Share

Mercedes

Naramdaman ko na lamang na may isang malambot na bagay akong kinakagat sa aking bibig. Nanlisik naman ang aking mga mata ng makita ko at mabatid na ang kinakagat ko pala ay leeg ng isang tao. Hinagis ko naman ito ng malakas palayo sa akin na siyang pagkahulog na may isang pagdabog sa sahig ang aking narinig.

Malakas ang naging pintig ng aking puso. Naririnig ko rin ang lakas ng paghinga ng aking ilong. Nagsitayuan din ang mga balahibo sa aking katawan.

Napatulala na lamang ako sa gulat nang mabatid kong isang tao iyon at marahil ay wala na itong buhay.

Tiningnan ko mula sa kama ang naihagis kong katawan. Isa iyong babae. Isang babaeng makayumangging tulad ko na may makintab at maitim na buhok. Nakasuot ito ng baro't saya na may gayak na pinakintabang perlas sa kanyang leeg. Duguan ito.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status