Kabanata 13.3“P’wede ba Divina, stop walking back and forth. Naliliyo na ako sa’yo,” reklamo ni Denver. Nakauwi na sila sa kanilang mansyon. Hindi pa rin mawala ang galit niya sa kaniyang asawa pero kaya niya itong isantabi dahil may mas mabigat silang kinakaharap na problema sa ngayon.“The nerve of that woman! She’s an introvert and she’s weak! How did she manage to do all of these shiTs?” Divina massaged her forehead.“Ikaw ba naman ang magkaroon ng boyfriend na halos kasing yaman ng mga Armani eh. Paanong hindi lalakas ang loob mo? Maraming tao talaga ang nababago ng pera at isa na si Arya roon. Sa tingin ko, hindi talaga siya kasing hinhin at kasing hina ng inaakala natin. Look at her now. She transformed into a sophisticated and elegant woman. Mas lalong lumitaw ang ganda ni—”“STOP COMPLIMENTING THAT BiTCH!” Divina yelled.Itinaas ni Denver ang dalawa niyang mga kamay, tanda ng pagsuko sa kaniyang asawa.Kumunot ang noo ni Divina. “I knew it! Simula nang mawala ang babaeng ‘yo
Kabanata 13.4“Detective, p’wede ba akong humingi ng pabor?” tanong ni Damon habang naglalakad sila patungo sa BJMP transport vehicles.“Ano ‘yon, Mr. Walton?” tugon ni Detective Larry.“P’wede mo ba akong ilagay sa presinto kung saan naroroon si Dr. Santos?” Huminto saglit sa paglalakad si Damon at tumingin nang direkta sa mga mata ni Detective Larry. “Pakiusap,” aniya.“Bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi ako sigurado kung papayag ang nakatataas sa hiling mo pero susubukan ko.” Nagulat si Detective Larry nang biglang hinawakan ni Damon ang kaniyang dalawang kamay.“Tatanawin kong utang na loob kung mapagbibigyan mo ako sa hiling ko, detective. Wala na akong malaking halaga ng salapi pero kapag nakalabas na ako ng kulungan matapos ang isang buwan, sisiguraduhin kong makakabawi ako sa’yo. Mawawalan ng saysay ang lahat ng mga ginagawa ko kung hindi mo ako madadala kung nasaan si Dr. Santos.” Bakas na bakas ang sinseridad sa mga mata ni Damon.“Si Dr. Santos ba ‘yong nakulong dahil sa m
Kabanata 13.5“Damon Walton, may bisita ka!”Agad na pinalabas ng mga jail guards si Damon nang marinig nila ang sigaw ng kanilang warden.Puro pasa ang mukha ni Damon. Napagtulungan kasi siya ng mga kasama niya sa loob nang malaman ng mga ito ang dahilan kung bakit siya nakulong. Lambot na lambot siya habang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa kaniya. Dumudugo pa ang kaniyang labi habang kinakaladkad siya ng mga jail guards. Mabilis niya iyong pinahid. Nawala ang pananakit ng katawan niya nang makita niya kung sino ang bisita niya.“Digger?”“Finally, na meet ko rin ang isa sa highest payor at top depositor ng bangko ko. Kumusta?” Si Daven Verrano Costello also known as “DC” and “Digger” ay isang malupit at walang-awang boss ng mob o mafia. Ang kaniyang pagkakakilanlan ay lingid sa nakararami. Bilang lamang sa mga daliri ang mga taong nakakaalam tungkol sa kaniyang tunay na pagkatao at isa na roon si Damon.Umupo si Damon sa kabilang upuan. Nakaharap siya kay Daven. “May pr
Kabanata 13.6“Babe, it’s been a long time since we go shopping together. Free ka ba ngayon?” Kinamot ni Jett ang kaniyang ilong at marahang nag-angat ng tingin kay Arya. Halos masamid siya nang mahuli niyang nakatingin na ito sa kaniya.Hinaplos ni Arya ang likod ni Jett. Kumakain kasi ito ng takoyaki habang lumalaklak ng paborito nitong milktea. “Ayos ka lang ba?”Ngumibit si Jett. “Kanina mo pa ba akong pinagmamasdan?”“Napatingin lang ako sa’yo. Mukha ka kasing hindi kumain magdamag,” natatawang tugon ni Arya. “Sunod-sunod ba naman ang pagsubo. Dahan-dahan kasi.”Ngumisi si Jett. “Sabagay, mas masarap nga kapag dahan-dahan ang pagsubo.”Tumaas ang isang sulok ng labi ni Arya. “Bastos ka talaga!”“Hindi ako bastos. Sadyang kulay berde lang talaga ang utak mo.” Tumawa si Jett. Muli siyang uminom ng milktea. Nang aalisin na ni Arya ang kamay nito sa kaniyang likod ay agad niya itong hinawakan. “Arya…”Nailang bigla si Arya sa mga titig at paghawak ni Jett sa kamay niya. “Ba-Bakit?”“
