LOGINTatlong taong tiniis ni Mark ang pang-aalipusta at pagtrato sa kaniya bilang basura ng pamilya ng kaniyang asawa. Pero nang mismong mga mata na niya ang nakahuli sa pagtataksil ni Jade kasama ang ibang lalaki, napagdesisyunan niyang tapusin na ang lahat. Ngunit ang hindi nila alam, hindi lang siya isang simpleng delivery rider. Siya ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya Ayala, ang pinakamayamang angkan hindi lang sa bansa, kundi sa buong mundo.
View MoreThe Manila Hotel
“Sir, nandito na po ang takeout niyo.”
Kumatok si Mark sa p***o ng hotel room suot ang kaniyang takeout uniform.
“Sandali! Nandiyan na.”
Nang bumukas ang p***o ng kwarto, bumungad kay Mark ang isang lalaki at isang babae, dahilan para matulala siya sa kinatatayuan niya.
Hindi kilala ni Mark ang lalaking nagbukas ng p***o.
Pero sa likod ng lalaki, ang magandang babaeng nakasuot ng bathrobe ay walang iba kundi ang asawa niyang si Jade!
BLAG!
Agad na nahulog sa lupa ang takeout na hawak ni Mark mula sa kaniyang mga kamay.
Parang kanina lang, curious pa siya kung sino ang nagpa-deliver nito.
Isang five-star hotel naman kasi ang The Manila Hotel, at ang mga taong nagche-check-in dito ay hindi naman nagpapa-takeout.
Kung magpa-deliver man sila, hanggang sa lobby lang sila papayagan ng hotel.
Pero ang lalaking ito ay nakahanap ng paraan para maipa-deliver kay Mark ang pagkain nang deretso na mismo sa kwarto.
Pero sino ba naman ang mag-aakala na makikita pala ni Mark ang sarili niyang asawa habang nagde-deliver!
Nang makita ng lalaki na natapon sa sahig ang pagkain, nag-init agad ang ulo nito.
Magmumura na sana siya kay Mark nang biglang sumigaw si Jade mula sa loob ng kwarto. Halata sa tono ng boses niya ang gulat.
“Honey! Anong… anong ginagawa mo rito?”
Nagulat ang lalaki at pinagmasdan si Mark mula ulo hanggang paa.
Katamtaman ang tangkad ni Mark at may itsura ito. Nakasuot din siya ng berdeng Grab Food na uniporme.
Tumawa ang lalaki at sinabi, “Jade, rider pala ng Grab ang asawa mo. Ang alam ko room service ang tinawagan ko, hindi takeout.”
Kahit na nahuli na sila ng asawa ni Jade, hindi man lang nataranta ang lalaki.
Dahil alam niyang si Mark ang magde-deliver mismo sa kanila sa hotel.
Sa pamilya nila, wala silang pakialam sa estado ng isang tao!
Nagdilim ang paningin ni Mark dahil sa nasaksihan.
“Jade, tatlong taon na akong nakatira sa pamilya niyo nang makasal tayo. Pinaghahanda ko kayo ng pagkain tatlong beses sa isang araw, ako ang nagliligpit ng dumi ng aso, at nagpapakain sa pusa kahit na pagod ako pagkauwi sa trabaho. Dahil alam kong worth it lahat ng ‘yon!”
“Sa nakalipas na tatlong taon, hindi mo man lang hinayaan na humawak ang mga kamay mo sa ‘kin! Akala ko talaga may prinsipyo kang babae, pero ngayon... bakit mo ginawa 'to?!”
Kung kanina lang ay medyo natakot pa si Jade sa biglang pagdating nito, ngayon ay para bang ito pa ang nagmamataas ngayon.
Lumapit siya sa p***o at sinabi nang taas-noo, “Ano kamo? Mark, mag-ingat ka sa pananalita mo. Sinasabi ko sa'yo, hindi mo magugustuhan ang pwede kong gawin.”
Tinuro ni Jade ang kaniyang kasama. “Kilala mo ba kung sino siya? Isa siyang CEO ng isang investment company. Galing siya sa isang kilalang pamilya, at anak ng mga Barnuevos. Si Jasper Barnuevo!”
“Pumunta rito si Mr. Barnuevo para makipag-usap sa akin tungkol sa negosyo. Kung ayaw mong maniwala, pwede kong ipakita sa'yo ang kontrata. Pero maiintindihan mo ba 'yon?”
Isang delivery rider si Mark. Sa mga mata ni Jade, wala itong alam o kakayahan na maintindihan kung ano ang mayroon sa pagpapatakbo ng isang negosyo.
