Tiningnan niya ang pintong nilabasan ni Clark. Hmp, buti nga! sigaw niya sa isip niya. Pero sa kabilang banda, nakokonsensya siya dahil nasaktan niya si Clark.Bakit? Nakonsensya din ba ito noong ilang beses din siyang nasaktan?Napasimangot siyang bumalik sa tabi ng anak niya. Nakakainis ang daddy mo, anak! Nagpapaawa, tapos kapag maaawa ako, babalikan ko na naman siya, tapos erase na naman ang lahat ng kasalanan niya sa akin! Ang daya, di ba? Samantalang mag-isa kitang inalagaan sa tiyan ko tapos kung kailan lumabas ka na, susulpot na lang siya at gustong bumalik sa atin? Ano siya, hilo? Naluluhang sabi niya sa anak. Wala siyang mapagsabihan ng sama ng loob kundi ang anak niyang walang kamuwang-muwang—at least, hindi siya isusumbong sa ama nito.Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong dinampot para di na makagawa ng ingay. Si Jonie ang tumatawag."Hello, bestie?""Bestie? Naka-uwi ka na pala? Sinabi sa amin ni Clark."Napasimangot siya. Kapag naririnig niya ang pang
Matapos maligo, nagbihis siya ng komportableng damit at humiga saglit sa kama. Miss na miss na niya ang kama niya. Iba pa rin kapag natulog ka sa sarili mong kwarto, mas komportableng kumpara sa ospital na limitado ang galaw niya.Niyakap niya ang malambot niyang unan, parang hihilahin ang katawan niya sa antok. Wala naman siyang worry sa anak niya dahil siguradong inaalagaan itong mabuti ng nanay at tiyahin niya sa baba.Kahit papaano ay naibsan ang pagod ng katawan. Nakatingin siya sa kisame at hindi niya maiwasang mag-isip. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang sinabi ng nanay niya... na dapat ay isipin niya si Clarkson, na baka dapat niyang bigyan ng pagkakataon si Clark."Hay... ang dali lang sabihin, pero ang hirap gawin!" bulong niya sa sarili.Hindi niya alam kung paano niya muling pagkakatiwalaan si Clark. Oo, ama ito ng anak niya, pero sapat na ba iyon para kalimutan ang sakit na idinulot nito? Oo nga't nasa Iloilo ito ngayon para sa kanila ni Clarkson, palagi itong naka
Mula sa kotse ay nakikita niyang aliw na aliw ito sa anak nila. Binigay ng nanay si Clarkson kay Clark para mabuhat nito at sinayaw-sayaw iyon ni Clark. Nagtatawanan din ang nanay at tatay niya kasama si Clark. Mukhang boto ang mga magulang niya kay Clark.Nang makitang pabalik na si Clark, agad siyang nag-iwas ng tingin."Pasensya ka na ha, medyo natagalan ako. Nakakagiliw kasi ang anak natin, kamukha ko! Hehehe. I'm sure mom and dad will be happy kapag nalaman nilang may anak na tayo at may apo na sila.""Hindi siya pupunta ng Manila, Clark." putol niya sa sinabi nito. Ang akala kasi ni Clark ay okay lang ang lahat sa kanya. Oo nga't tinanggap niya ito at pinayagan na makilala ang anak nila, pero hindi naman ibig sabihin na pati ang mga pamilya nito ay makikilala din ang anak niya. Mahirap na, baka ma-attach na naman siya sa pamilya nito. Mas maganda na yung wala siyang emotional connection sa pamilya ni Clark."Ahm, pasensya na, Fe. It's not what I meant. Hindi ko naman aagawin si
Pasimpleng pinagmasdan niya si Clark. Mag-isa lang ito doon sa bar counter at umiinom, tila nagmamasid lang sa maraming bisita. Hindi ito nakikihalubilo, maging kay Ken at James na masayang nakikipagkwentuhan sa ibang mga bisita."Ahm, excuse me, Ma'am Fe, Ma'am Jonie, Ma'am Bebe… Pahintulot lang po, ha? Magvi-video lang kami sa paligid," paalam ng mga ito sa kanila."Go ahead. Thank you, ha..." sagot niya. Agad namang umalis ang mga ito. Ang paalam ay magvi-video, pero nakita nilang kay Clark naman pumunta at parang ini-interview."Walang hiyang mga 'yun, ah… Ang sabi, magvi-video. Nakipaglandian lang kay Clark, eh!" komento ni Bebe. Parehas pala silang tinitingnan."Mukhang mabenta ngayon si Clark sa market, ah. Single na kasi ulit, eh… Wala ka bang ibang nararamdamang ngitngit, Fe?" biro ni Jonie sa kanya."Bakit naman? Wala akong pakialam sa kanya. Mag-nobya siya kung gusto niya.""E paano kung ikaw ang gusto niya? May anak kayo, Fe. Hindi mo ba mabibigyan ng isa pang pagkakataon
