-confine, pero nakalabas na daw ang dalaga kahapon pa.Saan niya ngayon hahanapin si Fe? Pinuntahan niya rin sa condo nito. Wala na rin ang dalaga doon at nagpaalam na sa front desk na ipaparenta ang unit nito."Damn Fe, where are you?..."Pumasok ang sekretarya niyang si Hazel. Matandang dalaga ang bago niyang sekretarya. Pinaalis niya na si Franco nang malamang pinagtaksilan siya nito dahil ito pala ang nagfe-feed ng impormasyon kay Bryan tungkol sa lahat ng kilos niya. Kaya pala bigla-bigla na lang sumusulpot si Bryan sa tuwing nasa alanganing sitwasyon siya.Nanghihinayang siya kay Franco, Kaibigan na ang turing niya sa lalaki at magaling din ito sa trabaho. Kung hindi lang ito nasilaw sa pera ay may maayos pa sana itong trabaho hanggang ngayon. Nagmamadali kasing yumaman agad, kaya ayun, sa kulungan din ang bagsak kasama ang boss nitong si Bryan."Sir, tumawag ang abogado ni
"What are you doing here, Cindy?" walang ganang tanong nya. Lalo lang nito pinaiinit ang ulo nya."Wala lang... Andito ako para bantayan ka. Baka kung saan ka na naman pupunta." wika nito.Tumigas ang bagang niya. Noong isang araw na binisita niya si Fe, nagulat siya nang bigla itong sumunod sa kanya. Wala siyang kaalam-alam na sinundan siya nito sa ospital. And she saw the hurt in Fe's face ng makitang magkasama sila. Di nya alam kung paano ipapaliwanag kay Fe pero mukhang wala na din namang silbi iyon... si Cindy ang pinili nya at hinid si Fe. "Wala akong pupuntahan. Dito lang ako sa opisina ko at tumunganga." pilosopong sagot nya. "Pinapatanong pala ni Dad kung ready na daw ang kasal natin. Its next month kkaya dapat ay okay na ang lahat. Are you excited?"Muli siyang napasimangot. Sa isang buwan na ang kasal nila. Nabalita na iyon sa lahat ng telebisyon at social media. Actually, hati ang pananaw ng mga tao sa magiging kasal nila ni Cindy. Ang iba, hero ang turing sa kanya da
"Good morning, Mayor..." bati ng mga nakasalubong niyang empleyado nina Ken at Jonie. Nasasanay na ang mga ito na pumupunta siya doon, pero lately ay hindi na siya nakakatapak doon dahil wala si Fe.Pagdating niya sa palapag kung saan ang opisina ni Fe ay doon siya dumiretso. Agad siyang pumasok nang hindi man lang kumatok.Nagulat siya sa nakita nang pumasok... maging ang mga tao doon ay nagulat din sa kanya.... Sina Jonie at Ken ay naroon, kasama ang isang empleyado na hindi niya kilala.Sa tagal niyang pumupunta doon ay halos kilala niya ang lahat, at sigurado siyang bago ang empleyado na kasama ng mag-asawa."Mayor Clark... Andito ka pala. Di ka man lang nag-abiso na pupunta ka!" masayang bati ni Ken at nilapitan siya. Inakbayan siya ng kaibigan at iginiya papasok ng opisina. Sabay silang umupo sa sofa, nakatingin lang nang matalim si Jonie sa kanya. Hindi siya nito pinapansin."What brings you here, Mayor?" tanong ni Ken."Ahm... nothing. Na-miss ko lang kayo, guys..." pagsisinun
Isang buwan na siyang nasa Iloilo. Halos araw-araw ay tumatawag si Jonie sa kanya tungkol sa itatayo nilang beach resort doon, pero hindi ito nagbabanggit tungkol kay Clark. Gusto sana niyang magtanong tungkol sa binata, pero mukhang hindi siya sasagutin ni Jonie.Balita niya ay tuloy na tuloy na ang kasal ni Clark at Cindy. Nakikita niya rin sa social media. Napapangiti na lang siya ng pait kapag nakikitang masaya ang dalawa sa mga litrato, samantalang siya ay ayun, nagmumukmok sa probinsya."Ate!" tawag ni Lerie sa kanya habang kumakatok sa kwarto niya. Andoon lang siya, nagpapahinga. Medyo masama kasi ang pakiramdam niya lately... parang may nakain siyang hindi maganda na gusto niyang laging masuka.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama para pagbuksan ang kapatid. Muntik pa siyang matumba dahil sa pagkahilo."Ate... mag-ayos ka na. Graduation ko na!" nakangiting wika ni Lerie. Araw ng graduation ng kapatid niya at pupunta sila sa university."Oo nga pala!" Actually, nakalimutan niya.
