LOGINNapalunok siya. Parang natuyo ang kanyang lalamunan, at kahit gustuhin niyang magsalita, walang boses na lumalabas.“Sumagot ka, Jolisa!” mas lalong bumigat ang tono ni Tyler, punong-puno ng galit, at may halong sakit na hindi nito maitago.Napayuko siya. Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng kanyang damit, halos mapunit na sa lakas ng pagkakakapit niya roon.“I… I was just being careful,.” mahina niyang sagot, halos hindi marinig.“Careful?” ulit ni Tyler, bahagyang natawa, pero walang saya ang tunog niyon. “Careful from what? From me?”Napapikit siya. Isang luha ang tuluyang pumatak mula sa kanyang mga mata, ngunit hindi iyon pinansin ni Tyler.“Alam mo ang plano ko... ang buntisin ka!” madiin nitong sabi. “ All the while, habang ginagawa ko ‘yon… may iba ka palang plano? Ang hindi mabuntis?”Bigla nitong itinapon ang pakete ng pills sa kanya. Tumama iyon sa kanyang mukha. Hindi iyon masakit, pero masakit ang inakto nito. Hindi niya akalain na itatapon nito sa kanya.“Bakit? tin
Napapikit siya sandali bago sumagot.“Lola… aalis na po sina Tyler at Tiffany sa susunod na araw. Babalik na sila sa trabaho. Dadalhin ni Tyler si Tiffany para ipagpatuloy ang pagiging modelo niya.”Lalong nalungkot si Lola Beth para sa kanya. “Kakausapin ko si Tyler,” mariing sabi nito.“Huwag na po, Lola,” mabilis niyang pigil. “Kapag magkasama na sila sa abroad… imposibleng hindi bumalik ang dating damdamin nila sa isa’t isa. Mas mabuti na rin po siguro ang ganito.”“Sorry, Jolisa…” nanginginig ang tinig ng matanda. “Sorry kung pinilit kita kay Tyler noon. Hindi ko akalaing babalik si Tiffany. Ikaw ngayon ang maiiwan sa ere.”“It’s okay, Lola. Wala po kayong kasalanan.”Nilunok niya ang bara sa lalamunan. Parang gusto na niyang umiyak, ngunit pinigilan niya. Ayaw niyang makitang nasasaktan siya ng matanda.Agad siyang tumalikod at kinuha ang maleta nito. “Ang mabuti pa, tulungan na lang kitang mag-ayos ng gamit mo. May pasalubong ka bang dala para sa akin, Lola?” pilit niyang pag-i
Nagdaan pa ang mga araw at lalo pang naging masaya ang samahan nila ni Tyler. Sa bawat umaga at gabing magkasama sila, mas lalo niyang nararamdaman ang pag-aalaga nito sa kanya. Si Tiffany naman ay sinasadya niyang iwasan kahit iisa lamang ang bubong na kanilang tinitirhan. Ayaw niyang magkaroon ng gulo, kaya hangga’t maaari ay lumalayo siya rito. Mabuti na lang at hindi rin ito makasingit kay Tyler, dahil halos palagi silang magkasama. Kung may oras mang mawala si Tyler sa kanyang tabi, sandali lamang iyon at agad din itong bumabalik.Ngunit sa hapon na iyon, may hindi nila inaasahang bisita ang dumating sa mansion.May narinig siyang sasakyang huminto sa labas. Dahil sa pagtataka, mabilis siyang lumabas ng bahay. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang dalawang pamilyar na mukha.“Lola! Lolo!” masigla niyang sigaw habang mabilis na lumalapit sa mga ito.Hindi niya napigilan ang saya sa dibdib nang makita sina Lola Beth at Lolo Gregore. Matagal din niyang hindi nakita ang dalawa ka
Pagpasok nila sa kwarto ay agad siyang niyakap ni Tyler mula sa likod. Napahinto siya at hindi agad nakagalaw.“I missed you, love…” mahinang bulong nito sa kanyang tainga habang nilalanghap ang bango ng kanyang bagong ligo at marahang isinubsob ang mukha sa kanyang buhok.Kahit tutol siya sa plano nitong buntisin siya, pinaghandaan pa rin niya ang pagdating ni Tyler. Alam niyang hindi niya rin naman mapipigilan ang binata na angkinin siya. Kaya sa halip na tutulan pa, pinili na lang niyang namnamin ang bawat sandaling siya pa ang mahal nito. Hindi niya alam kung hanggang kailan iyon mananatili sa kanya. Ang mahalaga, umiinom na siya ng pills.Mula sa kanyang bewang ay dahan-dahang umakyat ang kamay ni Tyler, humawak sa kanyang dibdib at marahang minasahe iyon.“Hmmm… na-miss mo rin ba ako, love?” tanong nito, may bahid ng tampo sa tinig.Aminado siyang hindi siya vocal kay Tyler. Lagi siyang kinakain ng takot. Kaya sa halip na salita, sa kilos na lamang niya ipinapadama ang nararamda
