LOGINDalawang taon nang kasal si Faye sa kaniyang asawang si Matheo, ngunit isa lamang kasunduan ang nagbubuklod sa kanilang dalawa. Mayroong lihim si Matheo sa tunay nitong pagkatao, at upang mapagtakpan iyon ay kailangan niyang magpakasal sa isang babae. Si Faye naman ay iniiwasang maipakasal sa lalaking hindi niya mahal kaya pumayag siya sa kasunduang ibinigay sa kaniya ni Matheo. Ang pangako nilang dalawa, hanggang tatlong taon lamang ang kanilang pagsasama. Pagkatapos ng tatlong taon ay maibibigay na ang mana kay Matheo na siyang paghahatian nilang dalawa at mamumuhay silang malaya at masaya. Ngunit paano pa iyon matutupad kung bigla na lamang nawala ang lalaki? Hindi malaman ni Faye kung tinangay ito o napahamak. Hindi niya alam kung saan hahanapin si Matheo. Hanggang sa biglang lumitaw ang kakambal ni Matheo— si Mikhael. Ang lalaking akala niya’y hindi na niya muling makikita. Alam ni Mikhael na nawawala si Matheo at posibleng nasa kapahamakan ang buhay nito. Isang international agent si Mikhael, at nalaman nito na ang pagkawala ni Matheo ay may kinalaman sa sindikatong tinutugis nito. Upang mapalabas ang tootong may sala sa pagkawala ng kapatid, kailangan na magpanggap ni Mikhael bilang si Matheo. At kinakailangan nito ang kooperasyon ni Faye. Ngunit tila hindi lamang ang buhay ni Matheo ang nanganganib sa pagkakataong ito— maging ang puso ni Faye ay nasa panganib na rin. Gayong ang totoo niyang iniibig ang kaniya nang makakasama sa pagpapanggap. Paano niya rin maproprotektahan ang lihim nilang dalawa ni Matheo? Hanggang saan ang pagtatago at pagpapanggap nilang tatlo? Hindi kaya bumalik ang damdamin ni Faye kay Mikhael? O baka si Mikhael ang bigla na lamang mahulog sa kaniyang sister-in-law? How would they protect their heart while fulfilling their duties? How could they deny the temptations?
View MoreFaye’s Point of View
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pagkatapos kong matanggap ang mensahe ni Manang Loida, nagmamadali akong umuwi para makita si Matheo. Kung totoo ang sinabi niya, hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Nariyang nawala ang pag-aalala sa puso ko dahil nakauwi na ang magaling kong asawa, pero sumisiksik ang galit dahil mahigit isang linggo niya rin akong pinag-alala! Ang walanghiyang ‘yon! Ilang araw akong naghintay na tumawag siya o magtext pagkatapos ng cryptic text niya sa akin! Talagang pinag-alala niya ako ng husto! “Manang! Manang?!” Sumisigaw na ako habang nasa pinto pa lang. Sinalubong ako ng ibang kasambahay. “Ma’am…” “Nasaan si Matheo?” Agap kong tanong nang makalapit ang kasambahay. “Nasa likod po si Sir, sa may pool.” Imporma ni Amelyn. Nilagpasan ko sila at nagmamadaling nagtungo sa likod ng bahay kung nasaan si Matheo. Ngayon na sigurado na akong nakauwi na nga siya, nanginginig na ang laman ko sa inis. Gusto ko siyang talunan at sabunutan! Palagi niyang sinasabi sa akin ang lahat. Hindi man siya perpektong asawa, pero hindi niya ako pinag-aalala ng ganito kalala! Natanaw ko siya sa dulo ng pool, palakad-lakad sa gilid nito at parang sinisipat ng tingin ang kaniyang paligid. Nagtagis ang ngipin ko. “My God, Matheo!” Hindi ko na napigilan at napasinghap na ako. Lumingon siya sa akin. “Hindi mo ba alam kung gaano mo ‘ko pinag-aalala? Huh? I’m already losing my mind thinking about your whereabouts! Sana sinasabi mo sa akin