Napangiti si Jasper at hindi na nagpaliwanag. Tiningnan niya ang takeout na natapon sa sahig at sinabi, “Bro, nahulog mo 'yong chicken pastel ko kaya dapat lang na i-complain kita. Pero dahil asawa ka naman ni Jade, paano kung mag-sorry ka na lang nang bukal sa puso mo para bigyan kita ng 5-star review?”
Ngumisi nang may pagmamayabang si Jasper na para bang siya pa ang biktima.
Siya pa talaga ang may ganang umakto nang ganito imbis na magpaliwanag at humingi ng paumanhin kay Mark.
Akala ni Mark ay pipigilan ito ni Jade bagkus ay sinabi, “Humingi ka ng tawad kay Jasper. Hindi siya ‘yong tao na pwede mong pagsalitaan ng kung ano-ano.”
Galit na galit si Mark. Talagang nagtutulungan pa silang dalawa para lokohin ito!
Nahuli ko na nga kayo, at hindi kayo nag-sorry sa akin, tapos ako pa ang pinapahingi niyo ng tawad?! Walang katarungan ang mundong ‘to!
Tinikom ni Mark ang kaniyang kanang kamao. Gusto niyang turuan ng leksyon ang hayop na ‘to!
Pero unang hakbang pa lang ni Mark palapit dito ay napaatras agad si Jasper ng tatlong hakbang dahil sa takot.
Humarang si Jade sa harap niya at sumigaw, “Mark! Tingnan mo nga ang sarili mo. Sobrang hirap mo na nga at amoy-pawis pa. Hindi mo deserve ang tumapak sa isang 5-star hotel. Lumabas ka rito! Kung hindi, tatawag ako ng security!”
Tinitigan ni Mark si Jade at dahan-dahang ibinaba ang kaniyang kamao. “Jade, umaasa ako na balang araw hindi mo ‘to pagsisisihan!”
Pagkasabi niyon, tumalikod na si Mark at umalis.
Tinitigan ni Jade ang likod ni Mark at malakas na sumigaw, “Ang pinakamalaking pagsisisi ko ay ang magkaroon ng walang kwentang asawa na tulad mo!”
Ang magandang boses ni Jade na parang huni ng ibon ay unti-unting nawala sa hallway ng hotel, pero sa puso ni Mark, lalo lang itong bumigat.
Paglabas pa lang niya ng hotel at pagkasakay sa motor na binigay ng kaniyang food delivery company, biglang tumunog ang telepono ni Mark.
“Hello, Grab Food delivery po.” Sumagot si Mark sa isang propesyonal na paraan.
Isang matandang boses ang nagsalita sa kabilang linya, “Third Young Master, ang tatlong taon mong pagsubok bilang live-in son-in-law sa pamilya Gutierrez ay opisyal nang nagtatapos ngayong araw.”
“Ang susunod mo namang training ay sa larangan ng negosyo. Binili na ng Don ang Roxas Group at inayos na ang lahat para ikaw ang maging chairman nito.”
“Okay, naintindihan ko,” kalmadong sagot ni Mark.
Kung ibang delivery rider siguro ang nakatanggap ng balitang ito at naging chairman bigla, siguradong magwawala na iyon sa tuwa.
Pero nanatiling napakakalmado ni Mark.
Nagpatuloy ang matanda sa kabilang linya, “Gusto rin malaman ng Don kung kumusta ang pagsasama niyo ng isa sa mga apo ng Gutierrez. Gusto mo na ba siyang opisyal na isama sa pamilya para maging isa sa mga tagapagmana ng mga Ayala?”
Napatawa nang may pang-aasar si Mark. “Pamanahan si Jade sa isang trilyong piso na ari-arian ng pamilya Ayala? No way! Hindi siya deserving para dito.”
Pagkasabi niyon, ibinaba na ni Mark ang telepono, pinitik ang accelerator gamit ang kaniyang kanang kamay, nagpatakbo nang mabilis, at dumaan sa mga kalsadang punong-puno ng mga bumabiyaheng kotse.