Napayuko siya, pilit itinatago ang sakit na muling bumabalik."Clark, matagal na iyon. Wala nang dahilan para pag-usapan pa natin." pag-iwas niya."Pero kailangan nating pag-usapan. Gusto kong magpaliwanag sa’yo. Hindi ko na kayang palampasin ito. Matagal na kitang gustong kausapin pero palagi kang lumalayo. Palagi mo akong iniiwasan.""Hindi kita iniiwasan, Clark!" agad na sabi niya, pero alam niya sa sarili niyang hindi iyon totoo. Kung pwede lang siyang magkulong sa bahay nila para hindi sila magkaroon ng pagkakataon ni Clark tulad nito, gagawin niya. Parang pinipiga kasi ang puso niya sa tuwing naaalala niya ang nakaraan."Fe, alam kong nasaktan kita noon. At nagsisisi ako. Pero gusto ko lang malaman mo na hindi ako sumuko sa’yo. Oo, nagkamali ako, pero kung kaya kong ibalik ang lahat, gagawin ko. Gagawin ko para sa’yo at para sa anak nating si Clarkson."Napatingin siya dito. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa anak nila."Anak ko siya. Alam kong matagal na akong nawala sa buhay m
Nagising siya mula sa masarap niyang pagtulog. Hinatid siya kagabi ni Clark sa bahay niya pagkatapos ng party. Naiilang pa rin naman siya, pero kahit paano ay nakakapag-usap na sila.Napangiti siya nang makita ang anak sa tabi niya. Kamukhang-kamukha ito ni Clark. Hindi maipagkakailang anak niya talaga ito. Hinaplos niya ang malambot na pisngi ng anak, mahimbing ang tulog nito. Maya-maya naman ay dahan-dahan niyang hinawakan ang maliliit nitong kamay."Para sa'yo ito, anak. Pipilitin kong kalimutan ang mga sakit na dinulot ng daddy mo sa akin para magkaroon ka ng buong pamilya."Kung dati ay mapait sa kanyang puso, ngayon masasabing medyo nakahinga na siya nang maluwag. In fairness naman kay Clark, ginagawa naman nito ang lahat para matanggap niya muli.Dahan-dahan siyang tumayo para hindi magising ang baby niya. Nilipat niya ito sa kuna at maliligo siya nang mabilisan, plano nayng pumunta ng resort. Paglabas niya ng kwarto ay nagulat siya nang wala na ang anak niya sa kuna. Napaling
Nakita niyang malungkot si Clark. Hindi niya alam, pero she had the urge to comfort him. Lumapit siya at umupo sa tabi nito saka niyakap.Sa pagdantay ng mga katawan nila... pakiramdam niya hindi sapat ang yakap lang. Siya na mismo ang lumapit kay Clark para halikan ang labi nito.Noong una ay nagulat ito, pero sa huli siya na rin ang nagpatiayon. Nilamnan nito ang paghahalikan nila habang ang anak nila ay nasa pagitan nila. Pumikit siya at ninanamnam ang kanilang paghahalikan. Na-miss niyang hinahalikan siya ni Clark. Maingat itong gumagalaw sa paghalik, walang pagmamadali. Ilang minuto pa silang nasa ganoong posisyon nang umiyak ang anak nila... malamang ay nasisikipan na sa kanila.Agad silang tumigil. "Shit! What have I done?!" Hindi niya napigilang sisihin ang sarili."It’s okay, babe. I feel the same way. I've always wanted to kiss you, so you can kiss me whenever you want. I don’t mind." biro nito saka siya natawa.Napuno ng tawanan ang kwarto nila. Bumalik na ang relasyon nila
Nasa kasarapan sila ng kanilang pagroromansahan nang biglang may kumatok sa kwarto niya. Mabilis silang naghiwalay!... Para silang mga binatilyo at dalagita na natakot mahuli ng mga magulang."Anak, andito na ang mga pinamili mo. Lulutuin ko na ba?" sigaw ng nanay niya sa labas ng kwarto."Ahm, ako na ang magluluto, Nay. Susunod na ako sa baba." sagot niya.Agad siyang bumaba sa kama, pero bago siya lumabas ay binalikan niya si Clark, na nasa kama pa at muling dinampian ng halik saka dali-daling lumabas.Napapangiti na lang siya sa ginawa niya.Pagbaba niya, nasa harap ng TV ang nanay at tatay niya at nanonood ng balita. Dumiretso siya sa kusina saka inumpisahan nang magluto. Habang hinihiwa ang mga ingredients, napapangiti na lang siya sa naganap sa kanila ni Clark kani-kanina lang.Maya-maya, nakita niyang pababa ng hagdan ang kanyang mag-ama. Ahhh... ang sarap banggitin ang "mag-ama." Tila natanggap na niya talaga si Clark sa buhay niya."Andito na pala ang apo kong pogi!" masayang
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis
Nakarating lang sila ng bahay nang magulo ang isip niya. Palaisipan sa kanya ang sinabi ni Gray... Bakit siya nito titikman? Ano ang ibig sabihin nun?Oo nga’t virgin siya pero hindi naman siya inosente sa mga gano'ng bagay.“We're here... anunsyo nito.”Nauna itong bumaba saka inalalayan si Lilly na makababa. Sumunod siya, hinawakan siya nito sa braso para alalayan. Sandali siyang napaigtad, parang napaso siya sa mga hawak ni Gray. Oo nga’t dati pa niya naramdaman 'yon pero ngayon ay mas lalong pinaigting ang kanyang damdamin sa lalaki. Nagkaroon siya ng malisya bigla kay Gray, lalo pa nang makababa na siya at hindi pa nito binitawan agad ang kamay niya. Ang lapit ng katawan nila sa isa’t isa na napakalapit na ng ilong niya sa katawan nito at naamoy niya ang mamahaling pabango ng binata.“Hey guys!” masayang salubong ni Ma'am Jonie sa kanila. Nakasunod dito ang asawang si Sir Ken. Agad siyang binitawan ni Gray at umikot sa compartment para kunin ang mga pinamili.“Hey mom! We're here
Halos dalawang oras din silang tumagal doon sa parlor. Nagpagupit sila ng buhok ni Lilly. Ang boring na mahaba at unat na unat niyang buhok ay pinagupitan at nilagyan ng kulay na ash blond. Si Lilly ang nag-decide ng lahat para sa kanya. Bagay daw 'yun sa morena skin niya.Napapangiti na lang siya minsan sa pagka pala-desisyon ni Lilly sa buhay niya, pero aaminin niyang nagugustuhan nya rin dahil kung siya lang ay wala naman siyang alam sa pagpapaganda.Palihim niyang tinitingnan si Gray mula sa salamin na nakaupo sa waiting area. Ni hindi man lang niya ito nakikitaan ng pagkabagot. Mukhang may nilalaro ito sa cellphone at mukhang aliw na aliw."Ate, ang ganda mo!" Eksaheradong sigaw ni Lilly nang makitang tapos na siyang ayusan.Napayuko siya dahil tumingin din si Gray sa kanya at tila namalikmata."Ano ka ba, Lilly, ang ingay mo, nakakahiya dito sa parlor.""I'm just telling the truth! Di ba, Ate?" tanong ni Lilly sa bakla na nag-ayos sa kanya."Yes ma'am, Lilly, ang ganda niya. Ang
ROSIE'S POV:Bigla siyang natakot nang pagsulpot si Bianca sa restaurant na kinakainan nila. Wala naman siyang ginagawang masama, pero bakit parang guilty siya? Masama ang tingin nito sa kanya na halos kainin siya ng buhay at gusto siyang saktan anumang oras."Pinagtutulungan niyo ba akong magkapatid?" napalakas ang boses ni Bianca kaya natuon ang atensyon ng mga customer sa kanila."You're making a scene, Bianca. Ang mabuti pa ay umalis ka na. Sinasira mo ang pagkain namin dito." pagtaboy ni Gray"You!" sigaw nito sabay turo sa kanya. "Hindi mo alam ang pinapasok mo. Hindi ako pwedeng ipagpalit ni Gray ng ganon-ganon lang!"Nakita niya ang sobrang selos sa mga mata nito. Bakit nga ba sinabi ni Lilly na siya ang bagong nobya ni Gray?!"Wala tayong relasyon, Bianca, kaya pwede akong mag-girlfriend kung sino ang gusto ko." wika ni Gray."You can't do this to me, Gray! Magsisisi ka!" nanlisik ang mata nito saka nagmartsa palabas ng restaurant. Natahimik silang lahat."Lilly, bakit mo nam
"I'm done!" nakangiting wika ni Lilly habang papalapit sa kanila na dala-dala ang mga pinamili."Ang dami naman niyan, Lilly!" reklamo niya."Para sa amin ni Ate Rosabel 'to, kuya! Alam ko kasi ayaw niyang magpabili, kaya binilhan ko na siya.""Ano ka ba, Lilly... Ayaw ko niyan, magagalit sa akin si Nanay!" si Rosie naman ang nagsalita."Hindi 'yun magagalit. Sabihin ko binigay ko sa'yo. Ikaw nga may pasalubong sa akin galing Baguio eh. Dapat meron din akong exchange na bigay sa'yo.""500 pesos lang yung bag na 'yun! Grabe naman ang kapalit ng bigay ko. 50k ata ang price ng balik mo?!" reklamo ni Rosie."Wag ka nang magreklamo, Ate. Nakakainis ka naman eh! Ikaw na nga ang binibigyan eh... hmp!"Nagkatinginan sila ni Rosie at nagngitian. Wala talaga silang panalo kapag si Lilly ang nagdedesisyon. 'Yun ang isa sa ayaw niya sa kapatid, matigas ang ulo nito... lahat ng gusto nito ay ginagawa.Pero ngayong dalawa na sila ni Rosie ang umiintindi kay Lilly kaya ini-enjoy na lang niya ang kat