Nagkatinginan muna sila bago nito muling tinuon ang atensyon sa maliit na box. Nang tuluyan na nitong binuksan, ay lumuhod siya sa harap ng nobya at hinawakan ang kamay nito.“Alam kong matagal mo na itong hinihintay... ilang beses ko na din ipinangako ito sa'yo pero ako lang itong palaging problema. You've been there for me simula noon pa. Sa lahat ng pinagdaanan natin, isa lang ang sigurado ako… ikaw ang gusto kong makasama sa ngayon at magpakailanman, babe…” naluluhang wika niya. Ang lahat ng nilalaman ng puso niya ang sinabi na niya.“Fe, will you be mine forever?.... Will you marry me?”Napanganga si Fe. Hindi agad ito nakasagot. Nangingilid na ang luha sa mga mata nito, pero ang ngiti sa labi ay hindi maipinta... halo ng gulat, tuwa, at matinding pagmamahal.“Yes… Yes, babe! I will marry you!” sagot nito sabay tawa at hagulgol.Tumayo ito at niyakap siya ng mahigpit, kinuha niya ang singsing at isinout sa nobya. Sa laki ng bato ng singsing ay kumikinang iyon kahit sa dilim.“Mat
**********FE'S POV:Kapwa kami nakahiga ni Clark sa kama sa kwarto nito... Hindi na ito umayag na doon siya sa kabilang kwarto. Kakapanhik lang nila para magpahinga. Parang sila nag marathon sex. Inubos nila ang lahat ng bucket list nito na maangkin siya sa pool, sa kusina, sa living room, at sa garden.Parang silang sina Adan at Eba na malayang nakapag-gala sa loob ng bahay na walang saplot. They really enjoyed their time together.Pinagmamasdan niya ito habang natutulog sa tabi niya. Pinaglalaruan niya ang buhok nito at iniikot-ikot sa kanyang daliri. Napagod si Clark sa ginawa nila... pagod din naman siya pero ayaw niyang palampasin ang pagkakataong ito na masilayan ang fiancé...Yes, fiancé na niya si Clark, he already proposed to her. Kinilig siya sa iniisip. Hindi niya akalain na aabot sila sa ganito. Ayon kay Clark ay matagal na itong bumili ng singsing para sa kanya. Ibig sabihin lang noon ay umaasa talaga ito na magkakabalikan sila. It’s been a year din silang walang komunik
Kinabukasan, nang magising siya ay wala na si Clark sa tabi niya. Naririnig niyang may lagaslas ng tubig sa shower. Naliligo ang fiancé niya doon. Napangiti siya sa naalala. Tinaas niya ang kamay at tiningnan ang makinang na diamond ring sa kanyang daliri. Hindi siya makapaniwala na nag-propose si Clark sa kanya kagabi. "Good morning, babe," wika ni Clark habang nagpupunas ng basang buhok. Lumabas na ito sa banyo. Nakabalabal lang ito ng tuwalya sa bewang. Naamoy niya mula sa kinahihigaan niya ang ginamit nitong sabon. Parang ang sarap amuyin ng nobyo niya. "Close your mouth, babe. Baka pasukan ng langaw..." natatawang wika ni Clark. Agad siyang nagising sa kanyang pagpantasya. Natutulala pala siya kay Clark nang hindi niya napapansin. Bigla siyang namula at nagtakip ng kumot. "Hahaha... ang cute mo babe. Nauna na akong maligo sa'yo. Ayaw kasi kitang abalahin sa pagtulog mo. I know you're tired." Muli siyang namula. Naalala niya kung paano siya pinanggigilan ni Clark kagabi. Halo
"Let’s go?" aya nya. Napansin niyang kasing iba na naman ang titig ni Clark sa kanya. Baka hindi na naman sila makakaalis agad. Magkahawak-kamay silang bumaba ng hagdan. Nakita niyang andoon na ang mga kasambahay ni Clark. "Manang aalis muna kami, kayo muna ang bahala dito, ha," wika ni Clark. "Opo, Senyorito. Mag-ingat po kayo ni Ma’am Fe." nakangiting sagot ng isa sa kanila, na para bang may ideya na sa nangyari kagabi. Paano ba naman... sabog ang buong bahay! Ang kalat nila, pati ang pool area, parang nag party ng bente katao, samantalang dalawa lang naman sila. "Pasensya ka na, ang kalat namin ni Clark kagabi..." nahihiyang wika ni Fe. "Walang anuman ’yon, Ma’am Fe. Ang importante, nag-enjoy kayo ni Mayor Clark. Saka nakaalala na siya. Masaya ako para sa inyong dalawa," sagot ng kasambahay. Naluha si Fe sa sinabi nito. Halos pangalawang nanay na rin ito ni Clark, at kilala na rin siya dahil madalas siya doon sa mansion noong magkaibigan pa lang sila. "Aalis na kami, Manang.
