Share

Kabanata 7.4

Kabanata 7.4

“Mama, ano na namang issue ‘to? Totoo bang nanakawan tayo? Totoo bang si Ate Arya ang nasa likod no'n?” sunod-sunod na tanong ni Dionne habang ibinababa sa mesa ang kaniyang bag at mga libro. Kagagaling niya lang sa university. Nag-cutting class sila ni Aiven nang mabasa nila ang kinasasangkutang issue ni Arya.

“Ano sa tingin mo, Dionne? Gumagawa lang ako ng kuwento? Totoong nanakawan tayo! Mabuti na lang at may CCTV dito sa bahay at may mga tumestigo laban sa babaeng ‘yon! Hindi rin ako makapaniwala na nagawa ‘yon ni Arya eh. Ibinalik niya ang perang ibinibigay ng kuya mo tapos sa isang iglap, naging magnanakaw siya. May malaki siguro siyang pangangailangan,” ani Divina. “Teka, hindi ba’t may klase ka? Anong ginagawa mo rito?”

“Nasaan si Ate Arya? Kumusta siya? Hinuli ba siya ng mga pulis?” Umupo si Dionne sa couch.

“Bantay-sarado siya ro’n sa company. Mabuti na lang at nandoon din si Chairman Fridman. Kahit papaano, may handang tumulong sa atin. Aalisin niya sa trabaho
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Edlyn Candido Lacse
naku divina hintayin mo ang ganti ni arya
goodnovel comment avatar
Nyl Zruc Aled Onitnom
more update plss nakaka excite ang susunod n manyayari
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status