Sakay buhat ng karwahe, may kadalian kong pinuntahan ang mansyon ng mga Ramirez. Mula ng marinig ang masamang balita mula kay Pablo at hanggang makasakay, wala pa rin akong ibang inisip kundi si Eduardo.
Inisip ko kung gaano siya kalungkot ngayon. Inisip ko rin kung gaano ang kanyang paghihinagpis sa mga sandaling iyon. Wari ko at alam ko, na katulad ito sa paghihinagpis ko noon sa pagkamatay ng aking mga magulang.
Alam kong napakasakit ito sa puso.
Nakakagulat talaga ang biglaang pangyayari. Wala na si Don Agapito. Wala na ang dating gobernadorcillo ng Santa Lucia na hinahangaan ng mga tagabayan. Wala na ang pinakamaimpluwensiya ngunit payak at makataong lalaking nakilala ko.
Wala na rin ang ama ng aking irog. At ngayon, hindi ko ala
Naramdaman ko na lamang na may isang malambot na bagay akong kinakagat sa aking bibig. Nanlisik naman ang aking mga mata ng makita ko at mabatid na ang kinakagat ko pala ay leeg ng isang tao. Hinagis ko naman ito ng malakas palayo sa akin na siyang pagkahulog na may isang pagdabog sa sahig ang aking narinig.Malakas ang naging pintig ng aking puso. Naririnig ko rin ang lakas ng paghinga ng aking ilong. Nagsitayuan din ang mga balahibo sa aking katawan.Napatulala na lamang ako sa gulat nang mabatid kong isang tao iyon at marahil ay wala na itong buhay.Tiningnan ko mula sa kama ang naihagis kong katawan. Isa iyong babae. Isang babaeng makayumangging tulad ko na may makintab at maitim na buhok. Nakasuot ito ng baro't saya na may gayak na pinakintabang perlas sa kanyang leeg. Duguan ito.
Umuulan sa araw na iyon. Tila nakikisabay ang maitim na kalangitan sa kalungkutang nadarama ng mga mamamayan ng Santa Lucia. Dala ang kani-kanilang mga payong ay sumabay sa mga luhang tumutulo mula sa kanilang mga mata ang isang mahinang at malamig na ulan.Nakiramay, marahil para sa lahat,ang buong kalangitan sa pangungulila ng mga tagabayan sa pagkamatay ng isang mabait na taong naglingkod sa kanila s mahabang panahon.Sa araw na iyon, ihahatid na ang mga labi ni Don Agapito upang mamahinga na ng tuluyan at kasabay nito ay ang mga bugso ng mga alaalang mabubuti tungkol sa yumaong senyor.Maririnig mula sa simbahan ang isang mahinang pagpapatunog ng mga kampana mula sa tore nito. Ito ay ang bilang pagtawag umano sa mga anghel upang kunin o sunduin patungo sa Maykapal ang kaluluwa ng y
Wala pa ring pinagbago. Walang nagbago. Hindi ko pa rin nagawang makita at nagawang maligtas ang kapatid kong si Damian. Naghintay ako sa wala. Hindi ko rin alam kung ano na ang nangyari sa kanya, kung buhay pa ba siya o patay na.Bigo na nga ba akong mailigtas ang kapatid ko?Narinig ko na lamang na yumao at nasawi sa pagpatay ang ama ni Senyorito Eduardo na si Don Agapito. Kalat na sa buong Santa Lucia ang nangyari. Nagulat naman ang lahat sa masamang balita. Ngunit sa pagkarinig ko sa balitang iyon,isa lamang ang pumasok sa aking wari.Waring nagtutumbok sa mga salitang, May pag-asa pa ba akong mailigtas si Damian?Ngayon at nagluluksa ang senyorito, ngayon at naghihinagpis ito sa pagkamatay ng ama, tiyak kong mababaling ng pangyayari ito ang kanyang balak sa pagtupad ng pangakong ililigtas niya si Damian mula sa di malamang pagkakakulong. Alam kong uunahin muna niya ang mahanap at madakip ang mga tulisang iyon kaysa sa gawin ang paghahanap at paglilig
Hindi na umuulan sa araw na iyon. Wala ring namumuong maiitim na ulap sa kalangitan. Buo ang pagkaaliwalas ng panahon. Masasabing isang napakagandang araw ito upang magising.Buo ang pamilya Agoncillo na kasama kong kumakain ng pananghalian sa komador. Sinabayan ko silang kumain ng piniritong tilapia na siyang ulam namin sa tanghaling iyon. Gaya noon, pilit ko na lamang itong kinakain kahit walang nalalasahang sarap upang hindi nila ako mapaghihinalaan. Simula ng makarating ako rito, ang dugo ng mga alagang hayop sa rantso gaya ng mga manok at kambing ang siyang pinagkukunan ko ng lakas. Ang pag-inom ko ng dugo ng mga hayop ay hindi man kasingsarap gaya ng dugo ng tao ngunit napapawi rin naman nito ang aking matinding uhaw. Bagkos, ilang araw din akong sinanay noon upang magawa kong sipilin ang pagkauhaw sa dugo ng tao.Katabi ko sa aking inuupuan sina Manuela at Laura. Sa harapan naman namin ay sina Tiya Dolores at ang iba pang mga kapatid ni Manuela. Nasa unahang dul
