Share

CHAPTER 11

Amethyst's POV

Nakakaramdam ako ng pagtapik sa pisngi ko.

Sa una ay 'di ko iyon pinapansin. Hanggang ang tapik na iyon ay naging nang alog at yugyog.

"Ate, ate, gising na." Napamulat ako at nakita ko na si Crystal pala ang yumuyugyog sa akin at ginigising ako.

Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko para medyo luminaw ang paningin ko.

"Oh, bakit?" inaantok na tanong ko pa rito dahil kusa pa ring bumibigat ang talukap ng mga mata ko kaya pumikit ulit ako.

"Ate, sa 'yo muna raw ako hihingi ng baon sabi ni mama," sabi nito sa nahihiyang tinig.

Kumunot naman ang noo ko dahil dito.

"Ba't parang nahihiya ka?" natatawang tanong ko rito. Hindi ito sumagot kaya napailing na lang ako.

Nakapikit na kumuha ako ng pera sa pitaka ko na nasa ilalim ng unan ko at inabot iyon sa kan'ya.

"Wow naman, ate!" Nabigla ako sa naging reaksyon nito kaya napamulat ako.

Nagulat ako dahil one thousand pesos ang binigay ko sa kan'ya.

<
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status