Sa di kalayuan naman ay nakatayo ang babaeng may hawak na laruan na nakangiti. Ng makita niyang nakaalis na ang apat ay saka ito naglakad papunta sa pulang kotse at sumakay.
"You did a great job!." aniya ng isang boses pagkasakay niya.
"Obcourse! Ako pa ba? Kung nakita mo lang ang mga mukha nila. Halos hindi maipinta sa takot. Ang galing galing kung umakting." sagot naman ng babae.
"Kulang pa 'yan sa ginawa nila kay Crystal! Nagsisimula pa lang ako." nakakuyom ang mga kamao nito.
"Dapat lang magbayad sila. Hindi sila pwede mabuhay ng masaya." segunda din nito.“Ihahatid na kita sa condo mo at ‘yong bayad ay nasa account mo na.” anas ng lalaki.
“Ang kulet mo din eh, ang sabi ko huwag mo na akong bayaran dahil tutulungan kita.” pagmamaktol ng babae.
“Alam ko naman ‘yon pero hayaan mo na, mas marami pa akong ipapagawa sa’yo.” nakangiting turan ng lalaki at binuhay na nito ang makita ng kotse at saka nag drive paalis.
Sa isang chapel ibinurol ang mga labi ni Crystal ngunit hindi na nila ito masisilayan pa. Pagdating ng mga magulang nila William ay dito na sila dumiretso dahil kinuha na daw ang bangkay ng dalaga at pinacremate dahil nga sa hindi na makilala ito.
Labis ang paghihinagpis ang nararamdaman ng mag asawa ng malaman ang sinapit ng kanilang pamangkin. Sobrang mahal nila ito at tinuring na tunay na anak, pero sa isang iglap lang ay malalaman nila na wala na ito. Kaya labis na lang ang lungkot nila ng malaman na namatay ito.
Si William ang tumawag sa kanila para ibalita ang nangyari, pero walang makakapagsabi kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Nag-iimbestiga pa rin ang mga pulis hanggang sa ngayon. Ang anak naman nilang si Kia ay halos magwala ng malaman ang balita tungkol sa pinsan. Agad din itong umuwi sa Pilipinas, samantalang ang anak naman nilang lalaki na si William ay tahimik lang simula ng dumating sila, minsan lang ito kung umimik kaya alam nilang nasasaktan din ito.
Alam nilang mahirap para sa dalawa nilang anak ang ganitong pangyayari. Halos sabay na silang tatlo na lumaki at magkakasama, magkapatid na rin ang turingan nila kaya alam nilang labis na maaapektuhan ang mga ito.
"Anak Wil, bakit mo pinacremate agad ang labi ni Tal? Tapos na ba ang imbestigasyon?" tanong ng ama nito.
Tumango lang ito. "Tapos na at na-autopsy na rin ang bangkay niya bago ko tuluyang ipinacremate. Hindi ko na kayo hinintay dahil ayoko ng makita niyo pa ang kalagayan niya. Ayoko na mas lalo pa kayong masaktan." aniya sa mahinang boses.
"It's okay anak. Alam namin na ginawa mo lang 'yon para maibsan ang sakit." anas naman ng kanilang ina.
"Hindi na ako nakaramdam ng pagod sa byahe ng malaman ko ang nangyari. Grabe sila. Mga walang hiya!" bulalas ni Kia habang nagsimula na namang umiyak.
Agad naman itong niyakap ni William. "Huwag kang mag alala, Alam kung magagawan ng paraan si Crystal para malaman kung anong nangyari sa kanya ang kung sino ang may gawa noon. Kahit na wala na siya alam kung nandiyan lang siya at tutulungan niya tayong makuha ang hustisya para sa kanya." pagpapagaan loob nito sa kapatid.
Nabaling naman ang tingin ni Kia sa kanyang mga magulang na parang may gustong sabihin ito at hingin ang permiso namin. "Mom/Dad, I wanna stay here. Ayoko na bumalik sa Korea. Gusto kung dito na mag aral."
"But why?." takang tanong ng Mommy nila."Gusto ko lang po at isa pa para na rin magkasama kami ni Kuya. Wala na si Crystal kaya mas mabuti samahan ko dito si kuya."seryosong turan niya.
"Are you sure about that?" her Dad asked.
"Yes daddy nakapag desisyon na ako. Huwag kayong mag alala hindi ako magiging pasaway. Takot ko lang kay kuya." wika nito sabay baling sa kapatid.
"What?" kunot noo ni William. "Magiging sakit ka sa ulo ko." iiling iling ito.
Bigla naman siyang umangkla sa braso nito at sabay na nguso. "Is that your way to say that you miss me or is that your way to express that you're happy that I'm staying here kuya?" ngiting ngiti nito.
"None of the above. So stop dreaming sister." then William smirks.
