LOGINAko si Martin Del Rivas. Ang mga tao sa labas ay nakikita ako bilang perpektong senador, ang presidente sa hinaharap, ang bachelor na kinakikiligan ng bansa. Ang mga ngiti nila, ang pagpupuri sa akin… lahat ay pekeng salamin. Sa loob, ako ay umiiyak sa dilim na hindi nila nakikita, umiiyak sa pagkawala na hindi nila mauunawaan. Hindi nila alam na may isang pintuan sa mansion ko na hindi dapat buksan. At may isang babae akong sinasambit sa bawat gabi,na hindi lamang alaala ng trahedya, kundi dahilan ng lahat ng aking galit. Si Savanna ang naging pugad ng aking pagkawasak, ang sentro ng bawat galit , bawat obsesyon na hindi ko matakasan. Hindi ko siya kinuha dahil gusto ko. Kinuha ko siya dahil kailangan kong itama ang mundo na pinabayaan niya at sa bawat araw na siya ay nakadapa sa harap ko, bawat luha na hindi niya dapat ipapakita, lalo akong nagiging alipin ng sarili kong galit. Akala niya libreng buhay ang kanyang makakamtan sa mansion ko. Akala niya kalayaan ang makikita niya sa bawat galaw ko. Pero mali siya. Ako ang may hawak, hindi lang ng katawan niya, kundi pati ng kanyang hininga, ng bawat takot at galit na sinusupil niya sa loob. At kahit nararamdaman ko ang pagbabago sa puso ko, kahit ang galit ay nagiging pangungulila, alam kong hindi ko siya kayang bitawan. Hindi ko siya kayang talikuran. Siya ang dahilan ng aking pagkawasak, at siya rin ang dahilan ng aking pagbangon. At sa bawat gabing ako ay mag isa, habang iniisip ang mga nagdaang trahedya, naiintindihan ko na ang laban na ito, ang pagmamahal at poot, ang obsesyon at pagkawasak ay hindi matatapos. Hindi kailanman. Sapagkat sa kanya ko naramdaman ang ganap na kontrol, at sa kanya ko rin naramdaman ang ganap na kawalan ng kapangyarihan.
View MoreKapag ang isang tao ay matagal mong ikinulong, darating ang sandaling hindi mo na matandaan kung sino ang tunay na bihag...alin ang pinto at alin ang salamin.
Tahimik pa rin ang West Wing. Ngunit ngayon, mas ramdam ko ang katahimikan—hindi na ito simpleng kawalan ng tunog. Isa na itong presensyang may bigat. Parang may matang nakadilat sa bawat sulok. Parang may alaala ang bawat pader, at lahat ng alaala ay tungkol sa akin. Nakatayo na ako. Hindi dahil pinayagan ako. Kundi dahil pinagsawaan na ni Martin na manatili akong nakaluhod nang matagal. Pinanood niya akong nakaluhod sa harapan niya ng magdagdag hanggang sa manginig ang buo kong kalamnan. Gusto niyang maramdaman ko ang pagod. Ang panginginig ng tuhod. Ang hapdi sa talampakan. Ang unti-unting pagkawala ng balanse—ang eksaktong sandaling hindi mo na alam kung babagsak ka ba o sadyang itutulak ng mas malakas ang mundo. “Tumayo ka nang tuwid.” Ang utos niya ay hindi sigaw. Bakas sa aking mga tuhod ang pangingitim at pamamaga na hindi mo na mawari kung alin ang sariwang pasa o ang pasa na hindi na mapapawi. Mas masahol ang tono ng boses niyang iyon Ang sigaw ay may emosyon. Ang boses ni Martin ay parang batas—hindi nagtatanong, hindi nakikipag-usap. Isa itong katotohanang ipinapataw. Itinuwid ko ang likod ko kahit sumisigaw ang mga kalamnan ko sa protesta. Ang katawan ko ay parang luma nang gusali—nakasanayan nang magbitak, pero patuloy pa ring pinatitirhan. “Alam mo ba kung ano ang pinakaayaw ko sa’yo, Savanna?” tanong niya. Hindi ako sumagot. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil natutunan ko na—kapag sumagot ako, may mali. Kapag hindi ako sumagot, may mali pa rin. Pero mas mabigat ang parusa na ipapataw niya sa akin kapag nagsalita ako. Lumapit siya. Isang hakbang. Dalawa. Huminto siya sa harap ko. Unti unti sinubukan ko, tumingala ako. Isa pang pagkakamali. Hindi galit ang nakita ko sa mga mata ni Martin. Hindi rin galak. Kundi kasiyahang tahimik. Malalim. Mapanganib. “Hindi ka nagsusumamo,” sabi niya. “Dapat nagsusumamo ka....magmaka awa ka.” Hindi ko alam kung paano iyon gagawin nang tama. Ilang beses ko nang sinubukan. Iba’t ibang bersyon ng sarili ko ang inialay ko sa kanya—ang umiiyak, ang nagmamakaawa, ang tahimik, ang nagsisisi, ang halos mabaliw sa pag-amin sa kasalanang hindi ko ginawa. Wala ni isa ang sapat. “Alam mo ba,” patuloy niya, “kung gaano kahirap ang ginawa mo sa akin?” May tawa sa dulo ng kanyang mga salita. Isang tawang walang saya. “Pinatay mo ang pinakamamahal ko,” sabi niya nang marahan, malinaw, parang katotohanang walang alternatibo. “At gusto mong paniwalaan kita?” Parang may humampas sa sikmura ko. Hindi ako gumalaw. Hindi ako huminga. Kung titigil ako sa paghinga, baka matapos na ito. “Sabihin mo,” utos niya. “Sabihin mong ikaw ang may kasalanan.” Nanikip ang lalamunan ko. “Hindi ko...” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. Hindi dahil sinaktan niya ako. Kundi dahil sapat na ang isang hakbang pa niya palapit. Isang tingin. Dahil sa mga nagdaang araw,buwan at taon memoryado na ng sistema ko ang tingin na kapag hindi ko nakuha ay magdadala sa akin ng pisikal na kaparusahan.Masampal.Mabugbog ng paulit ulit. Matanggalan ng dangal at karapatan na maging tao. Nanatili akong tikom. Isang katahimikang parang kutsilyong nakalapat sa leeg ko. “Hindi?” tanong niya. “Hanggang ngayon?” Tumawa siya nang mahina. “Hanggang ngayon, pinipili mo pa rin ang sarili mo.” Umiiling siya, parang dismayado. “Hindi mo pa rin naiintindihan, Savanna,” sabi niya. “Wala ka nang sarili.” Tumalikod siya at naglakad papunta sa pader sa kaliwa. Isang pader na alam ko ang ibig sabihin. May marka roon. Hindi sugat. Hindi dugo. Mga guhit. Hindi bilang ng araw—kundi bilang ng mga pagkakataong pinili kong manahimik kaysa mamatay. “Bilangin mo,” utos niya. Tumingin ako sa mga guhit. Hindi ko na alam kung alin ang bago. Hindi ko na alam kung alin ang akin. “Lakas,” sabi niya. “Isang daan at pito,” pabulong kong sagot. “Mali.” Tumigil ang mundo. “Isang daan at walo,” sabi niya. “Dahil ang paglimot mo sa ginawa mo ay kasalanan din.” Isinulat niya ang panibagong guhit. Hindi sa pader. Kundi sa loob ko. “Alam mo ba kung bakit walang orasan dito?” tanong niya. Umiling ako. “Dahil ayaw kong maramdaman mo ang paglipas ng oras,” paliwanag niya. “Gusto kong maramdaman mo ang pag-ipon nito.” Lumapit siya muli. “Bawat segundo,” bulong niya, “utang mo.” May inabot siya sa mesa. Isang maliit na salamin. Inilagay niya iyon sa harap ko. “Tingnan mo.” Ayaw ko. Hindi ko kaya. “TINGNAN MO.” Napapitlag ako. At doon ko nakita ang sarili ko. Payat. Maputla. May mga matang hindi na marunong umasa. “Siya ba ‘yan?” tanong niya. “Iyan ba ang babaeng iniwan si Diana sa dilim?” Umiling ako, umiiyak na ngayon, wala nang pakialam kung bawal. “Hindi,” pabulong kong sagot. “Hindi ako ‘yan.” Ngumiti siya. “Eksakto,” sabi niya. “Dahil wala ka na.” Inilapag niya ang salamin. At sa wakas—hinawakan niya ako. Isang daliri sa baba ko. Pinilit akong tumingala.... Ang buong kayawan ko ay pagod na sa araw araw na paulit ulit na lang na impiyerno.Buhay pa ako pero halos sinisilaban na ang buong pagkatao ko sa hatol na hindi ko dapat pagdusahan. “Hanggang kailan mo balak magkunwari?” tanong niya. “Hanggang kailan mo ipagkakait sa akin ang hustisya?” “Hindi ko siya pinatay,” nanginginig kong sabi. Tahimik siya. Napakatahimik. At doon ako natakot nang tunay. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya. Parang mas marumi siya kapag hinahawakan ako. “Hindi mo kailangang pumatay,” sabi niya. “Sapat na ang pinabayaan mo siyang mamatay.” Tumalikod siya. Naglakad papunta sa pinto. “Bibigyan kita ng panahon,” sabi niya bago lumabas. “Isang gabi.” Huminto siya saglit. “Isang gabi lang ang ibibigay ko sa yo para maalala kung sino ka bago mo piniling maging walang halaga.” Nagsara ang pinto. Hindi malakas. Hindi marahas. Ngunit parang libingan. Bumagsak ako sa sahig. Hindi dahil sa kahinaan. Kundi dahil wala na akong lakas para magpanggap na buo pa ako. Sa West Wing, hindi ako unti unting pinapatay. Pinapahintulutan kang mabuhay... nang sapat lang para maalala araw-araw kung bakit mas masakit iyon...ang huminga pa at manatiling buhay. At sa bawat gabing hindi ako namamatay, mas nagiging malinaw ang katotohanan: Hindi ako ang multo sa West Wing. Ako ang salamin. At si Martin. Siya ang taong tunay na salarin na takot na takot tumingin sa salamin."I hate you, Martin... kinamumuhian kita nang higit pa sa kahit anong bagay sa mundong 'to, at kailanman ay hindi magbabago 'yon!" sigaw ni Savanna habang nakatitig nang diretso sa aking mga mata, walang kahit kaunting takot o pag-aalinlangan sa kaniyang boses."Sabihin mo pa... ulit-ulitin mo 'yang tatlong salita na 'yan hanggang sa maubos ang hininga mo, Savanna," paos kong sagot habang dahan-dahan kong inilalapat ang aking sugatang palad sa kaniyang pisngi, pinaliligiran ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking nanginginig na mga kamay."Kinamumuhian kita! Mula sa kaibuturan ng kaluluwa ko, isinusumpa ko ang bawat segundo na hinahawakan mo ako!""Then let that hatred burn us both... dahil mas gusto ko nang hawakan ang galit mo kaysa mamuhay sa mundong wala ka.""Napakasama mo... wala ka nang ibang alam kundi ang angkinin ako na parang gamit!"Napatigil ako sa kaniyang mga salita habang ang kaniyang maiinit na hininga ay pumapaso sa aking mga labi. Sa sandaling iyon, sa gitna ng kaniy
"Savanna... hawakan mo 'tong kamay ko habang umaagos ang dugo mula sa palad ko, iparamdam mo sa akin na nakikita mo ako ngayong gabi!" pabulong kong hiling habang pilit kong idinidikit ang aking sugatang kamay sa kaniyang malamig na pisngi."I-layo mo 'yang duguan mong kamay sa mukha ko, Martin... dahil hindi kailanman magiging dahilan 'yang sugat mo para maawa ako sa'yo!" sigaw niya habang marahas niyang itinutulak ang aking bisig sa gitna ng silid."Hindi ako humihingi ng awa... gusto ko lang maramdaman mong nasasaktan din ako sa tuwing nakatitig ka sa akin nang ganiyan!""Mas gusto ko pang panoorin kang maupos sa sarili mong dugo kaysa bigyan ka kahit kaunting simpatiya!""Then watch me bleed, Savanna... basta 'wag ka lang lilikod sa akin habang dahan-dahan akong nauubos sa harap mo!"Napatigil siya sa aking mga salita, ang kaniyang mga mata ay nanlaki sa matinding gulat nang makita niyang ang matingkad na pulang dugo mula sa matulis na bubog ng basag na salamin ay patuloy na pumap