kung ano’ng ginagawa mo at pinagkakaabalan mo. Wala akong pakialam kung anuman ‘yon basta keep me updated about it! Hindi na para akong tanga kakaisip kung napaano ka na!” Malalaki ang hakbang ko kaya nakalapit agad ako sa kaniya. Nakatayo lang siya ng matuwid at sinusundan ako ng tingin. Nagdidilim naman ang paningin ko sa inis. “Gusto mo ba talaga na mabaliw ako? Bruha ka talaga!” Nang malapit na ako sa kaniya, hindi ko na napigilan ang sarili at talagang tinalunan ko na siya para lang mahawakan ang buhok niya at masabunutan siya. Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya, nagulat na bigla akong tumalon. “Nakakainis ka!” Galit kong sigaw, gigil na gigil habang hawak ang buhok niya. “D*mn, woman!” Sigaw niya. “F*ck, get off me!” Hinawakan niya ang kamay ko at sobrang bilis niya, pinipilit niya ang kamay ko kaya napaikot ako para hindi masaktan. Ngayon ay nasa likod ko na siya at ang kamay ko. Masakit ha! “D*mn. Ganito ka ba talaga?” Reklamo niya. Nanlaki ang mga mata ko at napalingon, pero sobrang hirap dahil iniipit niya pa rin ang kamay ko sa likod ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi na dahil sa inis, kung hindi sa gulat at pagtataka. “Bitiwan mo nga ako!” Sigaw ko at sinubukang makawala. Bahagya niya akong itinulak kaya napalayo ako sa kaniya. Pero madali akong nakabawi at muling humarap sa kaniya. Ngayon ay magkasalubong na ang kilay ko nang tingnan siya. I immediately scanned his face. Mukha ni Matheo. Kahulma ni Matheo. Walang pagkakaiba kay Matheo… maliban sa kung paano siya tumingin at magkunot-noo. Matheo doesn't frown like that! “M-mikhael?” Utal at gulantang kong sambit sa pangalan niya. Mas lalong kumunot ang kaniyang noo. “Ano’ng Mikhael? Sino’ng tinatawag mong Mikhael? Hindi mo na ba ako nakikilala?” Tanong niya. Umawang ang bibig ko. Humakbang ako palapit para mas lalong maobserbahan ang mukha niya. Bigla’y napaatras siya at nakita ko ang pagdaan ng kakaibang emosyon sa mga mata niya. “Faye.” Pigil niya sa akin nang sinubukan ko ulit na lumapit. Napasinghap ako. “Ikaw nga!” Itinikom niya ang bibig at matuwid siyang tumayo. Kita ko ang pagdaan ng galit sa mga mata niya kaya mas lalo akong nakasigurado na siya si Mikhael at hindi si Matheo… kahit na halos magkamukhang-magkamukha sila. Ako naman ngayon ang napaatras. “Where’s Matheo? Why are you here? W-why are you copying him now?” Naguguluhan kong tanong. Highschool pa lang ay magkilala na kami ni Matheo. We’ve become best friends since then. Dalawang taon na rin kaming kasal at magkasama sa iisang bahay. Hindi na ako maaaring magkamali kung totoong Matheo ang nasa harap ko o hindi. “Where's my h-husband?” “I’m here. Hindi mo ba ako nakikita?” Medyo iritado niyang sabi. Nagtagis ang bagang ko. “You can never fool me, Mikhael. I know Matheo too well. Isang tingin lang… alam kong hindi siya ikaw.” Ngayon na iniisip kong siya nga si Mikhael, mas nagiging malinaw na sa akin ang pagkakaiba nilang dalawa. Mas malapad ang likod niya kumpara kay Matheo. Halata rin na bagong shave lamang ang kaniyang balbas, hindi kagaya kay Matheo na pinapalaser niya iyon para hindi na tumubo. Mas intense rin ang tingin niya, walang ingat o kahinahunan. At ang noo niya… hindi ganyan magkunot-noo si Matheo sa akin. Humaba ang katahimikan nang hindi siya magsalita. Mas nadepina ang bilis ng tibok ng puso ko. Huli kaming nagkita