(Jett Jamison Gray's Story) After being an obedient, caring, and martyr wife, Arya only ended up signing the divorce papers given by her husband. She had already given up hope that Damon Walton would reciprocate her feelings. She intended to vanish from their lives, but she came across something that reawakened the lioness within her. Now, she's back for vengeance, and she will make sure that everyone who lied and hurt her will suffer. After knowing Arya's real identity, Damon keeps on crawling to her feet, saying, "Arya, please come back to me. I'm going insane! I badly miss everything about you. Let's marry each other again." ~~~~~~~~~~~~ GRAY SERIES 1 ONE NIGHT LOVE (TAGALOG) BOOK 1, 2 and 3 - COMPLETED GRAY SERIES 2 ONE NIGHT DARKER (TAGALOG) - COMPLETED GRAY SERIES 3 LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN - COMPLETED
View More"What are you waiting for, Arya? Sign the divorce papers. I already put my signature on it. I want to accomplish all the legal procedures today." Damon looked at his reflection in the mirror and didn't turn his back to see Arya's reaction.
Hindi agad nakapagsalita si Arya. Titig na titig siya sa papel na nasa harapan niya partikular na sa pirma ng kaniyang asawa."If you're worried about your finances, I'll take care of that. You acted as my personal maid for the past three years so I guess, you deserve to have a separation pay. I-transfer ko na lang ang pera pagkatapos mong pumirma." Isinuot ni Damon ang kaniyang navy blue suit at rolex watch. His eyebrows, mustache and beard were trimmed to perfection. He looks elegant and refined as always."Personal maid?" Tumawa nang pagak si Arya. "Sabagay, mas maganda pa nga sana kung naging personal maid mo na lang ako eh. At least, may suweldo at mga benepisyo. I only got headaches and heartaches from this relationSHÍT."Damon smirked. "Alam mo ang lugar mo sa pamilya ko, Arya. Alam mo rin naman siguro na wala kang lugar sa puso ko."Ikinuyom ni Arya ang kaniyang mga kamay. Para siyang sinaksak ng matalas na punyal sa kaniyang puso dahil sa sinabing iyon ni Damon. Mahal na mahal niya ito sa kabila ng trato nito sa kaniya. Nais na niyang umiyak pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Nang maamoy niya ang pabangong ginagamit ni Damon kapag umaalis ito ay hindi na niya napigilang magtanong."Bihis na bihis ka, ah. May lakad ka?" Agad na pinahid ni Arya ang luhang pumatak sa kaniyang mga mata."I'm going to fetch Greta at the airport. Tapos ka na bang pumirma?" Tiningnan ni Damon ang kaniyang cell phone. He's expecting Greta's message.Huminga nang malalim si Arya. Hinawakan at itinaas niya ang divorce papers. "Paano kung hindi ko ito pirmahan?" Bumungad sa kaniya ang galit na mukha ng kaniyang asawa."Whether you like it or not, you need to sign it or else, sisingilin ko sa'yo ang lahat ng perang nagastos ko sa pagpapagamot sa kapatid mo! Hindi lang principal ang kukunin ko kung hindi pati na rin ang interest." Ngumiti si Damon. Alam niyang walang pambayad si Arya."Damon, hindi mo ba talaga ako minahal kahit kaunti lang sa loob ng tatlong taon nating pagsasama?" Basag na basag na ang boses ni Arya. Nagbabad'ya na naman ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Mayamaya pa ay umagos na nga ang masaganang luha sa kaniyang mga mata.Tumawa nang malakas si Damon. "Simula pa lang, sinabi ko na sa'yong si Greta lang ang mahal ko. Wait. Did you assume that I like you?" Muli siyang tumawa nang malakas. "Don't get me wrong. I just acted that I care for you out of pity. Ayaw mong mag-hire ng kasambahay dahil gusto mong gampanan ang tungkulin ng isang housewife. You even work for my company just to help and to impress me. I'm sorry, Arya. Employee at katulong lang talaga ang tingin ko sa'yo. In the first place, binili lang kita. So please, stop crying! Alam ko namang pera lang ng pamilya ko ang mahal mo at hindi ako." Tumaas ang itaas na sulok ng labi niya. Isang nakaka-insultong tingin ang ipinukol niya sa kaniyang asawa. "Gusto mo pa bang makarinig ng mas masasakit na salita mula sa akin bago mo pirmahan ang divorce papers na ibinigay ko sa'yo?"Umiling si Arya. Nanginginig man ang mga kamay ay pinirmahan din niya ang divorce papers."Enough. I already signed the papers. Umalis ka na sa harapan ko. Puntahan mo na si Greta." Tumigil na sa pagpatak ang mga luha ni Arya. She gave the accomplished divorce papers to her ex-husband. She gave up. Hindi na niya ipipilit pa ang kaniyang sarili kay Damon. Tapos na ang pagpapaka-martyr niya!Kumunot ang noo ni Damon bago niya kinuha kay Arya ang papel. He glanced at her face for the last time and he saw nothing. Wala na siyang maaninag na emosyon sa mukha nito."I thought you're in a hurry." Itinuro ni Arya ang pinto. "The door is already open." Tumaas ang dalawa niyang kilay."Pack your things." Damon typed something on his phone. "I already sent you the money. Now go. I don't want to see your face again."Nang makaalis si Damon ay saka lamang humagulhol ng iyak si Arya. Ibinigay niya ang lahat dito - oras, atensyon, pagmamahal, pag-aalaga, suporta at maging ang kaniyang puri. Halos linggo-linggong may nangyayari sa kanilang dalawa at alam niyang isa lang siyang bedwarmer sa paningin nito. Gano'n pa man, umasa pa rin siyang mamahalin nito pero wala. Paulit-ulit lang siyang nabigo. Paulit-ulit lang siyang lumuha. Kinuha niya ang litrato nito mula sa kaniyang wallet."Mahirap pala talagang magmahal mag-isa. Umasa akong mamahalin mo rin ako. Ang tànga-tànga ko 'no? Isinuko ko ang sarili kong pangarap para matulungan kitang palaguin ang kompanyang ipinamana sa iyo ni grandpa matapos nating ikasal. Pinagsilbihan kita araw-araw. Nag-aral akong magluto para sa'yo. Sinabayan kita sa bawat trip mo. Walang sawa akong nakinig sa mga hinaing mo sa buhay, sa mga kuwento mong paulit-ulit kapag lasing ka. Hindi ko na mabilang sa mga daliri ko ang mga bagay na nagawa ko para sa'yo. Mga bagay na akala kong hindi ko kaya pero kaya ko pala kasi hiniling mo. Nakakaputang.ina, Damon. Nakakagalit. Pakiramdam ko, nagtapon ako ng tatlong taon ng buhay ko! Kung pera lang ang habol ko, eh 'di sana matagal ko nang kinuha kung ano ang nararapat na para sa akin. Ang tangà-tangà ko. Nagpabulag ako sa pag-ibig." Pinahid ni Arya ang kaniyang mga luha. Naglakad siya patungo sa salamin at tiningnan ang kaniyang sarili. Nalipat sa kaniyang cell phone ang kaniyang atensyon nang tumunog ito. Tumatawag ang kaniyang dating obstetrician na si Dra. Santos.Two years ago, Arya got pregnant by Damon. They had a one-sided love marriage but her pregnancy somehow changed her husband into someone better. Pinagbintangan man siya ng pamilya nito na hindi isang Walton ang dinadala niya, kinampihan siya ni Damon. Ipinagtanggol siya nito laban sa kaniyang pamilya. Dahil sa sanggol sa kaniyang sinapupunan, naging masaya sila ni Damon hanggang isang araw, binawi ng langit ang kaniyang kasiyahan. Namatay ang kanilang anak. Nakunan siya! Simula noon, bumalik na sa dati nitong sarili si Damon. Itinuring siya nitong isang walang kwentang ina! Ibinunton nito sa kaniya ang sisi kung bakit namatay ang kanilang anak. Mas lalong lumayo ang loob ni Damon sa kaniya nang muling nagparamdam dito si Greta.Sinagot ni Arya ang tawag ni Dra. Santos.["I'm sorry, Mrs. Walton. Hindi na kaya ng konsensya ko kaya sasabihin ko na ito sa'yo. May nag-utos sa akin para patayín ang anak niyo ni Mr. Walton. I gave you an abortion medicine in your third month of pregnancy instead of vitamins. I'm ending my career as a doctor because of that. I'm very sorry, Arya. I want to help you pero ayokong madamay ang pamilya ko sa gulo at scandal na ito. Kaya pasensya ka na. Pangako, hinding-hindi na ako magpapakita sa'yo. Maglalaho akong parang isang bula."]"Wait. What do you mean, doctora? May nag-utos sa'yo na patayin ang anak ko? Hindi ito isang magandang biro, doctora." Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Arya, ngayon.["I have no time for jokes, Mrs. Walton. Someone paid me to kill your child. That's all I can say. It's up to you if you will believe me or not."]Umapoy sa galit ang mga mata ni Arya. "Bakit hindi mo sabihin sa akin kung sino ang tinutukoy mo, Dra. Santos? Isang inosente at walang kamuwang-muwang na sanggol ang pinaslang niyo! Magkano ang kailangan mo para tumestigo laban sa nag-utos sa'yo? Name your price, doctora. Ibibigay ko sa'yo kahit magkano pa 'yan," nanghahamong wika niya. Hinintay niya ang tugon ni Dra. Santos pero bigla nitong pinatay ang tawag.Sinubukang tawagan ni Arya ang mobile number ni Dra. Santos kaso out of reach na agad ito.Isang malakas na tawa ang kumawala sa bibig ni Arya matapos mag-sinked in sa kaniya na may foul play palang nangyari sa pagkamatay ng anak nila ni Damon. Halos dalawang taon din niyang sinisi ang kaniyang sarili sa pagkawala ng kanilang anak. Tinanggap niya ang galit at pang-iinsulto ni Damon at ng pamilya nito dahil buong akala niya ay nagkulang talaga siya at isa nga siyang pabayang ina!Huminto sa pagtawa si Arya. Muli niyang tiningnan ang kaniyang sarili sa salamin. Nangingilid ang kaniyang mga luha ngunit patuloy na nag-aapoy sa galit ang kaniyang mga mata."Arya Walton is dead. Hindi na ako ang mahina, uto-uto at inosenteng Arya na kilala niyo. Lahat ng nang-api at nanapak sa akin ay babalikan ko. Aalamin ko kung sino ang nag-utos kay Dra. Santos na patayin ang anak ko at sa oras na malaman ko kung sino ang demonyong 'yon, pagsisisihan niyang binuhay pa niya ako!" ani Arya bago tuluyang umalis ng mansyon.Kabanata 116 - ANG PAGWAWAKAS“JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia.“Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya.“Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan.Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.”Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi.Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito."Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay."How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman ang mga turo namin sa'yo?” biro naman ni Jac
Kabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog saradong si Damon.“Arya, bakit mo
Kabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig nito.“Who told you to stand, Mrs.
Kabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISANG INA KAPAG NASASAKTAN ANG KANI
Kabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa ay hindi niya mapigilang maiyak
Kabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at itinaas niya ito, para mapansin ng
Kabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na pawis ni Denver mula sa kaniyang
Kabanata 109 “Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage. “Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa. “Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’ “Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon. “Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!" Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip. Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki ang kaniyang mga mata at ag
Kabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and humiliation!’ Napalingon si Mar
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments