Chapter six
JAMIE
Back to reality.
Magigising nang maaga upang magluto ng mga ititinda, walang inaalalang iba kung hindi ang negosyo at ang sarili.
“Goodmorning ate Jamie!”
“Kamusta ang bakasyon ate?”
“Anong bakasyon? Umattend lang ako sa kasal ng kaibigan ko.”
“Hahaha kase naman ate nakalabas ka na sa lungga mo, palagi ka na lang dito hindi ka namamasyal.”
“Saan naman ako pupunta at wala naman din akong kasama.”
“Ako.” Biglang may sumabat na boses lalake.
“Sir Arthur!”
“Ang aga mo ata sir!’
“Long time no see sir ah.”
Napangiti na lamang ako kay Arthur na kakarating lang dito sa karindirya ko, isa siya sa mga malapit sa akin pero dahil busy din siya sa kaniyang buhay ay madalang na siyang pumunta dito.
“Pasensya na nagbakasyon kase ako sa probinsya ng mga magulang ko kaya hindi ako nagagawi dito.”
Nagsialisan ang mga kasama ko sa karindirya at pumunta sila sa may gilid kung saan nag aayos sila ng mga upuan at mga gagamitin dito sa karindirya.
Akala kase nila manliligaw ko si Arthur pero wala namang ganung nangyayari sa amin, magkaibigan lang kaming dalawa at para kaming magkapatid. Kung sabagay ganun naman ata ang mga tao kapag nakikita nila ang isang babae at isang lalake na walang karelasyon ay mapagkakamalan nilang magkaibigan.
“Kamusta ka na?”
“Ganun parin walang pagbabago.”
“Anong wala blooming ka ngayon.” bigla akong napahawak sa magkabilang pisngi ko. Anong blooming? May napapansin ba silang kakaiba sa akin?
“Nambola ka pa.” yan na lang ang sinabi ko at hindi na ako nagsalita pa. Porke nadiligan blooming na agad?
Nakipag usap sa akin si Arthur at nagkwento habang nag aayos kami dito sa karindirya ko, maaga pa kase at nagjojogging siya dito na siya huminto at kumain ng almusal. Hindi na siya umuwi sa kanila agad, dito na siya tumambay at tumulong na rin sa pag aasikaso sa karidirya ko.
“Naabala ka pa.”
“Hindi naman ito abala, kusa ito, tumutulong din naman ako noon dito.”
“Salamat.”
“Galing ka daw Maynila noong nakaraang araw?”
“Ah oo umattend ako sa kasal ng kaibigan ko.”
“Sayang sinamahan sana kita.”
Kung sinamahan mo ko baka hindi na kami nagkita ni Lance at wala ring nangyari sa amin ng gabing iyon, heto nanaman ang isipan ko naaalala nanaman ang gabing katabi ko ang dati kong asawa.
Buburahin ko na lang sa isipan ko ang mga nangyari, fresh pa kase sa ngayon kaya palaging sumasagi sa isipan ko.
Yung mga kasama ko sa karinderya palaging napangiti tuwing dadaan, ganun sila kapag nandito si Arthur, akala kase nila nililigawan ako ni Arthur, bahala kayo mag isip niyan
Pagbukas ng TV dito sa karinderya ang bungad talaga ay ang news tungkol kay Lance. “Ay kagwapo naman niyan.”
“Oo nga ang yaman.”
“Akala ko ang yummy hahaha.”
Siya ang tampulan ng pansin ngayon dito sa karinderya dahil sa kaniyang itsura sa telebisyon, napakakisig at napakagwapo naman talaga niya ngayon, iba na talaga ang may pera.
Ang dami nanaman niyang achievements na natanggal, tapos may napansin ako may nakapulupot sa braso niya na babae, mukhang yun ang girlfriend niya?
“Ang swerte nung babae noh?”
“Kaya nga bagay sila.”
Yan ang naririnig kong comment ng mga kasamahan ko sa karinderya, ang hindi nila alam dati kong asawa ang pinag uusapan nila.
Hindi ko na kase naabutan ang estado ni Lance na ganiyan, ako ang kasama niya sa hirap pero pareho kaming immature noon kaya nahantong sa hiwalayan.
Hindi ko alam kung nagsisisi ba ako o hindi, basta ang alam ko malaya ako sa lahat ngayon, pero hindi ako gaanong masaya.
“May problema ba?” biglang nagsalita si Arthur na nasa tabi ko.
“Ha?”
“Ang sabi ko kung may problema ka ba?”
“Wa-wala naman bakit?”
