Share

Kabanata 7

Author: Reynang Elena
last update Last Updated: 2021-02-25 20:54:29

Napatigil sa pag uusap ang magkapatid  dahil sa pagdating ng bagong mga bisita. Agad naikuyom ni William ang kanyang kamao ng makilala ang mga ito. Natatandaan niya ang mga mukha nito, ito yung madalas na pag initan ang pinsan niya. Iyong isa naman ay medyo naging kaibigan ni Crystal at higit sa lahat ang isang lalaking kasama nila na mas nagpapainit ng ulo nito. Ang boyfriend ni Crystal at alam niyang hindi naman talaga nito minahal ang pinsan kung hindi ay ginamit lang para protektahan ang totoong mahal niya.

Agad lumapit ang binata sa apat. "Anong ginagawa niyo dito?" mahina pero may diin na tanong nito.

"Gusto lang namin bumisita dito. No harm." wika naman no’ng isang babae na sa pagkakatanda niya ay Nathalie ang pangalan, familiar ito sa kanya dahil ito ang madalas na bukambibig ng kanyang pinsan.

Akmang magsasalita din si Kim ng bigla itong suntukin ni William. "Wala kang karapatan pumunta dito gago ka! Anong klaseng boyfriend ka? Hindi mo man lang naligtas si Crystal! Alam kung niloko at ginamit mo lang ang pinsan ko para riyan sa babaeng ‘yan!" puno ng galit na sambit nito sabay turo kay Jane.

Pumagitna naman si Jane kahit na nahihiya. "Please tama na kuya, nandito lang kami para bisitahin si Crystal, naging kaibigan ko din siya sa maikling panahon." pagmamakaawa nito habang tinulungan na makatayo si Kim.

"Hindi kami nandito para sa gulo, nandito kami para makiramay. Kaklase din kami ni Crystal at masakit din sa amin ang nangyaring pagkawala niya." dugtong pa ni Sophia.

Mga sinungaling! Ang gagaling magpanggap.- isip ng binata

Agad naman lumapit ang mga magulang nito sa kanila para umawat. "William enough, nandito tayong lahat para sa pinsan mo at hindi para magkagulo." seryosong saad ng ama nito.

"Pwede naman pag usapan ng maayos 'yan anak. Respetuhin natin ang lamay ni Crystal." malambing na wika ng ina nito at hinawakan sa kamay ang anak agad namang huminahon si William.

"Pwede niyo ng tingnan si Crystal pero hindi niyo na makikita ang katawan niya. Naicremate na ito ng dalhin dito at bukas ililibing na agad namin." bulalas ng ama nila.

Agad naman tumango ang apat, samantalang si Nathalie ay parang walang pakialam sa paligid o sa mga nangyayari. Sinundan naman nila si Kia na naglalakad kung nasaan ang mga abo ni Crystal.

Ng makarating sila doon ay tahimik lang ang mga ito. Walang gustong magsalita kahit na isa sa kanila. Habang si Kia ay patuloy lang ang pagmamasid sa kanilang apat na wari'y sinusuri.

"Crystal is simple, humble, caring and a loving person," panimula ni Kia. "Bata pa lang siya ng maulila dahil namatay ang mga magulang niya sa isang aksidente. Kaya kinuha at kinupkop siya nina mom at dad, pero hindi siya hinayaan na maghirap ng kanyang mga magulang dahil lahat ng ari-arian nila ay nakapangalan sa kanya at dahil sa bata pa siya ay si daddy muna ang nag asikaso nito at ililipat na lang sa kanya pag nasa tamang edad na siya o kapag handa na siyang mag turn over. Bata pa lang kami ay magkakasama na kami at sabay na lumaki kaya halos magkapatid na ang turingan namin." patuloy pa nito habang nakikinig lang ang apat.

"Nakadepende kami sa isa't isa kaya masyadong mahirap at masakit para sa amin na mawala siya. At hindi kami papayag na gano’n na lang ang mangyari. Kailangan mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. Pero hindi namin alam kung saan magsisimula kung hindi naman namin alam ang nangyari. I was hoping na sana makonsensya ang may gawa nito sa kanya. Walang gusto ang pinsan ko kung hindi ang makapagtapos para ipagpatuloy niya ang pag aasikaso sa naiwan ng mga magulang niya dahil 'yon na lang ang alaala na natitira sa kanya. Ngunit hindi na mangyayari 'yon dahil pinatay siya ng wala man lang kalaban laban. Sana hindi maranasan ng mga tao na 'yon ang naranasan niya. Pero pinagdadasal ko din na sana maramdaman nila ang sakit ng ginawa nila sa pinsan ko." mangiyak ngiyak na saad nito dahilan para mapayuko sila.

FASTFORWARD..

Lumipas ang ilang araw at tahimik na nakaupo ang apat na magkaibigan sa kani-kanilang upuan. Ngayon kasi ang araw na sasabihin ng kanilang prof. ang resulta ng kanilang grades, ngayon din ay malalaman na nila kung anong top ang nakuha nila.

Ang iba naman nilang kaklase ay may kanya kanyang ginagawa. Merong nagkwekwentuhan, nagtatawanan, nagkukulitan at meron din naman walang pakialam sa paligid.

Maya maya pa ay pumasok na ang kanilang adviser. Agad naman tumahimik at umayos ang lahat ng pumunta na ito sa harap.

"Good Morning students!" bungad nito.

"Good Morning Ms." sabay na bati ng mga ito.

"Today I will already announce those students who will have an award." walang paligoy ligoy na sabi nito

Ang tahimik na klase ay nagsimula ng mag bulong bulungan. Alam nila ang nangyari sa isa nilang kaklase na dapat ay valedictorian nila.

"I'll start with our Top 1 which is Crystal Pamela Parras. Congratulations!"- bakas ang lungkot at panghihinayang sa boses nito.

Agad namang nalungkot ang halos lahat ng nasa silid maliban sa dalagang si Nathalie na umismid.

"Pero dahil sa nangyari sa kanya ay napag usapan namin na si Ms. Nathalie Cruz  na ating top 2 ang magbibigay mensahe para sa darating na recognition." dagdag nito.

Agad naman tumayo at kumaway na parang nanalo si Nathalie na may matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

Madaming bumati sa kanya ng congratulations ng may isang kaklase silang biglang nagsalita. "Diba po wala na si Crystal bakit hindi na lang ilipat sa top 1 si Nathalie?" tanong nito na labis naman na ikinangiti ng dalaga

Naging seryoso naman ang kanilang guro. "Hindi basehan ang pagkawala niya para palitan agad siya. Since ganyan ang kinalabasan ng result ng grades nila ay kailangan talaga na nasa pangalan ni Crystal ang pagiging top 1. Makukuha lang ito ulit ni Nathalie pag siya na ang naging top 1 ulit o wala ng makakalampas sa grades niya sa susunod na grading system.' pagpapaliwanag nito.

"And I think Ms. Parras deserve it. Dahil nakuha niya ang mataas na grado kahit wala na siya. Ang rewards niya ay ibibigay natin sa pamilya niya o kung sino sa kanila ang kukuha nito para sa kaklase niyo." dagdag pa nito.

Napairap na lang si Nathalie sa narinig.

"It's okay guys! We all know that Crystal deserve it. Kaya dapat nasa kanya 'yan. Makakabawi naman ako next grading, baka sakaling ako na ulit ang maging top 1. Thank you sa inyo." plastic na ngiti nito.

Natigil ang lahat sa pag iingay ng biglang lumakas ang hangin dahilan para magsara ang lahat ng bintana sa silid nila. Lahat sila at nagulat sa nangyari.

Maya maya pa ay tumigil naman ito. Pero nandyan pa rin ang kaba sa mga mukha nila.

"That's enough! We will proceed to the top 3 and so on. Okay? Our top 3 is Ms. Jane Jimenez, Congratulations!"

Naghiyawan naman ulit ang mga kaklase nito.

Yun oh!

Congrats Jane!

Ang galing mo talaga

Iilan lang sa mga narinig ng dalagang si Jane na galing sa mga kaklase nito. Napatingin siya kay Kim at nakangiti lang ito sa kanya na ginantihan din niya ng ngiti.

Pero kahit na gano’n ang nangyayari hindi pa rin makaramdam ng saya si Jane. Pakiramdam niya hindi niya deserve ang bagay na 'yon lalo na sa ginawa nila. Iniisip niya ang mga sinabi ng pinsan ni Crystal kaya pakiramdam niya inagaw nila sa kanya ang karapatan na tuparin ang pangarap nito.

Nagpasya muna itong magpaalam sa prof. na lalabas at pupunta ng comfort room. Akmang sasamahan siya ni Sophia ng umiling lang ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Let's Play Hide and Seek   Kabanata 24

    Halos dalawang oras ang inabot nila sa lugar na ‘yon, mukhang nasarapan ang kasama ni Sophia sa pagkain ng mga st. foods kaya hinayaan niya na lang ito. Kahit papaano ay hindi naman pala maarte ang binata.Kasalukuyan silang nakaupo sa B.park habang bitbit pa ang mga pagkain na binili nila, nakaramdam lang sila ng pagod sa pag iikot kaya nagpahinga na muna silang dalawa,"Why did you do that?" biglang bulalas ni William, kaya mabilis na napatingin sa kanya ang dalagang si Sophia.Hindi agad nakapagsalita si Sophia dahil hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng kanyang katabi, mayamaya pa ay mukha napansin ito ni William."What I mean is about my cousin, bakit niyo siya nagawang patayin?" seryosong sabi niya.Agad na

  • Let's Play Hide and Seek   Kabanata 23

    Sophia POVNagkaroon ng isang linggong bakasyon dahil katatapos lang ng exam namin. Nandito Nandito ako ngayon sa isang cafe ng mag isa dahil wala ang mga kaibigan ko. Si Kim at Jane ay madalas busy dahil may mga hinahabol na requirements samantalang si Nathalie naman ay palaging kasama si William.Sa araw araw na ganito ang nangyayari ay nasanay na ako. Minsan si Kia pa ang kasama ko pero alam ko naman na nakamasid lang ito sa akin.Habang kumakain ako ng paboritong kung cheese cake at mocha frappe ay nagulat na lang ako ng biglang may naglapag ng tray sa harap niya. Akmang sisigawan ko na sana ito ngunit hindi ko natuloy ng makita ko ang mukha niya."W-william?" mahinang sambit ko.The guy chuckled.

