Life After Marriage with the Playboy

Life After Marriage with the Playboy

last updateLast Updated : 2026-09-07
By:  HANIFAHUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
5Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“I can fight off any whōre you sleep with, but I can never fight a child... especially when I can't even give you one.” — Liana Monteclaro. Babaero. Ganoon ko ilalarawan ang asawa kong si Lucas Valderama. Simula't sapol, alam kong ang kakambal kong si Lana ang totoong pangarap niyang dalhin sa altar. Pero sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya, pumayag akong maging pangalawang opsyon lang niya. Tiniis ko ang gabi-gabi niyang pambababae at ang pag-ungol niya sa pangalan ng kapatid ko sa gitna ng aming pagtatalik. Nilunok ko ang lahat ng sakit at nagpakamartir ako sa loob ng dalawang taon naming buhay-magasawa. Inintindi ko siya dahil alam ko sa sarili ko na may pagkukulang din ako bilang asawa niyang babae. Baog ako. Dahil alam kong kailanman ay hindi ko maibibigay sa kaniya ang kagustuhan niyang magkaroon kami ng anak, tinanggap ko ang bawat kababuyan niya bilang kabayaran sa sarili kong pagkukulang. Pero nagbago ang lahat nang isang madaling araw, may kumatok sa pintuam ng aming bahay na isang babaeng may hawak na ultrasound result at sinabi nito sa akin na nabuntis siya ng asawa ko. Doon tuluyang nadurog ang natitira kong dignidad. Isinumpa ko ang asawa ko, nag-file ako ng annulment papers, at nilayasan ko siya. Pero bakit kung kailan pinalaya ko na siya, saka siya nagtino? At kung kailan nakahanda na akong kalimutan siya... saka naman dumating ang isang hindi inaasahang himala? Buntis na pala ako… pero wala akong balak na sabihin kay Lucas na siya ang ama.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

“You b*tch!" nanggagalaiti kong sigaw sabay sampal gamit ang natitira kong lakas sa babae.

Babae. Isa na namang babae ang nahuli kong nakakandong sa asawa ko dito sa may bar.

"Alam mo ng may asawa, nagawa mo pang landiin!” sigaw ko pa, isang magkambal na namang sampal ang iginawad ko sa magkabilang pisngi niya.

Umalingawngaw ang tunog ng sampal sa buong VIP section na kinaroroonan namin.

Hindi pa ako nakontento at sinabunutan ko na ang blonde na buhok ng babae.

"You cheap whōre!" sigaw ko pa, kinaladkad na siya sa sahig, dahilan para maalis siya sa kandong ng asawa ko.

"A-Aray! Help! She's crazy! Lucas, tulungan mo ako!" tili ng babae habang nagpupumiglas.

Pero ang asawa ko? Nakasandal lang siya sa leather sofa habang hawak ang kaniyang baso ng whiskey, at may nakaguhit na sarkastikong ngisi sa kaniyang mga labi. Bahagya pa niya akong tinaasan ng kilay habang may nakakalokong ngisi sa labi. Napakagāgo talaga!

"Ow, it's my beautiful wife…" bulalas niya na para bang sa sobrang kalasingan ay ngayon lang niya ako namukhaan. Saglit pa niyang tinapunan ng tingin ang bartender sabay itinaas ang kaniyang kamay. "Right on time as always, Liana. What’s your drink of choice tonight after this grand performance?"

Salubong ang kilay kong iniwanan ang babae niya. Lumapit ako sa gawi niya at agad siyang hinawakan ng madiin sa kwelyo, pilit siyang pinapatayo mula sa kinauupuan niyang sofa.

"Get up now, my bāstard husband. We're going home. Now!"

Pero imbes na sundin agad ako ay mahina lang niya akong tinawanan, ang klaseng tawa niya na gabi-gabing pumapatay sa puso ko. "Anything you say, my lovely wife…"

***

Ito ang buhay ko sa loob ng dalawang taon naming kasal.

Sa mata ng publiko, ako si Liana Monteclaro, isang sikat na top model, paborito ng mga magulang, maganda, matalino, at kinikilala sa bawat fashion runway sa loob at labas ng bansa. Pero sa likod ng mga camera at ilaw ng stage, isa lang akong martyr na asawa na nakokontento na sa bare minimum na binibigay ng asawa ko, si Lucas Valderama.

Nang alukin ako ni Lucas ng kasal dalawang taon na ang nakararaan, alam kong hindi ako ang totoong gusto niya. Simula't sapol, alam kong ang kakambal kong si Lana ang babaeng pangarap niyang dalhin sa altar. Pero sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya, pumayag pa rin akong magpakasal sa kaniya. Umasa ako na sa paglipas ng panahon, matututunan din niya akong mahalin. Na balang araw, matatabunan ng presensya ko ang kakambal kong pangarap niya.

I was so foolishly in love that I willingly stepped into a golden cage.