Mas lalo pa itong napanguso dahil sa tinuran ng kapatid. "You are so mean to me William Del Rosario!"
"Just stating the fact my dear sister. And please stop pouting! Hindi bagay sayo para kang pato na hindi makatae."pang aasar nito"Mommy!! Daddy!! Si kuya nang iinis na naman." pagsusumbong nito.
"Yuck! Acting like a child again. That's gross! Minsan napapaisip na talaga ako. Hindi kaya ampon ka lang?" saad nito na pinwesto pa ang kamay nito na parang nag iisip.
Mas lalo namang hindi maipinta ang mukha ni Kia na ikinatawa ng mga magulang nila. Kahit na ganito ang mga anak nila alam nilang mahal na mahal nito ang isa't isa.
'Hay kung nandito lang si Crystal siguradong mas masaya. Hindi ganito ang reunion na gusto ko.' mahinang bulong nito na hindi naman nakaligtas sa pandinig ng asawa.
Agad naman siya nitong inakbayan. "Everything will be alright in time hon."
Nag usap pa ito ng ilang saglit bago nag kanya kanya para mag intertain ng mga nakikiramay. Napansin naman ni William ang kapatid na nasa harap at nakatingin lamang sa picture ni Crystal katabi ang bagay na kung saan nakalagay ang abo nito. Agad niya naman itong nilapitan.
"Siguro kuya kung hindi ito nangyari masaya siguro tayo na gumagala ngayon. Ayon naman talaga ang ginagawa natin sa tuwing uuwi ako dito diba? Akala ko pag uwi ko masaya tayo, akala ko buo tayo at akala ko magbabakasyon na naman tayo sa iba't ibang beach. Hindi ko akalain na itong pag uwi ko ang pinakamalungkot na mangyayari sa buhay ko. Umuwi ako hindi para mabuo at makapag bonding tayo. Umuwi ako k-kasi, pupunta ako sa l-lamay niya." madamdaming anas ni Kia at tumulo na naman ang kanyang mga luha.
"Huwag kang mag alala, hindi tayo titigil hangga’t hindi nagbabayad ang mga may gawa nito sa kanya." tiim bagang na wika ni William.
"And I will always help you kuya." pursigido na saad naman ni Kia.
Ang hindi alam ni Kia na may tinatago sa kanya ang kapatid tungkol sa pinsan nilang si Crystal.
Napatigil sa pag uusap ang magkapatid dahil sa pagdating ng bagong mga bisita. Agad naikuyom ni William ang kanyang kamao ng makilala ang mga ito. Natatandaan niya ang mga mukha nito, ito yung madalas na pag initan ang pinsan niya. Iyong isa naman ay medyo naging kaibigan ni Crystal at higit sa lahat ang isang lalaking kasama nila na mas nagpapainit ng ulo nito. Ang boyfriend ni Crystal at alam niyang hindi naman talaga nito minahal ang pinsan kung hindi ay ginamit lang para protektahan ang totoong mahal niya. Agad lumapit ang binata sa apat. "Anong ginagawa niyo dito?" mahina pero may diin na tanong nito. "Gusto lang namin bumisita dito. No harm." wika naman no’ng isang babae na sa pagkakatanda niya ay Nathalie ang pangalan, familiar ito sa kanya dahil ito ang madalas na bukambibig ng kanyang pinsan. Akmang magsasalita din si Kim ng bigla itong suntukin ni William. "Wala kang karapatan pumunta dito gago ka! Anong klaseng boyfriend ka? Hindi mo man lang
Francine POV Pagkarating ko sa comfort room ay biglang bumuhos ang masaganang luha sa aking mata na kanina ko pa pinipigilan. Sobrang konsensya ang nadarama ko. Sobrang bigat sa pakiramdam! "S-sorry Crys, I'm s-sorry. Hindi kita nailigtas." puno ng hinagpis na anas ko. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle na narito. Baka biglang may pumasok at makita pa akong ganito. Ng nasa loob na ako ng cubicle ay inayos ko ang sarili ko. Habang nag aayos ako ay narinig kung nagbukas ang pinto senyales na may pumasok rito. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang may narinig akong kausap niya sa telepono. "Ow hello! Okay lang naman. Ikaw kamusta?" sabi nito sa kausap. "Sigurado ka ba? Syempre! Kailangan talaga nilang magbayad sa nangyari! Hindi maaaring walang may managot, pero mag ingat ka din." bigla akong naguluhan sa sinasabi niya sa kanyang kausap pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito. Mabilis akong lumabas ng cubicle kung
Kim POV Natapos na ang klase ay nasa isip ko pa rin ang bago naming kaklase. Kahit na ngayon na nandito na ulit kami sa canteen ay 'yon pa rin ang iniisip ko. "Ang lalim yata ng iniisip mo Kim?" pansin ni Sophia at napatigil din ang dalawa sa pagkain at tumingin sa akin. "Iniisip ko lang 'yong bago nating kaklase." totoong sagot ko. "Crush mo na agad noh?" kantyaw ni Nathalie sabay tingin kay Jane. "Gago! Hindi ah. Isa lang naman ang gusto ko." mabilis na sagot ko. "Bakit anong meron sa kanya?" takang tanong naman ni Jane. "Siguro naman natatandaan niyo siya hindi ba? Nando’n siya sa lamay ni Crystal." tumango naman ang mga ito.
Kim POV Pagkatapos kung maihatid si Jane ay umuwi na ako agad. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong umupo sa sofa. Wala ang parents ko dito dahil nasa ibang bansa sila. Kinuha ko ang earphone ko sa aking bag at agad na nilagay sa tenga para makinig ng music. Habang nakikinig ako ng music sa aking tenga ay biglang nag iba ang kanta, kung kanta nga ba itong matatawag o tula. "Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo! Ang mahuhuli ko ay papatayin ko." paulit ulit ito Dahil sa narinig ko sa tenga ko ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba. Pakiramdam ko ay may dahilan at kahulugan ang mga katagang 'yon. Bigla bigla na lang pumapasok sa isipan ko si Crystal. Bumabalik sa alaala
Nathalie POV Walang tigil ako sa pagtakbo sa isang madilim na lugar. Hindi ko alam kung saang lugar ako o kung ano ba talaga ang nangyayari. Isa lang ang gusto ko ang makaalis sa madilim at nakakatakot na lugar na ito. Papatayin kita! Papatayin ko kayong lahat! - biglang may narinig ako na boses na sobrang lamig at nakakatakot "Tumigil ka! Layuan mo ako! Tigilan moko!"- buong lakas na sigaw ko ng hindi ko alam kung nasaan ang nagsabi nito. "Hindi ka makakatakas! Hindi kayo makakatakas! Pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo. Magbabayad kayo! Buhay kapalit ng buhay!" Nilagay ko ang mga kamay ko sa tenga ko para matakpan ito at hindi ko marinig ang boses ng kung sin
Jane POV “S-sino ka?” nauutal na tanong ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Ang dali mo namang makalimot! Ang dali mo naman akong kalimutan Jane" “C--crystal?” mahinang sambit ko. "Mabuti naman at naalala mo pa ako. Dahil ako hinding hindi ko kayo makakalimutan at ang ginawa niyo sa akin!" puno ng galit na saad ng boses. Hindi ko alam kung nasaan siya o sino ba talaga siya. Si crystal ba o hindi? Pero patay na siya! Paanong boses niya ang naririnig kung nagsasalita? Imposible! isip ko "P-patawarin mo ako, h-hindi ko sinasadya. Hindi ko ginusto ang nangyari sayo"-umiiyak na anas ko.
Masayang naglakad palabas ng paaralan ang isang babae, bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan dahil sa nangyari. Tuwang tuwa siyang pagmasdan ang mga takot sa mukha ng apat na dahilan kung bakit siya namatay. “Ganyan ang dapat sa inyo, ang nabuhay sa takot.” isip nito. Naghanap muna siya ng banyo para saan makapag palit at ayusin ang sarili, kapag kasi nando’n siya sa loob ay iniiba niya ang itsura ng mukha nito, kaya pinagkakamalan siya ng apat na ‘yon na baliw o weird. Sa ganda kung ‘to baliw lang? Hindi siya mag didisguise kung hindi lang kailangan. Ng makatapos na siyang mag ayos ay agad siya naglakad sa kotse nito na nakapark di kalayuan sa kung nasaan siya. Mabilis siyang sumakay at nagdrive paalis sa lugar na ‘yon. “Ta
Inabot na ng madaling ang magkaibigan pero hindi pa rin sila makatulog sa kakaisip ng mga nangyayari sa kanila sa loob ng ilang linggo. Nanatili pa rin sila sa sofa para magkwentuhan at magbonding na din. Ng biglang tunog ang doorbell, mabuti na lang at gising pa ang isang kasambahay nila Nathalie kaya siya na ang lumabas para tingnan kung may tao ba. Maya maya ay bumalik ito ng walang kasama pero may hawak hawak na kahon. "Ma'am wala naman pong tao, pero nakita ko ito sa gate natin. Nakapangalan sayo." sabi nito sabay lapag ng di kalakihang box. Agad naman nagpasalamat si Nathalie at sinabihan ang kasambahay nila na pwede na siyang bumalik sa kwarto niya. Ng makaalis na ito ay agad naman silang nagkatinginan. Kinuha ni Nathalie ang kahon at binuksan ito sa harap ng kaibigan. Pagkabukas niya nito ay napasigaw siy