“H-Huh? Hindi ah! Hindi ko iniisip ’yan!”Pagsisinungaling iyon. Ngunit mali rin ang pagkakaintindi ni Tyler sa naging reaksiyon niya. Ang akala nito’y umaasa siyang singsing ang laman ng kahon. Hindi nito alam na kabaligtaran ang totoo, ipinagdarasal pa nga niyang huwag sana iyong singsing.Marahang hinawakan ni Tyler ang kanyang mukha at itinuon iyon sa sariling mukha nito. Nagtagpo ang kanilang mga mata, punong-puno ng lambing.“Don’t worry, love,” mahina ngunit matatag nitong sabi. “Next time, singsing na ang laman ng box na ’yan.”Napatigil siya. “A-Ano ka ba… hindi ko iniisip ’yan. Saka marami ka pang plano sa buhay. Kailangan mo pang tapusin ang trabaho mo.”Huminga nang malalim si Tyler. Bahagyang yumuko ang ulo nito bago muling tumingin sa kanya.“Kung puwede nga lang na hindi na ako aalis…”Sa simpleng linyang iyon, ramdam na ramdam niya ang lungkot sa tinig ni Tyler.“Kailan na ba ang alis n’yo? Okay na ba ang papeles ni Tiffany?”“Yeah, okay na. Sa susunod na linggo na ang
Lumipas pa ang mga araw at sa wakas ay araw na ng pag-uwi nina Tyler at Tiffany sa Pampanga. Kanina pa siya tinawagan ni Tyler upang sabihing nasa biyahe na sila. Simula nang marinig niya ang boses nito, halo-halong emosyon ang gumulo sa dibdib niya, matinding pananabik na makita muli ang nobyo, at kaba na hindi niya maipaliwanag.Sa bawat gabing hindi sila magkasama, palagi siyang pinapahiwatigan ni Tyler kung gaano siya nito nami-miss. Halos gabi-gabi ay tumatawag ito, minsan pa’y may kasamang lambing at pagbibiro.“Maghanda ka sa pagdating ko,” madalas nitong sabihin sa malambing ngunit mapanuksong tinig. “Pagdating ko, magkukulong tayo sa kwarto.”Sa tuwing naaalala niya iyon ay hindi niya maiwasang mapailing at mapangiti. Ngunit sa likod ng kilig, may kung anong bigat pa rin siyang dinadala sa dibdib.Kung ganoon kalaki ang pananabik ni Tyler sa kanya, ganoon naman kalaki ang pagkayamot niya kay Tiffany.Gabi-gabi na lamang ay nagsesend ito ng mga larawan nila ni Tyler na magkasa
Muling napuno ng katahimikan ang silid, ngunit hindi na iyon mabigat kagaya kanina. Sa halip, may kakaibang gaan na bumalot sa lahat, parang unti-unting humupa ang lahat ng sakit, takot, at galit na matagal nang kinikimkim ng bawat isa.Ramdam niya ang init ng palad ni Aria sa kanyang kamay. Sa kab
“Sige. Babayaran ko rin ang ransom niya.”Unti-unti itong ngumisi. “Hahaha… salamat naman kung gano’n, Miss Blacksmith.”“Akin na ang bag ko,” sambit niya. Agad namang umalis ang lalaki at pagbalik nito ay dala niya ang bag niya.Kinuha niya ang kanyang checkbook at sinulat ang malaking halaga para
“Kamusta na pala yung dad mo? Yung negosyo niyo?”“Bakit mo natanong?” nagtatakang tanong Ben“Hindi ba nga nauna kang umuwi dito sa Scotland dahil sabi mo may problema ang negosyo at kailangan ka ng daddy mo?”“Ah ayon, okay na. Nagawa na namin ng paraan. The business is doing fine. In fact, plano
CLARKSON'S POV:Nagmulat ng bahagya ang mga mata niya nang maramdaman ang mahinang pagpisil sa kanyang kamay.“Clarkson…” paos na tawag ni Aria. "Naririnig mo ba ako?”Marahan siyang kumurap, bahagya niyang iginalaw ang mga labi, tila hirap pa ring magsalita dahil sa epekto ng operasyon.“A–Aria…”