Salamat din sa inyo, guys. Hindi kami magkakabalikan kung hindi sa tulong niyo. Andyan kayo lagi para sa amin… Though there are times na naiinis na ako sa panghihimasok niyo sa relasyon namin." wika ni Clark na may halong panunumbat. "Tumagal ang pagbabalikan namin dahil hindi niyo sinasabi sa akin kung nasaan si Fe noong hinahanap ko siya." dagdag pa nito na ikinatawa ng mag asawa. "Hahaha… That is because we don't know what your intentions are! At saka kasal ka kay Cindy, Clark! We know you both love each other, pero ayaw naman namin hanapin mo si Fe tapos hindi pa kayo parehas na handa. Kita mo naman, pagkahiwalay niyo ni Cindy ay sinama ka agad namin sa Iloilo, 'di ba?" paliwanang ni Jonie. "Hahaha… Joke lang, guys… I love you all!" wika ni Clark saka siya niyakap ng mahigpit. "Tara na nga sa function hall. Nagpahanda ako ng simple snacks for us." Kumapit si Jonie sa kanya saka sabay silang naglakad papunta sa hall. Lahat ng madadaanan nilang empleyado ay kumakaway sa kanya. Pa
"Are you happy?" bulong ni Clark na yumakap sa likod niya saka mahigpit na hinigit sa bewang. 'Yun ang paboritong posisyon nito kapag yayakapin siya—sa likod. Maging sa sex, ay parang 'yun din ang paborito nito. Makita lang siyang nakatuwad ng kaunti ay didikitan na kaagad. Lihim siyang natawa sa mga naalala niya. "Oh, bakit ka natawa?" "Hahaha… Wala, may naalala lang. Thank you, babe… Thank you sa surprise mo sa akin." "Huh? This?" nagtatakang tanong ni Clark. "Oh no, this is not my surprise for you!" Siya din ay nagtaka. Ang akala niya ay 'yun na ang surprise nito.... Meron pa ba? "Later… you'll see..." nakangising wika nito. Hinawakan nito ang kamay niya saka niyaya doon sa mga dati niyang mga kasama sa trabaho… at doon nakipag-chikahan… "Mam Fe, congrats sa proposal ni Mayor Clark sa'yo ha! Alam na namin talaga dati pa na kayo ang para sa isa’t isa, eh! Hihihi..." kinikilig na sabi ng right hand niya dati na si Cherry. Kung si Jonie ay siya ang right hand, siya rin ay
Napangiti siya habang pinipigilan ang pagbagsak ng luha sa pisngi. Ramdam niya ang tapat at taos-pusong pagmamahal ni Clark. Wala na siyang mahihiling pa.... Kumpleto na ang puso niya. Lumipad ang helicopter ng may ilang minuto pa, at sa bawat segundo ay lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. Excited na siya. Naiiyak sa tuwa. Parang gusto na niyang mag-time skip para makarating agad sa anak nila. Paglapag ng helicopter sa isang private helipad ay may sumundo kaagad sa kanila. Namukhaan niya ang service na sumundo sa kanila... Service ito ng resort nila ni Jonie. Napangiti siya nang kinutsaba din ni Clark pati ang resort para sa surprise sa kanya... Lihim siyang kinilig. "Hello Ma’am Fe... welcome back po!" wika ng driver nila sa resort. Nagmamadaling umakyat na siya sa van. Wala naman silang dalang maleta ni Clark. Sarili lang nila ang nadala nila. Hindi naman niya alam na makakauwi siyang Iloilo sa araw na 'yun. "Kamusta po, Mang Pedring?" "Ok naman po," matamis ang ngiting wik
“Thank you...” bulong niya kay Clark habang nakaupo sila. Hawak niya si Clarkson na natutulog na sa bisig niya. “For what?” Matamis ang ngiti nitong tumingin sa kanya. “For this... pinaligaya mo ang puso ko. You make me feel special... kami ng anak natin.” “You deserve this, Fe... Alam kong ilang beses din kitang nabalewala... and this time, hindi ko na gagawin ‘yon sa’yo.” Umiwas siya ng tingin. Naalala niya kasi ang mga panahong hindi siya pinipili ni Clark. Pero hindi na para magdamdam pa siya doon... Eto na si Clark at bumabawi na sa kanya. Nakatingin sila sa kasiyahan ng lahat ng mga empleyado nila. ‘Yun ang surprise ni Clark sa kanya... ang umuwi ng Iloilo at magpaalam sa mga magulang na magpapakasal na sila at makita ang anak nila. Maya-maya ay napahikab siya. “Are you tired already?” tanong ni Clark. “Medyo... Ang dami kasi nating ganap sa araw na ‘to. Saka first time ko din sumakay ng helicopter. Kahit na nakaka-enjoy, na-stress din ako sa takot.” kwento niya. “Hahaha
