LOGINHasna Cyrene Sullivan live herself in hatred and despair after she witnessed how a beast slaughtered her family. Hasna trained herself using different weapon at her young age. She decided to enter the world of the wolves to avenge her family when she have the strength to fight. After she turned into her right age, she started to locate the Alpha. She entered the world of the wolves and her belief suddenly changed. She fell in love with the last alpha of West Kingdom – Jadris Conri Mervius But the major conflict has come. She found out that she is not a normal human who wanted to give justice to her family but she is the daughter of a witch who needs to behead or kill the remaining bloodline of the Alphas who murder hundreds lives of witches. How can Hasna deal with this situation especially Jadris Conri Mervius – the last alpha who she loved has the blood of the wolf that witches wanted to kill? And how she can clear the name of Jadris to those head hunters who also wanted to kill him? How she can prove that the true evil and traitor is within their group?
View MoreHINDI mapakaling naglalakad si Hasna habang nakatingin sa paligid na unti-unti nang nilalamon ng dilim. Hindi niya mawari an gang kaniyan pakiramdam dahil sa magkahalong panggigigil at takot para sa kaniyang mga kasama. “Hasna,” tawag ni Mang Rigor sa kaniya kaya naman nakuha nito ang kaniyang atensyon. Bumaling ang leeg ni Hasna sa direksyon kung saan niya narinig ang tinig ng lalaki. “Mang Rigor,” mahinang sambit niya at saka ito sinalubong. “Wala pa rin ba si Kapitan Klaus?” “Wala pa, kanina ko pa nga siya hinihintay dahil ang ilan sa mga armas ay nasa loob pa ng bahay,” sagot ni Hasna. T umango-tango naman si Mang Rigor at saka napakamot sa kaniyang ulo. “Nakapuwesto na rin naman ang ilang hunters sa mga lugar kung saan sila nakatalaga. Mas maaga namin silang pinapunta sa puwesto dahil mas malaki ang tyansa na hindi alam ng mga taong lobo kung saan sila nakatago,” ani Mang Rigor. “Tama lang ‘yon, Mang Rigor pero hindi ba’t malalakas ang pang-amoy ng mga taong lobo kaya may po
ISANG MALAKAS na paghila ang ginawa ni Hasna upang umabante nang husto ang isang sako ng ipa na kaniyang dala-dala papunta sa lugar kung saan ay madalas siya tumatambay at nagsasanay.Tagaktak ang kaniyang pawis nang makarating sa tapat ng isang malaking puno. Ibinagsak niya ang lubid na kaniyang kinuha sa bodega ng bahay nila at saka inupuan ang sako ng ipa na kaniyang hila-hila. Humahangos itong pinunasan ang kaniyang noo na halos mabasa ng kaniyang mga pawis. "Wews!" Dahan-dahan niyang inabot ang lubid na kaniyang dala at saka itinali ito sa katawan ng sako. Nang maitali ni Hasna ang lubid sa katawan ng sako at masiguradong hindi na ito mahuhulog pa sa oras na isinabit, ibinato niya ang natitirang lubid sa isang malaking sanga ngunit bigo itong maisabit sa braso ng sanga.Walang ibang naisip si Hasna kung hindi akyatin ang puno ngunit bago siya umakyat ay hinila niya muli ang sako at itinapat sa sanga."Ang bigat naman, ay! Dapat pala ay hindi ko ito iniwan sa labas. Sa kaiisip k
HINDI man lang dinalaw ng antok si Hasna dahil sa kaniyang mga iniisip. Isa pa, hindi rin siya mapakali dahil sa nangyayari sa kanilang lugar. Hindi man maipaliwanag nang lubusan, isa lang naman ang alam nila may kagagawan ng mga ito, walang ibang kung hindi ang mga taong lobo na naghahasik ng lagim sa kabayanan. “Hasna,” malumanay na tawag ni Kapitana Lena sa kaniya. Napabaling kaagad siya ng tingin dito at saka bumangon mula sa kaniyang pagkakahiga. Kitang-kita niya ang dala-dalang tasa ni Kapitana Lena habang papalapit ito sa kaniya.“Pinagdala kita ng gatas baka sakaling makatulong ito at dalawin ka ng antok,” wika ng kaniyang nanay-nanayan. Tinanggap naman ni Hasna ang alok ng babae at saka sumimsim dito. “Maraming salamat, Kapitana,” ani Hasna. Seryusong nakatingin lang si Kapitana Lena kay Hasna habang pinapanood ito sap ag-inom ng kaniyang tinimplang gatas. Napabuntonghininga ito na siyang dahilan kung bakit nalingon sa kaniya si Hasna. “Kapitana,”“Pasensya ka na, alam k
KATULAD ng ipinag-utos ni Kapitan Klaus, kaagad na umuwi ang mga miyembro ng head hunter lalong-lalo na sina Hasna at Almidos na halos balutin ng putik ang buong katawan dahil sa paglalaro nito sa ulanan.Kaagad na umuwi si Hasna para maglinis ng sarili. Halos matuyo na ang putik sa kaniyang balat dahil sa lakas ng hangin. Habang naliligo hindi niya maalis sa kaniyang isipan ang sinapit ni Mang Oscar.Napailing-iling siya nang may maisip na hindi maganda. Itinuon na lamang niya ang kaniyang atensyon sa pagkukuskos ng kaniyang balat upang tuluyan na maalis ang putik.Pinagsisihan niya tuloy na nakipaglaro siya kay Almidos dahil ang suot niyang damit ang halos hindi na bumubula dahil sa dumi na nakadikit rito. Natagalan siya sa pagkukusot ng kaniyang damit dahil tiyak na kapag hindi niya ito nilabhan ngayon ay pagagalitan si ni Kapitana Lena dahil magiging kalawang ang putik na nasa kaniyang damit at imposible nang maalis.Napasipol siya nang makuntento siya sa kaniyang ginagawa at maki
Makikita sa itsura niya ang pagkabahala. Tumayo ito at nagpalakad-lakad habang nakakunot ang kaniyang noo. Walang imik na pinagmamasdan ni Hasna ang kaniyang ninong. Nang hindi makatiis ay peke itog umubo upang kuhanin ang atensyon nito. “Kapitan, napapansin kong kanina pa kayo hindi mapa
MATAPOS ang paghahalal kina Hasna, Eris at Almidos, naging mailap si Hasna kay Kapitan Klaus. Habang tumatagal ay tila ba pakapal nang pakapal ang pader na nasa pagitan nilang dalawa.Hindi na nag-abala pang kausapin ni Kapitan Klaus si Hasna dahil batid niyang susundin siya nito dahil sa kagustuhan
HINIHINGAL na napahinto sina Almidos at Hasna nang makapasok sa Sitio Perdis. Kitang-kita ng kanilang mga mata kung paano mabilis na kumikilos ang mga residente na para bang sunog na kailangang apulahin. “Ano’ng nangyayari?” tanong ni Almidos sa isang babae na may dala-dalang kaldero. Hin
SA TUWING sasapit ang dilim, nagbabadya ang panganib sa paligid. Hindi mo sila makita at hindi mo alam kung kailan sila aatake.Mula sa malayo sila ay nakamasid, ninanamnamn ang iyong halimuyak at kapag hindi nakapagpigil sa tawag ng kanilang kumakalam na sikmura ikaw ay kanilang lalapain hanggang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews