Share

Chapter 02 - The Aces and Queens

Bella Schist

“When kaya makakabingwit ng Ace noe?” Tanong ni Khalis. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Tumingin ako dito. “Ang mga Aces ay para lang sa Aces.” Saad ko.

“Pero paano kung lahat sila lalake? Edi sila sila lang din magjojowaan? Yocc, yaoi.” Natatawang sabi nito. “Pero di ba dalawa palang yung Aces? Kanina ko nga lang nakilala ‘yang pangalawa. Siya pala Ace of Spades. Pinakamaangas na posisyon gago!” Parang nababaliw na saad niya.

“Tatlo. ‘Yang sakit sa ulong ‘yan na nasa mission natin ang isa. Then si Agent Harton or should I say Nyx, ang Ace of Diamonds, ‘yung may pangatlong position sa Aces. At si Sire, ang Ace of Hearts, siya pangalawa.” Sagot ko rito.

“T-Tangina? Si Boss?!” Gulat na tanong niya. Napatawa nalang ako.

“Edi puro lalaki sila?” Tanong ulit nito. Tinitigan ko lang siya. “Sabi mo kanina, ang Ace ay para lang sa Ace. So paano kapag lalaki silang lahat? What if pati yung Ace of Clubs ay lalaki rin?” Sunod sunod na tanong ni Khalis.

“Wait lang ah? Ganito kasi ‘yon. Kung sino ang may mga mataas na posisyon sa Aces, siya ang mapapangasawa ng may pinakamataas na posisyon din na babaeng Ace or yung mas mababa do’n, Flores. Kung lalaki pa ang dalawang ‘yan, ‘yong may title na Axe ang papakasal.” Sabi ko rito.

“Axe? Di ba may fiancé na ‘yong supermodel na ‘yon? Si Ms. Sheila. Saka ‘yong Flores, jowa ‘yon ni Boss di ba?” Giit ni Khalis.

“Hindi pwedeng ikasal sila Ms. Kiezynx at Ms. Sheila na hindi pa kasal ang Ace of Spades. Why? Kasi hindi pa natin kilala kung sino ang Ace of Clubs. Malay ba natin kung lalake o babae ‘yon?” Sagot ko dito.

“Kung lalaki ‘yong Ace of Clubs, patay si Boss kung girlfriend niya mapapangasawa ng bestfriend niya, ay pota!” Tawang tawa na sabi ni Khalis.

“Bunganga mo.” Sita ko sa kaniya at pinandilatan siya ng mga mata. “Well, walang magagawa si Sire. ‘Yon patakaran nila edi panagutan niya. But I’ve heard na blood related daw ang Ace of Spades at si Miss Sheila.” Natatawang sagot ko dito.

“Naawa ako kay Boss. Pero okay lang, nandiyan pa rin naman si Agent Vianna. Di ba Elyse?” Tanong nito sa babaeng nagtatrabaho sa kabilang table, ka-buddy Klien o mas kilala bilang Agent Liah.

“Hoy! Nananahimik ako dito ah? Wag niyo ako dinadamay.” Depensa naman ni Agent Vianna sa sinabi ni Khalis.

“Complicated ng buhay nila. Buti na lang ako pwedeng-pwede kaming ikasal ni Agent Kenzo ng kahit anong oras kung gugustuhin.” Wala sa sariling saad ng ka-buddy ko. Loko talaga, nagawa pa ngang isingit ang kaharutan niya.

“Ang tanong… gusto ka ba niya?” Pambabara ko rito kaya naman napairap siya.

“Aray ko ha! Wala ka man lang suporta, parang hindi tayo magkaibigan, Niebe!” Nagtatampong maktol niya.

“Nagsasabi lang ako ng totoo. Saka gusto ba ng isa sa inyo ni Agent Kenzo ang alis dito sa Agency para lang maging kayo na? Mahal no’n trabaho niya. As if. Alam mo namang di pwede maging love birds mga andito. Lalayas ang isa sa trabaho gaga.” Natatawang saad ko. 

“Hala sige crush pa nga. Pasalamat kayo at wala ang ka-buddy kong si Agent Kenzo dito.” Ngiting nang-aasar na tugon ni Agent Kross.

“Whatever!” Sabay naming sabat ni Khalis kay Agent Kross.

“Pero gaga, I really don’t know how Aces work. Bakit need pa talaga ng title?” Baling ni Khalis sa ‘kin. “Pasosyal lang, gano’n?” Tanong ulit nito.

“No, title ‘yon ng mga may mataas na katayuan in our society. Mga taong ‘utos dito, utos doon’ para magawa ang mga gusto nila. Or better say, mga taong mapagmataas sa lipunan, kagaya ng isang nasa opisinang ‘yan.” Saad ko sabay irap at turo sa direksyon kung nasaan ang opisina ni Hiro.

“Agent Snow!” Sigaw ni Hiro sa likuran ko. Dahil sa gulat ay napabalikwas ako ng upo kaya naman nahulog ako. 

“Shit! Tangina talaga ni Hiro, nalintikan na!” Sigaw ko. Napatakip ako ng bunganga. Bad Agent Snow, bad. Turo nila bawal magmura at magsalita ng masama, lagot ka ngayon.

“Sorry Sire.” Napayuko ako habang humihingi ng tawad. Tangina kasi eh!

“Tss. Serves you right. Kung nagtatrabaho ka lang sana ng maayos at hindi ka puro reklamo, baka tapos na ‘yang assignment na ibinigay ko sa ‘yo. Nauna pa chismisan ninyo kaysa magplano ng gagawin.” Sabi nito sabay alis. Ha? Tangina? “Back to work!” Sigaw pa niya habang naglalakad pabalik sa office niya. Ang hirap talaga makisama sa mga may menopause katulad ng boss namin. Promise.

Lumapit ang ka-buddy ko sa ‘kin at umupo sa tabi ko. “So kailan tayo magsisimula?” Interesadong tanong ni Khalis.

“Anong tayo? Wait nga. May naiisip ako.” Sagot ko dito. “Jacob! Klien! Kailangan namin ng tulong niyo.” Sigaw ko kay Agent Kross at Agent Liah. Alam kong wala pa silang project kaya bubulabugin ko muna sila habang available pa. Irerequest ko na lang kay Sire na isama sila sa misyon para may back up ako.

“Anong kinalaman nila sa misyon natin?” Takang tanong ni Khalis sa ‘kin. “Kasama natin silang magpaplano.” Sagot ko rito.

Napagkasunduan namin na mauuna na papasok si Khalis sa organizational company na mayroon si Lance Joshua, ang Ace of Spades. Ang hindi ko alam ay kung paano paganahin utak ko kapag gwapo target ng mission ko! Kidding aside, stress ang aabutin ko nito. Katatapos lang ng assignment kong huli, may bago na naman.

Naghahanda pa ako. Kailangan ko alisin lahat ng kaharutan ko sa katawan bago ako sumabak sa misyon. Tangina kasi ni Agent Hades! Di siya nakakatuwa magbigay ng misyon!

Nakaupo ako habang binabasa mga info na nakalagay sa folder na hawak ko nang biglang may magsalita sa likuran ko. 

“Ano na? Di mo pa nakikita ‘yan tunaw na tunaw na sa pagpapantasya mo.” Saad ni Hiro sabay lapag ng isang magazine. Tinitigan ko lang ‘yon. “Hiring sila ng secretary at the same time ay personal assistant ng Ace.” Sabi niya kaya naman ay napatingin ako sa kaniya.

“So?” Masungit na tanong ko dito.

“Pinapadali ko na buhay mo. Baka may reklamo ka na naman, ikaw na ‘tong tinutulungan.” Sagot niya sabay alis. Ang bastos kausap ha? Wala pa akong sinasabi, nambibintang na agad.

Kinuha ko ang magazine na ibinigay niya at binasa ‘yon. Napangiti ako sa naisip na plano. Okay lang na hindi na masunod ang Plan A kung pwede namang gumawa ng Plan B. Humanda ka sa ‘kin ngayon, pahirap ka talaga sa buhay ko Lance Joshua Villarreal-Sinclair!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status