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis
Nakarating lang sila ng bahay nang magulo ang isip niya. Palaisipan sa kanya ang sinabi ni Gray... Bakit siya nito titikman? Ano ang ibig sabihin nun?Oo nga’t virgin siya pero hindi naman siya inosente sa mga gano'ng bagay.“We're here... anunsyo nito.”Nauna itong bumaba saka inalalayan si Lilly na makababa. Sumunod siya, hinawakan siya nito sa braso para alalayan. Sandali siyang napaigtad, parang napaso siya sa mga hawak ni Gray. Oo nga’t dati pa niya naramdaman 'yon pero ngayon ay mas lalong pinaigting ang kanyang damdamin sa lalaki. Nagkaroon siya ng malisya bigla kay Gray, lalo pa nang makababa na siya at hindi pa nito binitawan agad ang kamay niya. Ang lapit ng katawan nila sa isa’t isa na napakalapit na ng ilong niya sa katawan nito at naamoy niya ang mamahaling pabango ng binata.“Hey guys!” masayang salubong ni Ma'am Jonie sa kanila. Nakasunod dito ang asawang si Sir Ken. Agad siyang binitawan ni Gray at umikot sa compartment para kunin ang mga pinamili.“Hey mom! We're here
Halos dalawang oras din silang tumagal doon sa parlor. Nagpagupit sila ng buhok ni Lilly. Ang boring na mahaba at unat na unat niyang buhok ay pinagupitan at nilagyan ng kulay na ash blond. Si Lilly ang nag-decide ng lahat para sa kanya. Bagay daw 'yun sa morena skin niya.Napapangiti na lang siya minsan sa pagka pala-desisyon ni Lilly sa buhay niya, pero aaminin niyang nagugustuhan nya rin dahil kung siya lang ay wala naman siyang alam sa pagpapaganda.Palihim niyang tinitingnan si Gray mula sa salamin na nakaupo sa waiting area. Ni hindi man lang niya ito nakikitaan ng pagkabagot. Mukhang may nilalaro ito sa cellphone at mukhang aliw na aliw."Ate, ang ganda mo!" Eksaheradong sigaw ni Lilly nang makitang tapos na siyang ayusan.Napayuko siya dahil tumingin din si Gray sa kanya at tila namalikmata."Ano ka ba, Lilly, ang ingay mo, nakakahiya dito sa parlor.""I'm just telling the truth! Di ba, Ate?" tanong ni Lilly sa bakla na nag-ayos sa kanya."Yes ma'am, Lilly, ang ganda niya. Ang
ROSIE'S POV:Bigla siyang natakot nang pagsulpot si Bianca sa restaurant na kinakainan nila. Wala naman siyang ginagawang masama, pero bakit parang guilty siya? Masama ang tingin nito sa kanya na halos kainin siya ng buhay at gusto siyang saktan anumang oras."Pinagtutulungan niyo ba akong magkapatid?" napalakas ang boses ni Bianca kaya natuon ang atensyon ng mga customer sa kanila."You're making a scene, Bianca. Ang mabuti pa ay umalis ka na. Sinasira mo ang pagkain namin dito." pagtaboy ni Gray"You!" sigaw nito sabay turo sa kanya. "Hindi mo alam ang pinapasok mo. Hindi ako pwedeng ipagpalit ni Gray ng ganon-ganon lang!"Nakita niya ang sobrang selos sa mga mata nito. Bakit nga ba sinabi ni Lilly na siya ang bagong nobya ni Gray?!"Wala tayong relasyon, Bianca, kaya pwede akong mag-girlfriend kung sino ang gusto ko." wika ni Gray."You can't do this to me, Gray! Magsisisi ka!" nanlisik ang mata nito saka nagmartsa palabas ng restaurant. Natahimik silang lahat."Lilly, bakit mo nam
"I'm done!" nakangiting wika ni Lilly habang papalapit sa kanila na dala-dala ang mga pinamili."Ang dami naman niyan, Lilly!" reklamo niya."Para sa amin ni Ate Rosabel 'to, kuya! Alam ko kasi ayaw niyang magpabili, kaya binilhan ko na siya.""Ano ka ba, Lilly... Ayaw ko niyan, magagalit sa akin si Nanay!" si Rosie naman ang nagsalita."Hindi 'yun magagalit. Sabihin ko binigay ko sa'yo. Ikaw nga may pasalubong sa akin galing Baguio eh. Dapat meron din akong exchange na bigay sa'yo.""500 pesos lang yung bag na 'yun! Grabe naman ang kapalit ng bigay ko. 50k ata ang price ng balik mo?!" reklamo ni Rosie."Wag ka nang magreklamo, Ate. Nakakainis ka naman eh! Ikaw na nga ang binibigyan eh... hmp!"Nagkatinginan sila ni Rosie at nagngitian. Wala talaga silang panalo kapag si Lilly ang nagdedesisyon. 'Yun ang isa sa ayaw niya sa kapatid, matigas ang ulo nito... lahat ng gusto nito ay ginagawa.Pero ngayong dalawa na sila ni Rosie ang umiintindi kay Lilly kaya ini-enjoy na lang niya ang kat