Mag-log inMariin niyang kinuyom ang kamao habang pilit nilulunok ang matinding selos na sumisiklab sa dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang mas nangingibabaw... galit, takot, o pagkabigo.Bakit ganoon? Parang napakadali lang siyang palitan?“Iho? Are you still there?”Napakurap siya. “Lola…” mahina niyang tugon. Ngayon lang niya tuluyang naramdaman ang bigat ng lahat. “I’m scared.”“Bakit naman, apo?”Napahigpit ang hawak niya sa cellphone. “B-baka mawala si Jolisa sa akin…” halos pabulong niyang sabi, garalgal ang boses.Sandaling natahimik si Lola Beth bago ito marahang nagsalita. “Apo… kung kilala mo si Jolisa at nagtitiwala ka sa kanya, hindi mo dapat nararamdaman ’yan.”“I trust her…” bulong niya habang napapikit. Parang may kamay na sumasakal sa kanyang lalamunan. “But… I don’t trust Daniel.”Marahang natawa si Lola Beth. “Tyler… let her live her life!”Tahimik siya matapos marinig ang sinabi ng kanyang lola.... Let her live her life.Paulit-ulit iyong umalingawngaw sa isip niya haban
TYLER'S POV:Tahimik lang na nakatitig si Tyler sa cellphone niya, mahigpit ang pagkakahawak sa aparatong tila ilang araw nang naging dahilan ng kanyang frustration.Muli niyang pinindot ang pangalan ni Jolisa...Calling…Ilang segundo ang lumipas bago muling tumunog ang automated voice message.... "The number you are trying to call is out of service…"Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka napamura sa ilalim ng hininga. Isang bwan na... Isang buong buwan na wala silang komunikasyon ni Jolisa.Sa hindi niya malaman na dahilan, bigla na lamang itong nawala na parang bula. Hindi na sumasagot sa messages, hindi matawagan, pati ang mga social media nito ay deactivated na rin. Tila kusang pinutol ang lahat ng koneksyon sa kanya.Napabuntong-hininga siya habang pinapatong ang ulo sa sandalan ng sofa. Aaminin niyang kasalanan din niya. Pagkatapos niyang umalis ng bansa, halos hindi siya nakipag-communicate kay Jolisa. Gusto niya itong bigyan ng oras at space para makapag-isip. Akala niya, m
Pagkasakay niya sa kotse ay agad niyang napansin ang isang napakalaking bouquet ng bulaklak sa backseat. Halos mapuno nito ang kalahati ng likurang upuan dahil sa laki. Imposibleng hindi iyon mapansin.Lihim siyang napabuntong-hininga. Pakiramdam niya ay alam na niya kung para kanino iyon kahit hindi pa nagsasalita si Daniel.Ilang segundo pa ay sumakay na rin ito sa driver’s seat. Ngunit nang mapansin nitong nakatingin siya sa bouquet ay tila bigla itong nailang.“Para pala sa’yo ’yan,” nahihiyang sabi nito habang umiiwas ng tingin. “Nadaanan ko lang kasi ’yung batang nagbebenta sa labas… naawa naman ako.”Napapikit siya sandali bago marahang napailing. “Daniel…” mahina ngunit seryoso niyang putol. “Ginamit mo na ’yang alibi na ’yan kagabi.”Napakamot ito sa ulo saka napatawa nang pilit. “Ganun ba? Buking na pala ako.”“Daniel…” muli niyang sabi. Ngayon ay tuluyan na siyang humarap dito. Ayaw na niyang paligoy-ligoy pa.“Alam mo namang kakabreak lang namin ni Tyler, ’di ba?”Natahimi
Nahihiya siyang bumaba. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya bagay sa ganoong klaseng lugar. Kahit ilang beses na rin naman siyang nakakain sa mamahaling restaurant noon kasama si Tyler, iba pa rin kapag siya lang.“Kahit sa karinderya na lang sana tayo…” nahihiyang sabi niya.Ngunit napangiti lang si Mama Jess. "May kasama kasi tayo.”“Huh?”“Hindi lang tayong dalawa. At saka hindi tayo puwedeng sa mataong lugar.”Noong una ay hindi niya agad naintindihan. Pero nang mapatingin siya sa parking area at makita ang pamilyar na sasakyan ni Daniel, saka niya lang narealize kung sino ang naghihintay sa kanila.At biglang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. “Andito si Daniel?” excited niyang tanong.Hindi niya napigilang ngumiti. Kagabi lang ay magkasama silang kumain sa condo, tapos ngayon ay magkakasama na naman sila. Hindi niya maintindihan kung bakit parang ang gaan lagi ng atmosphere kapag kasama si Daniel.Mabilis siyang bumaba ng sasakyan kasama si Mama Jess. Pagpasok nila sa resta
