Si Yvonne ang nasa pinto. Nanghihingi siya ng tawad kay Wilbur. “Wilbur, pakiusap, patawarin mo ako. Alam ko na nagkamali ako.”Si Wilbur ang may ari ng Cape Consortium International. Ang isang tao na may ganitong kapangyarihan ay may nakakatakot na impluwensya sa industriya.Maaaring wala nang ibang kumpanya na makikipag trabaho kasama ang mga Willow pagkatapos ng pangyayaring ito. Kung balak ni Wilbur na atakihin sila, mawawala ang lahat sa pamilya Willow sa isang iglap lang.Ang pamilya Willow ay hindi hahayaan na atakihin sila ng Cape Consortium, base sa kapangyarihan nito. Ang Cape Consortium ay parang isang malaking bundon, habang ang pamilya Willow ay parang isang bukol ng lupa lang sa paanan nito.Wala siyang maisip na paraan para ipagtanggol ang sarili niya sa atake mula sa Cape Consortium. Ang tanging magagawa niya ay ang humingi ng kapatawaran upang ang pamilya Willow ay maaaring mabuhay.Napagtanto ni Wilbur ang pinagaalala ni Yvonne at sinabi niya ng kalmado, “Hayaan
Si naman Wilbur ang tumahimik ngayon. Matagal bago niya sinabi, “So, mukhang alam mo na ang nangyari.”“Oo.”“Sana ay wag mo akong sisihin,” Ang sabi ni Wilbur na parang humihingi ng tawad.Mahinang sinabi ni Chelsea, “Hindi kita sinisisi. Nararapat ito sa kanya. Tumawag si Yvonne sa akin kanina para lapitan kita.”Nabigla ng ilang sandali si Wilbur makalipas ang ilang sandali at agad niyang naintindihan ang ibig sabihin ni Chelsea. “Pumunta ka na pala dito. May gusto akong pag usapan rin natin.”“Alam ko na gusto lang nila akong gamitin, at alam mo rin ito,” Ang sabi ni Chelsea.Tumango si Wilbur. “Alam ko, pero alam mo dapat na nakikita kita at ang pamilya Willow bilang magkaibang bagay. Gusto kong magtrabaho ka para kay Faye Yves. Pwede ka matuto ng mga bagong bagay. Wala itong kinalaman sa mga Willow.”“Pwede ko ba muna itong pag isipan? Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.” Naiintindihan niya ang pagkabalisa ni Chelsea mula sa phone.Kumunot ang noo ni Wilbur. Tutal, si Ch
Nang marinig ang mga salitang yun, halos mahimatay ulit si Yvonne dahil sa galit.Pagkatapos ng ilang sandali, sumagot siya, “Tulungan mo ako na magschedule ng meeting kasama ang taong namumuno. Gusto ko siyang kausapin.” Pagkatapos ay ibinaba niya ang phone.Alam niya na ang negatibong epekto sa nangyari sa kasal ay lumalabas na. Hindi klaro kung ano ang meron para sa kanila. Ang alam niya lang ay dapat niya itong harapin.Malungkot din ang mga magulang ni Yvonne. Galit pa rin sila kay Wilbur, naniniwala sila na si Wilbur ang nagtulak sa pamilya nila sa isang sulok.Sumapit ang gabi.Masaya na nag drive si Faye ng mag isa, iniisip niya kung anong nightgown ang susuotin niya sa bahay.Baka dapat siyang bumili ng ilan pa. Tutal, sinuot niya na ang lahat ng meron siya.Dapat ba ay mas maging sexy ang mga nightgown niya?Biglang may itim na MPV na nag overtake sa kanya at ginasgas nito ang kotse niya.Sinumpa ni Faye ang kamalasan niya at lumabas siya ng kotse para tumingin.Pag
“Ano ang ginagawa ko?” Hinampas ni Stanley ang tinidor sa mesa, malupit ang ekspresyon niya. “Sinira mo ang kinabukasan ko at pinasisante mo ako sa overseas headquarters. Ano sa tingin mo ang ginagawa ako?”Mas lalong nagalit si Stanley habang nagsasalita siya. Sinisante na siya ng Cape Consortium, at imposible na para sa kanya na mabuhay sa industriya.Bukod pa dito, alam niya kung gaano kalupit ang mga tao sa internal security ng Cape Consortium.Ang internal security department ng Cape Consortium ay isang label lang. Sila ay grupo ng mga walang puso at malulupit na demonyo.Maliban sa pamumuno sa security system ng Cape Consortium, responsable rin sila sa pagpaparusa ng staff member na gumawa ng malaking pagkakamali. Higit sa lahat, makapangyarihan talaga sila, dalubhasa sila sa pagharap sa mga tao na may utang na pera sa Cape Consortium o sa mga ayaw magbayad.Dahil isa siya sa mga mataas na posisyon sa Cape Consortium noon, alam ni Stanley na nakakatakot ang mga tao doon. Ang
Mabagal na sinabi ni Wilbur, “Oo, ito nga. Anong problema?”“Pumunta ka sa norte ng Copperhead Factory. Kailangan ko ng tulong mo sa isang bagay,” Ang sabi ni Faye.Kumunot ang noo ni Wilbur. Agad niyang naintindihan na may nangyari kay Faye. “Okay. Pupunta na ako dyan. Ako ang bahala.”Kasabay nito, sa house number one.Inutusan ni Benjamin ang personal chef na maghanda ng isang malusog na pagkain. Pagkatapos ay sinabi niya sa anak niya, “Imbitahan mo si Wilbur. Gusto kong uminom kasama siya ngayong gabi.”Tumango si Gordon at dumiretso siya sa bahay ni Wilbur.Sa factory, ibinaba nia Faye ang phone at huminga siya ng malalim.Alam niya na alam ni Wilbur na may masamang nangyari sa kanya. Ito ay dahil kahit kailan ay hindi niya tinawag si Wilbur ng buong pangalan sa regular na pag uusap nila. Bukod pa dito, ang sagot ni Wilbur ay halata na gusto ni Faye na si Wilbur ang humarap nito.Umaasa lang si Faye na naiintindihan ni Wilbur ang masamang sitwasyon at maghanda si Wilbur sa
Natulala si Stanley. Matagal bago niya naproseso ang sinabi ni Wilbur at tumawa siya ng malakas.Tumingin siya ng malupit kay Wilbur. “Bata, alam mo ba kung sino ang lalaking ito? Siya si Lightning Hank, ang pinuno ng Black Tiger Gang! Sila ang pagpapatakbo ng underground ng Seechertown. Sa tingin ko ay naiintindihan mo ang nangyayari ngayon.”“Ang Black Tiger Gang? Lightning Hank?” Ang kalmadong tanong ni Wilbur. Pagkatapos ay idinagdag niya, “Hindi ko sila kilala.”Nawalan ng kontrol si Stanley. Sa oras na sisigaw na siya kay Wilbur, sinabi ni Lightning Hank, “Matigas ang ulo mo! Kilala mo ba kung sino ako? Mukhang kailangan ko ipakita sayo ngayon.”Mabilis na sinabi ni Faye, “Sir, pakiusap, wag! Gusto niyo ng pera, hindi ba? Pwede kong ibigay ang kahit gaano kalaki. Pakiusap, wag niyo lang kaming saktan. Pwede natin itong pag usapan.”Sumagot ng malamig si Lightning Hank. “Bakit natin kailangan pag usapan ito? Sa tingin mo ba ay makapangyarihan ang Cape Consortium? Nasa Seecher
Ngumiti si Wilbur. “Sapat na ang sampung minuto. Ako na mismo ang tatapos kapag hindi siya pumunta.”Nagpatuloy si Lightning Hank sa pagkain, tila wala siyang pakialam.Bilang ang pinakamalaking gang sa Seechertown at ang pinuno ng underground ng halos dalawampung taon, may kumpiyansa siya sa sarili niya.Bukod pa dito, hindi siya mag isa. Ang gang leader ng isa sa pinakamalaking gang ay gustong ambushin siya ngunit napatumba ito ng backer ni Hank ng hindi napapansin. Naisip ni Hank na hindi niya na kailangan matakot sa kahit ano simula noon.Ngayon naman, plano niya na masaksihan ng Cape Consortium ang kapangyarihan niya upang maging mabait sila sa darating na panahon.Mabilis na lumipas ang sampung minuto. Mabilis na pumunta si Gordon suot ang normal na damit.“Mr. Penn, ayos ka lang ba?” Ang tanong ni Gordon.Tumingin si Wilbur sa oras at ngumiti siya. “Maaga ka dumating.”Yumuko si Gordon bilang respeto bago siya lumingon para tumingin kay Lightning Hank at sa mga tauhan ni
Suminghal ng malamig si Wilbur at sinipa niya si Stanley sa dibdib.Dumura ng dugo si Stanley habang lumipad siya, tumama siya ng malakas sa sahig at nawalan siya ng malay.Pagkatapos nito, lumapit si Wilbur kay Lightning Hank. “Nakipag tulungan para kidnapin si Faye at turuan ako ng leksyon, tama ba?”“Si Stanley ang may ideya nito! Ginagawa ko lang ito para sa pera! Wala tayong problema sa isa’t isa,” Nagmamakaawa si Lightning Hank. Nawala na rin ang lahat ng kayabangan niya.Binuhat ni Wilbur si Lightning Hank mula sa kwelyo at lumapit siya sa mukha ng lalaki, nagbabala siya, “Wala akong pakialam kung sino ka. Wag mong hawakan ang kahit sinong malapit sa akin. Guluhin mo sila, at magbabayad ka.”Bago pa sumagot si Lightning Hank, sinuntok siya ni Wilbur sa tiyan sa sandali na bitawan siya nito.Umungol sa sakit si Lightning Hank, gumulong siya sa sahig habang dumudura ng dugo. Tila may parte ng laman loob niya na sumama sa dugo.Halata na hindi na siya mabubuhay.Nakita ni G