Akala ko noon, ang alaala lang ni Lana ang magiging kaagaw ko sa kaniya. Pero nagkamali ako. Gabi-gabi na siyang umuuwing lasing, kung saan-saang bar siya tumatambay, at nagpapakalunod sa alak. At kung hindi ko pa siya pupuntahan at kakaladkarin pauwi, hindi na siya uuwi sa bahay namin.

I was a b*tch long before marriage. But when it came to protecting mine, I became the kind of b*tch no one wanted to mess with.

Sa katunayan, hindi ko na mabilang kung ilang babae na ang nasampal ko, nasabunutan, at nakaladkad palabas ng mga VIP lounge para lang ipaglaban ang puwesto ko bilang legal na asawa niya.

***

Mag-aalas kuwatro na ng madaling araw nang makauwi kami sa aming bahay.

Gusto ko sana siyang paulanan ng sermon katulad ng araw-araw kong ginagawa kaso wala na talaga siya sa wisyo. Nakatulog siya sa kotse habang binabaybay namin ang daan pauwi.

Dahil malaki siyang tao, hirap na hirap ko siyang alalayan papasok ng aming kuwarto. Balak ko sana siyang palitan ng damit kasi baka matuyuan siya ng pawis, pero bago ko pa maialis ang polo niya, bigla siyang gumalaw at sa mabilis na kilos ay nahawakan niya nang mahigpit ang baywang ko sabay hapit sa akin padikit sa katawan niya.

Sa kawalan niya ng balanse ay sabay kaming natumba sa kama. Pumaibabaw ako sa kaniya habang ang hawak niya ay hindi naalis sa baywang ko.

“Lucas… umayos ka!” may pagbabanta kong sita sa kaniya.

Pero ang magaling kong asawa, binaliktad niya ang posisyon namin at siya na ang pumaibabaw sa akin. Ang mainit at amoy alak niyang hininga ay agad dumaan sa ilong ko. Namalayan ko na lang na siniil niya ako ng halik nang malasahan ko ang alak sa kaniyang labi.

"Satisfy me, my dear wife," tunog paos niyang bulong.

Hindi pa man ako nakakasagot ay muli na naman niya akong siniil ng halik. Mas malalim at punong-puno ng pagnanāsa ang ibinibigay niyang halik.

Dating gawi, pumikit ako at dinama ang bawat lapat ng labi niya sa akin. Hinayaan ko siyang angkinin ako sa gitna ng napakatahimik naming silid. Pinulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang leeg at nagpaubaya ako sa kaniya.

Nakakatawa lang dahil sa kabila ng lahat ng sakit na dulot ng walang katapusan niyang pangbababae, heto ako't bumigay na naman sa kaniya.

Ang tanga ko sa parteng ito… pero mahal ko kasi.

Mahal na mahal ko na siya higit pa sa sarili ko.

“Ahh… L-Lucas, p-please… bilisan mo!” impit kong ungōl nang pabilis na nang pabilis ang pagtulak niya.

Kahit dalawang taon na kaming kasal, pakiramdam ko ay laging first time namin magtālik kapag nasa ganitong sitwasyon na kami.

'Yung kilig, spark, at tuwa ay nandito pa rin sa akin.

Tuloy lang ang pagtulak niya habang ako nama'y pilit sinasabayan ang ritmo niya. Mariin pang nakapikit ang mga mata ko habang pigil na pigil ko ang malakas kong pag-ungōl.

Pero sa gitna ng aming pagtatālik, nang hawakan niya nang mahigpit ang aking bewang at ibaon ang kaniyang mukha sa aking leeg, dumaing siya sa hindi ko inaasahang pagkakataon…

"Lana... d*mn it, Lana... ah..."

Kusa akong napadilat at pansamantalang napatitig sa kaniyang mukha. Naabutan kong mariin siyang nakakagat sa kaniyang labi habang bahagya siyang nakatingala, dinadama ang bawat pagbayō sa akin.

“Sh*t, Lana… ugh!” ungōl pa niya sa pangalan ng kakambal ko.

Napapikit ako at kusang tumulo ang luha ko. Para akong sinaksak ng napakaraming kutsilyo nang sabay-sabay. Nakakadurog ng puso na habang hawak niya ang katawan ko at ako ang nagpapakapagod na mag-alaga sa kaniya, ang pangalan pa rin ng aking kakambal ang tanging nagpapasaya sa kaniyang pantasya.

Sanay naman ako kasi hindi ito ang unang beses na mangyari ito. Pero masakit pa rin talaga.

Tānga na akong tānga pero katulad ng nakasanayan ko, pinalagpas ko pa rin iyon. Tiniis ko ang napakasakit na gabi na iyon. Nang makatutog siya sa tabi ko, tahimik akong bumangon saka ako nagsuot ng robe. Pagkaupo ko sa sala ay doon na ako napatitig sa kawalan.

Hanggang kailan ba? Hanggang kailan ako makakaalis sa sitwasyong ito? At kailan ba ako matututunan ng asawa ko na mahalin?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

HANIFAH
HANIFAH
Start: Sep. 7, 2026
2026-09-07 18:19:47
0
0
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status