Kabanata 13.7Pinasadahan ng tingin ni Jett si Arya mula ulo hanggang paa. Ngumuso siya. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Magpalit ka kaya muna ng damit bago tayo magpunta sa store ng kapatid ko?”“Ano bang mali sa suot ko? Okay na ‘to sa akin.” Pinagpagan ni Arya ang oversized t-shirt niya. Nagtalsikan ang mga gabok mula roon.“Kung alam ko lang na dadaan muna tayo sa site bago pumunta sa clothing store ni Diana, eh ‘di sana, pinagbaon kita ng damit. Hindi ko akalaing nagbubuhat ka rin ng mga CHB at semento. Ibang klase ka talaga,” ani Jett.“Tinulungan ko si Lolo Rudy kanina habang binibilhan mo sila ng lunch. Kawawa naman eh. Biruin mo senior citizen na siya pero nagtatrabaho pa rin siya ng mabigat. Inalok ko siyang magtrabaho sa isa sa mga restaurant namin kaso tinanggihan niya. Okay na raw siya sa construction.” Bumuntong hininga si Arya. “Binibigyan ko siya ng pera pero ayaw niya ring tanggapin. Ang sabi pa niya, mas kailangan ko raw ang pera dahil mas bata pa ako sa kaniya.
Hi! It's been a busy week for me. Ikinasal ang kinakapatid ko this week tapos this week din, nalaman kong buntis ako sa pangalawa kong anak. Sad to say, I need to clear out my mind and to avoid pressure since maselan ang pagbubuntis ko po. Six weeks pa lang si baby and I need to prioritize my health and my well being since sakitin ako (actually, nag-me-maintenance na ako at age 28). I'll be gone and I'm not sure kung kailan ako makakabalik sa pagsusulat.Sa ngayon, health ko at ng baby ko muna. Mauunawaan ko po kung iiwan niyo ako at aalisin niyo sa library ang books kong on going (Longing for my Ex-Wife's Return at One Night Darker (Tagalog) dahil nagkulang naman talaga ako sa inyo. Sa mga maghihintay naman po sa akin, MARAMING MARAMING SALAMAT PO.Once na maging stable na kami ni baby, I'll be back. Magugulat na lang po kayo kapag nag notif si GoodNovel na may update na ako.Thank you and God bless.Sincerely Apologizing,Docky
"What are you waiting for, Arya? Sign the divorce papers. I already put my signature on it. I want to accomplish all the legal procedures today." Damon looked at his reflection in the mirror and didn't turn his back to see Arya's reaction.Hindi agad nakapagsalita si Arya. Titig na titig siya sa papel na nasa harapan niya partikular na sa pirma ng kaniyang asawa."If you're worried about your finances, I'll take care of that. You acted as my personal maid for the past three years so I guess, you deserve to have a separation pay. I-transfer ko na lang ang pera pagkatapos mong pumirma." Isinuot ni Damon ang kaniyang navy blue suit at rolex watch. His eyebrows, mustache and beard were trimmed to perfection. He looks elegant and refined as always."Personal maid?" Tumawa nang pagak si Arya. "Sabagay, mas maganda pa nga sana kung naging personal maid mo na lang ako eh. At least, may suweldo at mga benepisyo. I only got headaches and heartaches from this relationSHÍT."Damon smirked. "Alam
"Who said that we can't marry each other, Greta? I am now a free man." Inalis ni Damon ang wedding ring nila ni Arya sa kaniyang daliri."That fast? Processed na agad ang divorce papers niyo?" Greta couldn't help but smile."Hindi pa. Ipapadala ko pa sa lawyer ko sa States para masimulan ang proseso. If you want to see her signature on it, here." Tumayo si Damon at kinuha sa kaniyang case ang pirmadong divorce papers. Iniabot niya iyon kay Greta."I didn't expect that you could do this in just a day. Paano mo siya napapayag?" manghang tanong ni Greta."Kahit bihisan mo ang isang daga, daga pa rin ito. I told her that she needs to pay every cent that my family spent on his sick brother IF she will not sign the papers. She's poor so…"Mabilis na hinalíkan ni Greta sa labi si Damon. "You are cunning but I love it! Hanggang ngayon pala eh paniwalang-paniwala ang babaeng 'yon na ang mga Walton ang nagpagamot sa kapatid niya! Another thing, matalino ang desisyon mong sa America kayo nagpak