“Sige, 'wag ka nang magsalita ng kung ano-ano diyan,” naiinip na sambit ni Sean. “Bilisan mo at sumakay ka na sa kotse. Pumunta ka muna sa hotel para batiin ang mga bisita. Maghintay ka hanggang sa matapos ang birthday party ngayong araw, saka mo tanggapin nang buong-puso ang parusa. Pagkatapos ay pakinggan mo ang paliwanag ni lola tungkol sa annulment.”Napuno ng galit ang mga mata ni Mark: “Sinabi ko nang ayoko!”Nagalit din si Sean. “Ikaw na walang kuwentang tao ka, naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan, ano?”Habang nagsasalita, binuksan ni Sean ang pinto ng kotse, bumaba, at mabilis na sumugod papunta kay Mark na nakasakay sa motor. Agad niya itong inambahan ng sipa!Sa hindi inaasahang pagkakataon, inilihis ni Mark ang motor at matagumpay na naiwasan ang sipa ni Sean.Pagkatapos, bumaba si Mark sa motor at malakas na sinipa si Sean sa tiyan!Isang playboy si Sean. Araw-araw siyang may kasamang girlfriend kaya napakahina ng katawan niya. Sa isang sipa lang ni Mark, tumalsik na
Mabigat ang mga patakaran ng pamilya Gutierrez. Sa pinakamagaang parusa, hindi ka makakalakad ng ilang araw. Sa pinakamalala naman ay pwede pang mabali ang mga daliri mo.Agad ding tinawagan ni Jade si Mark.“Ano 'yon?” Mabilis na sinagot ni Mark ang telepono.“Pinapapunta ka ni Lola rito.”“Ayoko.” Agad na ibinaba ni Mark ang telepono.Hindi inaasahan ni Jade na tatanggihan siya ni Mark nang ganoon kabilis. Ibinaba niya ang telepono at sinabi sa kaniyang lola, “Ayaw niya pong pumunta.”Nang mapansin ang nakakailang na sitwasyon, mabilis na nagsalita si Beatrice, “Ma, ika-80 kaarawan niyo po ngayon. Asikasuhin muna natin ang okasyon niyo at 'wag niyo na pong pansinin ang walang kuwentang 'yan.”Ngunit matigas ang ulo nito. “Kahit sinong pag-aari ng pamilyang ‘to, tao man o aso, ay kailangang magpunta sa oras na inutos ko!”Pagkasabi niyon, tumingin siya kay Sean. “Apo, pumunta ka at dalhin mo siya sa akin!”“Sige po.”Pinatunog ni Sean ang mga daliri niya. Siya ang madalas mam-bully k
Sa Okada Manila ginanap ang ika-80 na kaarawan ng lola ni Jade. Alas diyes ng umaga nang magsimula ang kaniyang birthday banquet na gaganapin sa isa sa mga pinakamagandang hotel dito sa Manila.Pero bago 'yon, nakiusap ang matandang ginang na magtipon muna ang lahat sa kaniyang private villa.“Happy birthday po, Lola!” pagbati ni Jade.“‘Ma, sana po humaba pa ang buhay niyo at umabot ka ng dalawang daang taon!”Sa loob ng villa, napakaraming tao ang nagtipon. Lahat sila ay mga anak at apo ni Mrs. Gutierrez.Si Mrs. Gutierrez ay may dalawang anak na lalaki. Ang panganay na si Ramil Gutierrez at ang pangalawa na si Romulo Gutierrez, na tatay naman ni Jade.Mayroon namang anak na lalaki si Ramil na si Sean, at isang babae na si Shaira, na halos kaedad lang ni Jade.Sa ngayon, ang ari-arian ng pamilya Gutierrez na higit sa sampung bilyong piso, pati na rin ang kapangyarihang hawakan at pamunuan ang mga kumpanya ng pamilya, ay nasa mga kamay pa ring lahat ni Mrs. Gutierrez.Kaya naman ang
Para masagot ang mga tawag mula sa customer anumang oras, may nakasabit na Bluetooth headphones sa tainga ni Mark. At sa oras na ito, tumutugtog ang kanta ng Beyond na "Early Train" sa kaniyang headphones.Habang nakikinig sa tugtog, biglang naalala ni Mark noong unang beses niyang makilala si Jade tatlong taon na ang nakakalipas.Pinanganak si Mark sa isa sa mga pinakamayaman at pinakamisteryosong pamilya sa mundo gaya ng pamilyang Madrigal, Ortigas at Miranda.Pero hindi nila alam na ang pinakamisteryosong pamilya ay ang pamilya Ayala.Mayroon silang mahigit isang trilyong piso na asset, pero sobrang tahimik lang nila. Hindi makikita ang mga pangalan nila sa listahan ng mga mayayamang tao.Hindi lang 'yon, iba rin ang paraan ng pagpapalaki at pagtuturo nila sa kanilang mga anak kumpara sa iba.Sobrang binigyang-pansin ng lolo ni Mark ang pagpapalaki sa kaniyang mga anak at apo.Isang halimbawa rito si Mark. Nagsimula siyang mag-aral ng martial arts sa edad na lima at natuto rin siya






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.