“Ang layo ng tingin mo, natulala ka bigla sa pinapanuod mo.”
“Ah wala ito.”
Manghang mangha sila kay Lance ngayon dahil sa mga ibinabalita sa kaniya, halos lahat ng babae dito hinahangaan siya at naiinggit sa bagong girlfriend niya.
Kung alam niyo lang talaga kung sino ako sa buhay ni Lance, ngayon ko lang nakita ang bago niya, hindi naman siya nagloko sa akin, naghiwalay naman kami ng maayos at wala siyang nilokong tao.
Kahit na ako ngayon ay single hindi naman ako nagsisisi doon dahil ayaw ko naman pakealaman ang buhay ng dati kong asawa, at isa pa wala akong inaalala ngayon kung hindi ang sarili ko lang at ang kainan ko.
Hinayaan ko na lang sila na manuod ng balita, may mga customer na din kaseng pumapasok kaya kailangan ko silang pagsilbihan kaso itong si Arthur siya ang sumasalo ng gawain ko.
“Wala akong maibabayad sayo.”
“Hindi naman ako nagpapabayad, tumutulong ako.”
Parami na ng parami ang mga customer hanggang sa magtanghalian na, mahirap talaga kapag mag isa lang kaya nagpapasalamat ako sa mga kasama ko na nagtitiyaga sa akin at sa munti kong kainan.
Natapos nanaman ang araw ko na pagod at may benta, nakakatuwa tuwing bibilangin ko ang kinita namin dahil maraming customer at nauubos lahat ng ulam.
Si Arthur nandito pa din, hindi na umuwi pero handa siya may dala kase siyang bihisan niya.
“Nagovertime ka na dito.”
“Wala naman akong gagawin na.”
“Salamat sa pagsama.”
“Wala yun.” kasabay ko siyang naglalakad pauwi sa tinutuluyan ko, yung tinutuluyan kase niya kaya niyang lakadin, hiatid niya ako sa bahay at tsaka siya umalis.
Pagbukas ko ng pinto ang lungkot ng pakiramdam, mag isa ko nanaman.
Palagi ko itong nararamdaman tuwing uuwi ako dito, iba ang pakiramdam kapag may nakakasama talaga, hindi man lalake basta yung nakakasama sa bahay.
Kung sana may anak ako noon pa, edi magkasama kami ngayon.
Kaso ang pangit naman kung maging broken family ang kalalakihan ng anak ko, hindi ko na talaga alam ang mararamdaman ko may halong pagsisisi na parang hindi.
Gusto ko lang maging simple, yun bang nakakakain ng tatlong beses sa isang araw at kumikita sa negosyo ko, hindi ko hinangad na yumaman pero hinangad kong magkaroon ng anak man lang.
Kumain na lang ako ng noodles dahil wala ng natirang ulam sa karinderya ko, inuuwi namin ang mga natitirang ulam kaso ngayon sold out lahat.
Maski nga si Arthur nang uuwi din ng ulam kapag may natitira kaso ngayon wala akong naibigay sa kaniya, pinakain ko lang siya ng libreng umagahan at tanghalian kanina.
Kagaya ng dati araw araw ganun ang routine ko, hindi ako nagpapahinga sa kakaluto ng mga binibenta ko kaya naman si Arthur naisipan na magswimming kasama ang mga nagtatrabaho sa kainan ko.
Inaya niya kami at sabi niya sagot niya lahat.
Noong una ay tumanggi ako kase nakakahiya, kaso itong mga kasama ko minsan lang daw mangyari ang may manlibre sa amin kaya igrab ko na daw.
Wala akong choice, majority win.
Kaya ngayong umaga imbis na paninda ang prineprepare ko ay babaunin namin ngayon ang hinahanda ko.
May sasakyan si Arthur kaya yun ang ginamit namin, siya pa ang naging driver namin.
Dinala niya kami sa isang beach resort, malayo iyon sa lugar namin halos dalawang oras ang byahe kaya ang ibang mga kasama namin ay natulog sa sasakyan.
Napakaganda ng lugar na pinuntahan namin, ngayon lang ako nakarating dito dahil hindi naman kaya ng budget ko ang makapunta sa ganitong lugar.
“Mahal ata dito.” Bulong ng kasama ko.
“Kaya nga nakakahiya.”
“Pasok na!” sabi ni Arthur na may ngiti sa kaniyang labi, halatang naeexcite din siya, mas lalo kaming namangha ng pumasok kami, pangmayaman ang lugar na ito hindi kami belong.
Lahat ng mga babaeng nandito nakabikini, kami lang tong nakatokong at shorts.
Sumusunod lang kami ngayon kay Arthur dahil hindi naman namin alam kung saan kami pupunta, may nirentahan siyang cottage na malawak at doon kami namalagi, nahihiya kami ng mga kasama ko na maligo, naeexcite pa kami kanina kaso dito kami dinala ni Arthur sa mamahaling beach resort.
Umalis muna siya sandali at kami lang ng mga kasama ko sa karinderya ang naiwan sa cottage.
“Paano tayo lalangoy niyan nakabikini lahat oh.”
“Oo nga nakakahiya naman nakashorts lang ako, hindi ko kaya magbikini ng ganiyan.”
“Ako nga puro butas panty ko.”
Nagtatawanan na lang kami dito sa cottage kase hindi kami makapagenjoy, puro mayayaman kase ang nandito.
“Oh bakit hindi kayo maligo?” Tanong ni Arthur sa amin kase nagkukumpulan kami sa cottage.
“Malamig yung tubig.”
“Mainit.”
“Iitim kami.”
Ang dami naming dinahilan pero ang totoo nahihiya kami.
“Kahit saan naman tayo magpunta mangingitim tayo hahaha, halina kayo! Mag enjoy tayo dito.”
“Teka sandali, wala kaming maisusuot pangswimming kase.” Ako na ang nagsabi.
“Pwede naman kahit ano ah.” Sagot naman ni Arthur kaya nagtinginan kaming lahat at nagsitakbuhan na sa swimming pool kahit nakapambahay na shorts lang kami.
Nakakatuwa lang para kaming preso na nakawala dahil ang iingay namin, ang iba naman na naliligo napapatingin lang sa amin.
Ang nasa isip ko hindi naman kami kilala kaya mag eenjoy na ako, bahala sila diyan atleast nakaranas ng pangmayamang pool.
Ang ganda ng view, picture ng picture ang mga kasama ko, ako lang ang hindi makarelate kase hindi ako mahilig diyan, basta nakatatak na sa utak ko ang memories na ito para na rin akong kumuha ng litrato.
Umahon muna ako para umihi, nakakahiya umihi sa pool baka magkagalis ang mga naliligong mayayaman.
Pag ahon ko may muntik na akong makabangga na babae, ang sexy din niya at nakaone piece ng kulay dilaw, napatingin siya sa akin at napakunot ang kaniyang noon a parang diring diri siya sa akin.
Muntikan ko lang naman siyang nakabangga pero hindi ko siya natamaan.
Teka? Pamilyar ang mukha niya.
Parang nakita ko na siya?
Tama! Siya ang girlfriend ng dati kong asawa na si Lance!
Sana po subaybayan niyo hanggang dulo
EpilogueJAMIEHindi na takot ang nararamdaman ko ngayon kung hindi kaba, anong pinaplano ni Lance at gusto niya akong ilayo muna?Bakit? ano naman kaya ang gagawin niya? yan ang nasa isip ko kanina pa, ang dami kong katanungan pero hindi niya masagot ng maayos, basta basta na lang siya nagplaplano pero may tiwala naman ako sa kaniya, hindi naman niya ako ipapahamak.Nasa ospital kami ngayon at nagtatago, tinago kami dito ni Lance at pinakiusapan ang doktor, ibubuko niya daw si Grace yun ang sabi niya sa akin kanina.Kinakabahan ako dahil baka kung anong mangyari sa kaniya, nababaliw pa man din ang babaeng iyon.“Tara na, okay na yung sasakyan ko dadalhin nakita sa dati mong tinitirahan.”“Sige.” Sabi ko kay Arthur.Binilin siya ni Lance na dalhin ako doon, nagpaalam na din kami sa doktor ko dahil dito kami nagtago sa opisina niya, nakakahiya nga eh kaso si Lance na ang nakiusap.Hindi nawawala sa isipan ko si Lance, inaalala ko siya dahil baka gawan siya ng masama ni Grace, hays kinak
Chapter seventy sevenLANCESaktong pagdating ni Grace sinagawa na namin ang plano, lahat ng nasa bahay alam ang mangyayari at may tiwala ako sa kanila na hindi nila sasabihin ito kay Grace.Sinugod namin kunwari si Jamie sa ospital, inalalayan naman namin ni Arthursi Jamie papunta sa sasakyan ko.“Deretso tayo sa ospital.” Sabi ko, tatlo lang kami na pupuntang ospital.“Baka sumunod siya?”“Oo susunod talaga yan kaya kailangan natin magmadali.”“Anong plano mo?”“Papalabasin natin na nakunan si Jamie, hindi ka pwedeng makita ni Grace.”“Huh? Paano kung puntahan niya ako?”“Ako na bahala, basta dederetso tayo ngayon sa ospital at pagdating ni Grace dalhin mo si Jamie sa dati niyang tinutuluyan, doon muna siya, babalikan ko siya bukas.” Paliwanag ko.“Paano ka? Anong gagawin mo?” pag aalala ni Jamie sa akin.“Ako na bahala kay Grace, kailanan ko siyang mabisto sa personal upang wala na siyang maidahilan.”“Sige.”Alam kong susunod si Grace sa amin kaya dumiretso muna kami sa ospital, si
Chapter seventy sixLANCEMuntik na akong maniwala sa pagbabago niya.Oo aaminin ko gusto ko pa sana siyang bigyan ng chance dahil nakikita ko yung pagpupursigi niyang tumulong at magbago, pero mali pala, hindi pala lahat ng pinapakita niya ay totoo.May masama pala siyang binabalak kaya siya nagbago, ang akala ko pa naman totoo na at ginagawa niya iyon para sa amin para sa relasyon namin kaso iba ang balak niya.Napakasakit para sa akin ng ipaalam iyon ni Jamie, wala akong ibang pinagdududahan maliban sa kaniya dahil siya lang naman ang may ayaw kay Jamie at sa anak ko dito, ang mga ibang kasama namin sa bahay ay wala namang galit sa mag ina ko.Hindi ko malaman ang gagawin at magiging desisyon ko pero sa ngayon? galit ang nararamdaman ko para sa kaniya, dinamay niya ang baby ko na walang kamalay malay.Hindi ko siya mapapatawad, ang kailangan kong gawin ngayon ay ang mahuli siya sa akto, yung mismong malalaman ko na siya nga ang may dala ng gamot na iyon sa bahay.Iniisip ko kung pa
Chapter seventy fiveJAMIEHindi ko pa sinasabi kay Lance tungkol sa hinala ko, ayaw kong magkagulo agad ng walang malakas na proweba at matinding basehan sa mga binibintang ko.Hinihintay kong umalis si Lance lalo na si Grace, kaso si Lance lang ang umalis at pumunta sa kompanya itong si Grace naman naiwan sa bahay, hindi ako nagpahalata sa kaniya na aalis ako dahil baka sumama sa akin.“Pakisabi kasama ko kaibigan ko kapag hinanap ako ni Grace.”“Opo maam, pero saan po kayo pupunta?”“Ah eh kasama ko kaibigan ko, diyan lang kami sa fast food, ngayon lang kase kami ulit magkikita.”“Ah ganun po ba maam ako na po kukuha ng masasakyan niyo.”“Salamat.”Hindi pa lumalabas ng kwarto si Grace kailangan kong magmadali baka makita niya ako, dala ko ang gamot na nakuha ko sa sahig ng kusina, ipapakita ko ito sa doktor.Grabe ang kaba ko habang palabas ng bahay, kase baka makita ako ni Grace at sumama sa akin, kailangan kong malaman kung anong gamot ba ito kaya pupuntahan ko ang doktor ko upa
Chapter seventy fourJAMIEHindi maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw, hindi ko malaman kung bakit, maski ako nagtataka, sinusunod ko naman mga bilin ng doktor sa akin, naiinom ko naman sa oras ang mga gamot ko na nireseta sa akin.Mga vitamins namin ni baby iyon at maganda sa katawan, nakailang take na nga ako, yung sa pagkain naman namin iisa lang ang kinakain naming lahat, wala namang kakaiba sa pagkain ko, kung ano ang kainin ko yun din naman ang kinakain nila maski prutas.Kaya nagtataka ako bakit ang hina ng katawan ko nitong mga nakaraang linggo, pinipilit ko na lamang minsan magkikilos para hindi nila ako asikasuhin ayaw ko talaga kase magpaasikaso sa kanila dito nahihiya ako.Gusto ko ako yung makatulong sa kanila dahil libre na ako sa lahat dito kaso umiiba pakiramdam ko, nadala na ako noon sa ospital ni Grace tapos nitong nakaraan si Lance naman at ngayon umiiba nanaman pakiramdam ko.Noong hindi ko na kinaya dinala na ako ni Lance sa ospital, kinausap ako ng
Chapter seventy threeGRACEAng aga ko pang nagising para maobserbahan si Jamie, magtatanghalian na hindi pa sumasakit ang tiyan niya, hindi pa siya sinusugod sa ospital.Paano nangyari yun?Kase noong mga araw na nilalagyan ko ng gamot yung ulam namin mga ilang minuto pa lang sumasakit na ang kaniyang tiyan.Baka hindi na sumasakit dahil wala na yung bata sa tiyan niya?Hindi ako mapakali, hindi ko malaman kung anong lagay ni Jamie, hindi sa concern ah kung hindi dahil kailangan nasa ospital na siya ngayon at umiiyak.Kaso patawa tawa pa siya doon sa loob ng kitchen, bakit ganun? Mabisa naman yung gamot na iyon ilang araw ng ana nadadala sa ospital si Jamie tapos ngayong huli ng lagay ko wala ng epekto sa kaniya? Imposible.“Sumakit nanaman tiyan ko, nakaraang linggo ganito nanaman eh.”“Ako naman hindi.”Rinig kong usapan ng mga kasambahay. Ganiyan din ang epekto noong naglagay ako kaso iisa lang ang nagtae ngayon mukhang naimmune na ata ang iba o baka hindi sila kumain ng niluto ko
Chapter seventy twoGRACENapakadali nilang pasakayin, hindi ko alam kung tanga ba sila o ano, hindi ba nila pansin na nagpapanggap lang ako? Hindi naman nila ako tinatanong o sinisita, mas lalo si Lance hindi niya ako tinatanong kung bakit ganito na ang ugali ko, basta ang akala nila dahil sa gamot ko na nireseta ng doktor.Hahaha napakadali nilang utuhin, halata minsan sa kanila ang pagtataka pero ang dali lang pagtakpan, hindi nila namamalayan ang palihim kong balak para sa kanila.Bahala sila magtaka diyan, bahala silang mag isip tungkol sa akin, basta yung plano ko maisagawa ko ayos na iyon.Hindi na nila ako mapagbibintangan.Halos ilang linggo din akong nagpapakatanga sa kanila, nakakasuka nga makisama lalo kay Jamie kung alam lang niya hahaha.Kaso hindi talaga niya mapansin mga ginagawa ko sa kaniya na puro kasinungalingan lamang para maisagawa ang plano ko.Ang totoo niyang balak ko talaga makuha ang loob nila. Lalo na si Jamie na uto uto, or let say magaling din makipagplas
Chapter seventy oneLANCENaninibago ang lahat kay Grace maski naman ako dahil iba ang ikinikilos niya, para sa akin, sana noon pa, kaso ngayon hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko, na parang wala na patutunguhan ang relasyon namin ni Graxe kahit pa magpakabait siya.Alam ko naman kase ang tunay niyang ugali, babalik at babalik siya sa ganung ugali.Hindi ko alam kung epekto ba talaga ng gamot yun o nagpapanggap lang siya, ayaw ko sana na nagpapanggap lang siya o epekto ng gamot ang pinapakita niya dahil parang ang pinapahiwatig nun ay pansamantala lang ang ganung ugali niya.Ayaw ko naman na ganun lalo magkakaanak ako, hindi ko alam kung maganda pa ang ipapakita niyang ugali sa anak ko o hindi, ayaw ko naman ilayo ni Jamie ang anak ko kapag nangyari iyon, ayaw ko magsisi sa huli kaya kailangan kong ayusin lahat ng desisyon ko.Minsan finofocus ko na lang sa trabaho ang sarili ko para mawala sa isip ko ang mga problema dito sa bahay.Pagdating ko sa bahay tulog sila Grace at
Chapter seventyJAMIESa araw araw na lumilipas nagiging okay naman na ang pakikitungo ni Grace sa akin kahit na wala si Lance, hindi na niya ako inuutusan kagaya ng dati, siya pa nga ang nagkukusa sa sarili niya para tulungan ako.Pero iniiwasan ko na siya.Baka kase hindi ako maging aware kapag nadala ako sa pagiging mabait niya sa akin, hindi ko alam kung kailan babalik ang tunay niyang ugali.Mahirap maniwala pero makikisama ako.Kung nginingitian ako, ngingitian ko rin, kung mabait ang pakikitungo sa akin mabait din ang itutungo ko sa kaniya, pero kung pinaplastik niya ako plaplastikan ko din siya.Ayaw ko nga minsan na dalawa lang kami, mabuti nga at nandito ang mga kasambahay nakamasid sa amin palagi, alam naman yan ni Grace.Habang nakatayo ako at naghihiwa bigla akong nakaramdam ng masakit sa tiyan ko, matagal pa naman ang kabuwanan ko pero bakit iba yung sakit?Napahinto ako at nakiramdam, nirerelax ko ang utak ko dahil natataranta ang katawan ko, iba yung sakit ngayon ng ti