  • Let's Play Hide and Seek   Kabanata 22

    Nanatiling nakatayo ang dalaga kahit na wala na si William. "Oh bakit nakatayo ka pa rin diyan Sophy?" untag ni Kia na ikinabalik sa wisyo ng dalaga.Mabilis naman itong umupo kung saan ang inuupuan kani-kanina lang ni William ng hindi sinasagot si Kia. Hindi niya kasi alam kung paano ito papakisamahan ngayong alam niya na ang totoo, dahil alam niyang isa sa hinahanap nilang kalaban ay kasama mismo nila."O-M-G! Narinig niyo ba ‘yon guys? He asked me out! He asked me on a date. I can't believe it." halos nag histerikal na si Nathalie."Date agad? Hindi ba pwedeng lumabas lang pero walang ibang meaning! Nag aassume ka na naman. Huwag kang umasa hindi ikaw ang tipo no’n." pang aalaska ni Kim.Inirapan naman siya ng dalaga. "Parang ikaw hindi ka din tipo ni Jane

  • Let's Play Hide and Seek   Kabanata 21

    Tulalang nakauwi sa kanilang bahay ang dalagang si Sophia. Tiningnan niya ang kanyang phone at nakitang puro ito messages na galing sa mga kaibigan, wala siyang nireplyan kahit isa sa mga ito. Para siyang lantang gulay dahil sa nangyari sa kanya buong araw. Mabilis na naligo ito at nagbihis ng damit bago tuluyang humiga para matulog.Sa kabilang banda nagbubunyi naman ang kaloob looban ng magkapatid dahil umaayon sa kanila ang lahat ng gusto nilang mangyari."Are you sure kuya na susunod sa usapan si Sophia?" biglang tanong ni Kia habang iniinom ang wine."She doesn't have any choice. Alam niyang maraming nakamasid sa kanyang paligid isang pagkakamali niya lang at may kahahantungan siya." sagot naman ni William."Pero paano kung bumaliktad siya, nando’n na tayo sa

  • Let's Play Hide and Seek   Kabanata 20

    Makalipas ang ilang oras ay nagising si Sophia, naalala niya na naman ang nangyari. Ang panloloko at panlilinlang sa kanila ni Kia, akmang tatayo sana siya para umalis ng mapansin niyang nakatali ang mga kamay at paa niya. Pinipilit niya itong kalasin para makatakas ngunit masyadong mahigpit ito kaya hindi niya magawang makaalis. "Kahit anong gawin mo hindi mo matatanggal ‘yan." napatingin siya sa nagsalita at nakita niya si Kia na prenteng nakaupo lang sa isang upuan di kalayuan sa kung saan siya naro’n. Tiningnan niya naman ito ng masama. "Oh anong tingin ‘yan? Akala mo ba nasisindak mo ako?" panunuya pa nito. "Walang hiya ka Kia! Paalisin mo ako dito!" sigaw niya sa dalaga. "Bakit ko naman gagawin ‘yon? Para makapag sumbong ka sa kanila? Hindi ako tanga!" balik si

  • Let's Play Hide and Seek   Kabanata 19

    Lumipas pa ang dalawang linggo pero hindi pa rin nawawala ang mainit na isyu tungkol kay Nathalie, madalas pa rin siya tampulan ng usapan sadyang matapang lang talaga ang dalaga at hindi pinapakita na apektado siya. Sabado ngayon kaya wala silang pasok, dahil nakakaramdam ng bored si Sophia ay naisipan niyang lumabas para mag mall, hindi na siya nag atubili pang tawagan at yayain ang mga kaibigan dahil alam niyang may kanya kanya itong ginagawa o lakad. Mabilis siyang naligo at nagbihis para makaalis na agad sa kanilang bahay. Ng matapos na siyang ayusin ang sarili ay tumingin muna siya ulit sa salamin para tingnan ang repleksyon nito, napangiti naman siyang makita na maayos na siya at ready to go na. Agad niyang kinuha ang maliit na sling bag na may lamang wallet at phone niya at lumabas sa kanyang kwarto. Ng makababa na siya ay sumakay siya sa kanyang kotse at nagsimula ng magmaneho, dahil maaga pa naman ay hindi muna siya dumiretso sa mall, dumaan muna siy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status