Bella Schist
Araw ngayon para mag-apply sa trabaho bilang secretary ng letcheng assignment ko. Bakit letche? Kung hindi lang sana sila epal na tumawag ng maaga ay sana nakapagbakasyon pa ako ng kahit isang linggo lang sa Beijing, China.I miss my Godmother, Auntie Liu Wuzi, I wonder what she’s doing right now. Dahil sa sunud-sunod na projects at assignment ko sa trabaho ay anim na buwan ko na din siyang hindi nakikita. She’s the closest person to me ever since I woke up from being comatose for about three years. Even though I lost my memories, she never failed to take care of me and keep me motivated.Next week pa sana talaga ‘tong appointment ko ngayon kaso ay talagang inaapura na ako ng boss ko. Three days ago, pumasok ang ibang kasamahan ko sa loob ng company. Yesterday was Khalis’ turn. And yes, nag-iba ang plano.Tumingin ako sa salamin sabay suot ng blazer ko, I am a bit uncomfortable with my attire dahil na rin siguro sa nasanay ako sa military suit at leather jackets. Tuwing magdadamit ako ay balot na balot ang katawan ko, this time I am going to wear a corporate skirt.Kinilatis ko ng mabuti ang repleksyon ko sa salamin. Napangiti ako sa babaeng nakatingin sa akin, so much for your self satisfaction. “There you are. Perfect.” I cheered myself.Bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa ang demonyong si Poncio Pilato. Este pumasok ang boss kong si Hiro. “Sire!” Gulat na saad ko ngunit ngumiti lang siya sa ‘kin bilang tugon. “Anong ginagawa mo dito, Agent Hades?” Takang tanong ko sa kaniya.“Mukhang ready ka na ah? Ipapatawag ko na ba si Agent Vaughn para ihatid ka?” Tanong niya.Bumuntong hininga ako at ngumiti ng pilit sa kaniya bago magsalita. “Ano pa nga bang magagawa ko?” Balik na tanong ko sa kaniya.“H’wag sanang puro kaharutan ang atupagin mo doon. Hindi porket gwapo magiging boss mo ay puro pagpapapansin at kerengkeng ang gagawin mo, anim na buwan ka do’n na magbibigay ng serbisyo. Mahihirapan kang kunin tiwala no’n kaya magpakabait ka.” Seryoso at mahabang litanya ng boss ko.“Copy, Sire!” Agarang tugon at saludo ko.“And your identity as an agent. Tandaan mo Bella, hindi ka pwedeng magbigay ng mga confidential information kapag tinanong ka. Also, hindi nila pwedeng malaman na secret agent ka dahil confidential information din ‘yan, alam mo ‘yan. If anything happens, just call me or one of your colleagues to your aid.” Dagdag niya pa sa sermon niya.“And love is the least thing you should think of.” Pagtutuloy ko sa sinasabi niya. He smiled.“Good. Then you clearly remembered. Good luck.” He said while also nodding his head.I walked out of the room. There I met kuya Vaughn who is all packed up. Nakasandal siya sa taxi na sasakyan ko papuntang kumpanya at nakasuot ng puting polo para magmukhang totoong taxi driver. Kinuha niya na ang susi ng taxi at akmang sasakay nang mapansin niyang nagtatakang nakatingin lang ako sa kaniya.“Anong tinitingin-tingin mo diyan?” Tanong niya at nakipagsubukan ng titig sa ‘kin.Tumawa ako ng malakas dahilan para mairita siya. Nang itikom ko ang bibig ko ay akmang magsasalita na sana siya nang unahan ko. “Hindi ko alam na bagay mo pala maging taxi driver, Agent Vaughn.” Wika ko na kinairap niya.“Magpasalamat ka na lang at ihahatid kita. Wala pa namang sasakyan palabas ng kampo.” Sagot niya at ngumisi. “Gusto mo bang mag-exercise na muna? Feel free maglakad.” Pagbibiro niya. Hinampas ko naman siya ng bag ko kaya napangiwi siya.“Tara na nga!” Nakabusangot na maktol ko.Habang nasa byahe ay bigla kong naalalang hindi ko pala nadala ‘yong hinanda ko kaninang kakainin ko sa lunch ko. Kung minamalas nga naman, iisang bank account lang ang pwede kong gamitin na walang laman. May perang ibinigay sa ‘kin ang agency na fifty thousand pesos check para sa allowance ko ngayong buwan. Bukod doon ay wala na akong iba pang perang hawak.“Kuya Vaughn, pwede bang tumigil ka mamaya sa isang bangko? Ipapapalit ko lang itong ibinigay ni Sire na allowance ko. Bukod dito wala na akong perang hawak dahil confiscated niya lahat,” Paki-usap ko kay Agent Vaughn habang siya naman ay natatawa. “Anong nakakatawa?” Dagdag na tanong ko sa kaniya.Napailing na lang siya. “Sinong mag-aakala na ‘yong paboritong agent ng boss ay paghihigpitan at gigipitin niya sa allowance?” Tanong niya sa ‘kin.Napabuntong-hininga na lang ako bago nagwika, “Palagi naman niya akong pinaghihigpitan na daig pa niya kung umasta ay tatay ko. What’s new? Saka itong fifty thousand na ‘to, allowance ko na ‘to hanggang sa magsweldo ako sa trabaho ko. Wala na siyang ibibigay sa susunod pang mga buwan.” Walang ganang tanong ko rito pabalik.Agent Vaughn tapped my shoulder before he murmured something I can barely hear, “He is just concerned for your safety, don’t worry. Saka subukan mo din minsan magtrabaho sa opisina at mamuhay with your hard-earned money.”“Right. He is just concerned for my safety. Sobrang concerned niya na talagang ibinibigay niya pa sa ‘kin ang mga pinakamahihirap at delikadong misyon. Saka hindi ba hard-earned money ang perang tinatanggap ko sa pagiging secret agent? Buwis-buhay kaya trabaho natin.” Sarkastikong sagot ko na ikinatawa naman niya.Suddenly, the car stopped. “Ayan, pwede ka nang magpapalit ng fifty thousand allowance mo.” Agent Vaughn happily informed me. “H’wag mong kakalimutang ilibre ako ha?” Pahabol pa niya.Bumaba ako ng taxi at ipinapalit ang bank check na ibinigay ng boss kong si Hiro. Nakakita ako ng coffee shop sa tabi nito kaya dumiretso ako doon upang umorder ng dalawa. Kunsensya ko na kung hindi ko bibilhan ‘yong nagpapanggap na taxi driver na naghihintay sa ‘kin ngayon.“Oh, merienda mo.” Wika ko habang inaabot ang kape at tiramisu cake na binili ko para kay Agent Vaughn.Tumawa siya ng malakas at napatingin sa oras sa haawak niyang mobile phone. Umiling-iling siya at tinignan ako ng may halong pagtataka. “More like breakfast for me,” he replied. He opened the car door for me before he added something, “Tara na, baka malate ka pa. By the way, nine o’clock ako kumakain ng agahan paalala ko lang.” Pagkarating ko ay diretso na ako agad sa opisina ng Ace kuno dahil nasa top floor lang naman ang office niya. Tinanong ako kanina ng babae sa may front desk kung may appointment ako, mabuti na lang at nakita ko si Agent Kross na siyang nagsabing ako ang bagong apply na secretary ng boss.Narinig ko din kanina sa ibang employees dito na siya (ang boss) lang daw mag-isa doon, hindi raw allowed ang kahit na sino maliban kung may appointment o permiso niya. Sanaol kayang mag-isa di ba?May chismis din akong nasagap na dito na rin daw siya minsan tumitira. Kaya raw sakop niya ang buong top floor ay dahil kumpleto na doon ang gamit niya. Mala-luxury condominium unit daw ‘yon sabi naman ng iba. Halatang single at puro trabaho ang alam gawin. Siguro ang boring ng buhay niya.“Kaya mo ‘yan, Ysa.” Pagcheer ko sa sarili ko bago magbukas ang elevator at bumungad ang napakalawak na office niya.DamonNarito ako ngayon sa bar dahil imbes na dumiretso ako pauwi ng condo ay tinawagan ako ni Kael. Iinom daw kami na hindi kasama ang kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro ay nagulat sila sa nangyari kanina at sa ginawa niya.Pagkalabas namin sa hideout ni Lance ay magkaiba kami ng daan na tinahak. Napagdesisyunan kong sa condo muna ako magstay. Maging ako ay nanginig ang kaluluwa sa inasta ni Lance kanina. Hindi ko lubos akalain na magagawa niya ‘yon nang walang pag-aalinlangan.Magkakasama kami ngayong lima nila Kael, Kean, Hiro at Andrei. Wala si Nyx ngayon dahil nagtatampo pa rin sa ginawa ni Lance kanina. Tinawagan na siya ni Hiro na magpunta rito, hindi ko lang sigurado kung magpupunta ang gago.“Hiro!”“Love!”Napalingon ako sa entrance ng bar at nakita ko ro’n si Kie na masayang sumisigaw habang papalapit sa amin. Nakasunod naman sa kaniya ang kakambal niyang si Nyx.Nang makalapit na silang dalawa dito sa may bar counter ay agad silang nagpaorder ng iinumin. Aka
Lance JoshuaIsa ring secret agent si Nyx na nagtatrabaho minsan kapag bored sa agency ni Hiro. Pero mayroon siyang trained na dalawang army na pwedeng makipaglaban sa mga kaaway: ang Green Diamond Platform na mga private military personnel at ang Red Diamond Regency na mga dating pulis militar.Lahat kami ay may sariling mga intelligence group pero ang kay Hiro ang pinakamaaasahan. Sikreto ito at hindi alam ng nakakarami kaya madali lang para sa kaniya ang isang trabaho. Ang kay Nyx naman ay publicized security group, lahat ay alam na ang isang Avenyx Blood ay may dalawang grupo ng army na pwedeng makipaglaban ano mang oras.My own intelligence group is a total nonsense if compared to them. Hindi ako mahilig maghire ng mga puro giyera lang ang alam. All of them are computer literate and half of them are highly trained snipers. But I will totally disagree with them war shooting, tangina lang ba?“Tapos na kayo?” Nababanas na tanong ko sa dalawa. Napasulyap si Damon sa ‘kin na nakakuno
Lance JoshuaWe arrived at our hideout after minutes of driving. Agad akong pumasok sa loob at nakita kong nandoon na ang lahat. Mabilis pa sa alas kwatrong nagsitayuan ang lahat at ang iba ay sumalubong sa aming dalawa ni Damon.“You have finally arrived.” Wika ni Hiro at masama ang mga tingin niya sa akin. “Mabuti naman at dumating ka na. Help us plan here.” Anyaya niya.Napatingin ako sa paligid. They all look fine. What is there that they were gathering? Kung may nangyaring aberya ay sigurado akong naroon na sila lahat sa lugar kung saan sila dapat sumugod at hindi nagkukumpulan dito. At mas lalong hindi na nila hihintayin ang pagdating naming magkapatid.“Anong nangyayari? Akala ko ba sinugod ang isa sa mga pinakamalaking warehouse natin? Bakit nandito kayong lahat?!” Nagtatakang tanong ko sa kanila habang sumisigaw.“Calm down! Hindi tayo pwedeng basta na lang sumugod doon. This time, malaking tao ang involved dito sa aberyang ‘to. We need to be careful in order for us to caught
Lance JoshuaNakapikit ako ko habang nakasandal sa upuan. Iniisip ko pa rin ang lahat ng sinabi ni Damon tungkol sa kanina. Is there any deeper arrangements between the two of them? Dad, please stop. Hiro, just stay the heck out of my life’s security. Ayaw ko sa lahat ay iyong may mga taong napapahamak dahil lang sa gusto akong protektahan. It’s just a life. It is not worth it protecting one while risking others’.“Gusto mong uminom ng kape, Sir?” Tanong ng secretary kong kung umasta ay parang siya pa ang boss kaya naman ay bigla akong napadilat. Nakangiti siya at maaliwalas ang mukha. Napatango ako dahil sa suggestion niya. Right. That’s actually great for me if I can have one. Kape ang kailangan ko ngayon para kumalma ang isip.I opened my laptop to watch over her while she’s making it. Lumapit siya sa kinaroroonan ng maliit na hidden camera sinita ko siya. Probably she noticed na may nakatagong bagay sa corner ng stand nang umilaw ito dahil sa pagkaka-enable ko ng microphone no’n.
Bella Schist“Nga pala, baka makalimutan ko. Huwag kayong bastang bibili ng pagkain sa labas o ng pagkain na galing sa lobby ng kumpanya na ‘to. Hindi natin alam kung may gagawa ng kalokohan na makakasama sa katawan ni Kuya Lance.” Pagpapaalala niya naman kaya napakunot-noo ako.“Paano mo naman nasabi ‘yan? May nagtangka bang lasunin siya?” Gulat na tanong ko dahil hindi ako naniniwalang sa mismong teritoryo niya ay may gagawa ng hindi maganda sa kaniya.“Ilang beses din kayang sinubukang lasunin si Kuya Lance. Kung saan-saang lugar na nga kami nagpapa-order ng makakain niya eh. Mismong chef niya nga nitong nakaraang buwan ay sinubukan siyang lasunin kung hindi lang dahil sa gamit niyang kubyertos na nangitim.” Pagbibigay impormasyon niya sa akin.Lalong nangunot ang noo ko. “Nangitim? Anong ibig mong sabihin sa nangitim na kubyertos?” Puno ng kuryosidad kong tanong.“Nagpalit kasi siya ng mga gamit noon. Palihim lang siyang nagpalit from the usual platinum cutlery set to a silver pla
Bella SchistTahimik lang akong kumakain nang umupo sa Miss Sheila sa tabi ko. Matagal din ang pagkakatayo niya nang makaalis ang dalawang boss ko. Nakatingin siya sa ‘kin habang kumakain kaya na-concious ako bigla sa paraan ng pagkain ko.“Tell me. Anong ginawa niyo ni Kuya Lance kanina? Ginawa niyo na ba ‘yong dapat na tapusin?” Interesadong pagtatanong niya.Base sa aura niya ay masasabi mong masayahin at pala-kaibigan siya. Siya ang unang namansin sa akin kanina, siya rin ang unang namansin ngayon na kami na lang dalawa ang naiwan dito. Hindi ito ang model na mainitin ang ulong katulad ng palaging sinasabi sa mga balita.Nilunok ko naman ang laman ng bunganga ko at sumagot. “Uhm… yes, Miss Sheila. Pero hindi pa namin tapos.” Nahihiyang sagot ko.“Naistorbo ko ba kayo sa pag-eksena ko kanina rito nang pumasok ako? Oh my! Lagot ako kay kuya nito,” Nag-aalalang tanong niya. “Hayaan mo at sa susunod ay hindi talaga ako manggugulo. Promise.” Pangako niya at itinaas pa ang kanang kamay