Nang matapos ang kanilang workshop ay nagpaalam siya kay Coach Kitty upang pumunta sandali sa CR habang hinihintay ang sundo niyang si Mama Jess. Medyo pagod ang katawan niya, pero masaya dahil maayos ang naging unang araw niya. Kahit kinakabahan kanina, nagawa naman niyang makasabay sa iba. Tahimik niyang itinulak pabukas ang pinto ng comfort room. Ngunit kasabay ng pagpasok niya ay ang pagpasok din nina Queenie at ng tatlo nitong kaibigan. Agad na nagsara ang pinto sa likuran nila. Narinig pa niya ang tunog ng pagla-lock nito. Nanlamig ang likod niya. Parang matagal na siyang inaabangan ng mga ito. “Ano’ng kailangan ninyo sa akin?” maingat niyang tanong. Pilit niyang pinatatag ang boses kahit unti-unti nang bumibilis ang tibok ng dibdib niya. Apat sila, mag-isa lang siya. Humalukipkip si Queenie habang matalim siyang tinitigan mula ulo hanggang paa. “Pasikat ka ba, Jolie?” mapanuyang tanong nito. “Ano’ng akala mo sa ginagawa mo kanina sa workshop?” Napakunot-noo siya. “Bakit?
“Alright, guys,” nakangiting sabi ni Coach. “Before we start, magpakilala muna kayo isa-isa.”Walang pag-aalinlangang unang tumayo si Queenie. Confident nitong ipinakilala ang sarili pati ang pamilya nito. Halatang sanay na sanay itong maging center of attention.Sunod-sunod ding nagpakilala ang iba. Halos lahat ay may koneksyon sa politika, negosyo, o showbiz. Lahat galing sa mayayamang pamilya. Lahat may pangalan...Siya na lang ang natira.“Jolie, your turn.”Dahan-dahan siyang tumayo. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay muling nagtawanan ang apat na babae.“Girls, don’t be a bitch…” biglang sita ng isa sa mga lalaki. Narinig niya kanina, Xandro ang pangalan nito.“Kanina pa namin napapansin na pinagtatawanan n’yo si Jolie,” dagdag nito.“Xandro, mind your own business!” iritableng sabi ni Queenie.Umismid lang ang lalaki bago sumandal sa upuan.“Continue, Jolie,” sabi ni Coach Kitty.Mahina siyang tumango bago nagpakilala. Pangalan niya lang at kung saan siya nakatira ang sinabi n
Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Halos hindi na siya nakakapag-bonding ng mga magulang niya dahil palagi siyang nakatutok sa hotel.Paglabas niya ng kanyang kwarto ay naabutan niya ang kanyang mga magulang sa komedor. Nagtataka siya dahil parehas ding busy ang mga ito sa iba pa nilang negosyo
Sa totoo lang ay takot na naman siya sa pakikitungo ni Aria. Parang guilty siya kahit hindi niya alam ang kasalanan niya.“Hindi mo na siya kailangang samahan, Aria. Andito naman ako dahil ako ang girlfriend, ‘di ba?” sabat na naman ni Madison.Napangiwi siya… paulit-ulit na sinasabi ni Madison na
Pagdating nila sa kanyang cubicle ay andoon si Clarkson at mukhang naghihintay sa kanila. Madilim na naman ang mukha nito nang makitang magkasama sila ni Ben.“Bakit ang tagal mo? Naghihintay na ang trabaho mo dito.”Hindi siya sumagot pero sumimangot siya. Bakit kasi siya binabantayan nito?“Iha,
“Ano ba... sa bahay magkasama din naman tayo kumain. Baka kung ano na ang sasabihin ng mga tao dito. Si Madison ang kulitin mo doon at hindi ako.” muling sabi ni Aria.“But you are my sister too!”Ewan, pero parang may nakita siyang pait sa mga mata ni Aria.“Sige na nga! Pero sa isang kondisyon...







