Bumukas na ang elevator at kanya-kanya na silang pasok sa loob. Sa pinakalikod siya pumwesto para mapagmasdan ang babaeng nagtanong tungkol kay Gray. Maganda din ito at matangkad. Mestiza at mukhang mayaman base sa pananamit nito at galaw. Mamahalin din ang bag nito at business suit. Alam niya iyon dahil meron din siyang gano'n, ibang kulay nga lang. Morena naman kasi siya at dapat light color ang mga suot niya samantalang ang babae ay mestiza. Kahit anong kulay ay bagay dito. Bigla tuloy siyang na-insecure sa kanyang sarili.Paglabas nila ng elevator ay kanya-kanya na silang hanap ng kanilang mga designated seats. Andoon ang pangalan ni Gray sa tabi ng seat nya bilang silang dalawa ang delegate ng kanilang kompanya pero wala pa doon ang binata. Inaasahan niya na andoon na ang lalaki dahil nauna itong bumaba kesa sa kanya. Palinga-linga siya sa paligid pero sa dami ng tao ay hindi niya makita si Gray.Maya-maya ay nag-umpisa na ang program at nagsi-upuan na ang mga delegates. Hinayaan
ROSABEL'S POV:"Shit! What the hell just happened?" Aasik niya sa sarili habang naliligo. Muntik nang may nangyari sa kanila ni Gray!God knows kung ano ang pagpipigil niya sa tukso ng nasa harap na nya ang lalaki habang wala itong saplot sa katawan kundi ang tuwalyang nakapulupot sa bewang nito.Habang abala ito kanina sa pakikipag-usap kay Ma'am Jonie ay abala din ang mga mata niya sa pagpasada sa katawan ni Gray.Yes, nakita na niya ito dati na nakahubad noong naligo sila sa swimming pool sa mansion kasama si Lilly, but that was 2 years ago, medyo neneng pa siya noon. Ngayong natubuan na siya ng malisya sa katawan at hindi niya mapigilang mag-init. May aircon naman pero bakit init na init siya... Lalo pa't dalawa lang sila doon sa loob ng kwarto. Palihim niyang tinitingnan ang flat nitong tiyan at matigas na abs. May maninipis na balahibo pa sa ilalim ng pusod nito and God knows kung saan ang dugtong ng mga balahibo na 'yon! Bumaba ang mga mata niya at nahagip ang bumubukol na ari
GRAY'S POV:Hindi siya makapaniwala na nasa Cebu din si Rosabel at andoon mismo sa loob ng kwarto niya. Isa ba itong laro? Pinaglalaruan ba siya ng tadhana?At ano itong sinasabi na ito na daw ang bagong CEO ng K.E Builders? Kaya ba umuwi ito ng Pilipinas para agawin sa kanya ang posisyon niya? Tinanggalan ba siya ng posisyon ng sarili niyang mga magulang?Tinalikuran niya si Rosabel na nakaupo lang sa kama. Hinanap niya ang cellphone at tatawagan ang kanyang ina. Kailangan marinig niya mismo sa mommy niya ang sinabi ni Rosabel. Dinayal niya ang number ng ina.Hindi siya makakapayag sa gusto nitong mangyari. Mas magaling ba si Rosabel kaysa sa kanya? Sampal naman ata iyon sa pagmumukha niya! Siya itong anak tapos ibang tao ang mamamahala sa kompanya nila?"Hello, anak... andyan na ba si Rosabel?" bungad nito nang sagutin ang tawag niya."Mom! Is it true na si Rosabel na ang bagong CEO ng kompanya?""Yes, anak.""You can't do this to me, Mom!""Wag mo na kaming kontrahin, Gray. It’s y
Kasalukuyan siyang nasa airport. Kakalapag lang ng eroplanong sinakyan niya papuntang Cebu. Alas singko pa lang ng umaga at medyo madilim pa ang langit. Magta-taxi na lang siya papunta sa hotel. Wala naman kasing susundo sa kanya doon. Hindi rin naman alam ni Gray na pupunta siya dahil hanggang ngayon ay nakapatay pa rin ang cellphone nito. Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa hotel. Napaisip tuloy siya... imposible atang hindi na ito nagbubukas ng telepono? Paano na ang mga importanteng tawag nito? Tungkol sa opisina? Siguradong tatawagan ito ng sekretarya. Di kaya sya lang ang hindi makatawag sa lalaki? Bli-nock ba nito ang number niya? Hmp! Masyado ka nang paimportante, Grayson Enriquez?! Ako na nga itong lumalapit sa'yo?... inis na wika niya sa sarili. Pagdating ng hotel ay tinulungan siya ng driver na ibaba ang maliit niyang maleta. "Thank you, kuya" aniya saka binigyan ito ng isang libo. "Keep the change po." sambit niya. Malapit lang naman ang airport sa hotel
"Nay, babalik na kami sa Manila ni Lilly..." paalam niya. Alas tres na ng hapon at kailangan na nilang bumiyahe para hindi sila gabihin sa daan. Naiiyak siya dahil kulang ang isang araw na magkasama sila ng nanay at lolo't lola niya. "Bisitahin ko na lang kayo ulit dito ha" singhot niya habang yakap-yakap ito. "O 'di kaya ako naman ang bisitahin niyo doon. May condo naman ako sa Manila kaya may matitirhan kayo." "Sige anak, bisitahin ka namin doon habang hindi ka pa pinapabalik ni Ma'am Jonie sa America. Susulitin natin ang time na andito ka sa Pilipinas." "Mag-ingat ka doon, apo... ingatan mo palagi ang sarili mo. 'Wag kang magpupuyat at magpapakapagod, ha." "Opo, lola." Isa-isa niyang niyakap ang mga ito. Maging si Lilly ay nagpaalam na rin sa pamilya niya. Sumakay na sila sa kotse na si Mang Berting ang driver. Panay pa ang kaway nila habang papalayo ang kotse. "Ate, nakakaiyak naman..." nahawa ata si Lilly sa kanya at umiiyak din ito kahit hindi naman nito pamilya. "Gus
Nagising siya kinabukasan na mabigat pa rin ang dibdib. Unang ginawa niya ay tingnan ang cellphone... walang kahit isang message o tawag mula kay Gray.Ngayon lang niya na-experience na nagalit si Gray sa kanya ng ganoon. Usually ay magagalit lang ito sandali pero kahit kasalanan niya ay ito pa rin ang ang so-sorry. Pero ngayon ay tiniis siya ni Gray.Pinilit niyang bumangon. Ayaw niyang makita ni Lilly na may pinagdadaanan siya. Dumiretso siyang banyo habang tulog pa ang dalaga. Mabilisan siyang naligo at nagbihis. Ang plano ay iikot sila sa Baguio. Ipapasyal nila si Lilly. Saka bonding na din nila ng mag-ina’t pati na ang kanyang lolo’t lola.Paglabas niya ng banyo ay gising na rin si Lilly.“Good morning, Ate. Ang aga mo ata gumising!” bati ni Lilly habang humihikab pa. Hindi na niya sinabi na hindi naman siya masyadong nakatulog sa kakahintay sa tawag o message ni Gray.“Ah, hindi naman.. kakagising ko lang din” pagsisinungaling niya.“Ahm Lilly…" tawag pansin nya sa dalaga. "Nags