"Tara na at baka ma-late pa tayo, anak!" aya ng tatay nila. Hinawakan siya ni Callum sa bisig para alalayan. Hinayaan niya na lang ito, total nagpapaka-gentleman lang naman ang binata.Simula nang nag-usap sila tungkol sa panliligaw nito sa kanya, hindi na ito muling nagbanggit tungkol doon. Pero wala naman itong mintis sa pagbisita sa bahay nila. Ayaw naman niyang ipagtulakan dahil mabait naman si Callum, kaya hinayaan niya na lang.Iisang sasakyan lang ang ginamit nila. Si Callum ang nag-drive ng Montero nila, ang tatay niya naman sa front seat. Tatlo sila ni Lerrie at nanay niya sa gitna, samantalang si Toto naman sa likod."Anak, salamat at pinagtapos mo ng pag-aaral ang mga kapatid mo, ha. Kung kami lang ng tatay mo, baka hindi talaga namin kakayanin." madamdaming wika ng nanay niya habang magkahawak sila ng kamay."Syempre, Nay! Alangan namang pabayaan ko sila!" aniyang nakangiti para hindi malungkot ang nanay niya. Lagi itong nagdadrama na wala man lang daw naiambag sa pag-aara
"Don't be scared, babe... ako ang bahala sa'yo. Promise, hindi malalaman nina Mommy at Daddy ang tungkol sa atin. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang nararamdaman ko sa'yo. Ayaw kong maagaw ka ng iba sa akin. Please say you're mine, Rosie... please say it..."Pagmamakaawa nito. Ramdam niya ang sinseridad sa mga mata ni Gray. Ahh! Bahala na!... "Yes, Gray... I'm yours..." nahihiyang sagot niya. Sandaling nagulat si Gray sa sinabi niya. Nakatingin na lang ito sa mga mata niya. Hanggang sa unti-unti na itong ngumiti... "Girlfriend na kita, Rosie?" pagkukumpirma nito saka hinawakan ang mukha niya. Marahan siyang tumango. Lalong lumaki ang ngiti nito sa labi. "Yes!" sigaw nito. Wala namang nakakarinig sa kanila dahil nasa loob sila ng kotse. Maya-maya ay muli nitong nilapit ang mukha sa mukha niya saka siya muling hinalikan sa labi... napapikit siya at ninanamnam ang unang halik at unang lalaki sa buhay niya. "Alam mo bang ikaw ang first kiss ko, babe?" Nagulat siya sa sinabi ni Gr
********* ROSIE'S POV: Tiningnan niya lang habang papalayo si Gray sa kanila. Galit ba ito sa kanya? Kanina lang ay masaya itong nakapasok siya sa team. Bakit ngayon ay nag-iba ang timpla nito? "Rosabel..." tawag-pansin ni Peter sa kanya. "Huh?" sagot niya pero ang mata ay nasa kay Gray pa rin na palabas na ng gym. Napaka-tampuhin naman ng lalaking 'yun! "Rosabel..." Muling tawag-pansin ni Peter, saka niya tiningnan ito. "Tara na?" "Ahm, sige, tara." Nagpaalam na sila sa dalawang kaibigan na sina Emilio at Justine saka umalis. Hindi na siya nagpalit ng damit niya. Wala na din naman siyang pasok at uwian na. Dinala siya ni Peter sa isang snack house. "Thank you, Peter ha.." "Ako dapat ang mag-thank you sa'yo kasi pinaunlakan mo ang imbitasyon ko. Now that you're part of the volleyball team, number one fan mo na ako. Hahaha... Ang galing mo, Rosabel." "Naku, wala 'yun!... Ako lang 'to!" biro din niya. "Nagtataka lang ako... bakit nga pala ang daming alam ni Gray tungkol sa'
“Really?” Tiningnan ni coach si Rosabel mula ulo hanggang paa. “Mukhang magaling ka nga maglaro, and I like your height. Tamang-tama, kailangan ko ng player ngayon. Sige nga, tingnan natin kung ano ang kaya mong gawin."Tumingin si Rosie sa kanya na parang nahihiya pero hinawakan nya ito sa kamay para bigyan ng lakas ng loob. “May pamalit ka ba ng damit mo diyan? May tryout kami ngayon. You can join the tryout if you want.”“Ah, he... meron coach...” wika ni Rosie saka dali-daling nilabas ang uniform sa dating school.“Sige, magbihis ka muna."“Samahan na kita?" Pag-presenta niya.“Wag na. Kaya ko naman. Ako na lang.” sagot ni Rosie sa kanya. Wala siyang nagawa kundi umupo malapit doon sa bench. Ang mga kaibigan niya ay tahimik lang habang nagmamasid.Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Rosie at nakabihis na ito ng complete uniform na maiksing leggings at jersey ng dating eskwelahan. May knee pads din ito saka elbow pads.Sandaling tumigil ang mundo niya habang papalapit si Rosie.
Pagdating ng gym ay andoon na din ang mga barkada nitong sina Emilio at Justine. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang wala doon si Peter. Nahihiya siya sa lalaki.“Bro, dito na pala kayo. Nakita niyo ba si Coach Patrick?” tanong ni Gray sa mga kaibigan habang hindi inaalis ang pagkakaakbay sa kanya.“Ah eh... wala, bro,” wika ng dalawa saka ang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Gray.“Rosabel, right?” tanong ni Emilio habang nakatingin sa kanya. “Ikaw ang pinakilala ni Peter sa amin last week, right?”“Ahm, oo ako nga.”Muli na namang nagtinginan ang dalawa.“Ahm Gray, babalik na muna ako ng room. May kasunod pa kasi akong subject.”“Ganun ba. Sige, ihatid na kita.”“Wag na, kaya ko naman.”“Sige. Pagkatapos ng school mo, dito na lang tayo mag-meet sa gym. Puntahan mo ako dito, okay?”“S-sige,” nahihiyang wika niya.Akmang lalabas na siya ng gym nang dumating na din si Peter. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ang lalaki. Agad na itong nilapitan. Ngumiti din ito ng mal
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis