My Teacher turned My Wife

My Teacher turned My Wife

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-10-29
Oleh:  castrojasmin4Baru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
7Bab
10Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

NANGAKO ANG ESTUDYANTE, TUTUPARIN NG BINATA. SINGLE PA KAYA SI MA'AM PAGBALIK NG JAPAN? Si Ma'am Cara Del Valle, isang good girl at dedicated na guro, kilala sa pagiging strikto pagdating sa bawal na pag-ibig sa loob ng eskwela. Sa huling araw niya bago magpunta ng Japan, isang estudyante ang naglakas-loob na umamin — si Noah, ang binatang matagal na siyang may lihim na pagtingin. Tinanggihan siya ni Cara. "Estudyante pa rin kita." Pero bago siya umalis, nangako si Noah: "Kapag bumalik ka at single ka pa, liligawan kita." Akala ni Cara, isang biro lang yun. Hanggang sa bumalik siya makalipas ang sampung taon — hindi na bilang guro ni Noah, kundi bilang babaeng muling mahuhulog sa dati niyang estudyante. Isang forbidden love na puno ng comedy, selos, at sweet love. Pero sa likod ng kilig, may sugat ng nakaraan na kailangang patawarin. Kaya ba nilang ipaglaban ang bawal na pag-ibig, o hanggang pangako lang ang lahat? Paano kung ang guro na dating tumatanggi, siya na ngayong magiging asawa?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1: Ang Pangako

Huling araw ko na sa San Isidro High.

Isang taon lang akong nagturo dito bilang SHS teacher ng 11-HUMSS, pero parang isang dekada na ang pakiramdam. Dito ko unang naranasan maging adviser, dito ako unang naiyak dahil sa dami ng checking, at dito ko unang nakilala ang pinakamagulong section na naging pamilya ko.

Si Ma'am Cara Del Valle. 26 years old. Good girl. Principled. At may isang rule na hindi ko kailanman sinira: Bawal ang teacher at student. Kahit anong mangyari.

Kaya nga hindi ko in-expect na sa mismong huling araw ko pa mangyayari ang ganito.

Nag-aayos na ako ng mga gamit ko sa faculty. Isang maleta lang ang dadalhin ko papuntang Japan. Doon na kasi magtatrabaho ang kapatid ko at kukunin niya ako para mag-caregiver muna habang nag-aaral ng Nihonggo. Sampung taon ang kontrata. Sampung taon na malayo sa Pinas.

"Ma'am Cara."

Lumingon ako. Si Noah Ramirez.

18 years old. Katatapos lang ng graduation nila last week. Dati naka-oversized uniform lang siya na laging gusot, ngayon naka-white polo na siya at maong, mas matangkad pa sa huling alala ko. May hawak siyang maliit na paper bag na kulay brown.

"Noah? Anong ginagawa mo pa dito? Tapos na graduation niyo ah. Dapat nasa bahay ka na at nag-eenjoy."

Ngumiti siya, pero kita ko sa panga niya na kinakabahan siya. Yung pilyong ngiti na lagi niyang ginagawa pag nahuli kong kumakopya siya, wala.

"Gusto lang kitang makausap, Ma'am. Bago ka umalis. Hindi na kasi ako makakatulog pag hindi ko nasabi."

Binigay niya yung paper bag. Binuksan ko. May lamang puting panyo na may burdang C sa gilid. Maayos ang pagkaburda, halatang kamay ng nanay niya.

"Panyo?"

"Sabi ni Mama, pang-swerte daw sa mga papuntang Japan. Para daw hindi ka malungkot. Para maalala mo kami... ako."

Hindi ko mapigilang mapangiti. Si Noah ang pinaka-pasaway sa klase, pero siya rin ang pinaka-malambing pagdating sa ganitong bagay. Siya yung tinulungan ko nung nagkasakit siya sa retreat namin sa Tagaytay, yung binantayan ko hanggang bumaba lagnat niya. Simula nun, naging close siya sakin, pero akala ko hanggang pangangamusta lang.

"Thank you, Noah. Iingatan ko to."

Tumahimik siya ng ilang segundo. Tapos huminga siya ng malalim, parang nag-iipon ng lakas ng loob.

"Ma'am, gusto kita."

Parang may tumigil sa paligid ko. Yung ingay ng electric fan sa faculty, biglang nawala.

"Noah... ano?"

"Gusto kita, Ma'am Cara. Hindi lang bilang teacher. Gusto kita bilang babae. Matagal na. Simula nung tinulungan mo ako. Simula nung tinawanan mo yung jokes kong corny pero nakinig ka pa rin."

Agad akong umatras ng isang hakbang. Kailangan kong maging Ma'am Cara ngayon, hindi si Cara.

"Noah, makinig ka sakin. Alam kong mataas ang emosyon mo ngayon kasi grumaduate kayo, aalis ako. Pero estudyante kita. Parang nakababatang kapatid lang tingin ko sa'yo. Hindi pwedeng romantic. Hindi tama. At bata ka pa, 18 ka pa lang, marami ka pang makikilala na ka-age mo."

Akala ko matatapos dun. Akala ko maiintindihan niya. Pero ngumiti siya. Yung ngiting sigurado, yung ngiting nakakainis kasi alam mong hindi mo siya matatalo sa titigan.

"Kaya nga maghihintay ako, Ma'am."

"Maghihintay saan?"

"Sa pagbalik mo. Sabi mo 10 years ka sa Japan, di ba? Maghihintay ako ng 10 years. Pagbalik mo dito, pag single ka pa rin, liligawan kita. Hindi na ako estudyante mo nun. 28 na ako nun, Ma'am. Hindi mo na ako pwedeng tanggihan gamit yung teacher card mo."

Napanganga ako. Seryoso ba ang batang to?

"Noah, hindi mo alam sinasabi mo. 10 years yun! Makakalimutan mo lang ako. Magkaka-girlfriend ka, mag-aasawa ka. Bata ka pa."

"Hindi, Ma'am. Kilala ko sarili ko. Kapag gusto ko, gusto ko. At ikaw ang gusto ko. Wala akong pake kung gaano katagal. Basta pagbalik mo, single ka dapat."

Bago pa ako makasagot, tumunog ang phone ko. Text ng kapatid ko: "Cara, nasaan ka na? 3 hours na lang flight mo. Nasa NAIA na kami."

Kailangan ko nang umalis. Kinuha ko ang maleta kong kulay pink na may dilaw na ribbon — regalo ng nanay ko.

"Noah, kailangan ko nang umalis. Salamat sa panyo. Mag-aral kang mabuti sa college ah?"

Tumango siya. Pero bago ako makatalikod, hinabol niya ako ng isang linya.

"Ma'am! Wag kang magbo-boyfriend ng Hapon ha? Workaholic mga yun tsaka... maliit ang ano! Hintayin mo ako!"

Nanlaki mata ko, tapos hindi ko mapigilang matawa ng malakas. Kahit kailan talaga, kahit seryoso na, nagagawa pa ring magbiro ng batang to.

"Ewan ko sayo, Noah Ramirez! Magtino ka!"

Sumaludo siya, parang sundalo.

"Yes, Ma'am Cara! Tandaan mo ah! Single ka dapat pagbalik mo! Pangako yan!"

Yun ang huling narinig ko. Yung boses niyang malakas, puno ng pangako, habang hinihila ko ang maleta ko palabas ng San Isidro High.

Akala ko, isa lang yung biro na makakalimutan namin pareho paglipas ng panahon.

Hindi ko alam, yung pangakong binitawan niya sa huling araw ko, tutuparin pala niya sampung taon ang lumipas — sa mismong airport kung saan ako bumalik na single pa rin.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
7 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status