Mula sa pagkagising ko sa araw na iyon, wala na akong ginawa pa kundi ang magsulat sa aking journo. Bawat detalye at bawat pakiramdam ko sa mga nagdaang araw ay aking itinala sa makapal at mumunting kwadernong dating pinagmamay-arian ng aking yumaong ama.Nang dumating ang tanghali, ibinigay sa akin ni Prudencia ang isang kararating pa lamang na maliit na sobre. Sa malapad na mukha nito, ay nakilala ko ang nakatatak na simbolo.Isang maliwanag na araw na may walong silahis. Sa gitna ng araw na iyon ay may hugis-kalawit na buwan.Ito ang simbolo ng Sinag Araw. Ang simbolo ng aking kapatiran.Pagkabigay ni Prudencia, binuksan ko kaagad ang natanggap na sobre. Laman nito ay isang mensahe na mula pa kay Padre Paterno, ang Unang Sinag. Ayon sa sulat, may mahalagang pagpupulong ang magaganap mamayang gabi sa Piedra del Sol, ang nakatagong lugar kung saan ginaganap ang mga malalaking pulong na kalimitang ginagamit sa pagpupulong ng lahat ng mga kasapi ng Sinag A
"Graciela?" ang pagkilala sa pangalan ng taong tumambad mula sa aking pintuang pawid sa umagang iyon. Hindi ko inaasahang makikipagkita ang aking pamangkin sa akin."Tiya, maaari ba kitang makausap?" malambot at mahinang timbre ng tinig ni Graciela na nasa labas pa ng pinto."Pasok ka," pag-anyaya ko sa kanya na siya rin namang pumasok sa loob ng aking bahay kubo. Umupo siya sa isang silyang yari sa kahoy na kamaong at nagsimulang magsalita sa gusto niyang pag-usapan."Tiya,"panimula niya sa kanyang sasabihin. "Kilala ko na po ang mata ng tadhana,"Nagitla ako sa sinabi niya. Ang mata ng tadhana? Ang salamin ng kahapon, ngayon at bukas. Ang tanglaw sa mapaglarong bagay na tinawag nating tadhana. Talaga nga bang nahanap na ni Graciela ang mata?Bago pa man ako magkapagtanong sa kung sino ito ay nauhanahan na ako ni Graciela sa pagsasalita."Si Senyorita Manuela Agoncillo po tiya. Siya ang mata ng tadhana," anya ng aking pamangkin sa isang pan
Nasa mesa ako ng aking silid, nagsusulat muli sa aking journo tungkol sa naganap kagabi na talagang ikinagulat ko. Naalala ko ang nagpakitang Liwanag ng Araw sa pulong na iyon na talagang dama ko ang kakaibang damdamin sa sinuman ang nasa likod ng gintong maskarang iyon. Iniisip ko man ito ngunit napakasakit punahin sapagkat wala akong ni isang naalala o napag alaman tungkol sa Liwanag sa buong kasaysayan ng Sinag Araw. Pati ang aking mga kasamahang matatandang kawani kagabi ay walang alam ukol sa Liwanag ng Araw. Bukod pa roon, hindi ko rin inaasahang makita ang Supremong Sinag sa bansa. May tatlong buwan na pala ito narito sa Felipinas at ni kahit isa sa mga kasapi ng Sinag Araw ay walang kamuwangmuwang maliban kina Padre Paterno at ang yumaong Don Agapito.Naalala ko ang una pagkikita namin ng Supremo, dalawang taon na ang nakakaraan. Pumunta kaming pitong kawani, maliban kay Donya Dolores, ang Ikapitong Sinag, patungo sa bansang Pransya. Nagkaroon ng mahalagang pagtitipon
Fuentes. Ang tanging umiikot sa aking isipan sa mga sandaling iyon.Naging matagumpay ako sa pagbuo ng tiwala kay Pablo. At hindi rin ako nabigong makakuha ng impormasyon ukol sa batong Fuego, ang siyang tanging bagay lamang na naiisip ko upang mapatay ang aking ama na siyang punong bampira.Ramdam ko sa pagkakataong iyon na nasa ilang hakbang na lamang ako at makikita ko na ang batong hinahanap ko.Mabilis kong pinuntahan ang bahay ng isang Fuentes na itinuro sa akin ni Pablo. Nasa tabi raw ito ng simbahan. Sa dami ng mga bahay na naroon, hindi ko matanto kung saan sa mga bahay nakatira ang may apelyidong Fuentes.Kaya nagtanong pa ako ng mga ilang taga roon at siya namang naituro nila ang kinaroroonang bahay. Nang marating ko ito, nakasarado ang pinto. Nakabukas naman ang mga bintana sa itaas ng bahay kaya wari ko't baka mayroong tao sa loob.Kumatok ako ng malakas sa pinto. Kumatok ako ng apat na beses. Matapos magawa, wala akong nakuhang sagot.Kumatok