"I-baba mo 'yang kristal na baso bago ko pa gagamitin ang mga kamay ko para pilitin kang humalik sa akin ngayong gabi, Savanna!" sigaw ni Martin habang pabalagbag siyang humahakbang palapit sa akin sa gilid ng dressing table."Huwag ka nang magpanggap na may kontrol ka pa sa akin, Martin... dahil diring-diri ako sa tuwing idinidikit mo 'yang bibig mo sa balat ko!" sagot ko sabay hablot sa mabigat na crystal decanter at buong lakas itong ibinalibag sa pagitan naming dalawa.Ang malakas na kaluskos ng nabasag na salamin ay umalingawngaw sa buong silid habang ang mga matutulis na pira-piraso nito ay tumalsik sa aming mga paanan. Napatigil si Martin, ang kaniyang maayos na polo shirt ay agad na nabasahan ng natapon na alak, at ang kaniyang mga mata ay nagniningas sa purong galit at hindi mapigilang pagnanasa. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang pisikal na sagupaan sa pagitan naming dalawa ay hindi na lang basta salitaan o pag-iwas. Ang pagkabasag ng kristal sa aming gitna ay ang pormal na p
"I-kasa mo 'yang baril sa noo ko at patayin mo na ako ngayon din, Martin... para matapos na 'tong nakakadiring pagpilit mo sa akin!" sigaw ni Savanna habang idinidikit niya ang kaniyang noo sa malamig na dulo ng aking baril sa gitna ng silid."Titingnan ko kung hanggang saan ang tapang mo kapag hinawakan ko 'tong gatilyo habang nakatitig ka sa akin!" ganti ko, pero ang sarili kong kamay ay nanginginig sa matinding panginginig at hindi maipaliwanag na takot."Gawin mo! Bakit ka nanginginig? 'Di ba 'yan naman ang dahilan kung bakit mo ako kinuha noong una... para ipaghiganti si Diana at tapusin ang buhay ko?""Huwag mong banggitin si Diana sa harap ko habang nakatingin ako sa mga labi mo!""Iikot mo ang baril at iputok mo na... dahil sukang-suka na ako sa bawat segundo na kailangan kong maramdaman ang init ng katawan mo!"Napatigil ako nang tuluyan, ang aking respiration ay naging mabilis, mabigat, at nanginginig habang nakatitig ako sa kaniyang magagandang mata na puno ng purong pagsuw
“‘Sumama ka muna sa’kin.’”“Sandali lang,” sagot ko, nanginginig ang boses ko kahit pilit kong pinapatatag. “Hindi ko...hindi ko pa kilala...”“Savanna,” putol niya, mahinahon pero may bigat. “Kung hindi ka sasama ngayon, wala ka nang babalikan.”Napatigil ako. Ang hangin sa eskinita ay amoy kalawa
“Do you even remember where you came from?”Tumigil ako sa pag-aayos ng mga gamit sa maliit na silid sa West Wing. Ang boses niya...matindi, malamig, at puno ng galit...ay parang kidlat na tumama sa dibdib ko. Napanganga ako sa pagkagulat, hindi dahil sa tanong, kundi dahil sa bigat ng bawat sali
“Sabihin mo ang pangalan niya.” Parang may kutsilyong ipinasok sa pagitan ng mga tadyang ko...hindi para patayin ako, kundi para siguraduhing mararamdaman ko ang bawat segundo ng paghinga ko. “Alin?” tanong ko, kahit alam ko na ang sagot. Hindi ako tanga. Hindi rin ako inosente. Alam ko kung a
Hindi ako sinaktan.Hindi rin ako sinigawan.Mas masahol pa roon ang ginawa niya.Pagdating namin sa mansyon, hindi niya ako kinausap. Hindi niya ako kinaladkad. Hindi niya ako tinignan. Dumiretso lang siya sa West Wing...at sinundan ko siya dahil iyon ang ginagawa ko palagi.Ang pagsunod ay mas li








![The Wild Virgin [SPG]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)









Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews