Sophia POV
Nagkaroon ng isang linggong bakasyon dahil katatapos lang ng exam namin. Nandito Nandito ako ngayon sa isang cafe ng mag isa dahil wala ang mga kaibigan ko. Si Kim at Jane ay madalas busy dahil may mga hinahabol na requirements samantalang si Nathalie naman ay palaging kasama si William.
Sa araw araw na ganito ang nangyayari ay nasanay na ako. Minsan si Kia pa ang kasama ko pero alam ko naman na nakamasid lang ito sa akin.
Habang kumakain ako ng paboritong kung cheese cake at mocha frappe ay nagulat na lang ako ng biglang may naglapag ng tray sa harap niya. Akmang sisigawan ko na sana ito ngunit hindi ko natuloy ng makita ko ang mukha niya.
"W-william?" mahinang sambit ko.
The guy chuckled.
Halos dalawang oras ang inabot nila sa lugar na ‘yon, mukhang nasarapan ang kasama ni Sophia sa pagkain ng mga st. foods kaya hinayaan niya na lang ito. Kahit papaano ay hindi naman pala maarte ang binata.Kasalukuyan silang nakaupo sa B.park habang bitbit pa ang mga pagkain na binili nila, nakaramdam lang sila ng pagod sa pag iikot kaya nagpahinga na muna silang dalawa,"Why did you do that?" biglang bulalas ni William, kaya mabilis na napatingin sa kanya ang dalagang si Sophia.Hindi agad nakapagsalita si Sophia dahil hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng kanyang katabi, mayamaya pa ay mukha napansin ito ni William."What I mean is about my cousin, bakit niyo siya nagawang patayin?" seryosong sabi niya.Agad na
"Parang awa niyo na itigil niyo na ‘to." pagmamakaawa ng isang dalaga. Ngunit wala siyang ibang narinig kung hindi puro tawanan ng mga taong may gawa nito sa kanya. Kitang kita niya sa mga mukha ng mga ito ang mga ngisi sa kanilang mga labi. "Masyado ka kasing pabida kaya ito ang napapala mo, inagaw mo na ang lahat sa akin at hindi ako makakapayag no'n." galit na wika ni Nathalie. "Nahihibang kana ba? Kahit kailan ay wala akong inagaw sa'yo at hindi ko naman kasalanan kung mas matalino ako sayo. Kung ako sayo ang dapat na pag tuunan mo ng pansin ay kung paano mas mapataas ng grades mo, hindi 'yong mga ganitong pakulo ang inuuna mo." matigas na wika ni Crystal. Mabilis naman siyang nilapitan ni Nathalie at sinampal ng malakas. "Huwag kang umakto na matapang diyan, ano
Si Crystal ay ulila na sa mga magulang, bata pa lamang siya ng mamatay ang mga ito dahil sa isang aksidente. Pero kahit gano’n pa man ay hindi siya nakaranas ng hirap dahil nasa pangalan niya naiwan ang mga ari-arian at negosyo ng mga ito, pero dahil bata pa siya at nag aaral pa kaya ang kapatid na muna ng ama niya ang humalili sa mga naiwan ng mga magulang nito at ibibigay na lamang sa kanya pag nakapagtapos na siya at handa ng pamahalaan ang mga negosyo. Kahit na maagang nawala ang mga magulang nito ay hindi siya nabuhay ng mag isa, do’n na din siya tumira sa bahay ng kanyang Tito na may asawa at anak na din. Halos magkapatid na ang turingan nilang mag pinsan dahil simula ng mga bata pa lang sila ay magkakasama na ang mga ito. Palagi silang naglalaro at hindi mapaghiwalay. Hindi iba ang naging turing nila sa dalaga dahil mahal na mahal nila ito.Ngunit non’g mag kolehiyo na sila ay nag hiwa-hiwalay ang mga ito. Si William at Crystal ay dito nag aral sa Pilipinas p
Sa kabilang dako naman kung saan ginaganap ang party ay halos malukot na ang mukha ni Nathalie dahil wala pa ang dalawang mga kaibigan nito. Nagsisimula na ang party at madami na ang mga tao. Simple lang naman ang party na ginawa ni Sophia just for fun lang. Wala kasi ang mga parents nito at nasa ibang bansa for business. Agad nitong kinuha ang kanyang phone para tawagan ang kaibigan. Habang si Sophia naman ay prenteng nakaupo sa gilid niya habang pinagmamasdan ang kanyang mga bisita na nag eenjoy sa party. "Jane, nasaan ka na? Kanina ka pa namin hinihintay dito. Aba baka matapos na ang party wala ka pa. Ikaw pa ang sisira sa plano natin tonta!" sigaw nito sa kausap. "Malapit na ako, traffic lang kasi." boses ng nasa kabilang linya. "Bilisan mo!" sigaw nito at ibinaba na ang tawag. Sa totoo lang kinakabahan si Jane sa ginawang plano ni Nathalie. How she wish na sana walang mangyaring masama. Noon pa man ay mainit na ang dugo nito kay Crystal d
Crystal POV "Wala akong panahon para sa mga pambatang trip niyo. Kaya pwede ba paalisin niyo na ako?" ani ni Crystal. Lumapit naman si Nathalie sa kanya at agad siyang sinampal ng magkabilaan. "Wla kang karapatan na sigawan kami!" galit na sigaw ni Nathalie at biglang hinampas ito ng hawak na kahoy. Agad namangnapatili si Jane dahill sa nakita. “Damn it! What are you doing Nathalie?" inis na sigaw ni Jane pero tiningnan lang siya ng masama ng dalaga. Magsasalita pa sana siya ulit ng may kamay na humawak sa kanyang braos at ng tingnan niya ay si Kim pala ito. "Please, Jane huwag ka na makialam at baka madamay ka pa at kung ano pa ang magawa sa’yo nina Nathalie at Sophia.” anas niya. "Look at what they are doing Kim! This is wrong, this is not part of the plan." nanginginig na wika ni Jane. "Alam ko Jane pero wala tayong magagawa. Pag sinuway natin sila baka pati tayo pag initan ni Nathalie." bakas sa mukha ng binata ang labis na f
Hindi nila akalain na magagawa ng kaibigan nila ang pumatay ng walang pag alinlangan. Ang plano lang naman nila ay takutin ang dalaga at wala sa usapan na aabot sila sa ganitong bagay. Ang pumatay ng tao, ng kaibigan, ng kaklase nila. "O-oh my God! Ooh my, I-is she died?" bakas sa boses ni Sophia ang pagkabahala at takot."What do you think of Phia?" balewalang saad ni Nathalie. Naglakas loob si Jane na ihakbang ang mga paa niya para tingnan si Crystal sa kung saan ito nalaglag. Ngunit parang hindi niya kaya dahil kinakabahan at natatakot pa rin siya, kaya umatras ulit siya pabalik sa kung saan man siya kanina nakatayo. "What's wrong Jane?" takang tanong ni Nathalie. "H-hindi ko kayang tingnan." pag amin niya. "What the hell! Akala ko kung napano ka na." sigaw nito. Naunang humakbang si Nathalie para tingnan kung saan nahulog si Crystal at sinundan naman ito ni Sophia at Kim. Pinilit naman ni Jane na muling ihakbang ang
Jane POV Ilang oras na ang nakalipas ng makarating ako sa bahay nila ngunit mag uumaga na ay hindi pa rin ako makatulog. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari, parang isang bangungot ito sa akin at sa mismong kaarawan pa ng isang kaibigan ko. Sariwa pa rin sa alaala ko ang nangyari kay Crystal, ang mga mata niyang nagmamakaawa na tulungan ko siya pero wala akong magawa dahil kapag ginawa ko ‘yon ay mapapahamak lang din ako at ang pamilya ko. Nanghihinang napaupo na lang ako sa kama at ilang beses na umiling. “Hindi! Hindi! Wala akong kasalanan. Hindi ako ang may kasalanan! Hindi ako ang pumatay sa kanya.” pagkukumbinsi ko sa sarili. Pilit kung isinisiksik sa utak at sarili ko na wala akong kasalanan sa nangyari, pero kahit anong pilit ko ay hindi pa rin magbabago ang katotohanan na may nagawa akong pagkakamali at naging parte pa ako kung bakit may namatay. Ako ang nagdala kay Crystal sa lugar na 'yon, ako ang nagdala sa kanya sa kapahama
Sa di kalayuan naman ay nakatayo ang babaeng may hawak na laruan na nakangiti. Ng makita niyang nakaalis na ang apat ay saka ito naglakad papunta sa pulang kotse at sumakay. "You did a great job!." aniya ng isang boses pagkasakay niya. "Obcourse! Ako pa ba? Kung nakita mo lang ang mga mukha nila. Halos hindi maipinta sa takot. Ang galing galing kung umakting." sagot naman ng babae. "Kulang pa 'yan sa ginawa nila kay Crystal! Nagsisimula pa lang ako." nakakuyom ang mga kamao nito."Dapat lang magbayad sila. Hindi sila pwede mabuhay ng masaya." segunda din nito. “Ihahatid na kita sa condo mo at ‘yong bayad ay nasa account mo na.” anas ng lalaki. “Ang kulet mo din eh, ang sabi ko huwag mo na akong bayaran dahil tutulungan kita.” pagmamaktol ng babae. “Alam ko naman ‘yon pero hayaan mo na, mas marami pa akong ipapagawa sa’yo.” nakangiting turan ng lalaki at binuhay na nito ang makita ng kotse at saka nag drive paalis. Sa isang c