noong college, bago siya umalis papunta sa ibang bansa at doon ituloy ang passion niya sa pag-aaral ng martial arts. Iniwan niya ang kaniyang pamilya at ang buhay sa Pilipinas… buong akala ko hindi ko na siya makikita ulit. Bumuntong-hininga siya kalaunan. “F*ck.” Pabulong niyang mura. “How can you easily see through my disguise? Ang mga katulong niyo hindi nagduda, pero ikaw… tsk.” Marahas siyang nag-iwas ng tingin. So, it's true, he’s not Matheo but Mikhael. “Nasaan si Matheo?” Nanghihina kong tanong. Sumulyap siya sa akin at nakita ko na naman ang iritasyon sa mga mata niya. “Hindi ko pa alam, kaya nga narito ako para mahanap siya.” Hinagod ko siya ng tingin at parang lulubog ang puso ko. Kinopya niya si Matheo, at kung hindi ko sila kilala ng mabuti ay mapagkakamali kong siya nga si Matheo. “Bakit mo ginagaya ang asawa ako, Mikhael? Naguguluhan ako. Bakit nagpapanggap kang si Matheo?” Unti-unti siyang humarap sa akin. Seryoso na ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Mas lalo ko tuloy nakikita si Mikhael na nagbabalat-kayo. “Since, I cannot fool you, then I might as well tell you the truth. And you have to cooperate… para mapadali ang paghahanap natin sa asawa mo.” Kung gano’n nawawala nga si Matheo! Sa ilang araw na wala akong natatanggap na text at tawag galing sa kaniya, alam kong may hindi magandang nangyayari. Ayaw ko lamang mag-overthink. Pero ngayon na narito na si Mikhael at nangyayari ito, mas lalo kong napagtatanto na delikado ang sitwasyon ni Matheo. Ibinuka ko ang bibig at balak na sanang magsalita nang biglang matanaw ang isang kasambahay na naglalakad papunta sa amin. “Ma’am, narito po ang Mommy ninyo.” Nanlaki ang mga mata ko. Si Mommy… ang Mommy ni Matheo. Narito siya. Ngayon pa talaga siya pumunta!Faye's Point of ViewAno naman kaya ang ginagawa niya roon? Alam naman niyang wala siyang mahahanap na sekretong silid sa study... bakit siya naroon? Kumuha ako ng tasa at nagsimula nang gumawa ng kape. Judging by Mikhael's personality, mukhang hindi siya mahilig sa matamis, gusto niya ’yong puro at matapang. Kaya naman hindi ko na nilagyan ng asukal o krema ang tinimplang kape. Puro lamang iyon. Inilagay ko iyon sa platito saka maingat na dinala papunta sa study. Nakabukas pa rin ang pinto at naaninag ang liwanag galing sa loob. Itinulak ko iyon bahagya gamit ang isang paa saka unti-unting pumasok. Agad ko siyang nahanap, nakaupo sa swivel chair at parang problemadong nakatingin sa mga nagkalat na papel sa ibabaw ng mesa. Agad siyang nag-angat ng tingin at nang makita ako, napaayos ng upo at napakunot ang noo. “Kape mo.” Ani ko. Maingat kong inilapag sa ibabaw ng mesa ang kape habang nararamdaman
Faye's Point of View Nasa hapagkainan na ako at nakahanda na ang mga pagkain nang bumaba si Mikhael. Naligo nga siya kagaya ng sabi niya. Malayo pa lang ay natanaw ko na siya, halatang basa ang kaniyang buhok galing sa pagligo. Nakasuot na siya ngayon ng gray na t-shirt at itim na cotton shorts. Mukha na siyang komportable at presko sa hitsura niya ngayon, pero may kakaiba sa ekspresyon ng mukha niya, na para bang irita pa rin siya sa isang bagay. Dumiretso siya sa kabisera at doon naupo. Hindi kagaya noon na nauna akong kumain sa kaniya, sinadya kong hintayin siyang makarating bago magsimulang kumain. Nagkatinginan kami, pero saglit lang dahil mabilis din akong nag-iwas ng tingin. Lumapit ang isang kasambahay at nagsalin na ng tubig sa baso namin bago tuluyang umalis. Kaming dalawa na lamang ang natira sa dining table kaya tahimik ang buong paligid. Kung hindi pa dahil sa kalansing ng mga kubyertos at ang matinis na tunog ng ku
Faye’s Point of View Well, I don't think that's true. Louis is not attracted to me. Ayaw kong isipin na may gusto sa akin si Louis dahil lang sa inimbitahan niya akong magdinner kasama si Avon. He's just... fond of me. Tyaka dinner lang naman iyon. Bakit ba ganito mag-isip si Avon? Dahil naibalik na sa kaniya ang kaniyang card, tumayo na siya. Tumayo na rin ako at handa nang umalis. Gusto kong lumingon sa direksyon kung nasaan sila Mikhael para makita sila sa huling pagkakataon, pero kinakabahan din ako. Pinapanood niya kaya ako? Aware ba siya sa presensya ko? Nakita niya ba 'yong paglapit ng mga kaibigan ni Louis sa mesa namin? Ano kayang naisip niya roon? Nagawa kong sumulyap sa direksyon nila Mikhael at halos mapatalon sa gulat nang makitang sinusundan niya ako ng tingin. Abala si Engineer Lopez sa pakikipag-usap sa waiter, hindi ko alam kung bakit, pero si Mikhael ang atensyon at ang mga mat
Faye's Point of View Sobrang lakas ng tibok ng puso ko kahit noong nakabalik na ako sa mesa namin ni Avon. Natutulala pa ako sa tuwing naiisip ang sinabi ni Mikhael sa akin sa washroom. “But if I were your husband... I would never let any man hug you... even if it's a friend.” What... what does he mean by that? Would he be a jealous husband? Would he be too possessive with his wife? Kaya kahit na simpleng yakap galing sa kaibigan ay ipagbabawal niya? Napalunok ako nang maisip ang posibilidad na seloso si Mikhael kaya ganoon ang nasabi niya. Kung magkakaroon siya ng girlfriend... o asawa... baka bantay-sarado niya ito. Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdamang parang aangat ang sulok no’n para sa isang ngiti. Bakit ba ako nangingiti? Maybe it just sound so funny to me? Hindi naman kasi seloso si Matheo sa akin, dahil wala rin naman kaming nararamdaman sa isa't isa kaya hindi big deal sa kaniya kung napapalibut
Mikhael's Point of View Matheo is not a person who would cheat. Hindi siya ganoon sa paningin ko kaya ang hirap paniwalaan na may ilan siyang purchase galing sa isang jewelry store nitong nakaraang buwan. Mga mamahalin na alahas na nagkakahalaga ng hindi bababa sa isang milyon. Ang isa sa nabil
Faye's Point of View “I’ve seen your collections of jewelry from your walk-in closet. Wala ka gaanong kwentas na mamahalin. Lalo na ang koleksyon ng diamond, wala akong nakitang gano’n, pero…” “Do you like this, Kuya?” Klare’s voice came from behind us. Sumunod pala siya sa amin. Hindi na it
Faye's Point of ViewIbinaba ko ang cellphone. Hindi rin naman maiintindihan ni Mikhael ang sitwasyon ko. Mali ko na tumawag pa sa kaniya para humingi ng tulong. He's not Matheo so he wouldn't understand my situation. “I’m sorry,” panimula ko at ngumiti ng mapagpaumanhin. “Pero hindi yata namin
Faye’s Point of View Matheo’s money is not his actually. Ang pera niya ay galing sa kanilang pamilya. Sa tuwing kinakailangan kong dumalo sa mga charity auction o mga pagtitipon at kailangan kong gumastos ng malaking halaga, nakikita rin iyon ng mga magulang ni Matheo. They have access to it. May






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews