“Miss Bella!” Saad ng isang kasamahan ko sa trabaho. “Nakalagay diyan ang bagong project mo.” Ika nito sabay lapag ng folder. Agent Snow got an assignment again. Hindi tulad ng ibang taong kailangan niyang bigyang serbisyo, ang isang ito ay hindi basta bastang tao. He is one of the dominant and well-known businessman in their country, an Ace! She entered a non-government military secret agency five years ago through the Ace of Hearts, Akihiro Leati Zhang-Hernández, a Chinese-Filipino businessman and a former military personnel. Being the most favored by the boss among the secret agents, she was envied by her colleagues and was often called as a snobbish frost. One day, the boss called her for another mission; aside from protecting a man, she was given the chance to dig clues of the accident that happened five years ago which she suspect is related to her. Assigned in protecting the Ace of Spades of the Asian business, Lance Joshua Villarreal-Sinclair, she was forced to enter the world of the elites where she found herself being dragged into the abyss of finding pieces of clues about her own identity.
View MoreBella Schist
Prente akong nakaupo habang nakapikit ang mga mata sa swivel chair ko nang may tumawag sa akin. Napadilat ako agad ng mga mata at ibinaling ang aking atensyon sa nagsalita.“Miss Bella.” Saad ng isang kasamahan ko sabay bagsak ng folder sa harapan ko, si Agent Kross. Si Agent Kross ang isa sa mga katiwala ng boss namin dito. Jacob De Vera ang totoong pangalan niya. Isa siyang magaling na private paid spy na nagtapos sa pag-aaral bilang isang sundalo.“Nakalagay diyan ang bagong project mo.” Dagdag pa ni Agent Kross bago siya tuluyang maglakad pabalik ng kaniyang desk.“Sabi ni Boss kailangan mo daw pasukin ng palihim ‘yong organization na ‘yon na hindi ka napapansin ng mga miyembro no’n.” Sigaw naman nang papalapit na si Agent Liah, si Klien Amethyst Cordova. Siya naman ang ka-buddy ni Agent Vianna, isang private na maalam sa accounting.“Kailangan mo daw unahan ‘yong gustong pumatay sa Ace na kunin ‘yong microchip na naglalaman ng mga private files. Tungkol daw ‘yon sa Swiss account ng pamilyang Villareal na hanggang ngayon nawawala pa rin. Kapag ibang tao ang nakahawak no’n, paniguradong mapapasama siya sa mga Aces nang walang kahirap-hirap lalo na at wala pa ang Ace of Club.” Dagdag na paliwanag pa niya at umupo nang naka-de kwatro.Hinawakan ko ang file folder na nasa harapan ko. May kakapalan ito at mukhang bagong gawa at compile lang. Sakto naman na lumapit sa ‘kin si Agent Lime, ang ka-buddy ko.Her name is actually Khalis Marie Ramos Siobhan, pinsan ko sa totoong buhay. Sabay kaming pumasok sa training para maging isang spy at agent. Magaling siyang umarte at mabilis kumilos kaya naman hindi ako nagsisisi na siya ang ibinigay na buddy ko.“Ano ‘yan? Bagong target?” Tanong niya sabay kuha sa folder na hawak ko at binuklat ito.“Bagong assignment daw bigay ni Sire.” Sagot ko naman sa kaniya nang naiinis.“Kailan lang ‘yong huling ibinigay niyang assignment sa ‘yo ah? Wala pa ngang isang linggo di ba? Saka hindi ba nagpasa ka ng leave of absence request?” Sunud-sunod na tanong ni Khalis sa akin.“Hindi niya inaprubahan. Madami pa raw nakaleave kaya huwag daw muna.” Walang ganang sagot ko sa kaniya at umupo.“Medyo unfair siya sa ‘yo ah? Pansin ko lang.” Wika ni Khalis na patuloy pa rin sa pagbubuklat ng folder.“Hayaan mo na lang. Sanay naman na ako sa kaniya.” Tugon ko at ipinatong ang aking baba sa mesa ko.Nakakatamad magtrabaho. Kailan lang ‘yong huling ambush na kinasangkutan ko ay may bago na namang ibibigay na proyekto sa ‘kin. Hindi pa rin ako nakakapagpahinga ng maayos pagkatapos no’n.“Infairness huh? Sumakto sa pangalan niya ‘yong title at ibang info na tungkol sa kaniya.” Namamanghang wika ni Khalis kaya naman ay umayos ako ng upo.Napatingin ako sa kaniya at naging interesado sa ibinigay sa akin na project. Napakunot ang mga noo ko at napatanong, “Gaya ng?” usisa ko.“Sabi dito, founder siya ng isang samahan. Tapos may sarili din siyang company na hawak niya, ang Spades Corporation. Sa pagkakaalam ko ‘yong may-ari no’n ay may hawak na forty-three percent ng stocks ng korporasyon at sampung taon na niyang hawak ‘yon ngayon.” Pagpapaliwanag ni Agent Lime sa akin habang ako ay mas lalong naging interesado sa nilalaman ng folder.Kinuha ko ito sa kaniya at nilapag sa mesa ko. Bumungad sa akin ang profile ng target ko, si Lance Joshua Villarreal-Sinclair, ang Ace of Spades.“May sariling company with wide connections tapos ang pogi. Swerte mo dai, kung ano sa ‘yo lalandiin ko ‘yan!” Kinikilig na pagpapantasya ng pinsan kong maharot pa sa salitang maharot. Literal.Napatampal ako sa ulo sa narinig. “Buti na lang talaga hindi ako, ikaw.” Tugon ko naman sa sinabi niya kaya napairap siya sa ‘kin.“Ace pala ‘tong gagong ‘to? Ano kaya meron dito bakit siya ang pinapatrabaho sa ‘yo? Wala naman sinabi si Kross. League of Aces? Ano ‘yon?” Sunud-sunod na tanong na naman ni Khalis.“Ang League of Aces ay kung saan magpaparamihan at magpapalakihan ng pera at ari-arian ang mga Aces.” Sagot ko naman sa kaniya.“Edi parang tinitignan nila kung mayaman pa rin ‘yong Ace o hindi na?” Tanong ulit sa akin ni Khalis.“Mismo! Ginagawa ‘yon ng mga mayayamang pamilya every twenty-five years para malaman kung karapat-dapat pa rin ba ang mga tagapagmana sa mga title na mayroon sila. Tapos na ang League of Aces a year ago sa pagkakaalam ko. Walang dumating sa pang-apat na Ace.” Mahabang pagpapaliwanag ko kung tungkol saan ang League of Aces.Hinawakan ko ang folder na hawak ko ulit ang folder kung nasaan nakalagay ang mga accomplishments ng target ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.“Iniisip ko pa kung anong meron sa kaniya.” Saad ko sa kasama ko at huminga ng malalim.“Kung gusto mo, pwede namang ako na muna ang magfirst move sa misyon mo habang nagpapahinga ka pa. Pero chil ka na muna habang wala pang sinasabi si Boss at ibinibigay na instructions. Okay?” Nalipat ang tingin ko mula sa folder papunta sa kaniya dahil sa sinabi niya, nakangiti siya sa akin.Magsasalita pa lamang sana ako nang makatanggap ako ng tawag mula sa boss namin na si Hiro, code name: Agent Hades. “Sire, napatawag ka?” Tanong ko sa nasa kabilang linya ng telepono.Lumapit naman si Agent Lime sa akin para maki-usyoso. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti bago ko inilagay sa loud speaker ang phone call.“Agent Snow, pumunta kayo dito ngayon sa opisina ko ng buddy mo na si Agent Lime. Pronto!” Utos ng boss namin sa kabilang linya bago ibinaba ang tawag sa telepono.“Ano? Magtitinginan na lang tayo?” Sabay naming saad ni Khalis. Napatawa na lamang ako. Kinuha ko ang folder na ibinigay kanina ni Kross at naglakad.“Sire, andito na kami.” Saad namin at sabay na sumaludo. Napangiti naman siya at sumenyas na umupo kami.“Alam kong di kayo makakapagtrabaho kung wala ang isa. Agent Lime, you have the same mission. Nanghingi ng tulong si Azrael dito kaninang umaga lang. You know, may mga nanggugulo sa impyernong gawa din nila. Tss. They should not start a fire if they can’t manage it.” Mahabang litanya nito na halatang naiinis pa sa nangyayari.“Bakit si Kuya Azrael?” Tanong ko sa boss namin.“Oo nga boss. Bakit si Kuya Kean? Anong kinalaman niya?” Tanong din ni Khalis na nagtataka.“Nanghihingi sila ng tulong dahil mas lalong dumami ang death threats na natatanggap ng boss nila. And to cut it short, kailangan ninyong protektahan ang Ace na nakalagay diyan sa folder na ‘yan at lahat ng mayroon siya.” Patuloy nito sa kaniyang sinasabi.“Magpapaka-bodyguard naman pala gagawin namin ampota.” Sarkastikong saad ni Khalis.Tumingin itong boss namin si Hiro kay Khalis nang matalim. “Agent Lime, you may now go.” Malamig na saad nito sa kaniya.Akmang tatayo na sana ako nang magsalita ulit ito. “Agent Snow, maiwan ka.” Puno ng emosyon at pag-aalalang saad niya.Tumingin ako kay Khalis para senyasang mauna na. Ngumiti ako at niyakap ang boss ko. Kahit singlamig siya ng yelo namiss ko pa rin naman siya.“Kuya…” Wika ko at tumingin sa kaniya.“Stop the act. Alam ko namang nagpipiyesta kayo dito kapag wala ako.” Nagtatampong saad niya.“Hindi ah! Saka kamakailan lang ‘yong huling assignment ko, pinapagawa mo na ulit ako ng bago.” May hinanakit ding maktol ko sa kaniya.“Well, I promise to give you a six month vacation leave after this. What do you think?” He stated. “Sure! Basta ako pa rin favorite agent mo ah?” Pagpayag ko naman kay Hiro.“Yeah, of course! But this has something to do with you. Pag-igihan mo ang paghahanap sa mga kasagutan para malaman mo din kung sino ka talaga. You may now go.” Diin nito.DamonNarito ako ngayon sa bar dahil imbes na dumiretso ako pauwi ng condo ay tinawagan ako ni Kael. Iinom daw kami na hindi kasama ang kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro ay nagulat sila sa nangyari kanina at sa ginawa niya.Pagkalabas namin sa hideout ni Lance ay magkaiba kami ng daan na tinahak. Napagdesisyunan kong sa condo muna ako magstay. Maging ako ay nanginig ang kaluluwa sa inasta ni Lance kanina. Hindi ko lubos akalain na magagawa niya ‘yon nang walang pag-aalinlangan.Magkakasama kami ngayong lima nila Kael, Kean, Hiro at Andrei. Wala si Nyx ngayon dahil nagtatampo pa rin sa ginawa ni Lance kanina. Tinawagan na siya ni Hiro na magpunta rito, hindi ko lang sigurado kung magpupunta ang gago.“Hiro!”“Love!”Napalingon ako sa entrance ng bar at nakita ko ro’n si Kie na masayang sumisigaw habang papalapit sa amin. Nakasunod naman sa kaniya ang kakambal niyang si Nyx.Nang makalapit na silang dalawa dito sa may bar counter ay agad silang nagpaorder ng iinumin. Aka
Lance JoshuaIsa ring secret agent si Nyx na nagtatrabaho minsan kapag bored sa agency ni Hiro. Pero mayroon siyang trained na dalawang army na pwedeng makipaglaban sa mga kaaway: ang Green Diamond Platform na mga private military personnel at ang Red Diamond Regency na mga dating pulis militar.Lahat kami ay may sariling mga intelligence group pero ang kay Hiro ang pinakamaaasahan. Sikreto ito at hindi alam ng nakakarami kaya madali lang para sa kaniya ang isang trabaho. Ang kay Nyx naman ay publicized security group, lahat ay alam na ang isang Avenyx Blood ay may dalawang grupo ng army na pwedeng makipaglaban ano mang oras.My own intelligence group is a total nonsense if compared to them. Hindi ako mahilig maghire ng mga puro giyera lang ang alam. All of them are computer literate and half of them are highly trained snipers. But I will totally disagree with them war shooting, tangina lang ba?“Tapos na kayo?” Nababanas na tanong ko sa dalawa. Napasulyap si Damon sa ‘kin na nakakuno
Lance JoshuaWe arrived at our hideout after minutes of driving. Agad akong pumasok sa loob at nakita kong nandoon na ang lahat. Mabilis pa sa alas kwatrong nagsitayuan ang lahat at ang iba ay sumalubong sa aming dalawa ni Damon.“You have finally arrived.” Wika ni Hiro at masama ang mga tingin niya sa akin. “Mabuti naman at dumating ka na. Help us plan here.” Anyaya niya.Napatingin ako sa paligid. They all look fine. What is there that they were gathering? Kung may nangyaring aberya ay sigurado akong naroon na sila lahat sa lugar kung saan sila dapat sumugod at hindi nagkukumpulan dito. At mas lalong hindi na nila hihintayin ang pagdating naming magkapatid.“Anong nangyayari? Akala ko ba sinugod ang isa sa mga pinakamalaking warehouse natin? Bakit nandito kayong lahat?!” Nagtatakang tanong ko sa kanila habang sumisigaw.“Calm down! Hindi tayo pwedeng basta na lang sumugod doon. This time, malaking tao ang involved dito sa aberyang ‘to. We need to be careful in order for us to caught
Lance JoshuaNakapikit ako ko habang nakasandal sa upuan. Iniisip ko pa rin ang lahat ng sinabi ni Damon tungkol sa kanina. Is there any deeper arrangements between the two of them? Dad, please stop. Hiro, just stay the heck out of my life’s security. Ayaw ko sa lahat ay iyong may mga taong napapahamak dahil lang sa gusto akong protektahan. It’s just a life. It is not worth it protecting one while risking others’.“Gusto mong uminom ng kape, Sir?” Tanong ng secretary kong kung umasta ay parang siya pa ang boss kaya naman ay bigla akong napadilat. Nakangiti siya at maaliwalas ang mukha. Napatango ako dahil sa suggestion niya. Right. That’s actually great for me if I can have one. Kape ang kailangan ko ngayon para kumalma ang isip.I opened my laptop to watch over her while she’s making it. Lumapit siya sa kinaroroonan ng maliit na hidden camera sinita ko siya. Probably she noticed na may nakatagong bagay sa corner ng stand nang umilaw ito dahil sa pagkaka-enable ko ng microphone no’n.
Bella Schist“Nga pala, baka makalimutan ko. Huwag kayong bastang bibili ng pagkain sa labas o ng pagkain na galing sa lobby ng kumpanya na ‘to. Hindi natin alam kung may gagawa ng kalokohan na makakasama sa katawan ni Kuya Lance.” Pagpapaalala niya naman kaya napakunot-noo ako.“Paano mo naman nasabi ‘yan? May nagtangka bang lasunin siya?” Gulat na tanong ko dahil hindi ako naniniwalang sa mismong teritoryo niya ay may gagawa ng hindi maganda sa kaniya.“Ilang beses din kayang sinubukang lasunin si Kuya Lance. Kung saan-saang lugar na nga kami nagpapa-order ng makakain niya eh. Mismong chef niya nga nitong nakaraang buwan ay sinubukan siyang lasunin kung hindi lang dahil sa gamit niyang kubyertos na nangitim.” Pagbibigay impormasyon niya sa akin.Lalong nangunot ang noo ko. “Nangitim? Anong ibig mong sabihin sa nangitim na kubyertos?” Puno ng kuryosidad kong tanong.“Nagpalit kasi siya ng mga gamit noon. Palihim lang siyang nagpalit from the usual platinum cutlery set to a silver pla
Bella SchistTahimik lang akong kumakain nang umupo sa Miss Sheila sa tabi ko. Matagal din ang pagkakatayo niya nang makaalis ang dalawang boss ko. Nakatingin siya sa ‘kin habang kumakain kaya na-concious ako bigla sa paraan ng pagkain ko.“Tell me. Anong ginawa niyo ni Kuya Lance kanina? Ginawa niyo na ba ‘yong dapat na tapusin?” Interesadong pagtatanong niya.Base sa aura niya ay masasabi mong masayahin at pala-kaibigan siya. Siya ang unang namansin sa akin kanina, siya rin ang unang namansin ngayon na kami na lang dalawa ang naiwan dito. Hindi ito ang model na mainitin ang ulong katulad ng palaging sinasabi sa mga balita.Nilunok ko naman ang laman ng bunganga ko at sumagot. “Uhm… yes, Miss Sheila. Pero hindi pa namin tapos.” Nahihiyang sagot ko.“Naistorbo ko ba kayo sa pag-eksena ko kanina rito nang pumasok ako? Oh my! Lagot ako kay kuya nito,” Nag-aalalang tanong niya. “Hayaan mo at sa susunod ay hindi talaga ako manggugulo. Promise.” Pangako niya at itinaas pa ang kanang kamay
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments