Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang
Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil
“Wilbur, bakit mo ginahasa si Yvonne?”Sumagot ng kalmado si Wilbur Penn sa mga akusasyon ng mga Willow, “Noong gabi, umuwi ng lasing si Yvonne at magulo ang damit niya. Tinulungan ko lang siya papunta sa kama upang makapag pahinga siya, pero inaaksusahan niyo ako na ginahasa ko siya. Pati, asawa ko siya. Paano ito maituturing na panggagahasa?”“Karahasan ang ginamit mo, kahit na kasal na kayo,” Ang sigaw ng biyenang-lalaki ni Wilbur, si Jackson Willow.Ang biyenang-babae niya, si Miranda Wester, ay nakisingit din. “Tama! Kailangan niyo mag divorce ngayong araw, at walang maiiwan na kahit ano sayo.”Kumunot ng malalim ang noo ni Wilbur… Para bang may bagyo na namumuo.Pagkatapos, ang mas batang hipag niya, si Chelsea Willow, ay sinabi, “Dad, Mom, ano po ang ginagawa niyo? Kung hindi po tayo binigyan ni Wilbur ng fifty million dollars noon, hindi po tayo aangat mula sa pagiging mga karaniwang tao at naging mga bilyonaryo, kasama ang isang lumalago na supermarket business. Nakalimut
Umiling si Blake. “Diyos ko, walang kwenta ka. Ang mga malaking kumpanya na tulad ng Cape Consortium ay napupunta sa headlines kahit na ano ang gawin nila. Paanong hindi mo alam ang tungkol dito? Walang kwenta ka talaga.”“Isang tamad na tambay lang siya. Walang punto na sabihin ang lahat ng ito sa kanya.” Tumingin ng nanunuya si Miranda kay Wilbur.Galit na sinabi din ni Jackson kay Wilbur. “Wala kang ibang alam kundi ang kumain at matulog. Mas mabuti na ang lumayas ka at wag mo na kaming ipahiya.”Sa sobrang galit ni Wilbur ay tumawa siya. Naisip niya kung ano kaya ang mga reaksyon nila kapag nalaman nila kung sino talaga siya.Mabuti na lang, itinago niya ang tunay na pagkakakilanlan niya sa oras na yun. Kung hindi, hindi niya makikita ang mga tunay na kulay nila.Pagkatapos, ang mga katulong ay nagsimulang maghain sa mesa ng iba’t ibang masasarap ng pagkain.Makalipas ang ilang sandali, sinabi ni Jackson, “Mr. Woods, sumama ka sa amin ng tanghalian.”“Ah, sige.” Tumayo ng ma
“Anong sinabi mo?” Naging malamig ang ekspresyon ni Wilbur. Walang hiya ang taong ito na maging bastos sa kanya pagkatapos siyang bungguin.Nangutya ng malamig ang lalaki. “Mula ka sa anong department, ano ang pangalan mo?”“Ito rin ang tanong ko, mula ka sa anong department, at ano ang pangalan mo?” Ang malamig na sagot ni Wilbur.Proud na sinabi ng lalaki, “Ako ang vice president ng Cape Consortium, si Stanley Lowes. Nagtatrabaho ka ba dito?”“Parang ganun na nga,” Ang kalmadong sagot ni Wilbur.Ngumisi si Stanley. “Sisante ka na. Lumabas ka na ngayon.”Ngumiti ng naiirita at hindi makapaniwala si Wilbur. “Sisisantehin mo ang isang tao dahil lang dito?”“Ano ba ang sinasabi mo? Pwede kitang sisantehin kung gusto ko.” Puno ng panunuya ang mukha ni Stanley.Mabagal na sinabi ni Wilbur, “Ah, isang makapangyarihang lalaki.”“Pinadala ako ng headquarters, ako ang vice president ng Karon Province branch, para i-supervise ang mga bagay dito. Kahit si Ms. Faye Yves ay nagtatrabaho p
Nakita ni Faye ang pagdadalawang isip sa mukha ni Blake, at nawala ang ngiti niya. “Pag isipan mo ito ng mabuti, Mr. Woods. Istrikto kami sa financial supervision ng Cape, at hindi ito isang eksepsyon. May sariling problema ka, kami din. Kung ayaw mo ito, pwede nating tapusin agad ang collaboration natin.Nahirapan ng ilang sandali si Blake, ngunit sa huli ay pumayag siya na pinirmahan ito.Ang five billion dollars ay masyadong mahalaga. Bukod pa dito, ang isang establishment na tulad ng Cape Consortium ay hindi mag aabala sa isang maliit na kumpanya na tulad ng Woods Corporate, hindi ba?“Pipirmahan ko ito.” Masunurin na pinirmahan ito ni Blake sa huli.Sumandal si Faye sa upuan niya, nagkaroon ng maliit na ngiti sa mukha niya.Nang mapirmahan ito, tumayo si Faye at inabot niya ang kamay niya kay Blake. “Inaasahan ko ang makipagtrabaho sayo. Matatanggap agad ng Woodws Corporate ang pondo. Paki tingnan ang transaction mo mamaya.”Mabilis na kinamayan ni Blake si Faye ng nagpapasa
Agad siyang umapak ng malakas sa lupa. Ang konkreto sa ilalim ng mga paa niya ay nabitak sa lakas habang niligtas niya ang bata na parang isang kidlat. Tumapik ang dulo ng paa niya sa harap ng kotse habang lumutang siya ng ilang metro paatras at lumapag siya ng dahan dahan sa sahig.Ang lahat ay nangyari lang sa loob ng dalawang segundo.Sa sandaling na ibaba ni Wilbur ang bata, hindi makapaniwala ang mga tao sa paligid sa kanilang nasaksihan.Ang isang babae, pagkatapos sumigaw ng balisa, ay lumapit, niyakap ang bata at sinuri kung may mga sugat nito.Ang driver ay lumabas na rin ng kotse. Sinigurado niya na ang bata ay ayos lang bago siya lumapit kay Wilbur.“Ikaw pala?” Sabay nilang sinabi.Nagkibit balikat si Wilbur. “Nagkataon nga naman!”“Pasensya na po, Boss. Kasalanan ko po na nagkulang ako sa atensyon. Ayos lang po ba kayo?” Tumayo ng kabado si Faye.“Ayos lang.” Umiling si Wilbur.Lumapit siya sa bata at sinuri niya ito kung may mga sugat ito bago siya tumingin sa na
Nataranta si Faye, at tumigas ang katawan niya. Nanatili siya sa nakayuko na posisyon, hindi siya kumibo.‘Masyadong mabilis ang mga nangyayari. Ano ang gagawin ko ngayon?’‘Tanggihan siya ng magalang? Bibigay ba ako, pero medyo nagdadalawang isip? O makatarungan ko siyang tanggihan?’Napuno ng iba’t ibang posibilidad ang isipan ni Faye.Ang kamay ni Wilbur ay dumapo na sa dibdib ni Faye, kinuh ang isang bagay sa bandang leeg ng nightgown. Sinabi niya ng nakangiti, “Isang hibla ng buhok. Wag nating hayaan na bumagsak ito sa plato.”Huminga ng malalim si Faye sa loob, nakapag relax na rin siya sa wakas.Hirap niyang sinabi, “Pasensya na po, Boss. M-Malala ang paglalagas ng buhok ko nitong nakaraan.”“Walang problema,” Ang sagot ni Wilbur at nagpatuloy siya sa pagkain ng pasta.Nakatayo ng diretso si Faye habang mabilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung ano ang susunod niyang sasabihin o gagawin.Pagkatapos kumain ng dalawang subo, biglang lumingon si Wilbur at sinabi